webnovel

Chapter 17- Council

Hema's Pov

Maaga nagising ang lahat para sa paghanda ng pagpulong ng mga counselor para sa nangyaring pagsugod ng destroyer sa circus kingdom.

Nandito ako ngayon sa kwarto ni hera dahil sa binabantayan ko siya. Dalawang araw na ang nakalipas hindi pa din siya nagigising. Ang dalawa niya namang kaibigan ay sobrang nag-alala sa kanya.

Masyadong mahina ang katawan ni Hera para sa kanyang kapangyarihan. Hindi sanay ang kanyang katawan dahil sa kakulangan sa pag-eensayo. Kaya nga may pagpulong ang mga kataas-taasan dahil sa kung pano tapusin ang destroyer.

Napatingin ako sa mahimbing na natutulog na si hera. Napangiti naman ako. Ito ang ikalawa na tinignan ko siya ng malapitan. Noong bata pa lamang siya ay hindi nag-bago ang kanyang ugali. Kung masaya siya, totoong masaya siya talaga. Kung malungkot naman, bihira nalang siya siguro maging malungkot may mga kaibigan naman siyang karamay.

* Tok tok tok

Napatayo ako nang may kumatok sa pintuan at pumasok ang dalawang kaibigan ni hera. Halata sa kanila ang pagod. Tumabi ng higa si fatima kay hera at si clarissa naman ay tahimik na pumikit sa sofa na katabi ko lang din naman.

"Pagod na pagod yata kayo?" Tanong ko. Nagmulat naman si clarissa at bumangon si Fatima sa pagkahiga.

"Maraming-marami ang ginawa namin. My God! Na stress yung beauty ko dun!" Sabi ni fatima at hinawakan pa ang mukha. "Pero... alam mo ba kung ano ang pag-uusapan ng mga council?" Napaisip naman ako. Ano nga ba? Bihira lang sila magpatawag nang importanteng pagpulong.

Natahimik ako sandali nang magsalita si Clarissa sa tabi ko.

"It's all about hera." Curious namang napatingin si fatima kay clarissa.

"Ano namang kinalaman ni hera dito? Ang problema ay yung destroyer." Suhestisyon ni fatima.

"Marami ang may hindi gusto kay hera bilang reyna ng Alehandra. maraming nagsasabi na hindi siya karapat-dapat sa posisyon niya kahit pa na anak siya ni tito Fernando. That's why sinasamahan natin siya kung may mission na gagawin." Paliwanag ni clarissa samin at tila tumigil ang mundo namin nang magsalita si hera.

"Hindi ba talaga ako karapat-dapat bilang reyna?" Malamig na tanong ni hera na ikinataas ng balahibo ko. Nakita ko din si fatima na namumutla na nakatingin kay clarissa at lumalaki pa yung mata. Si clarissa seryoso padin ang itchura pero halatang natatakot sa pinapakitang emosyon ni hera.

"Hera kamusta ang pakiramdam mo? Sandali kukunin ko muna yung gamot mo at makainom ka" sabi ko. Tatayo na sana ako nang hinawakan ni clarissa ang kamay ko. Nagtataka naman akong tumingin sa kanya pero nakatingin siya nang diretso kay hera. Halata sa kanila ang parang naguusap sa mata. Wala akong magawa kundi ang umupo ulit.

"Kailangan mong pahabain ang pasensya mo hera kung hindi ay yan ang magpabagsak sayo. Sinasabi ko to kasi kaibigan kita ayaw kitang mapahamak. Kaya't kung kailangan mong mag-ensayo. Mag-eensayo tayo." Seryoso sabi ni clarissa.

"Sinasabi mo bang mahina ako?" Madiing sabi ni hera. Napalunok naman ako sa seryoso niyang mukha. Si fatima naman parang mawawalan na nang dugo sa usapan nang kanyang dalawang kaibigan.

