SCARLET
"Stop."
Bigla akong napahinto sa pagsayaw. Lalo na rin ang mga ka-members ko.
Nagulat akong may naririnig akong hingal na hingal. Tiningnan ko ang bawat isa sa amin at napahinto ako sa pagtingin.
Si Thea pala 'yon.
"Si Camille lang nakakagawa ng maayos sa inyo. Pero yung iba, kumokopya na lang sa harapan kung ano next na step at position. Also, Scarlet how did you become lead vocalist kung hindi ka marunong maghigh notes. Bakit mo pinipilit boses mo? Ibuga mo dapat."
You ruined, Scarlet. Napagsalitaan ka pa ng masama ng idolo mo. Nakakahiya ka.
Napayuko na lang ako at hindi ko siya tiningnan.
Hindi ko talaga kaya yung high notes sa bandang katapusan ng chorus ng kanta naming. Kaya iniipit ko na lang.
Ngunit nagmumukhang pilit talaga. At ayonkay Ms. Megan, napagalitan pa ako.
"Thea, huwag mong ibigay lahat ng power mo sa sayaw kaya hindi ka na makakanta ng maayos kanina." narinig kong galit na sabi ni Ms. Megan.
Seryosong galit nararamdaman ni Ms. Megan ngayon sa amin. Sobrang kalat talaga ng performance namin.
Pagkatapos ng meeting namin kasama si Ms. Megan, nag-anunsyo na si Thea na baguhin ang ibang step.
Kaya ang pinakita namin kay Ms. Megan ay kababago kanina lang ni Naomi.
Ayon na nga, nahalata niya na hindi talaga kami sabay-sabay. Isa na rin ako sa kumokopya na step sa harapan ko.
Noong nag-meeting kami kanina lang sa office ni Ms. Megan, todo kabado kami kasi sobrang seryoso ng mukha niya pagkapasok niya.
Lalo na isa't isa kami tinitingnan at kinakausap. Pagdating sa akin, tiningnan lang ako sabay tiklop ng list niya?
Nalungkot ako dahil alam ko naman kasalanan ko na napagbuntungan ko siya ng galit sa elevator at hindi ko siya namukhaan talaga na siya yung idolo ko na si Ms. Megan.
Sobrang namumuo ang aking konsensya sa utak ko. Hindi ko alam kung paano siya kausapin lalo na't nabigo siya sa pinakita naming performance sa kanya.
"I'll give you another chance. Bibigyan ko kayo ng dalawang araw para ayusin lahat. Kapag hindi pa maayos performance niyo, disband agad." napatingin ako sa kanya at tinalukaran niya na kami. Lumabas na siya ng pinto at narinig ko ang kalabog ng pinto.
"Yari tayo!" sabi ni Chloe habang nagdadabog siya at umupo ito.
"Paano na 'yan? Kung hindi pa rin maayos performance natin, katapusan na talaga." sabi ni Thea at biglang humiga ito sa sahig dahil sa sobrang pagod nito.
"Goodbye dreams." sabi ni Naomi na patuloy pa rin inaayos ang aming steps.
"Goodbye, Thea." sabi ni Zoe habang kumakaway ito kay Thea. Napalingon si Thea at binigyan ng masamang tingin. Bigla itong tumayo at mukhang hahabulin niya si Zoe. Ayun na nga. Naghaharutan silang dalawa ngayon.
Imbes na maglugmok sila, nagkakasiyahan pa sila.
Pero mas tama lang naman 'yon dahil alam naman namin kung saan kami nagkamali.
Makakaya namin 'yon basta maayos ang lahat sa loob ng dalawang araw.
Matagal ko na rin iniidolo si Ms. Megan simula noong highschool pa ako.
Isa siya sa mga model ng EyeRed Entertainment Company at ang kanyang ina pa ang CEO sa panahon na 'yon. Magaling din siya kumanta at sumayaw pero para sa akin sobrang iniidolo ko siya sa pagkanta. Sobrang ganda ng boses niya.
Napapansin ko sa mga performance niya ay nilalaro niya lang ang pagkanta. Kaya niya rin maghigh-notes at magvibrato.
Kapag ballad ang kanyang kinakanta, ramdam na ramdam ko ang kanyang emosyon sa pagkanta. Nagulat na lamang ako na naging CEO na siya ng EyeRed noong isang araw.
Matagal ko na rin pinangarap na maging bahagi ng EyeRed lalo na't gusto kong makita at mapansin ni Ms. Megan.
Nakapasok din ako sa EyeRed dahil sa isang audition nila. Bago lang akong trainee rito pero kinuha nila agad ako para magdebut.
Sobrang pasasalamat ko dahil magaganda ang mga feedback nila sa akin sa mga naging performance ko.
Ngunit may nagawa akong hindi maganda at sinusumpa ko na hindi ko sinasadya talaga. Nagmamadali ako kanina dahil late na ako dumating sa EyeRed tapos pasara na sana ang elevator.
Buti na lang iniipit ko ang aking kamay para bumukas 'yon.
