webnovel

Chapter 6: Strict

"Kamusta dyan nak?.." noon time nang tumawag si papa. Ako lang mag-isa dito sa bahay. Si kuya Rozen nagpaalam na may ilalakad daw na papeles. Iyon ata yung papers para sa paglipad nya patungong Australia. Nauna na kasi doon si kuya Ryle nitong nakarang dalawang buwan lang. But before he flew, sinabihan nya na rin ako about life. Na kailangang maging mature na raw ako pagdating sa mga desisyon ko. Dapat raw matuto na ako sa pagkakamali ko noon.

I guess. Natuto naman na ako. Sa opinyon ko lang. Dahil outside the box, di ko alam kung ganun nga iniisip rin nila sakin. Masasabi kong natuto na ako dahil pagkatapos ng pangyayaring iyon. Di ako tumanggap ng kahit na anong pagkakaibigan. Naging mas mailap ako sa tao. Yung mga nauna ko lang na kaibigan sa school ang kinakausap ko. Wala nang iba. May mga iilan na nagtangkang lumagpas pa sa pagkakaibigan na gusto ko ngunit binalewala ko nalang iyon na para bang di ko sila nakikita o minsa'y di nakilala. Naging malala ang pagkakaintindi ko sa kahulugan ng tiwala na kahit ang sarili ko ay pinagdudahan ko na.

Pikit mata kong sinagot si papa. "Ayos lang po.." iyon ang kailangan kong itugon upang wag na syang mag-alala pa.

"Maayos ka ba talaga?. May sinabi sakin ang kuya Rozen mo."

Mas lalong napadiin ang pagpikit ko. Naku naman! Ang daldal rin minsan ng taong iyon! Wala ba syang maitatago na sikreto? Kahit iyon lang?. Tsk!!

"Ano pong sinabi nya?.." I asked while my heart is pounding so hard.

"Alam mo na ito anak. Alam mo namang di ako tutol sa anumang gusto mo. Basta naman. Palagi mong isipin ang kahalagahan ng pagiging tao. Wag makasarili at unawain lagi ang tama.." makahulugan nitong sambit.

Base sa sinabi nyang iyon. Mukhang lahat na nga ay sinabi ni kuya sa kanya.

Hay! Ano pa nga bang magagawa ko?. Sila nga lang taong nakakaintindi sakin. I should understand them too.

"Opo.." mahinahon kong himig. Inihilig ko ang ulo sa upuang kinaroroonan ko saka nakapikit na nakikinig sa kanya. Aminin ko man o hinde. Sya lang nakakapagpakalma ng isip ko.

"Ano na ngayon ang balak mo?. Uuwi ka pa ba dito?.." he sounded like he knew my decision now. Isang buntong hininga na ang narinig ko kahit wala pa akong sinasabi. "Okay. Wag mo nang sabihin pa. Tutal bakasyon naman. Dyan ka na muna. Pagkaalis ng kuya mo, saka ka nalang uuwi rito.."

"Pa, baka pwede pong dito nalang ako mag-aral ulit?.." subok ko. Naisip ko lang naman ito ngayon lang. Magastos kasi pag paroon ako't paparito.

Di sya agad tumugon.

"Namiss ko po kasing tumira rito.." pagdadahilan ko. May bahagi sakin ang kumirot sapagkat heto na naman ako't sinasaktan ang taong laging andyan para sakin. Totoo namang gusto ko muna ritong tumira. Marami kasing mga masasamang alaala na doon ko lagi nakikita. Kailangan kong huminga muna kahit saglit lang.

"Iyon ba talaga?..Mas maraming magagandang paaralan dito nak. Matataas pa standards nila. "

"Nursing po gusto kong kunin Pa.."

"Exactly. Maraming schools dito ang may ganung kurso. Public or private. Just name it. Wag lang dyan. "

"Pero Pa??.."

"Ikaw lang maiiwan dyan pag umalis na kuya mo Joyce. Paano nalang pag nakita ka ng mama mo at ni Denise?. Kilala mo naman sila.."

"I can handle po.."

Isang mahabang katahimikan muna ang namagitan bago sya pumayag. Sa una, ayaw nya talaga pero kalaunan ay umoo na rin sya. Ang sabi nya. Bibisitahin nalang daw nya ako rito paminsan minsan.

Pagkababa ko ng tawag ni papa ay saka namang bumukas ang pinto. Iniluwa si Lance, kasunod nya si kuya!

Napatayo ako ng di oras. Paanong--?. Anong ginagawa ba nila?. Ang daming tumatakbo sa isip ko na tanong pero di ko masambit dahil agad nalagyan ng busal ang labi ko ng makitang putok ang gilid ng labi ni Lance! Nagpalipat lipat ang paningin ko sa kanilang dalawa. Kuya, greeted his teeth like some Lions who can just grab his only prey. Si Lance naman ay di patinag sa kanya. Nagawa pang tumitig sakin. Ang titig nyang di ko kayang salubungin.

