webnovel

Chapter 11

Ang nakaraan:

Dumating ang mga magulang ni Diane sa Sancturay. Habang nag-uusap sila ay siyang dating naman nang Presidente ng Pilipinas. Nakiusap sa kanila ang Presidente na payagan si Diane na sumama sa sasanayin para makipaglaban sa zombie. Tumutol nung una ang pamilya ni Diane pero napapayag rin sa bandang huli.

ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 11

Plane Crash

"Saan po ba tayo pupunta?" Tanong ko kay Mama na nasa passenger seat.

Nasa kotse kami ngayon, katabi ko si Trinity sa backseat at samantalang si Papa naman ang driver.

"Sa Hospital anak, kailangan i-check ang buong niyong katawan dahil kailangan yun bago kayo umalis bukas. Para malaman narin kung may sakit ba kayo, lalo ka na Diane. Araw-araw ka nalang tumatakbo. Pagkagising, tuwing hapon, pati narin bago ka matulog." Mama

Dalawang linggo narin ang nakalipas simula nung pumunta ang Presidente sa bahay nila Lola. Sa loob ng dalawang linggo ay maraming nangyari. Nakuwi narin pala ako sa Maynila kasama si Trinity, naninibago parin sila Mama at Papa sakin dahil araw-araw akong tumatakbo.

Hindi ko sinasabi sa kanila ang tungkol sa heat warning dahil alam kong maguguluhan lang sila. Wala rin silang alam tungkol sa kagat ko, pero mukhang kailangan ko na itong ipakita mamaya sa kanila dahil baka mapagkamalan pa nila akong nakagat ng zombie.

Naninibago rin ako dahil halos lahat ng dadaanan namin ay may mga pulis at sundalo. Siguro ay dahil sa zombie kaya naka high alert ang Pilipinas.

"Bakit ba lagi mong dala ang mga yan?" Turo niya sa mga armas. "Lahat ng nadadaanan mo Diane ay natatakot dahil may dala kang mga ganyan. Bakit hindi mo hubarin? Para naman makakilos kang maigi"

"Huwag niyo nalang po pansinin ang mga taong yun. Tiyaka pinayagan naman po ako ng Presidente na magdala ng mga gantong bagay." Turo ko sa mga dala ko.

Napatingin ako kay Trinity na nakasandal sa balikat ko habang nakapikit. Alam kong hindi siya natutulog at nakikinig lang samin.

Sinuot narin niya ang belt hostler niya. Dala-dala niya si Coolet, ang katana niya at pati narin ang sarili niyang T.B knife.

Suot rin niya ang archery guard at quiver niya sa hita. Ewan ko pero alam kong hindi lang basta basta yung quiver na binigay samin ni Lolo Dong, dahil kahit tumatakbo ako ay hindi nahuhulog ang mga palaso. Kahit nga nung tinaob ko yung quiver, hindi nahulog yung mga palaso.

Sinabi ko rin sa kanya na kaya ko alam kung bakit may masamang mangyayari ay dahil binalaan ako ni Lolo Dong at Lola Ding na may masamang mangyayari.

Palagi rin kaming nanonood ng news sa tv, lalo na kapag tungkol ito sa zombie.

Isa sa mga palatandaan ng zombie ay kulay pulang mga mata. Nagiging pula daw ang mga mata sa oras na kumalat na ang virus sa buong katawan mo.

Bigla ko tuloy naalala si Lola Ding at Lolo Dong. Pula ang mga mata nila pero hindi naman sila zombie. Ano kaya sila?

Napabuntong hininga ako. Nakakaramdam din ako ng kaba dahil sa mga binabalita tungkol sa mga nakakagat.

'If you are bitten by a zombie, you only have 20 minutes before you become one of them. But some people take up to 7 days before they turn into a zombie.'  Yan ang mga naririnig ko sa balita.

Gusto ko na ngang umatras kaso alam ko namang para sa mundo ito. Meron din ako ibang alam tungkol sa zombir.

