Nagsimula lahat magbago ang takbo ng buhay ni Sven Samañiego the moment na magpunta sya sa Manila just to attend her brother's wedding. How well she'll cope up at an unexpected situation na di sinasadyang nasali sya ng walang ka-alam-alam? Specially kung makikilala nya at that moment ang dalawang babae that have a relationship to her brother... the mistress and the fiancèe.
Oh my god!!! The hell is happening? Paano ako nalagay sa kinalalagyan ko ngayon?
Uh... nagpunta lang ako dito dahil invited ako sa kasal ng kapatid kong lalaki, di ba?
Hmmm... yes, it is.
Right... at higit sa lahat tumawag si mama wanting to talk to me about something after all I don't live with them as long as I can remember since they give me away to lolo.
Yeah... that happened, she called and you went where she is!
Then people started to talk to me as if I've done something wrong! Telling me to hurry up and get moving!
Uh-huh... that's why you did not get any chance to talk to mama.
Yeah... di ako makaalis at ang nakapagtataka eh, gusto ng mga tao doon na magpalit na ako ng damit na ibinigay sa akin bigla-bigla at sinasabing late na raw ako at wala ng oras.
Uhmmm... now you are standing here in the altar of this church with that suit you are wearing right infront of-
"Son... you are zoning off."
"Huh?" Anong tinawag sa akin ng-- wait something is wrong!
Matandang lalaking naka suit at babaeng naka... w-we-wedding gown? Sa harap ko?
"Michael I know my daughter is stunning and beautiful right now but you can stare at her all you want after the wedding." The man said at natawa naman ang mga tao dito sa simbahan.
"P-po?" Takang tanong ko... and wait ako ba and tinawag niyang Michael?
"I... I-I think-"
"Michael we should get going. Don't tell me you want to back out after you proposed to me?" Sabi nong babae then the old man grabbed my hand and put the woman's hand in mine.
"W-wait la-"
"Now go, son, there's no need to be nervous... lahat ng lalaking ikakasal ay dinaraanan din ito. So it's normal to be nervous, after this you'll be the happiest man in the world." Sabi ng matandang lalaki.
Oh my god!!!! They mistook me as my brother! Napatingin ako sa paligid at nakita ko sina mama at papa who just smiled at me then at the man that should be the bestman of my brother.
"Hahaha... bro tama na yang kakaba-kaba na yan. Be a man and step up for it!"
Napa-iling-iling na lang ako at gusto kong magsalita at magpaliwanag pero hinila na ako nong babae sa may altar.
"W-wait!" Napasigaw ako bigla. "Wait lang! I think you've got the person here, miss."
Nag-aaburulto na ang puso ko sa takot! Mapagkamalan ba naman ako si Michael.
"Michael what do you think you're saying?" Nagtatakang sabi nong babae.
"W-well... I'm... I'm not- damn you Michael- hindi ako si Michael." Nauutal kong sabi at pabulong kong minura ang kapatid kong lalaki.
Nagtataka na ang mga tao at nagbubulong-bulongan na sila sa nangyayari.
Pati sina mama at papa kasama iba ko pang kapatid ay nagtataka na rin at napatayo.
"Michael this is not funny. You shouldn't be doing-"
"Stop this wedding right this instant!!!"
Biglang may sumigaw sa may pintuan ng simbahan.
Ano bang nangyayari? Ano na naman ba 'to?
Lahat napatingin kung saan galing ang boses na ito. At ayon may isang babaeng nakatayo sa likod namin at naglalakad palapit sa amin.
"Sino ka?" Di ko mapigilang tanongin siya.
Natawa ng pagak ang babae sa tanong ko.
"Damn you Michael!!! After what you've done to me and to your promises, you're going to ask me kung sino ako?"
Naman oh! Ano bang nangyayari dito? Nasaan ka na ba Michael?
"Michael, what is going on? What is the meaning of this?" Tanong ng babae sa tabi ko.
Di ko alam kung ano dapat kong sabihin but they must know the truth! That I am not Michael! That they have mistaken me as Michael!
I look at where my family is, I then saw Cassie and I tried asking for help from her mentaly.
Thank god! I think she got me when I saw her disbelieving eyes together with ate Catherine.
"You can't marry that woman Michael, be a man and take responsibility of me!"
"Look miss tingin k-"
"Buntis ako Michael at ikaw ang ama!"
Gusto kong mahimatay o ibaon man lang sa ilam ng lupa sa kahihiyan kinalalagyan ko! Bakit ba 'to nangyayari sa akin?
"Anong ibig sabihin nito Michael? Pinaglalaruan mo ba anak ko?" Napatingin ako sa nagagalit na lalaki na kanina pa akong tinatawag na Michael.
