webnovel

Chapter 5 - Acceptance

Lei's POV:

Hindi ko alam kung gaano katagal na akong nakatayo sa harap ng lugawan namin. Tahimik lang akong nakamasid kay mama na abalang abala sa pag-aasikaso ng customer.

Para sa akin, si mama ang pinakamalakas na tao sa mundo.

Nang mamatay si papa nung grade 4 ako dahil sa malubhang sakit, mag-isa akong tinaguyod ni mama. Lahat na ata ng sakripisyo at klase ng pagkayod, ginawa niya. Mula sa pagtitinda ng mga kakanin sa umaga, hanggang sa pagtitinda ng balot sa gabi. Wala siyang kapaguran kumayod para mabigyan niya ko ng magandang buhay. Dahil sa pagsisikap niya, nakapagtayo siya ng sarili niyang negosyo. Ito na yung lugawan namin.

Hindi kami mayaman pero mayaman naman ako sa pagmamahal ng magulang ko. Hindi sila nagkulang.

Nag-init na naman ang mga mata ko kaya mabilis ko itong pinahid gamit ang manggas ng t-shirt ko. Pumasok ako sa lugawan namin. Nagulat si mama nang bigla ko siyang niyakap mula sa likuran. 

"O, himala ata? Napasyal ka sa lugawan natin? Akala ko ayaw mong nagpupunta dito? Kumain ka na ba? Anong gusto mong kainan?" Napakalambing talaga niya.

Umiling-iling ako at mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya. Ibinaon ko pa ang mukha ko sa likod niya. Naramdaman kong hinahaplos haplos niya ang ulo ko, ang mukha ko. Magaspang at puro kalyo na ang kamay niya. Tanda ng kasipagan, sakripisyo at hirap niya sa akin.

"May problema ka bang bata ka?" Bakas ang pag-aalala sa boses niya.

"Wala po." Pinatatag ko pa ang boses ko na malapit nang bumigay. Baka lalo lang siya mag-alala kapag narinig niya na naiiyak ako.

"Sus. Itong batang 'to talaga. May kailangan ka lang ata eh. Ano ba yun? Sabihin mo na."

Muling umiling ako.

"Thank you po, ma."

Thank you po dahil minahal niyo ako na parang isang tunay na anak.

"Masaya ko kasi kayo ang mama ko. I love you po."

Kahit anong mangyari o kahit ano pa ang malaman ko. Siya pa rin ang mama ko.

May mainit na likido na pumatak sa kamay ko. Mabilis na pinunasan ni mama ang luha niya. Siguro masyado siyang na-touched sa mga sinabi ko. Bihira ko lang kasi masabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal at kung gaano ako nagpapasalamat sa mga ginawa niya para sa akin.

"Ang sweet naman ng mag-inang 'to. Pero ate, ang dami nang customer."

Kahit kailan talaga may mga epal sa mundo. Bwisit ka tito Juancho! Nagmomoment kami eh. Si tito Juancho ang kapatid ni mama at siyang katulong niya dito sa lugawan.

"Gusto mo ba ng tokwa't baboy at shanghai? Ipagluluto kita."

"Sige po, ma. Pero unahin niyo na muna mga customer."

Tumango at ngumiti ito. Naupo ako sa may bakanteng upuan at pinagmasdan ulit si mama.

"Okay ka na?"

May gumulo ng buhok ko at umakbay sa akin. Anak naman talaga ng kabute o! Bakit ba ang hilig nilang sumulpot sa kung saan?

"Maka-akbay naman Austin. Magseselos yung isa," singit ni Elliot.

"Hoy! Hindi ah!" tanggi ni Fina.

"Wala naman akong sinabing ikaw." Lokong Elliot nang-aasar na naman. Pikon pa naman si Fina. Namumula na ang mukha niya dahil sa inis at hiya. Ayan kasi defensive din masyado.

Teka? Pinagseselosan niya ko? Eww Alam naman niyang tropa tropa lang kami ni Austin. Baliw siya. Kung alam niya lang kung gaano siya kagusto ni Austin. Ayaw pa kasi umamin. Torpe ni koya.