There are 2 types of zombies in the world.

Ang una ay tinatawag na zombie. Normal na zombie lang ito kagaya ng napapanood sa movie. Mabagal, hindi malakas, at hindi matalino ang mga ito.

Ang pangalawa ay tinatawag namang 'agile'. Ito ang isa sa mga kinakatakutan ng lahat dahil ayon sa mga nakaligtas ay mabilis, maliksi at mas matalino kumpara sa normal na zombie. Kaya tinawag itong agile dahil sa taglay nitong bilis at liksi.

Sa madaling salita ay mas nakakatakot sila.

Sasagot pa sana si Mama pero huminto na ang sasakyan namin. Nasa tapat na pala kami ng Hospital. Naunang bumaba si Papa, pinagbuksan niya ng pinto si Mama pati narin kami.

Bumaba na kami ng kotse at pumasok sa loob ng Hospital. Bawat nadadaanan namin ay napapatingin min ni Trinity.

Umakyat kami sa 2nd floor ng Hospital at pumasok sa isang room. Pagpasok namin ay nandun ang secretary ng Presidente,nakatayo sa likod ng Doctora. Tiningnan ko ang paligid pero hindi ko nakita si President. Siguro ay hindi sumama.

Malinis at puro puti ang makikita mo sa kuwarto. Nasa bandang likod ang desk ng doctor. Sa kaliwang banda ay sofa at sa kanan ay puro libro. Sa pinakalikod sa kanan ay may isang pintong kulay brown.

"Sit down" Doctora

Magkatabi kaming umupo ni Trinity. Samantalang si Mama at Papa naman ay umupo sa sofa sa left side ng kuwarto.

"Good afternoon Diane and Trinity" bati samin ng doctor.

"Good morning rin po" sabay na sagot namin ni Trinity.

"My name is Dra. Liel" inabot niya sakin ang kamay niya kaya tinanggap ko.

"Nice to meet you" sagot ko.

Tumayo siya at sumenyas na sumunod kami sa kanya. Pumasok siya sa isang pinto kaya sinundan namin siya. Pag pasok ay puro puti parin ang nandun may table rin siya.

Umupo siya sa lamesa, tumingin samin at ngumiti.

"Just stand up and take off your clothes" Sabi niya.

Nagsalubong ang kilay ko.

"Why?" Nakataas ang kilay na tanong ko.

She laughed

"Kailangan kong i-check ang buong katawan niyo kaya paano ko makikita ang buong katawan niyo kung hindi niyo tatanggaling ang damit niyo?" Sagot niya habang nakangiti.

"Pwede bang hindi tanggaling ang panloob?" Tanong ko sa kanya.

Tumango siya

"Sige"

Tumingin ako kay Trinity "Ayos lang ba sayo?" Tanong ko sa kanya.

Tumingin siya kay Doctora bago tumingin ulit sakin at tumango. Alam kong nahihiya siya kaya tinanong ko muna siya kung ayos lang ba.

Una kong tinanggal ang damit ko bago ko sunod tanggaling ang belt hostler at jeans. Maayos kong itong nilapag sa sahig bago ako humarap kay Dra. Liel.

Tumingin ako kay Trinity, ganun rin ang ginawa niya gaya ng sakin.

"Uhhmmm, pwede pakitanggal rin yang nasa braso niyo?" Turo niya sa archery gurad namin.

Napalingon sakin sa Trinity at tinanong niya sakin 'Ayos lang ba?' Na walang tunog.

~Flashback~

"Saan po galing yung peklat niyo sa braso?" Tanong niya

"Gusto mo ba talagang malaman?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

Tumango siya kaya nagsimula na akong magkuwento.