Then napatingin ako sa katabi kong babae na ngayon ay umiiyak at tinanggal ang veil nakatakip sa mukha nya.
"Is what this woman said true? Did you cheated with her behind my back, Michael?" Umiiyak niyang sabi sa akin pero di naman ako ang gago kong kapatid.
Hindi ako makapaniwalang kayang gawin mangaliwa ni Michael sa napakagandang babaeng ito.
"Cheated with me?" Nanggagalaiting sabi ng babaeng nagsasabing buntis raw siya. "I should be saying that. Michael and I have been together for 3 years when suddenly gusto na niyang tapusin ang lahat! Iyon pala gusto ka niyang pakasalan at takbuhan ang responseblidad niya sa akin!"
Gagong lalaking 'yon! Hiyang-hiya na ako sa kalagayan kong 'to na dapat siya ang naririto! Hindi ako!
"Is... is w-what this woman said true, Michael?"
"..."
"Michael! Is it true?"
"..."
"Michael..."
"..."
"Micha-"
"Ahhhhh!!!!"
Napasabunot na lang ako sa ulo at ginulo-gulo ang buhok ko na dahilan ng pagkahulog ng tali sa buhok ko.
"Letsing punyita kang Michael!!!!!" Pasigaw kong minura ang kapatid ko.
"Magsitahimik kayo!!! Punyita! Kanina ko pa gustong magsalita pero walang gustong makinig o di ako pinapatapos magsalita!" Galit na galit kong sabi sa kanila.
"Kanina pa ako-"
"Gago ka Michael kung ayaw mo akong panagutan papatayin ko ang babae mong yan!" Sigaw nong buntis na babae.
Nanlaki ang aking mga mata ng makita kong may baril siyang hawak at itinuktok sa katabi kong babae.
Lahat ng tao sa loob ng simbahan ay napatigil sa kani-kanilang kinatatayuan.
"W-wait... miss pwede bang humina-"
"Pananagutan mo ba ako o hindi?!"
Wala na sa katinuan ang babaeng buntis kaya ng di pa ako nagsalita ay ibinaril na niya ang hawak niyang baril sa katabi kong babae.
Dali-dali kong niyakap patumba ang katabi ko.
Nagsihiyawan at nagsisigaw ang mga tao sa nangyari.
"Michael!"
"Michael!"
Hindi ko na alam ang nagyayari napahiga na lang ako at naka tingala.
"Oh god... you're bleeding, Michael!" Umiiyak na sabi ng babaeng iniligtas ko.
May naririnig akong nagsasabi tumawag ng ambulansya at iba pa kaya kinayanan kong umupo kahit namimilipit ako sa sakit at napatingin-tingin sa paligid.
"Y-you sh-should stay put Michael... m-may sugat ka."
Napatingin ako sa babaeng naka-wedding gown at nakahawak sa akin.
"O-okay ka lang? Hindi... ka ba nasugatan?"
Lalong naiyak ang babae sa tanong ko at niyakap ako.
"You shouldn't be asking that to me... ako dapat nagtatanong niyan."
Hindi ko alam ginagawa ko but I tried to get up when I saw the pregnant woman looking lost while crying.
Nakaupo siya na para bang nawalan ng lakas...
Nakalapit ako sa kanya sa tulong ng babaeng nakagown.
"Hey..." tawag ko sa kanya.
Napatingin siya sa akin at nagsiuunahan na naman ang patak ng luha niya.
I tried to wipe her tears away and try to calm her down.
"Nahimasmasan ka na ba?" Nakangiting tanong ko sa kanya.
"I-I'm so sorry Michael... I didn't mean to. Di ko sinasadya..." umiiyak niyang sabi.
"Shhhh... it's not your fault, alam ko. Di mo kasalanan at wala kang kasalanan." Mahinahong sabi ko sa kanya.
"And for the nth time patapusin nyo akong magsalita..."
Hindi ko mapigilang manggigil ang tono ko sa inis.
"Sven Alexandria Samañiego ang pangalan ko hindi Michael..."
Na patingin ako sa may gilid.
"Hindi ba magaling kong kuya? Wag kang magtago jan may kasalanan ka pa sa kanila lalo na sa akin."
Di makapaniwala ang dalawang babaeng pinag-aagawan si Michael sa sinabi ko at tumingin na rin sila kung saan ako nakatingin.
"Damn you... ako mismo ang papatay sa-"
Ugh... nangdidilim na ang paningin ko at wala na akong alam sa mga nangyayari.
Ah... ito na ba ang dahilan ng pagkamatay ko?