webnovel

Chapter 13

Ang nakaraan:

Bumagsak ang eroplanong sinasakyan nila Diane at Trinity. Nakagat si Diane sa braso dahil hinarang niya ang kanyang sarili para siya ang makagat at hindi si Trinity.

ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 13

Miracle

"Umakyat ka sa puno kapag naging zombie ako ah" Nakangiti kong sabi para hindi na siya umiyak.

Inayos ko yung suot ko helmet... May nakita kasi akong helmet kaya sinuot ko para kung sakaling maging zombie ako ay hindi ko siya makakagat... May nakita rin akong gloves kaya hindi ko rin siya makakalmot.

"O-opo" Garalgal parin niyang sabi.

*Tin* Tin* *Tin* *Tin*

Napatingin ako sa relos ko dahil tumunog na, senyales na tapos na ang 20 minutes.

Nag-antay ako ng ilang minuto pero wala paring nangyayari.. Kabadong kabado ako ngayon dahil hindi ko alam kung kailan ako magiging zombie

Idagdag mo pa ang sakit ng braso ko dahil sa kagat. Suot ko na ang archery guard ko kaya hindi na halata ang kagat ko.

"Maglakad na muna tayo" sabi ko kay Trinity na nasa harapab ko... Tumango naman siya at nauna nang maglakad habang pinupunasan ang luha niya.

Lumipas ang buong araw at gabi na ngayon pero hindi parin ako nagiging zombie.

Minsan ay iniiwanan ko saglit si Trinity sa taas ng puno dahil kailangan kong tumakbo dahil sa heat warning... Pahirapan rin kami kumain at medyo malayo siya sakin dahil pinapalayo ko siya, baka kasi habang kumakain ay bigla akong maging zombie.

"Trinity, hindi muna tayo magkatabing matulog" mahinang sabi ko sa kanya... Nakaupo kaki ngayon sa taas ng puno habang nakatanaw sa mga bituin... Alam kong wala kami sa Pilipinas dahil may mga puno at magagandang tanawin kaming nakita habang naglalakad na wala sa Pilipinas.

"Huh? Saan ka po matutulog?" Taka niyang tanong... Hindi narin siya umiiyak pero lagi siyang nakatingin sakin... Nung tinanong ko siya kung bakit niya ako tinitingnan... Ang sagit niya ay dahil baka iwanan ko siya bigla.

"Sa kabilang puno" turo ko sa katabing puno namin "Baka kasi habang natutulog tayo ay maging zombie ako kaya kailabgan natin maghiwalay ng tulugan... At para mas safe ay sa kabilabg puno ako."

"Pero iisa lang po ang hammock natin" nag-aalala niyang sabi.

"Kaya ko namang matulog kahit walang hammcok" nakangiti kong sagot.

"Sigurado po ba kayo Ate Diane?" Paninigurado niya.

"Oo, marunong ka namang magkabit ng hammock diba?"

"Opo! Magaling po kasi ang nagturo sakin hihihihi... At ikaw po yun" turo niya sakin.

"HAHAHAHA nambola ka pa... Oh siya, panoorin nga kita." Sabi ko at nilabas ang hammock sa bag, inabit ko sa sakanya.

Nakabgiti naman niyang tinanggap at umakyat pa sa mas mataas na bahagi ng puno... Maingat niyang kinabit ang hammock at pumalakpak ng matapos na niya.

"Oh diba Ate Diane! Marunong ako hihihihi" hagikgik niya.

"HAHAHAHA wala naman akong sinabi na hindi ka marunong" nakangisi kong sabi.

"Matulog ka na diyan Trinity... Kailangan ko ng tumakbo okay?" Nakangiti kong tanong.

"Just promise me that you'll come back to me" Sabi ni Trinity habang nakatingin sakin... Alam kong hindi niya nakikita anh mukha ko pero nakikita niya siguro ang mata ko dahil naka tingin siya ng deretso sakin.

"I promise" Sagot ko sa kanya.

"Okay, I will wait here until you come" nakangiti niya sabi sakin habang nakaupo sa hammock.

"Sige, mabilis lang ako" sagot ko at nagsimula ng tumakbo papaikot sa area kung nasan kami ni Trinity... Kung dati ay naghahanap lang ako ng pagkain, pati ngayon ay kailangan ko na rin i-check kubg may zombie.

Bumalik narin ako makalipas ng isang oras... Hindi ko kayang tumakbo ngayon ng matagal gaya ng nakasanayan ko.. Nag-iinit kasi ang katawan ko na para akong lalagnatin... Nanlalabo rin ang paningin ko kaya hindi ako maka takbo ng maayos.

Sumasakit rin ang katawan ko kaya hindi ako masyado gumagalaw... At ang nakakapagtaka ay hindi parin tumitigil sa pagdudugo ang sugat ko... Dati ay pagkalipas ng ilang oras ay titigil na ang sugat ko sa pagdudugo pero ngayon ay hindi parin.

