Lei's POV:
Patuloy akong nakipagsisikan sa daloy ng mga taong sumasalubong sa akin. Halos nagtutulakan na sila kaya may ibang nadadapa na sa kalsada.
Mahigpit ang hawak namin nina Fina sa kamay ng isa't isa upang hindi kami magkahiwa-hiwalay.
Napatakip kami sa ilong namin dahil sa masangsang na amoy ng dugo sa paligid. Nagkalat ang katawan ng mga tao sa kalsada.
"EEEEEEEEEEEK."
"EEEEEEEEEEEK."
Kakaiba ang ingay na naririnig namin. Nakakapanindig balahibo.
"Hoy mga bata! Tumakbo na kayo! Umalis na kayo!"
Sinisigawan at pinapaalis na kami ng mga matatanda pero hindi namin sila pinakinggan.
"EEEEEEEEEEEEK!"
"Shit! Ano yun?" Sinundan ko ang tinuro ni Elliot sa hindi kalayuan. May kung anong mga kakaibang nilalang ang nakapalibot sa walang buhay na katawan ng isang matanda. Wakwak ang tiyan nito. Parang pinagpepyestahan nila ang katawan nito. Masuka-suka kaming tatlo ng kainin nila ang lamang loob ng kawawang matanda.
"Is t-that a goblin?" Bahagyang napaatras si Fina sa takot.
Abala ang mga ito sa pagkain kaya hindi nila kami napapansin.
Nanginig ang buong laman ko nang maaninag ko ang itsura nito. Kulay green ang mga ito. Mapupula ang mga mata. Mahaba ang tenga at matutulis ang ngipin. Mahahaba din ang kulay itim na kuko nito sa paa at kamay. Napakarami nila.
"Retreat! Retreat!" Parehas na hinila nina Fina ang dalawang kamay ko paalis pero nagpumiglas ako.
"Lei, ano ba? Makinig ka naman! Let's wait for the others!" Pigil pa sa akin ni Fina.
Pero hindi ko kayang maghintay lang. Wala na akong pake kung anong klaseng nilalang sila. Ang tanging nasa utak ko lang ay ang mailigtas ang mama ko.
"Lorelei? Lorelei, ikaw ba yan?" Mabilis kong hinanap si mama nang marinig ko ang pamilyar na boses niya. Natanaw ko siya sa may gitna ng plaza. Tumatakbo siya palapit sa akin.
"MAMAAAAAAAA!"
Dahil sa ingay na ginawa ko, nabaling sa amin ang atensyon ng mga goblin na kanina lang ay abalang nanginginain. Sumugod sa amin ang napakaraming goblin pero hindi ko na ito ininda.
Nanlambot ang mga tuhod ko. Halos panawan ako ng lakas nang may isang goblin na lumitaw mula sa likuran ni mama. Kitang kita ko kung paano bumaon sa likod ni mama ang matatalas na kuko nito.
"No....Noooooo!"
Sinubukan kong tumakbo ulit para makalapit pero may malakas na pwersa ang pumigil sa akin.
"Fuck! You're really stubborn!"
Hindi ako makagalaw.
Humarang si Janus sa dinadaanan ko. Kasunod na dumating niya sina Azure, Azval.
"Stay here!" bulyaw niya.
Doon ko lang napansin na nasa loob ako ng isang barrier na gawa ni Sir Hidalgo. Kasama ko sa loob sina Fina at Elliot.
"Yung mama ko! Please! Sasama ko." Panay ang pagkalampag ko sa barrier pero hindi ko magawang makalabas.
Nagdilim ang ekspresyon ng mukha ni Janus. "Useless."
Masakit. Napakasakit ng salitang binitawan niya. Tama siya, napaka-useless ko nga.
"That's why you're not fit to be a leader. You're so weak and emotional."
Oo na. Tama ka na.
Napa-upo na lamang ako. Isa isa ko silang tinapunan ng tingin. Nagbabaka sakali na payagan nila ako sa gusto ko. Nagmamakaawa na palabasin nila ako pero ni isa sa kanila hindi ako pinakinggan.
Ganun ba ako kahina sa paningin nila? Magiging pabigat lang ba ako?
Ayoko na. Ayoko na maging mahina.
"Please. Save my mother," pagsusumamo ko.
"I'll take care of it." Walang emosyong tugon ni Janus bago siya nagtungo sa kinaroroonan ni mama.
Biglang umihip ang malakas na hangin. Binabalot ako ng kakaibang takot. Nanunuot ito sa kalamnan.
Sabay sabay kaming napatingala.
