webnovel

Prologue

I can't recall the past.

I don't know who I am.

I can't remember anything, not even my age nor my name.

Ang pangalan na mayroon ako ngayon ay ipinangalan na lang sa akin ng Doctor sa hospital kung saan ako noong unang nagising, 6 months ago— na wala nang maalala kahit isa mula sa nakaraan ko.

I don't know where I've been in the past.

Wala akong maalala kahit isang lugar man lang na napuntahan ko na noon, maliban doon sa sa hospital kung saan ako unang nagising.

I can't remember anything about myself, about my past, and for me, it's like another way of dying.

The thought of having no past memories is really torturing me.

Galing ako sa Doktor ngayon at katulad ng dati, bad news na naman ang narinig ko mula sa kaniya.

"Elle, sinabi ko na rin sa 'yo noon, most cases of dissociative amnesia are temporary, but memory gaps can last anywhere from a few minutes to an entire lifetime. Lalo na at Generalized Dissociative Amnesia ang sa 'yo, the rare one."

"Sa kaso mo, hindi pa natin malalaman kung kailan tuluyang babalik ang alaala mo, pero sigurado akong darating rin ang oras na 'yon."

"While there are no evidence-based treatments, psychotherapy and other forms of therapy, such as cognitive behavioral therapy and dialectical behavioral therapy, are often used to treat your disorder."

"Functional assessment of brain activity can be assessed using imaging techniques like fMRI, PET and EEG, in accordance with clinical data. Ako na ang bahala sa gastusin, Elle. Pero, wala ako sa lugar para magdesisyon tungkol dito. Itutuloy mo pa ba?"

I've already decided at sinabi ko na rin 'yon kay Doctor Phillips.

Hindi ko na itutuloy ang therapy.

"We've already talked about it, Doc."

"Pero, Elle... kapag hindi mo itinuloy ang therapy, maaaring mas lumala ang kondisyon mo, lalo na kapag hindi ka nag-ingat, which you might... not be able to make new memories again."

I smiled, "Magiging okay lang ho ako."

Marami nang naitulong si Dr. Phillips sa akin, pinatira nang libre sa isang apartment na pagmamay-ari niya.

Kasama ang asawa niya, itinuring nila akong parang tunay nilang anak.

Binibigyan ng pera na kadalasan ay ayaw kong tanggapin dahil nahihiya na ako sa kanila, pinapadalhan ng pagkain sa apartment ko, inaasikaso ang tungkol sa pag-aaral ko.

Tinulungan nila akong bumangon, sa panibagong katauhan na mayroon ako ngayon.

Para sa akin, sobra na ang naitulong nilang 'yon.

They helped me, more than what I deserve.

That's already enough for me.

"Buo na ang desisyon ko, Doctor Phillips, hindi ko na po itutuloy ang therapy."

I'm aware of my Dissociative Amnesia, 'yon lang yata ang alaalang meron ako ngayon.

Alaala na may sakit ako.

It's really hard but I must accept it.

Habang naghihintay ng masasakyang bus, inilabas ko ang notepad at ballpen na nasa bag ko.

"May 30, 2019. Thursday. 8:30 am — went to the hospital and talked to Doctor Phillips about the therapy.

I wrote that on my notepad.

"May 30, 2019. Thursday. 9:17 am — waiting for a bus to arrive.

Ito na ang nakagawian ko, pagkatapos kong gawin ang isang bagay, kung saan ako galing, at kung sinong kinausap ko, isinusulat ko sa notepad ko.

Kapag importante lang naman.

Alam ko kasi na baka bukas, sa makalawa, sa susunod na linggo.... o sa mga susunod na buwan ay hindi ko na maalala ang eksatong nangyari sa araw na ito.

Bab berikutnya