"Wala akong sinabi na mahina ka. Ang sabi ko mag-ensayo ka. Para maipakita mo na karapat-dapat ka bilang reyna." Nagtinginan pa sila at magsasalita pa sana si hera nang may biglang kumatok ulit sa pintuan. Tumayo ako at binuksan iyon. Sumulpot naman ang isang lalaki na malapad ang ngiti at may dala-dalang Maliit na pusa.

"Gising na ba si hera?" Tanong niya kaagad. Hindi ako nagsalita bagkus ay binuksan ko nang malakai ang pintuan para makapasok siya. Sumigla naman ang mukha nang lalaki at kung hindi ako namalik-mata ay Parang ngumiti din ang pusa nang makita si hera.

"Aww~~ ang cute cute naman ng alaga mo clover!" Hahawakan na sana ni fatima ang Puting pusa nang kagatin na sana siya neto. "Aaay!! bakit ka nangangagat?! Gusto mo ako kakagat sayo? Ha?" Singhal niya sa pusa. Kaya kinalmot siya nang pusa sa kamay. "Waaah! Huhuhu..."

"Ayan kase.. hindi kapa kasi kilala ni muffle eh." Sabi ni clover. Binigay niya naman si muffle kay hera at naging komportable naman ang pusa sa tabi ni hera.

"Ay May favoritism." Simangot na sabi ni fatima habang ginagamot ang sugat na kinalmot ng pusa kanina.

"Dapat kasi magpakilala ka muna na kaibigan kita para maging kaibigan din kayo." Paliwanag ni clover. Napa-aah naman si fatima at bumalik sa pagtolog.

Ako naman ay kinuha ang gamot ni hera at kumuha na din ng tubig para ipainom kay hera. Binigay ko naman agad ang gamot at ininom niya naman agad ito. Busy nadin siya agad sa paglalambing sa pusa.

"Siya nga pala, ilang minuto nalang nandiyan na ang mga council punta na tayo sa Study hall namin." Sabi ni clover at nauna nang lumabas. Nagtinginan naman kaming apat. Nagkibit-balikat lang si Fatima at lumabas nadin. Sumunod din si clarissa.

"Hindi kapa aalis hema?" Napatingin ako kay hera nang magsalita siya. Umiling naman ako sa kanya.

"Babantayan nalang kita. Hindi naman ako kailangan doon." Sabi ko. Tumango naman siya at bumalik sa paglalambing sa pusa.

Wala naman akong gagawin kaya gumawa nalang ako nang pag-aabalahan. Gumagawa ako ng cross stitch nang magkwento si hera sa mga ginagawa niya noong bata siya. nakikinig lang ako at tumatango kung may sinasabi siya.

"Alam mo ba noong bata ako meron akong dalawang kaibigan. Pero hindi ko maalala ang kanilang mukha. Lalaki at babae ang kaibigan ko." Kwento ni hera habang kumakain ng ubas pati na ang pusa na hawak niya.

"kilala mo ba ang mga pangalan nila?" Tanong ko sakanya.

"Gundo ang tawag ko sa lalaki pero di ko maalala ang pangalan ng babae." Sabi niya at mukhang nagiisip pa. Huminto ako sa ginagawa ko at tumingin sa kanya.

"Baka may nakaraan kang nakalimutan lang." sabi ko at pinagpatuloy ang pag cocross stitch ko.

"Pwede ba mag tanong hema?"

"Uhm."

"Magkakilala naba tayo noon?" Tanong ni hera na ikinagulat ko. Ramdam ko ang lahat ng dugo ko napunta sa mukha ko. Magsasalita na sana ako nang bumukas ang pintuan ng kwarto. Sumulpot si fatima na nagmamadali at halata sa kanya ang kabado.

"Anong nangyari tim?" Tanong agad ni hera sa kaibigan niya.

"They want you to stop being a Queen."

Pagkasabi ni fatima sa amin ang gusto ng council. Parang nabuhusan ng malamig si hera dahil hindi siya makagalaw sa inuupuan niya.

Bab berikutnya