"Umulan nung araw na yun kaya naghanap agad ako ng masisilungan, nakahanap ako at isa iyong kuweba. Dark brown pa ang kulay ng mata ko nung panahon na yun. Gumawa ako ng apoy nung oras na yun dahil nilalamig ako, plano ko na sanang matulog pero may naramdaman akong kumagat sa binti ko kaya tiningna ko, isang cobra ang kumagat sakin. Nawalan ako ng malay nung oras na yun pero pagmulat ng mata ko ay nakatayo ako sa isang madilim na lugar. Biglang nagsibukasan ang mga kandila sa paligid kaya may nakita akong dalawang tao. Ang mga mata nila ay kulay pula. May mga sinabi sila pero hindi ko magets, lumapit sakin ang misteryosong matanda, binigay niya sakin si Switch at sinabi kung paano ito gagamitin. Binulong niya sa tenga ko ang salitang 'patawad' bago niya kinuwa ang kamay ko at kinagat dito" turo ko kung nasaan ang peklat ko na kulay silver.

Hindi siya sumagot kaya nagpatuloy ako.

"Pagkagising ko ay akala ko panaginip lang ang lahat pero ng makita ko ang kagat sa braso ko ay nalaman kong totoong nangyari. Nakita ko rin ang binigay niya saking si switch pero may mga kasama itong ibang gamit. May dalawang black katana, dalawang tactical bowie knife, dalawang archery guard, dalawang black arnis na bigay ng matanda sakin sa panaginip, maraming palaso,dalawang leather arrow quiver, at dalawang belt hostler."

"Nung araw ring yun ay sumakit ang buo kong katawan. Kinabukasan nun ay kahit masakit ang katawan ko ay nagpatuloy na ako sa paglalakad dahil maaraw naman na. Makalipas ng apat na linggo ay napapansin kong may mga pagbabago sa katawan ko." Sabi ko sa kanya at pinagpatuloy ko na ang pagkuluwento ko.

Kung ano ang mga pagbabago sa katawan ko. Pati narin ang tungkol sa mata ko. Lahat-lahat.

"Wow, ang cool" sabi niya habang nakangiti

"Trinity, pwede bang huwag mong sasabihin kahit kanino yung mga sinabi ko sayo?" Tanong ko sa kanya.

"Opo, pero sa isang kondisyon" sumeryoso siya

"Ano yun?" Interesado kong tanong

"Basta huwag niyo po akong iiwan at tuparin niyo po ang mga pangako niyo sakin. Deal?" Seryoso niyang tanong habang ang kamay niya ay naka pinky swear

Napalunok ako pero nakipag pinky swear parin ako sa kanya.

'Mukhang kailangan kong pag-isipan mabuti bago mangako sa kanya.'

"Deal"

~End of Flashback~

Tumango ako bilang sagot sa kanya.

Dahan-dahan kong tinanggal ang archery guard ko at tinapat sa dibdib ang kamay ko para makita niya agad ang peklat ko.

Napasinghap ang Doctora.

"Nakagat ka ng zombie?" Gulat niyang tanong

Natawa ako sa reaction niya.

"Hindi ako nakagat ng zombir, matagal na itong bite mark na ito. Hindi pa pagsisimula ang zombie apocalypse ay meron na ako nito." Pagsisinungaling ko.

Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na nakagat ako ng isang tao sa panaginip at naging totoo. Baka dalhin lang nila ako sa mental (-_-).

Huminahon naman ang mukha niya at natawa.

"Sorry, I thought that you are bitten by a zombie." She apologizes.

"Ayos lang" I laughed awkwardly

"Ayos lang ba kung tanungin ko kung saan mo nakuwa yan?"

"N-nung nakaraang buwan ay nanood ako ng 'World War Z'. Naisip kong kagatin yung braso ko kaya ginawa ko, pero wala akong maramdaman kaya lalo kong diniin. Hindi ko naman napansin agad na nagdudugo na pal" tanga kong sagot.

Damn! Sinong maniniwala sa ganyang palusot? Baka isipin niyang nababaliw na ako dahil kinakagat ko sarili ko.

Naguguluhan siya pero tumango nalang.

