Elle's Point of View
Habang naghihintay ng bus, bigla ko na lamang naalala ang nangyari 6 months ago
"Gising na siya, Dr. Phillips."
"Diyos ko! Salamat naman!"
Paggising ko, ang ingay na 'yon ang bumungad sa akin.
Ang sakit ng ulo ko.
Luminga-linga ako sa paligid.
"Nasaan ako? Sino kayo?"
Nakahiga ako sa isang kama, nakasuot pa ako ng isang gown na may mga bahid ng dugo at hindi ko maintindihan ang mga nangyayari ngayon.
"Nasaan ako!?" Mangiyak-iyak kong tanong, dahil wala akong maalalang kahit na ano.
Lumapit ang isang lalaki na alam kong matanda na rin, "Nasa hospital ka, hija. Ako si Dr. Andrew Phillips Castrell, pero mas gusto ng iba na tawagin akong Dr. Phillips."
Hindi ako umimik at pinakinggan lang siya.
"Nakita ka namin ng asawa ko kagabi sa tabi ng kalsada, walang malay at walang dala na kahit ano. Dinala ka namin dito," pagpapatuloy niya.
"Masuwerte ka, hija at kami ang nakakita sa 'yo. Lalo na at Doktor ang asawa ko. Nagagalak akong nagising ka na," wika naman n'ong katabi niyang matandang babae na hindi pa rin nabubura ang ngiti sa labi simula noong magising ako.
Bakit hindi ko maalala ang tungkol sa sinasabi nila?
"Hindi ko alam ang sinasabi ninyo! Aalis na ako dito!"
Babangon na sana ako nang hawakan ako sa balikat n'ong matandang babae, "Hindi ka pa puwedeng umalis dito, hija. Hindi pa ganoon kaayos ang pakiramdam mo."
"Mas mabuting manatili ka na muna dito, Miss?"
Alam kong hinihintay niyang sabihin ko ang pangalan ko.
"H--hindi ko maaalala kung ano'ng pangalan ko...."
"Hindi ko alam kung sino ako!" Bulalas ko, "Wala akong maalalang kahit na ano."
Bakit 'to nangyayari sa akin?
I can't remember anything about me.
"Kung gano'n, kailangan mo munang manatili dito para malaman natin ang nangyayari sa 'yo ngayon."
"Wala po akong perang pambayad sa hospital."
"Ako na ang bahala, hija." Anang matandang babae at nagulat na lang ako nang yakapin niya ako, "Hayaan mo lang ako na tawagin kang anak."
"Wala kang pangalan, hindi ba? Papangalanan na lang kitang Elle," dagdag naman ni Doctor Phillips.
"Pangalan ng namatay naming anak noon...."
-
Nanatili nga ako sa hospital, and they did some tests para malaman ang kalagayan ko.
Wala pa rin talaga akong maalala.
"The last memory you can recall?" Dr. Phillips asked.
"Noong nandito na ako sa hospital at nakausap ko kayo."
"May masakit ba sa katawan mo ngayon?"
"Wala. Noong nagising ako, masakit 'yung ulo ko pero hindi na ngayon."
"Wala ka namang pasa sa katawan, hindi ba?"
Umiling ako, "Wala naman po."
"No signs of physical abuse. Hindi ka sinaktan ng kung sino noong nakita ka namin," tumango-tango pa siya at humawak sa baba niya na animo'y nag-iisip nang malalim.
"Maaaring noong gabi na 'yon, wala ka na talagang maalala. Dahil nga wala kang matandaan ay hindi mo alam kung saan ka pupunta, at nawalan ka ng malay. Pero, duguan 'yung gown mo nang makita ka namin."
Natawa naman ako.
"May nasabi ba akong hindi maganda, hija?" Tanong niya.
"You're a Doctor, and you're acting like a Police Detective."
Nagtawanan naman kami.
Ilang araw ang lumipas tsaka ko nalaman ang totoong kondisyon ko.
"You have a psychogenic or dissociative amnesia, Elle."
"Ano ho 'yon?"
"A memory disorder characterized by sudden retrograde episodic memory loss, said to occur for a period of time ranging from hours to years."
"Ibig sabihin po ba niyan, aabutin pa ng ilang taon bago tuluyang bumalik ang alaala ko?" Naiiyak kong tanong.
"I'm sorry, Elle. Oo. More recently, "dissociative amnesia" has been defined as a dissociative disorder "characterized by retrospectively reported memory gaps. These gaps involve an inability to recall personal information, usually of a traumatic or stressful nature, kaya wala kang maalala na kahit ano tungkol sa sarili mo."