"Gusto niyo ng lugaw at shanghai?"

Sabay sabay silang tumango. Nagningning pa ang mga mata nila.

"Eh di bili kayo."

Napabusangot silang tatlo at sinamaan ako ng tingin. Aba! Business is business. Baka malugi kami pag libre no. Sa lakas nila kumain baka gawin nilang buffet ang lugawan namin.

"Tsk! Akala ko naman libre na." Umupo sa tabi ko si Elliot at nangalumbaba.

"Ayan! May 500 na tayo!" Tinuro ni Fina ang pagmumukha ni Elliot. Napapalakpak naman na parang seal si Austin. 

Tawang tawa ko sa mga asaran nila. I guess wala naman talagang nagbago. They are still my crazy and idiotic friends with superpowers. Pwede na kaya kami maging Fantastic Four? 

I feel bad for Glessy though. We need to keep everything a secret from her.

****

Suko na ko.

Ang sakit na ng buong katawan ko dahil ilang beses ba naman akong naibalibag sa lupa! Bwisit na boy kidlat! Hindi man lang maging gentleman. Alam na ngang babae ang ka-sparring niya.

Buong araw na kaming nagtatraining. Intense training to be exact! Mabait sina Azure at Azval pero ang strict sa training. Ayoko na! Uwi na ko, mama. 

Nasa secret training ground kami na ginawa ni Sir Hidalgo para dito kami makapagsanay. Wala akong matanaw sa paligid kundi mga malalaking tipak ng bato. Punong puno na ng alikabok ang katawan at damit ko. Tanghaling tapat na pero dito sa training ground ay parang laging gabi. Mga bolang apoy nina Azval at Azure ang nagbibigay ng liwanag sa amin. Astig talaga ng dalawang 'to. Well, that's the Twin Flame of Sehira for ya'll.

Ako, si Fina at Elliot lamang ang nagsasanay dahil kakadiscover lang namin ng aming kakayahan. Tumutulong naman sina Janus sa training namin.

Hay, kelan kaya lalabas ulit yung powers ko? Isang beses ko lang yun nagawa.

"Are ya sure she's gonna be our leader? She's so weak!" 

Hindi ko na mabilang kung ilang beses nang kinuwestiyon ni Janus ang desisyon nila Azure. I can't blame him. Paano naman ako magiging leader eh hindi ko nga alam kung ano talagang kakayahan ko. Gaya nga ng sabi ni Janus, weak ako.

"Chill lang Janus. Baka sa huli bawiin mo yang sinabi mo." Depensa sa akin ni Elder Andrea. She talks like a teenager again. Okay, hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na matanda na talaga siya. Dapat ba magmano kami sa kanya pati kay sir pogi?

"Bumalik na kayo sa pagsasanay niyo." Maotoridad na utos naman ni Azure.

Pinulot ko na lang ulit ang espada ko na gawa sa kahoy at itinutok yun kay Janus. Akmang susugod na ko ng magsalita si Azval.

"Mali ang hawak mo sa espada," puna niya. Perfectionist.

"Okay lang ba talagang magskip kami ng klase?" tanong ko. Medyo grade conscious ako, hindi lang halata.

"Doesn't matter. You're stupid, anyway."

Pigilan niyo ko! Masasapak ko na talaga 'tong si boy blondie! Highblood lagi sa akin. Okay naman kami nung una.

Nakita kong kumuha ng maliit na bato si Fina at binato niya si Janus pero nakailag ang hayup. Sayang!

"Hindi stupid ang bestfriend ko ha! Isa na lang talaga masasapak na kita!" banta pa ni Fina. Sana hindi lang alaala ang kaya niyang burahin, sana pati si Janus burahin niya na sa mundo. Joke!

Buti pa si Austin hindi na kailangan magtraining. Buong buhay ba naman niya, sinanay na siya ng mga magulang niya. Ang daya.

"You're rowd you know, you're rowd. Alam mo Janus, the more you hate the more you love," sabi pa ni Elliot. Bwisit. Huwag nga niya ko i-link sa hambog na kidlat na yan.