May mga nakakasalubong kaming mga zombie pero mabilis ko rin napapatay dahil hindi naman sila kasing bilis ng agile.

Pagdating ko sa puno kung saan nakalagay ang hammock ni Trinity ay nakita ko siyang nakatingin sakin kaya ngumiti ako sa kanya... Kumaway siya sakin.

"Matulog ka na, Maaga pa tayo aalis bukas" sabi ko.

"Walang good night kiss?" Nakanguso niyang sabi habang ang baba niya ay nakapatong sa gilid ng hammock.

Natawa akp "Wala muna sa ngayon... Good night my baby" sabi ko at nag flying kiss.

Siya naman ang tumawa at nag flying kiss din.

"Good night my ate Daine." Sabi niya bago siya humiga.

Napangiti nalang ako at pumunta sa katabing puno... Umakyat ako at sumandal... Ang tigas HAHAHAHA, hindi ako sanay.

Naninibago parin ako dahil sa bigat ng ulo dulot ng helmet na suot ko.

'Hayss, ilang araw nalang kita makakasama Trinity'

~~~~~

Ito na ang ika pitong araw ko... Ang panghuling araw ko... Marami kami pinagdaanan ni Trinity sa loob ng pitong araw.

Una sa lahat ay hindi kami sanay sa klima ng lugar na ito... Kailangan mag jacket ni Trinity dahil sa lamig... Ako naman ay hindi na kailangan ng jacket dahil hindi naman ako nilalamig, dulot siguro ng init ng katawan ko.

Hindi ko alam kung bakit nanlalabo ang mga mata ko... Siguro ay dahil magiging zombie na ako?

Hayss, hindi ko alam kung ano talaga ang nangyayari sakin... Hindi ko naman matanong sila Lola Ding at Lolo Dong dahil hindi sila nagpapakita sa panaginip ko... Kahit tinatawag ko na sila hindi sila nagpapakita.

~~~~

Lumipas ang isang buwan at hindi talaga ako naging zombie... Nakatanggal narin ang helmet ko at gloves dahil hindi narin naman kailangan.

Sobrang nagtataka nga ako dahil hindi ako naging zombie... May mga napapansin rin akong mga pagbabago sa katawan ko.

Tumalas lalo ang pandinig ko, mas lalong luminaw ang mga mata ko, lalo akong bumilis at tumalas ang reflex ko.

Nalaman ko yun nung may sumugod samin ni Trinity na cougar... Nagulat nga ako dahil ang bilis kong mag react nang may sumugod samin.

Magaling narin ang bite mark ko, gaya ng una ay naging silver scar ito... Bale dalawa na ang silver scar ko.

"Ate Dine may kalsada oh! Meron ring bahay." Biglang sabi niya.. Tiningnan ko yung tinuturo niya at oo nga, may bahay. Nakaramdam ako ng tuwa at kaba.

Tuwa dahil baka may tao pa sa loob... At kaba dahil baka zombie ang nasa loob.

Tiningnan ko ang nakasulat sa taas...

...Chatanika Lodge.

Huh? Saang lugar na ba talaga kami napadpad?

"Trinity, umakyat ka muna sa puno... Sesenyas ako kapag safe na sa loob."

Tumango siya at mabilis na tumakbo papunta sa pinakamalapit na puno... Ako naman ay hinugot ang katana ko habang mabagal na naglalakad.

Hindi ako masyado makapag focus dahil sumasakit ang katawan ko at nanlalabo ang paningin ko.

Pipihitin ko na sana ang pinto ng may maisip ako... Pano kung pag pasok ko ay may zombie pala sa loob?

Napangisi ako at lumapit sa pinto... Kumatok ako ng tatlong beses... "Hello?" Tawag ko pero walang sumasagot.

Base sa pinapakita sa balita ay nag rereact ang zombie sa tunog. Kaya kung may marinig silang tunog ay pupuntahan nila.

Kumatok ulit ako ng ilang ulit pero wala talaga kaya nagsimula na akong tingnan ang bintana.... Inikot ko ang buong bahay bago pumunta ulit sa pintuan ng makita kong walang zombie sa loob.

Dahan dahan kong pinihit ang pinto habang hawak ko ang katana ko... "Hello? May tao ba diyan?" Sigaw ko... Buti nalang ay may mga kortina kaya my kadiliman rin.

Nilibot ko ang buong bahay... Nang masigurong walang zombie ay mabilis akong pumunta kay Trinity.

"Halika... Baba ka na diyan, walang zombie sa loob." Yaya ko sa kanya.

Maingat siyang bumaba habang ako naman ay nakaalalay sa kanya kasi baka madulas siya bigla at mahulog... Nakababa naman siya ng ligtas at ako na ang nagpagpag ng likod niya.