Naririnig ko pa lang ang mga sinasabi ni Dr. Phillips, nanghihina na ako.
Bakit sa dinami-rami ng tao, ako pa?
"The amnesia appears to be caused by traumatic or stressful experiences endured or witnessed, like physical or sexual abuse, rape, combat, genocide, natural disasters, death of a loved one, serious financial troubles, or by tremendous internal conflict like turmoil over guilt-ridden impulses or actions, apparently unresolvable interpersonal difficulties, criminal behaviors."
"Dahil nga wala kang maalala, hindi pa natin alam kung alin sa mga nasabi ang naglagay sa iyo sa sitwasyon na 'yan."
Ilang taon pa ang aabutin bago ko maalala lahat?
-
Halos isang buwan akong nanatili sa hospital na 'yon at sobrang hirap para sa akin na wala man lang maalala na kahit ano.
Pakiramdam ko, ipinanganak ako ulit-sa ibang katauhan.
Bakit wala man lang naghanap sa akin? 'Yung mga magulang ko, nasaan na sila?
Bakit ako nalagay sa sitwasyon na 'to?
Ang daming tanong, at alam ko na masasagot kapag naalala ko na lahat.
-
"May apartment ako na hindi na namin tinutuluyan ni Emma," ani Dr. Phillips noong magdesisyon na akong lumabas na ng hospital.
"Hindi na po. Hahanapin ko po 'yung mga magulang ko," sagot ko.
"Sa kondisyon mo ngayon, Elle, mahihirapan kang maghanap lalo na't wala kang matutuluyan."
Sobrang bait nila sa akin, at sino naman ako para tanggihan sila?
"S--sige po. Maraming salamat po."
Pagkatapos ng pag-uusap ay inihatid nila ako sa matutuluyan kong 'yon, "Huwag kang mag-alala, Elle. Safe dito at alam kong makakatulong ito sa 'yo, sa pagsisimula mong hanapin ang mga magulang mo."
Sana nga ay mahanap ko ang mga magulang ko, kahit alam ko na sa ngayon ay medyo malabo pa 'yong mangyari.
Ngumiti ako sa kanila, "Sobrang maraming salamat po sa inyo, Doctor Phillips. Tatanawin ko po itong isang malaking utang na loob. Huwag po kayong mag-alala, maaalala ko rin po lahat."
-
Bumalik ako sa wisyo nang may humintong bus sa harapan ko.
Hindi ko pa rin maiwasang mag-isip at magtanong.
'Yung mga nakakasalubong ko, posible kayang nakausap ko na noon?
'Yung mga nakakasabayan ko sa bus, posible kayang nakilala ko na noon?
Nahihirapan na ako sa ganitong sitwasiyon.
Dali-dali akong sumakay sa bus dahil baka umandar na't maiwanan pa ako.
Kaagad akong naghanap ng mauupuan, at nang makahanap ay dali-dali akong umupo sa bakanteng upuan, katabi n'ong lalaki na 'di ko makita ang mukha dahil nagbabasa ng libro.
"Hindi ka na puwedeng umupo diyan," bigla siyang nagsalita, "Binayaran ko na 'yang bakanteng upuan na 'yan, maghanap ka ng ibang mauupuan," dagdag pa niya.
Bigla namang sumakit 'yung ulo ko sa sinabi niya, dahil na-ka-ka-i-nis!!!!
Kaagad akong tumayo at sakto namang umandar na 'yung sasakyan kaya muntikan na akong matumba.
"Tatanga-tanga kasi," kahit pabulong ay narinig ko pa ang sinabing 'yon ng lalaki.
What did he just say?!
Hindi ko na talaga nakontrol ang inis, padabog akong umupo at kinuha ang librong kanina pa niya binabasa, "Binayaran mo 'tong bakanteng upuan, kuya 'di ba? Ibig sabihin n'on, nilibre mo 'ko. Napakabait mo naman!" Nginitian ko siya nang mapangasar, "Thank you, ha?!" Dagdag ko pa.
"Ayokong may kaupo, at ayokong tinatawag akong kuya ng mukhang mas matanda pa kaysa sa akin," aniya at kinuha sa 'kin ang libro niya, "Maghanap ka na lang ng ibang uupuan."
Aba!
"Alam mo, ang sakit mo sa ulo! Kung ayaw mo ng kaupo, simple lang naman, ikaw ang maghanap ng ibang upuan! Wala akong pakialam kung binayaran mo na 'to, edi babayaran na lang din kita. Ang gusto ko lang naman ay makaupo dahil pagod ako at ang dami kong iniisip. 'Tsaka, 'eto na lang 'yung bakante, papaalisin mo pa ako?"
