SCARLET
Napaupo ako sa gilid at kinuha ko ang aking phone para i-update ang aking boyfriend. Nagtataka lang ako, hindi pa rin niya ako kinakausap ngayon.
Mahigit tatlong taon na kami ni Francis. Isa siya sa mga lalaking loyal na nakarelasyon ko.
Alam kong bawal sa EyeRed magkaroon ng relasyon pero nilihim ko na lang na wala ako. Saka panatag naman ako na hindi ako mahuhuli.
Minsan kapag gusto namin magkita sa bahay lang. Mahirap na kung sa labas baka makuhan pa ako ng litrato.
Baka rin isumbong nila ako lalo na't hindi alam ng buong QoH na may jowa ako.
"Thea!"
"Bakit mo ako binibigyan nito?"
"Peace offering po kanina sa elevator. Nadala lang po ako sa emosyon kanina. Gusto ko lang po magsorry sa inyo dahil hindi ko po sinasadya 'yon at hindi po ako ganoon katulad ng iyong iniisip."
"Tikman niyo po. Alam kong magugustuhan niyo po."
"Ako?Ako kakain nito?"
Napatingin ako kay Zoe at Thea.
Natawa na lang ako sa sinasadula nila ang pangyayari kanina namin ni Ms. Megan.
Patunay na talaga silang tsismosa. Ako pa pinagtritripan nila.
Natawa ako lalo dahil ginawa pa nilang props yung bag ni Zoe at nakapatong ang cupcake sa bag nito.
"Ay! Hindi! Baka paa mo." sabi ni Zoe at natawa ako lalo.
Natawa naman ang iba sa pagiging pilosopo ni Zoe.
"Totoo naman eh. Nagtanong pa si Thea kung siya kakain. Malamang siya lang naman." sabi ni Zoe at patuloy pa rin kami sa kakatawa.
"Panira ka, Zoe. Hindi ganyan. Nakakainis ka talaga." sabi ni Thea at naging seryoso ang kanilang mukha.
Hay nako! Napasapo na lang ako sa ulo dahil trip nila ako, "Sige, balik tayo doon. Saan ulit 'yon?"
"Doon sa line ko na tinanong kita na ako kakain niyan?" sabi ni Thea kay Zoe.
Bumalik ulit sila sa pag-acting nilang dalawa.
"Opo." sagot nito kay Thea habang nagbeautiful eyes pa siya kay Thea.
Pinipilit niyang hindi matawa sa ginagawa ni Zoe.
"May lason ba 'to?" habang tinitingnan ni Thea yung cupcake.
"Oo naman." malakas ang confidence ni Zoe sa kanyang sinabi.
Hindi ko na alam gagawin kay Zoe sobrang natatawa ako.
"Nilagyan ko 'yan ng mighty bond dahil alam kong favorite mo 'yan." dagdag na sabi ni Zoe at nagacting pa si Thea na natuwa siya sa kadahilanan na may mighty bond ang cupcake.
Juicecolored! Sumakit ang ulo ko sa kanila. Ang lakas ng trip nila.
Hindi ko na keri.
"Talaga?" nagacting ito na hindi makapaniwala at niyakap niya si Zoe. Yinakap nila ang isa't isa.
Gusto ko silang pagumpugin ng ulo. Kung kakayanin ko lang.
Alam ko naman na mabait ako kahit noong isinilang pa ko sa sinapupunan ni mama. Hindi ko kayang gawin sa kanila 'yon.
Biglang lumapit si Zoe sa akin, "Alam mo, Scar. Nahiya ka pang ibigay sa amin yung brownies mong dala kaya binigay mo na lang kay Ms. Megan.", sabi niya at tumabi sa akin.
Lumapit din si Thea at tumabi rin sa akin.
Masinsin nilang sinusuri ang aking reaksyon dahil patuloy nilang nilalapit ang kanilang mukha sa akin.
Biglang nagbukas ang pinto at tumayo kami agad.
Dumating agad ang aming manager na si Ms. Lea pero Leon kapag galit. Nakabakas sa kanyang mukha na masama ang kanyang tingin sa amin. Mayayari kami nito.