Medyo mahirap nga umakyat sa mga puno dito dahil kakaiba ang mga puno dito... Mga matatas ang puno dito, hindi kami sanay ni Trinity.

Sabay kaming pumasok sa loob ng bahay... Isinarado ko maigi ang pinto dahil baka may pumasok biglang zombie.

Pumunta kami sa kusina at binuksan ang kabinet na nandun... May nakita kaming mga pagkain at can foods... Nagluto kami at nag saing para may makain kami... Buti nalang talaga may gas pa.

Kumakain kami ni Trinity ng may marinig akong sasakyan mula sa malayo... Sinubukan kong huwag pansinin dahil baka guni guni ko lang pero palakas ng palakas kaya tumigil ako sa pagkain.

Takang napatingin si Ttinity sakin... "May kotseng paparating" sabi ko sa kanya.

Mabilis namin inubos ang pagkain bago namin ayusin ang mga gamit namin... Nilagay namin lahat ng pwedeng kainin sa bag at mga mineral bottle.

Sinuot ko na ang helmet ko bago kami pumunta sa pinto.

"Ako muna ang lalabas. Sesenyas ako kapag lalabas ka na" sagot ko sa kanya... Tumango siya sakin.

"Mag-ingat ka po" sabi niya sabi niya... Tumango ako sa kanya.

Lumabas ako ng pinto, sinarado ko ang pinto at nakita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin siya sa bintana... Nakatayo lang ako sa pinto habang hinihintay silang dumaan.

Una kong nakita ay isang trailer truck, kasunod ay mga kabayo na may mga nakasakay na mga tao.

Marami rami rin sila... May solar power trailers din sila pero mukhang luma... Na boboring na ako dahil wala pa sakin nakakakita.

Mga bulag naman toh, hayss.

Maya maya ay may nakakita saking babae... Gulat na gulat siyang tinuro ako kaya napatingin rin sakin yung iba... Lahat sila ay iisa lang ang reaction.. GULAT SILA.

May mga naglabas ng mga armas pero mga nakatago... Yung isang babae ay nakahawak na sa crossbow niya pero hindi naman niya nilabas... Yung isa ay nakahawak na sa throw knife nya.. gayun rin ang iba. Pero mabuti nalang ay hindi nila sakin pa tinatapat.

"Is she a zombie?"

"We don't know, who is she?"

"Justine, why don't you talk to her? After all, you are the most handsome of us all HAHAHAHA."

Rinig kong mga bulungan nila... May isang lumapit saking lalaki... Siguro ay siya ang leader sa kanila.

Nakita ko sa mga galaw nila na kabado sila dahil baka ambushin sila... Nang malapit na sakin ang tinatawag nilang justine ay sumenyas ako na lumabas na siya... Napangisi ako sa reaction nila ng bumukas ang pinto at lumabas ang isang cute na baby ko.

Lumingon ako kay Trinity at kinindatan siya... Ang ibig sabihin ay pumunta siya sa likod ko para mag tago.

Mabilis tinago ng mga nakasakay sa kabayo at trailer truck ang mga armas nila ng makita si Trinity... Rinig ko ang mga singhap at gulat sa kanila... Napatingin ako kay justine, nakahinto siya habang nakatingin samin. Gusto kong matawa dahil palipat lipat ang tingin niya samin.

Mabagal na siya ngayon naglakad samin... Naramdaman ko rin ang pag higpit ng kapit ji Trinity kaya tumaas ang init ng katawan ko.

Naka ready na ako kung sakaling atakihin nila kami.

Huminto siya nang nasa tapat ko na siya.

"I'm justine" sagot niya at nilahad ang kamay niya.

"I am Diane and she is Trinity" turo ko sa likod.

"Can I ask where you are from?" He said

"We came from the Philippines but while on the trip our plane crashed." Simpleng sagot ko. "Can I ask what country we are in?"

"We are in Canada" medyo nagulat ako sa sagot niya dahil ang layo pala namin sa Pilipinas. "Do you want to join us in the settlement?" Tanong niya.

Tumingin ako kay Trinity, naawa ako sa kanya dahil lago nalang kaming gumagala sa gubat.

"Ano sa tingin mo Trinity?" Tanong ko sa kanya... Nakita ko naman nagtaka si Justine... Hindi siguro naintindihan yung sinabi ko.

"Kayo po nalang ang mag desisyon" sagot niya.

Huminga ako ng malalim at humarap kay justine.

"All right, we will come with you" Nakangiti kong sabi.

"We are happy to be with you and Trinity." Nakangiti niyang sabi. "Come on, follow me."

Sumunod naman kami sa kanya... Napabuntong hininga nalang ako at hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Trinity.

Sana, tama ang desisyon ko.

★★★★

Abangan: Saan sila pupunta?

Author note: Hello guys! Sorry dahil late update ako! Sana ma-enjoy niyo ang chapter na ito!