webnovel

Chapter 5: Stuck

"Ano!?.." kuya Rozen almost shouted at me nang sabihin ko sa kanyang nagkabalikan muli kami ni Lance. I explained to him na mahal ko pa sya at sya lang ang mamahalalin ko. Wala nang iba.

"Are you insane ha?. Bakit ka pumayag?. Jesus Joyce!!." galit syang nagpaikot ikot sa harapan ko. Pagkababa ko ng sasakyan. Di ko alam na nasa gate lang pala si kuya. Nakita nya kung sino yung naghatid sakin.

Di ko na sya sinagot pa kasi sinabi ko naman na kanina ang dahilan ko bat ako pumayag. Mahal ko e!

"Kaya ba ayaw mong umuwi ng probinsya ha?. Dahil sa lintik na lalaking iyon?.."

"Kuya.." tawag ko dito upang pakalmahin sya subalit lalo ko yatang ginalit.

"What! Don't tell me na dahil nga sa kanya?. Damn it! Di ko na alam gagawin sa'yo Joyce.."

Yumuko nalang ako after that long tiring sermons from him. Di ko rin sya masisi kung bakit sya ganun ngayon. Naiintindihan ko ang punto nya. Ayaw nya na akong umiyak at masaktan muli. Pero sana maintindihan nya rin punto ko na mahal ko nga sya. Ano bang mali duon?.

Nagwalk out sya patungong kusina. Naupo lang ako at hihintayin ang pagbabalik nya. I know na di pa sya tapos.

"Kaya ka ba pumunta duon?.." he said while walking towards me. Bumalik nga sya.

"No!.." iling ko ngunit sa baba nakatingin. Iyon naman ang totoo. Nahihiya lang akong tumitig sa mata nya kaya ako nakayuko.

"Hinde pero naging kayo ulit?. Is that really you?. Easy to get?.." duon na ako napaangat ng tingin sa kanya. "Kayo ulit?. O tapos?. what about your bestfriend?. Alam na ba nya?.."

Tikom ang aking labi habang umiiling sa kanyang tanong.

"See?. Your making it complicated again Joyce!?. Ano ba?. Bakit di nyo masabi sabi ito?."

"Takot pa kami kuya.."

"What a weak reason!!" umalingawngaw ito sa buong bahay! "Fear will never set you free!. Are you even aware of that?!.."

Alam ko! Sambit ng isip ko pero di ko na isinatinig pa. Baka lalong magalit e.

Malakas na buntong hininga ang pinakawalan nito sa ere bago nagpaikot ikot muli ng mga ilang beses muna bago nya napagpasyahang maupo sa aking tabi. "Hindi kayo makakalaya kung pilit nyong kinukulong ang bagay na dapat pinapalaya.." malalim nyang himig. "Pinagbigyan kita na bumalik dito para ayusin ang gusot na yan pero bakit parang lalo lang lumala?.."

"Sasabihin naman namin.." ibinulong ko ito ngunit narinig nya pala.

"At kailan naman?.. Tsk! Maawa naman kayo sa mga sarili nyo. Kung paulit ulit nalang kayo sa ginagawa nyo. Naglolokohan nalang kayo.."

I'm damn speechless!

"Hindi ba kayo nadala noon sa inyong nakaraan?. Dapat lesson na iyon Joyce. Kung may pagkakamali na kayo noon. Please! Wag nyo nang ulitin pa! Wag na! Dahil di lang kayo ang nasasaktan kahit pa lihim ito sa lahat.."

I know! But how?

"Kahit di pa alam ng iba. Lalo na ng kaibigan mo na kapatid pa ng taong mahal mo. Di mo ba naiisip na sa paglilihim nyo. Nasasaktan nyo na sya patalikod?."

Naiisip ko rin yan syempre pero alam mo yung feeling na natatakot ka na kahit wala na pang nangyayari?. Ganun!

Di ko rin ito masabi dahil lahat naman ng punto nya, naiintindihan ko. Kuha ko ang punto nya. Sadyang, di ko nga alam gagawin!

"Naghahanap lang kami ng tyempo kuya. Nakausap na namin si Tito at gaya mo. Iyon din ang gusto nya." sinabi ko ito nang medyo huminahon na ang galit nya.

"Kita nyo na?. It should be that asap Joyce! Wag na kayong maghintay pa. Kung may pagkakataon na kayo. Grab it!. Always put this on your mind. Don't be afraid of the truth! Masaktan man kayo. Atleast, nalaman nya ang totoo. Give her some respect.."

Boom! Respect! Kahit ilang ulit pa akong huminga. Di na bumalik pa sa normal ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi ni kuya about respect. Sobra akong tinamaan duon.

Bakit kaya sya nagagalit?. Masamang masama ba talaga ang maglihim?. Paano kung kailangan talaga at wala ka ng ibang pagpipilian kundi ang maglihim lang?. Ang pagkakaintindi ko kasi. Magkaiba ang taong naglilihim sa taong sinungaling. Dahil ang taong naglihim ay maaari, ito lang ang paraan nya para di masaktan ang parehong side. It's the only easiest way to hide some things that shouldn't be unsaid yet. At ang taong sinungaling ay ito yung tao na ginagawa ng paulit ulit ang bagay na alam na ngang mali pero ginagawa pa rin ng sadya. Yung kahit aware nang mali ang ginagawa, patuloy pa rin sa paggawa. Tipong gumagawa nalang ng paraan para pagtakpan ang lahat ng maling nagawa. Iyon ay ang opinyon ko lang naman. Kasi ako. Aware ako na di ako yung tipo ng taong sinungaling. I'm just hiding a little fishy secret na maaaring sa susunod na araw ay mabunyag na. Di ako nagsisinungaling sa nararamdaman ko dahil ayaw ko nun. Naglihim ako dahil ayokong manakit ng tao but eventually, pain is really inevitable! Di pala maiiwasan iyon kahit anong gawin mo. Kahit among iwas mo dito. Ganun at ganun parin ang resulta. May masasaktan talaga!

Bab berikutnya