"Nabalitaan kong palpak ang performance niyo na ipinakita kay Ms. Megan! Alam kong maayos na lahat ha?! Anong nangyari?!" galit na sabi ni Ms. Lea at napansin kong kinalabit ni Zoe si Thea para sumagot ito.
"Nagpabago po ako ng step kay Naomi kanina lang before performance namin. Maganda naman po yung nabago namin step kaso hindi po kami nagkasabay-sabay." paliwanag ni Thea kay Ms. Lea at napatingin ito ng masama sa kanya.
Nakita kong napalunok si Thea.
"Ayusin niyo 'yan. Ayokong madismaya si Ma'm Megan sa akin!" galit na sabi ni Ms. Lea at nagwalk-out ito.
Nagulat kami sa malakas na pagkalabog ng pinto.
Napalingon kami sa pagpunta ni Thea sa harapan.
Lumapit kaming lahat sa kanya. Alam kong seryoso siya sa kanyang sasabihin ngayon.
"Queen of Hearts, ayusin natin lahat ng kalat natin bukas. Dapat andito na tayong lahat ng 9am." utos niya sa akin at sumang-ayon naman kami.
"Uwi na tayo." anunsyo ni Thea at agad-agad naming kinuha ang bag at tuluyan na kaming umalis ng practice room.
***
Habang nasa labas na kami ng EyeRed, naghiwa-hiwalay na kami ng ruta pauwi.
Wala pa kasi kaming sariling dorm na nahanap.
Dapat si Ms. Lea pero wala pa rin kaming natatanggap na update mula sa kanya.
Tatanungin ko sana siya kanina ngunit nagiging Leon siya kapag tinanong ko siya ngayon.
Baka bungangaan pa ako lalo.
Dumeretso ako sa Taxi Bay kung saan doon nakapila ang mga taong nagtataxi. Dito kasi ako naghihintay ng taxi papunta sa aking bahay.
Ngunit napakahaba na naman ang pilahan dito. Sa aking palagay, alas singko na nga ngayon kaya rush hour at madalang ang mga taxi na dumadaan 'pag ganitong oras.
Kahit magbus ako, punuan din lalo na't kung magjeep ako baka sumabit na lang ako. Pero wala rin naman akong choice kundi pumili na lang dito at maghintay ng himala.
Ilang oras na ako nakaabang ngunit pangalawa pa lang nakakasakay ng taxi. Tumingin ulit ako sa aking orasan at 8:30 na.
Kelan kaya ako makakasakay?
Bigla akong nakarinig na busina. Mga ilang beses na ito bumisina kaya hinanap ko ito.
Tumingin ako sa isang kotse na mamahaling itim. Hindi ko alam kung anong tawag dito dahil wala naman akong alam sa kotse.
Ang alam kong mamahalin ito.
Napansin kong binaba niya ang bintana at sumilip ako kung sino.
Nagulat ako na si Ms. Megan ang bumubusina kanina.
"Hop in!" sigaw niya at napalingon ako sa mga nakapila rin na nakapansin sa amin. Hindi ko na rin alam gagawin ko kaya dali-dali akong sumakay sa harapan at sinarado ko ito.
Ngayon, nakaupo ako sa sasakyan ng iniidolo ako. Medyo nararamdaman kong nagtatalunan ang puso dahil sobrang swerte ko.
Sinakay ako ng iniidolo ko diba? Dream come true talaga.
Nagulat akong lumapit sa akin si Ms. Megan. Hindi na ako makahinga dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin.
Baka maamoy niya yung hininga ko kaya hindi na ko huminga. Narinig kong may kinalikot lang si Ms. Megan sa aking gilid.
Ah! Pinag-seatbelt niya lang pala ako.
Kinuha lang naman niya ang seatbelt. Nagsimula na siyang magpaandar ng sasakyan.
Like it ? Add to library!
Don't forget to leave some votes and comment in my story.
if you have time, follow my social accounts below:
wattpad: @itsleava
twitter: @itsleava
This story is also available in Wattpad!