"Shut up! Still can't accept her."

Walk out si gago. Daig niya pa talaga ang babaeng may dalaw.

"Okay, let's call it a day." Dismayado si Elder Andrea. Hindi pa din ako sanay na tawagin siyang Elder, pwede bang class president na lang? Mas okay yun.

Wala pa kaming naging matinong training sa loob ng tatlong araw. Puro away at bangayan lang. Consistent.

"Pagpasensyahan mo na si Janus. Natapakan ang pride niya eh. Akala niya kasi siya ang magiging leader," paliwanag ni Elliot. 

"Kesa naman siya! Ayoko din maging leader ang hambog na kidlat na yan," ungot ni Fina.

Si Janus o Austin dapat ang maging leader, hindi ako. Kung yun lang pinagpuputok ng butsi niya, lamunin niya yang pagiging leader na yan! Ayoko din naman ng responsibilidad.

*****

Tumambay kami sa 7/11 hindi kalayuan sa plaza kung saan may nagaganap na cooking contest. Fiesta kasi dito sa amin. Madaming events sa tuwing fiesta dito. Plano nga namin magpunta ng perya mamayang gabi.

Mabuti na lang talaga nagbaon kami ng mga extrang damit na pamalit. Lagot ako kay mama kapag nakita niyang madumi ako. Wala na din ang mga gasgas namin dahil pinagaling naman ni Azure, yun nga lang masakit ang katawan namin. Mukhang amoy na salonpas ang magiging pabango ko ng ilang araw.

Dala ang chips at slurpee na binili namin, umupo muna kami sa may labas.

"Hindi ba kasali mama mo sa cooking contest?" tanong ni Elliot bago humigop sa slurpee niya.

Tumango ako at napatingin sa orasan ko. "Baka nasa plaza na yun. Alas-kuwatro na eh. Excited yun kaninang umaga eh."

"Punta na ko dun, pagkaubos ko nito."

"OMG! Ang landi talaga ng Cecilia na 'to! Ibang lalaki na naman ang kahalikan. My gosh!" bulalas bigla ni Fina.

Hawak na naman niya ang phone niya at nagbobrowse sa facebook. Sumasagap na naman ng chismis ang loka. Kaya ayoko din masyadong natambay sa social media eh.

"Sinong Cecilia? Yung hottie at sexy cheerleader?"

"Kadiri ka Elliot. Hindi naman hottie yun. Taasan mo nga standards mo," wika pa ni Fina. Irita talaga siya sa Cecilia na yun. Kahit ako rin naman, naiinis dun. Siya yung babaeng kahalikan din ni Franco dun sa picture. Malanding babae talaga.

"Pero alam niyo, may nararamdaman talaga akong kakaiba sa Cecilia na yan." Napatitig ako kay Elliot. Ang seryoso niya kasi.

Don't tell me, tinamaan siya kay Cecila? F.O ko siya.

"Ako din may nararamdamang kakaiba sa kanya. Nararamdaman kong malandi siya!"

Sabay kaming napatawa ng malakas ni Fina. Ang lokaret talaga nito.

"Hindi yun, iba talaga-----"

Nabitin sa ere ang sasabihin ni Elliot nang marinig namin ang mga sigawan ng tao.

"Halimaaaaaaw! May halimaaaaaaw!"

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAH!"

"Halimaaaaaaaw! AAAAAAAAACK!"

Otomatikong napatayo kami at napatakbo sa direksyon ng mga sigawan. Sinalubong kami ng mga taong hindi na magkumahog sa pagtakbo. Aligaga at nahihintatakutan. Hindi nila alintana kung nababanga na nila kami.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba nang itituro nila ang plaza.

"May mga halimaw! May mga halimaw sa plaza!" Hapong hapong sigaw nung isa. 

"Ang mama ko!"

Mabilis akong napatakbo papunta sa plaza.

"Lei! Sandali!"

Panay ang tawag nila sa akin. Sinusubukan akong pigilan pero sa huli, wala silang magawa kundi sundan na lamang ako.

Bab berikutnya