"Weird" narinig kong bulong niya.

Sinimula na niyang i-check ang buong katawan ko. Ganun rin ang ginawa niya kay Trinity. Pinahubad niya ang archery guard, i-checheck ang buong katawan at tatanungin kung may sakit ka ba o wala.

Pinasuot na kami ng damit at mga gamit namin bago kami sabay kaming lumabas ng kuwarto ng matapos na kaming i-check.

"Mr. And Mrs. Santiago" tagaw niya kaya nakuwa niya ang attention nila Papa at Mama.

"Yes Dra. Liel?" Nakangiting sagot ni Mama.

"Wala naman siyang sakit o physical injury kaya ayos lang siya, pero meron siya bite mark sa kaliwang braso niya" turo niya sa braso ko.

Napatingin sakib ang lahat kaya nagsalita ako.

"D-dalawang buwan at kalahati na simula nung magka bite mark ako sa braso dahil napagtripan k-kong kagatin ang sarili ko. Kaya nuung nakaraang buwan ay l-lagi akong naka jacket." Sagot ko sa kanila, lalo na sa dalawang bodyguard na kasama ng secretary dahil parang anytime ay huhugutin na nila yung baril nila.

"Bakit hindi namin napapansin?" Si Papa

"Hehehe kaya nga po ako laging nagsusuot diva nung nakaraan ng mga long sleeve dahil ayaw ko pong ipakita sa inyi hehehe" palusot ko.

Ang totoo niyan ay paborito ko talaga ang lobg sleeve kaya lagi akong nagsusuot.

Hindi na sila nakapagtanong dahil kinausap na sila ni Doctora, kaya umupo na kami ni Trinity. Wala akong maintindihan sa mga pinag-uusapan nila, basta ang alam ko ay may inabot kay Papa na isang brown envelope. Medical certificatr siguro (-_-).

Tinanong rin nila Mama at Papa si Doctora kung bakit nag-iba ang kulay ng mata ko pero wala siyang naisagot kaya hindi narin nagtanong sila Mama at Papa.

Hindi nagtagal ay umuwi na kami sa bahay. Kumain at nag-ayos kami ni Trinity ng mga gamit.

Binilhan ko nga pala siya ng bag na kulay violet na kagaya sakin pero yung saktong laki lang para sa kanya.

Nasa iisang kuwarto lang kami natutulog ni Trinity at magkatabi kaming matulog dahil ayaw daw niyang humiwalay saki. Baka raw pagkagising niya ay hindi na niya ako makita.

As if iiwanan ko siyang mag-isa.