Nakakahingal namang kausapin 'tong lalaki na 'to.
Napalakas ang pagkakasabi ko n'on, kaya nagtinginan sa 'min 'yung ibang pasahero.
"Oh, sige na. Ang dami mong sinabi."
Napairap na lang ako.
"Ang suwerte mo naman at nakaupo mo ako, 'no?"
Mayabang.
"Kung ayaw mo ng kaupo, ako... ayokong kinakausap ako."
Pagkatapos n'on ay hindi naman na siya umimik, salamat naman.
Lumapit 'yung konduktor at sinabi ko naman kung saan ako bababa, "Sir, 'di ba po, bayad na 'yan kanina?" Tanong niya sa katabi ko.
"Nakalimutan ko, kuya may kasama po talaga ako. Huwag niyo na pong singilin," sagot naman niya, at saka ngumiti sa akin.
Plastic.
Pagkaalis n'ong konduktor ay nagsalita siya ulit," Paano ba 'yan, may utang ka sa 'kin."
Kinuha ko 'yung wallet sa bag ko, at kumuha ng pera't inabot sa kaniya, "Oh, 'ayan. Baka kasi mapanaginipan mo pa't ipa-hunting mo ako."
Ibinalik niya sa 'kin 'yung pera, "Hindi ko kailangan ng pera mo," nginitian niya ako at saka tumingin sa.... dibdib ko, at pababa.
"Hoy! Bastos!" Hinampas ko sa kaniya 'yung notepad na hawak ko, "Gago ka ba!? Huwag mo na akong kausapin at lalong huwag ka nang tumingin sa akin ng ganiya!"
"Ang kapal mo naman, tiningnan ko lang 'yang ID mo," aniya.
Balak ba talaga niya akong pikunin?
"Huwag mo nga akong kausapin na parang close na tayo," tinanggal ko ang suot kong ID at inilagay sa bag.
"Papunta kang trabaho?" Bigla niyang tanong.
"Papunta akong impyerno, ipapalista ko 'yung pangalan mo doon," sagot ko, "Huwag mo na akong kausapin."
Ume-extra ako bilang isang store clerk sa isang convenience store na pagmamay-ari ng isang malapit na kaibigan ni Dr. Phillips, kaya naman madali akong natanggap sa trabaho, lalo na't alam din ng may-ari ang tungkol sa kondisyon ko.
Gusto ko din namang makaipon ng pera kahit papaano at hindi lang nakadepende kina Dr. Phillips. Marami na silang naitulong sa akin.
Adoption papers na sila ang nag-asikaso at gumastos, pati na rin ang tungkol sa legal process para mapalitan ang pangalan ko.
Sa kasalukuyan ay inaasikaso din nila ang para sa pagpapatuloy ko ng pag-aaral ko.
Inalagaan nila ako at itinuring na totoo nilang anak.
"Ikaw? Hindi mo ba tatanungin kung ano'ng pangalan ko?"
Ba't ba ang daldal niya?
"Walang akong pakialam kung ano'ng pangalan mo. 'Tsaka tanggapin mo na 'tong pera, baka mabangungot ka pa dahil dito," iniabot ko ulit sa kaniya pero 'di niya pa rin tinanggap, "Ayaw mo? Hindi na bale, nag-thank you naman na ako 'di ba?"
Hindi siya sumagot.
"T--thank you. Ayaw mo talagang bayaran kita?" Muli kong tanong.
"Bayad ka na," ngumiti siya at muling itinuon ang atensyon sa hawak niyang libro, hindi na siya nagsalita pa hanggang sa makababa ako ng bus.
Weird.
Nasa tapat na ako ngayon ng convenience store kung saan ako nagtatrabaho. Medyo marami ng customer sa loob.
"Uy, late ka ata ngayon?" Bungad na tanong ni Germaine sa akin, cashier at pamangkin ng may-ari nitong convenience store, na naging kaibigan ko na rin.
"Mabagal 'yung bus," sagot ko at natawa na lang siya.
"Galing kang hospital?"
"Ano pa bang bago?"
Dumiretso ako sa C.R para magpalit ng uniporme, at nang hagilapin ko sa bag ko 'yung I.D ko....
"Nawawala 'yung ID ko," naiinis kong sabi kay Germaine nang makalabas ako.
"Saan mo ba nilagay?"
Bigla ko namang naalala 'yung nangyari sa bus kanina.
"Bayad ka na."
"Bayad ka na."
"Bayad ka na."
"Bayad ka na."
Naikuyom ko na lang ang kamao ko.
'Yung bastos na lalaki na 'yon.
Kailan pa naging pera ang ID??