Ramdam ko ang tense sa akin dahil baka maging leon ang itsura ng manager ko. Masama pa naman magalit 'yon at mahirap suyuin.
Kaya napagbuntungan ko ng galit si Ms. Megan at patuloy na lumabas ng masamang salita sa aking bibig.
Nadala lang ako sa inis kaya nasabi ko 'yon pero hindi ko talaga namukhaan si Ms. Megan.
Iba ang kanyang itsura noong nasa elevator kami dahil mukha siyang nagtatrabaho bilang employee kaya naiisip kong kamukha lang talaga siya ni Ms. Megan.
May dala rin akong brownies ngayon na nagawa ko sa kanya. Balak kong ibigay ito sa kanya sa office. Ako ang gumawa nito dahil matagal ko na talaga pinaghahandaan para ibigay sa kanya.
Isa ito sa aking na-search na paborito raw niya ang brownies kaya naisipan ko talaga pag-aralan.
Marami na rin akong nasayang na putahe para gumawa lang nitong brownies.
Gusto ko magustuhan niya ang aking masterpiece. 'Yon lang aking hangad.
Kaya kinuha ko na agad ito sa aking bag at tumakbo papalabas.
"Saan ka pupunta, Scarlet?"
"Scar!"
Binalewala ko na lang ang pagtawag sa akin ng mga ka-member ko.
Pagkalabas ko, nakikita kong naglalakad si Ms. Megan bandang kaliwa dahil andoon ang elevator. Kaya tumakbo ako ng mabilis papunta sa kanya.
"Ms. Megan!" sigaw ko kay Miss Megan at napahinto ito sa paglalakad. Napalingon siya sa akin habang tumatakbo ako sa harapan niya.
Ngayon magkaharap na kami. Nilahad ko sa kanya ang aking gawa na brownies at napatingin siya sa aking hawak. Kumunot-noo niya ngunit hindi pa rin ito tinatanggap.
"Bakit mo ako binibigyan nito?" seryosong tanong niya sa akin at mukhang naghihintay siya ng sagot mula sa akin.
Huminga ako ng malalim at binalewala ang kaba kasi hanggang ngayon tumitibok na mabilis ang puso ko.
Dala lang ito sa aking pagtakbo sa kanya.
Nilahad ko ito sa kanya at yumuko ako, "Peace offering po kanina sa elevator. Nadala lang po ako sa emosyon kanina. Gusto ko lang po mag-sorry sa inyo dahil hindi ko po sinasadya 'yon at hindi po ako ganoon katulad ng iyong iniisip." taos-puso ko sinabi sa kanya at nilahad ko ito sa kanya.
Naramdaman kong kinuha niya ang brownies. Napangiti ako ilang sandali dahil tinanggap niya ito. Alam kong magugustuhan niya ito.
Tumingin ako sa kanya. "Tikman niyo po. Alam kong magugustuhan niyo po." alok ko sa kanya.
Tinuro niya ang sarili niya. "Ako? Ako kakain nito?" sabi niya sabay turo niya sa brownies box na hawak niya.
"Opo." sabi ko. Ngumiti ako ng masaya sa kanya. Umiling ito at binuksan niya ang box at kumuha siya isang piraso. Pero tiningnan niya muna ito.
"May lason ba 'to?" habang tinitingnan niya ang brownies niyang hawak.
Hindi ko rin nilagyan ng peanuts dahil alam kong allergic siya.
Nalaman ko lang 'yon sa isang interview mula sa youtube. Buti na lang napanood ko ang kanyang interview.
"Walang peanuts 'yan. Alam kong allergic ka." sabi ko at ngumiti sa kanya.
Napatingin siya sa akin at mukhang nagtataka siya kung bakit alam ko.
"How d-" naputol ang kanyang sasabihin dahil biglang may tumunog na cellphone. Kinuha niya agad ito sa kanyang phone.
Napakunot-noo siya at bumaling sa akin.
"I have something to do." sabi niya pero binalik niya agad yung brownies niya sa loob ng box.
Akala ko matitikman niya na ang gawa ko pero nagkamali ako.
Pero alam ko naman na makakain niya rin 'yon.
Tumalikod na siya sa akin at nagpatuloy na siyang naglakad.
Narinig kong may kausap na siya sa cellphone niya.
Mukhang sinagot niya na ito kaya tumalikod na lang ako para bumalik sa practice room.
Subalit nakikita ko sa aking peripheral vision na sumisilip sa pintuan ang anim kong kasama.
Mga tsismosa talaga 'to.
Napatingin ako sa pintuan na nakauwang ito at biglang umalis sila agad.
Pagpasok ko, nakita kong nagpapanggap na nagpapatuloy magpractice silang anim ngayon para hindi ko mahalata na nahuli sila.
Napangiti ako ng palihim.
Like it ? Add to library!
Don't forget to leave some votes and comment in my story.
if you have time, follow my social accounts below:
> wattpad: @itsleava
> twitter: @itsleava
This story is also available in Wattpad!