" Hera gumising ka!" Sigaw ng lalaki at tumatalon pa sa ibabaw ng bed ko. Inis ko naman inimulat ang aking mata at tinignan ng masama ang taong tumatalon. Kinuha ko ang unan ko at hinampas sa kanya kaya natigil siya sa pagtalon.
"Umalis ka nga dito.. ang aga-aga nambubulabog na eh!" Sabi ko at ipinikit ang aking mga mata. Napahinga naman ako ng maluwag nang tumigil na ang lalaki. Ilang minuto ang nakalipas ganun nalang ang gulat ko ng may bumasa sa akin ng tubig kaya't tumayo agad ako at hinabol ang lalaking natatawang tumakbo palabas.
Hinabol ko siya hanggat sa makakaya ko. Meron pa kaming nabubunggo pero tuloy lang ang habulan namin. napangisi naman agad ako ng wala na siyang matatakbuhan. dahan-dahan naman siyang tumingin sakin at nakangiti ng peke.
"Oyy.. heraa .. sorryy hehe" mahina niyang sabi pero dinig na dinig ko. Pero hindi ko siya pinansin bagkus ay nilapitan ko siya at nilabas ang kapangyarihan ko . Naestatwa naman siya ng makita iyun.
"Ang hindi ko gusto ay yung binubulabog yung tolog ko at yung masama pa binasa pa ako ng tubig." Walang emosyon kong sabi.
"Sorry na nga eh. Gusto lang kita makalaro ayaw mo ba yun?" Halatang kinakabahan na siya. lumapit pa ko sa harapan niya hanggang sa wala na siyang matakbuhan. Gagawin ko na sana siyang yelo pero may pumigil naman sa kamay ko. Tinignan ko naman ito ng masama pero ngumiti naman agad ako ng pilit ng makita kong si mommy pala..
"Anong ginagawa mo hera?" Matigas na tanong ni mommy. Kinabahan naman agad ako at namutla pa.
"W-wala mommy.. na-naglalaro lang kami." Sabi ko at nilakihan ng mata ang lalaki. Namutla naman siya nakatingin sakin at tumango-tango pa kay mommy. Napilitan. Tsk!
"Kung ganun kilala niyo na ang isa't isa?" Tanong niya pero hindi lang ako nagsalita. nakita ko naman ngumiti ang lalaki.
"Siya ay si hera." Mahinang sabi niya at tinuro pa yung mukha ko. Pinaikot ko naman ang mata ko. Binalingan naman ako ni mommy. Na parang may hinihintay na sasabihin ko. Kinakabahan naman ako at naghahanap ng masasagot. Nakita ko naman ang suot na kwintas ng lalaki at may nakasulat dito..
"S-silver! Siya ay si silver..." masiglang sabi ko kay mommy at malapad pa ang ngiti. Nagulat naman ako ng ngumiti din si mommy kung ganun...tama ako? Ang pangalan ng lalaking tu ay silver?!..
"Hmm.. you're right anak.. ang pangalan niya ay Silver cross Cantoner. Anak siya ng kapatid ng daddy mo." Paliwanag ni mommy at tumango naman ako. "Kaya mag-cousin kayo!" Masiglang sabi samin ni mommy.
"What?!" Gulat kong sabi. Cousin ko yan ang baklang yan?! Tsk! Whatever.
"What? Why? Anong problema diba maganda yun.. may kalaro ka habang wala pa yung mga kaibigan mo. Kaya sa ayaw at sa gusto mo siya makakasama mo dito sa palasyo habang wala kami ng daddy mo."sabi ni mommy na ikinalumo ko.
"Okay fine. Wala na akong magagawa." sabi ko at umalis na sa harapan nila.
Sa mga sumusunod na araw . Kasama ko nga ang batang bubwit na to. Ang ingay ingay nga eh. Akalain mong close na din sila ng mga taga linis dito. Kinakausap niya ng kung ano-ano pero hindi naman siya pinapansin. Bawal kasi ang makipagusap sa mga taga bantay sa palasyo. Minsan nakakatawa na nga siya eh. Pero naiirita pa din ako.
"Hera. Gutom na ako. Hindi kapa ba gutom?" Napabuga ako ng tubig nang sumulpot si silver sa harapan ko.
"Ano kaba silver! Kita mo namang umiinom yung tao eh. Nanggugulat ka!" Singhal ko sa kanya. Napayuko naman siya at napahawak sa tiyan niya.
"Masakit na kasi yung tiyan ko eh. Siguro may nakain ako na hindi pwede tapos—"
"Wala akong pakialam. Gisingin mo ang mga taga luto ng palasyo at magpaluto ka" sigaw ko at umalis sa harapan niya. Lalabas na sana ako ng kusina nang natumba si silver. Kaya napasigaw talaga ako ng wagas kasi namumutla na siya. Pinuntahan ko siya at niyugyog.
"Silver gumising ka! TULONGGGG!" Agad namang nagtakbuhan ang mga tauhan sa palasyo at binuhat si silver.
Nataranta naman ako kung ano ang gagawin ko. Ano bang nangyari kay silver ? Baka matuluyan nayun. Jusqo po kahit ang ingay niya, hindi naman sana matuluyan.
Nagpatawag agad nang manggagamot ang kanang-kamay ni daddy at sinuri naman ng Doktor ang kalagayan ni silver.
"Naparami lang yung nakain niya kaya sumakit ang tiyan. At siguro naka kain siya nang bawal kaya lalong lumala ang kalagayan niya." Paliwanag ng doktor sa akin.
"Ano po ba ang bawal sa kanya dok para hindi na sumakitang tiyan niya." Tanong ko sa doktor. May kinuha din siya sa bag niya at binigay sakin ang medyo malaki na bottle at may kulay violet ang laman.
"Bawal sa kanya ang may halong bawang. Hindi nagiging healthy sa kanyang katawan ang makakain nayan. Allergy din siya . At yang binigay ko yan ang gamot na dapat inumin niya bago kumain." Yun lang at umalis na ang doktor. Nagpasalamat na din ako sa Gamot na binigay niya.
Simula nun. Naging malapit na kami sa isa't isa. Kasama sa paglaro at kainan. Kasama sa pagmamasyal kahit saan. Pero pag dating ng panahon na kinuha siya ng daddy niya. Iyak ako ng iyak nun. Bata pa ako kaya hindi ko pa alam kung ano ang rasun kung bakit kinuha na siya agad. At nagsigawan pa ang daddy ko at daddy niya.
Nagkikita pa din naman kami ni silver sa pasyalan. Yan na ang routine namin simula nun. Pagdating ng birthday ko. May kasunduan kami na magkita sa Calilee Town at may ibibigay daw siya. Pero naghintay ako ng ilang oras. walang dumating na Silver. Ni anino wala . Kaya napag desisyunan kung umuwi nalang. Napagalitan pa nga ako ni Mommy kasi kung saan saan daw ako pumunta na may bisita ako sa palasyo. nakalimutan ko may mga kaibigan pa pala ako. Kaya kinalimutan ko nalang si silver pero ang pinagsamahan namin hinding hindi ko yun makakalimutan.