Zzzzzzzzzzzz.

~~~~

Kinabukasan

"M-mag-iingat kayo dun ah? Alagaan niyo ang sarili niyo, lalo na't wala kami doon para alagaan kayo pag nagkasakit kayo.Huwag na huwag kayong magpapakagat sa zombie, kung kinakailangan ay gawin niyo ang lahat para makatakas sa ay gawin niyo." Umiiyak na paalala samin ni Mama.

Nasa airport kami ngayon. Hapon ang flight namin papuntang Island of Chimnanci.

Nagbonding kami nila Papa, Mama, Manang, Trinity at yung driver dahil alam naming matagal kaming hindi magkikita.

"Opo Ma, kayo rin po. Mag-ingat po kayo" sagot ko habang pinipigilan ang luha ko.

Hindi namin alam kung ito na ang huling pagkikita namin. Sa susunod na oras, araw o buwan ay maraming pwedeng mangyari, kaya mahalaga ang oras.

"Ma'am Diane, malapit na pong umalis ang eroplano" Paalala nung isang kasama naming bodyguard

Tumango ako at tumingin kay Papa, Mama at Manang.

"Oh paano m-ma, pa. K-kailangan ko na pong umalis." Garalgal na sabi ko.

Lumapit ako sa kanila at niyakap silang tatlo. Nasa likod ko lang si Trinity, nakakapit sa damit ko.

Hunalik ako sa pingi nila bago ko hawakan ang kamay ni Trinity. At kumaway.

"Bye Ma, bye Pa, bye Manang" sabi ko sa kanila.

Saktong pagtalikod ko ay pagtulo ng luha ko.

Tumingin sakin si Trinity habang naglalakad kami papasok.

"Ayos ka lang po ba ate?" Nag-aalala niyang sabi.

Tumango ako "Yes"

Yumuko ako at binuhat siya. Ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko habang kalong ko siya.

"Ate Diane, huwag ka na pong umiyak" buling niya sa tenga ko.

Napangiti ako "Thank you" sabi ko sa kanya.

Sa kabutihang palad ay nakasakay naman kami ng eroplano ng walang abala. Dala namin ang mga armas namin ni Trinity, nakalagay ito sa  sports bag. Pwede naman kaming magdala ng armas dahil may pahintulot kami sa Presidente, pero kailangan nakalagay ito sa bag para hindi matakot ang mga tao.

Nakaupo si Trinity sa tabing bintana, ako naman ay nasa tabi niya.

Ang sabi ng body guard namin ay lahat ng nandito sa eroplano ay papunta sa Island Of Chimnanchi.

Malaki daw ang Chimnanchi kaya meron itong airport.

Makalipas ang ilang minuto ay nagsimula ng umandaw ang eroplano. Sa una ay mabagal pero pabilis ng pabilis. Sumandal na ako sa upuan at pumikit dahil siguradong mahabang biyahe ito.

"Oh my god, look there is a zombie!" Sigaw ng isang babae sa bandang harapan namin. Agad kaming napatingin sa bintana. Para akong pinaliguan ng tubig na may yelo dahil nakikita namin na habang pabilis ng pabilis ang takbo ng eroplabo ay may mga zombie saming humahabol.

Ang mga taong naaabutan nito ay kinakagat sa kung saan-saang parte ng katawan.

May mga naririnig akong umiiyak at mga nag hyhysterical dahil sa nakita nila.

Lumipad na ang eroplano kaya kitang kita mula sa dito ang mga maliluit na taong tumatakbo. Kahit saan ka tumingin ay puro sunog ang makikita mo.

Naramdaman kong may humahagod sa likod ko kaya napatingin ako kay Trinity. Ngumiti siya ng malungkot sakin.

Ngumiti ako sa kanya pabalik at niyakap siya. Hindi ko na napigilan ang pag-iyak dahil sa halo-halo kong nararamdaman.

Nasan na sila Mama at Papa? Nakaligtas kaya sila? Nasa Philipine Suvivor base kaya sila ngayon? Damn! Hindi ko alam kung okay lang ba sila o hindi.

Ang Philippine Survivor base ay ginawa nung nagka-zombie sa buong munod. 30 feet ang taas ng fence na ginawa nila para hindi makaakyat ang mga zombie. Malaki ang P.S.B (Philippine Survivor base) kaya kasya naman siguro ang lampas tatlong libong tao.

Humiwalay ako sa yakap ni Trinity pero nakatulala parin ako. Halos mabaliw ako kakaisip kung ano na ang nangyari kala Mama.

Hindi na zombie free ang Pilipinas

Napatingin ako sa relos ko. 5:28 pm na ngayon at pagabi na.

Ang sabi ng bodyguard namin kanina ay 19 hours ang biyahe namin papuntang Islan of Chimnanchi.

Makalipas ang ilang oras ay nakatulog na si Trinity sa balikat ko. May mga naririnig parin akong mga umiiyak at nagdarasal. Nag-aalala sila sa pamilya nilang naiwan sa Pilipinas.

Pagod na pagod ako kaya inaantok narin ako. Alam kong hindi ako puwedeng umupo ng matagal kaya pinagod ko na ng sobra ang sarili ko bago kami pumunta dito sa airport.

Halos alalayan na nga ako ni Mama dahil natutumba ako dahil sa sobrang pagod.

"Good night" sabi ko at hinalikan siya ng magaan sa noo.

Nagdasal muna ako sa Panginoon bago ako pumikit at nakatulog.