"Now, let's talk.." deklara ni kuya habang nakapamulsang dumaan sa gitna namin ni Lance saka umupo sa isahang sofa.

"Ngayon nyo sabihin sakin ang plano nyo.." dagdag nya pa. Pareho pa kaming nakatayo ni Lance habang sya'y prente nang nakaupo.

"Lance, ano na?. Ayoko yang titig mo. Humarap ka nga sakin.." strikto pa nitong himig. Nakita ko kung paano lumunok ng mariin si Lance bago inalis sakin ang paningin. Dahan dahan syang humarap kay kuya. "Hindi ka uupo dahil di pa kita tinatanggap na bisita.."

Nakagat ko ang ibabang labi sa ugaling iyon ni kuya y. Ang sarap nyang bugbugin!

"Balak nyo na bang magpakasal?. Sabihin nyo lang.." sarkastiko na ang himig ni kuya. Di ko magawang lumunok ng normal sa tindi ng tensyon na nasa paligid ngayon.

"Tama na kuya, please.." di ko alam kung saang lupalop ko nakuha ang lakas ng loob na magsalita sa kabila ng galit nya. Huli nalang nang matanto kong nasabi ko na pala ito.

Ngumisi sya ng pasarkastiko. Nakakaasar! Na kung may lakas lang ako ngayon ay baka masapak ko sya!

"Now you're defending each other huh?. Ano bang pinagmamalaki nyong dalawa ha?. Kung ikukumpara kayo sa iba. Ito palang kayo oh.." ipinakita nya ang hinlalaki nyang hinati nya kunwari sa tatlo. "Sa ginagawa nyo, di ba kayo natatakot?.. Lance?.."

"Wag mo naman kaming pangunahan pare.." napapaos na tinig ni Lance. Prente at taas noong nakatingin sa kanya.

"Kung di ko kayo pangungunahan, ano?. Gagawin nyo ulit yung nangyari noon tapos ano?. Iiwan at iiwan mo ulit sya na parang walang naganap sa pagitan nyo?. Psh! Fuck you pare!.."

Nakakailang na katahimikan ang dumaan.

"Di mo nga masabi sa pinakamamahal mong kapatid ang relasyon nyo, tapos heto ka't taas noo kung humarap sakin. May hiya ka pa ba?.." kumuyom ang mga palad ni Lance.

Naku! Masama na to! Tumigil ka na kasi kuya!

"O diba?. Masakit malaman ang katotohanan?. Ganyan. Ganyan ang pakiramdam ni Bamby pag nalaman nya ang totoo lalo na pag galing pa sa iba. Come to think of it Lance. I'm doing this for your own good. For the friendship of my sister and your sister. Hindi para sa sarili ko ito kaya wag na wag mong isusumbat sakin na makasarili ako dahil una palang, ikaw yun.." gitil na himig ni kuya. Nanigas ako. Bakit anong nangyari kanina?. Gusto ko itong itanong kay Lance pero mas pinili ko nalang namahimik dahil alam kong nasasaktan ang ego nya ngayon.

Hindi sa binabalewala ko ang side ni kuya. I'm in the middle at di ko na talaga alam ang gagawin.

"Kung di mo man magawang umamin." huminto si kuya. "Ako nalang ang magsasabi.." he continued.

"No!.." malakas na sagot ni Lance. Nakakatakot ang boses nya. Na para bang isang salita pa ni kuya, bugbos sarado sya. "Ako ang bahala sa kapatid ko. Wag mo syang lapitan.." Lance warned.

Tumawa nang napakalakas si Kuya. I don't know why.

Nakakainis na halakhak nya ang sumunod bago sya nagsalita. "Bakit?. I'm just suggesting lang naman. O baka naman natatakot kang mahulog sakin ang kapatid mo tapos iwan ko rin gaya ng ginagawa mo.."

"Kuya!?.." di makapaniwalang sigaw ko. Anong nakain nya't naiisip nya ang mga ganung bagay!

"Fuck you!!.." mura ni Lance.

"Fuck off you dude!. Ayaw mo nun. We're even pag nangyari iyon.." ani kuya na sa isang iglap ay kinuwelyuhan sya ni Lance.

"Ano ba!?. Kuya, tama na!!.." sinugod ko sila't pilit pinaghiwalay pero sadyang pareho silang malakas.

"Gago ka!!.."

"Aba! Mas gago ka kaya.. hahahaha.." isang suntok na nga ang lumipad sa panga ni kuya.

At sa isang iglap. Nagrambulan na silang dalawa.

Anong gagawin ko!?. Tulong!!!

Bab berikutnya