~~~~

"Waaaaaaaaaahhhhhhh" napabangon ako dahil sa isang malakas na tili ang narinig ko.

Napabangon rin agad ang ibang mga nakarinig sa tili. Tumitingin sila sa pinanggalingan ng tili pero hindi nila makita dahil may kurtinang nakaharang dito.

"Ano po yun?" Tanong sakin ni Trinity

"Shhhhh, hindi ko alam" sagot ko sabay tayo at kinuwa ko ang sports bag ko, kinuwa ko si switch at kullet. Ipinasuot ko narin sa kanya ang belt hostler at inabot sa kanya ang iba pa niyang gamit.

Ako naman ang sunod na nagsuot ng belt hostler at inayos ko ang mga gamit.

Napahinto ako sa ginagawa ko dahil nakarinig ako ng ungol. Mahinang ungol lang yon kaya ako lang sigurado ang nakarinig.

"Ihanda mo ang sarilu mo" sagot ko kay Trinity .

Napatingin naman ako kay Trinity dahil nanginginig siya.

"Huwag kang matakot, nandito ako" sabi ko sa kanya.

May mga nagsilapitang mga flight attendabt kung saan may sumigaw.

Maya-maya ay may mga naririnig na kaming mga sumisagaw at tili. Pero ang nakaagaw ng attention ko ay may sumigaw ng 'zombie'.

Ang iba ay kinuwa na ang sarili nilang gamit, samantalang ang iba ay pinangunahan ng takot.

Habang nag-aayos ang iba ng gamit nila ay may isang babae ang natumba at nangisay. Lumayo ang iba ng konti sa babae. Maya-maya nalang ay dahan dahan itong tumayo. Nakayuko ito kaya hindi kita ang mukha pero halos kilabutan ako ng mag-angat ito ng mukha.

Pula ang mga mata niyang nakatingin sakin kaya isa lang ang ibig sabihin nito. Isa siyang...

...ZOMBIE!!!!

Kinapitan ko maigi si Trinity at lalong nilapit sakin. Ramdam ko ang init sa buo kong kataean dahil sa kaba.

Hindi kaba para sa sarili ko, kung hindi para kay Trinity.

Mabilis na tumakbo papunta dito kaya hinugot ko abg katana ko. Malapit na siya ng biglang may narinig kaming pagsabog at umalog ang eroplano.

Sa isang iglap ay bigla kong naramdaman na bumubulusok na kami pababa. Napatingin ako kabilang bintana at nakita kong may malaking butas doon.

Kumapit akong maigi sa upuan para hindi kami higupin palabas. Kinapitan ko si Trinity sa isa ko pang kamay.

Pinaupo ko si Trinity, sumunod naman akong umupo sa tabi niya at sinuot ko ang seatbelt namin.

Nagkakalaglagan na ang mga oxygen mask kaya mabilis kong sinuot ang isa kay Trinity at sakin.

"Ate Diane natatakot ako!" Umiiyak na sigaw ni Trinity.

"Huwag kabg matakot! Hindi kita iiwan kahit anong mangyari" sigaw ko pabalik sa kanya.

Kailangan kasing sumigaw para marinig namin ang isa't isa.

Maya maya pa ng matanaw kong malapit na kaming dumausdos sa lupa ay mabilis kong niyakap si Trinity. Ramdam ko ang pagyakap niya sakin pabalik bago ko maramdaman ang pagtama namin sa ulap.

"I love you Trinity" I whispered hoarsely to her before I closed my eyes.

★★★★

Abangan: Ano ang nangyari kay Diane at Trinity? Nakaligtas kaya sila? O dito na magwawakas ang lahat?r

Don't forger to comment and vote! Thank you! :)

Bab berikutnya