Nakalutang sa ere ang isang nilalang. May dalawang mukha ito, isa sa harap at isa sa likod. Nakakatakot ang mala-halimaw na anyo nito.
"Baduk."
Matikas ang tayo ni Sir Hidalgo pero ramdam kong may nadarama itong takot.
"S-Sir... anong klaseng nilalang ba yan? Boy version ni KaraMia?" nanginginig ang boses na tanong ni Elliot.
"Nagawa mo pa talagang magbiro, nasa panganib na nga tayo!" sigaw ni Fina.
"Baduk. Isa siya sa mga malalakas na Galur. He can summon those goblin. Kaya dito lang muna kayo, wala pa kayong kakayahan para tapatan ang lakas nito," ani ni Sir Hidalgo.
*******
Third Person's POV
Nasa gitna ng plaza ang binatang si Janus. Patuloy siya sa pagdepensa at pag-atake laban sa mga batalyon ng goblin. Wasiwas ng kanyang gintong espada ang kanyang naging pagbati sa bawat goblin na umaatake sa kanya. Tanging naririnig lamang niya ay ang pagtarak ng talim ng espada niya sa matigas na laman nito. Ang iba naman ay tinutusta niya sa pamamagitan ng kanyang kidlat.
Napakarami nila. Tila hindi na ito nauubos.
Hindi na niya mabilang kung ilang goblin na ba ang napatay niya. Nagmamantsa na sa gintong espada at damit niya ang maitim at malansang dugo nito.
"Yuck!"
Pawis na pawis at hinihingal na rin siya pero kailangan niyang maprotektahan ang ina ni Lei na walang malay sa di kalayuan. Gumawa rin siya ng barrier at ikinulong niya ito sa loob para maprotektahan ang ginang mula sa goblin na magtatangkang atakihin ito.
Saglit niyang nilingon ang mga kasama na nasa loob din ng barrier. Nakaramdam siya bigla ng guilt dahil sa masasakit na salitang binitiwan niya kay Lei.
"This is not the time for guilt tripping, dude." Kausap niya ang sarili.
"EEEEEEEEEK"
"EEEEEEEEEK"
Muli siyang nilusob ng napakaraming goblin. Napamura na lamang siya sa pagkayamot. Mas lalo silang dumami. Mas dumoble pa ang bilang kesa kanina.
"Fuck you all!"
Lumikha siya ng libo-libong kidlat at itinapon iyon sa direksyon ng mga goblin. Lumikha ito ng napakalakas na pagsabog. Umalingawngaw ang daing ng mga nasasaktang goblin.
"EEEEEEEEEEEEK!"
Napangisi siya nang makitang nangalahati na ang bilang nito pero nakaramdam siya ng panghihina dahil sa ginawa. Pagod man, pinagpatuloy niya ang ginagawang pag-atake sa mga goblin. Ilang sandali pa ay naramdaman niya na malapit nang bumigay ang katawan niya. Gumawa si Janus ng barrier para protektahan ang sarili mula sa mga goblin at saglit na magpahinga sa loob nito.
Sa kabilang banda naman, ang kambal na Azure at Azval ang nakikipaglaban sa nilalang ng kadiliman na si Baduk. Maririnig ang bawat pagtama at kalansing ng mga espada nina Azure at Baduk, samantalang si Azval naman ay patuloy sa pagtapon ng mga bolang apoy sa kalaban nila ngunit ibinabato lang din ni Baduk ang mga ito pabalik sa kanya.
"HAHAHAHAHA! Mga hangal! Sa tingin niyo ba ay matatalo niyo ako?" Parang galing sa lupa ang nakakilabot na boses nito. Umiikot-ikot pa ang ulo nito.
"Bakit hindi mo kami subukan?" Mapaghamong ngumisi si Azval.
Muling lumikha ng mga bolang apoy si Azval ngunit mas pinag-alab at pinalaki niya pa ito. Walang atubiling ibinato niya ito kay Baduk. Ngunit wala itong natamaan.
Mabilis ito. Hindi niya inaasahan ang pagkawala nito sa kanyang paningin.
Humina ang depensa ni Azval. Hindi niya napansin na nakalipat ito sa likuran niya. Handa na siyang saksakin gamit ng itim na espada nito ngunit mabilis na rumesponde si Azure at naharang ang atake nito.
"KLIIIIIIIIIIIIING!"
"KLAAAAAAAANG!"
Nagpatuloy ang labanan sa pagitan nina Azure at Baduk. Halos pantay lang ang laban. Hindi nila magawang basagin ang depensa ng isa't isa.
Sa kalagitnaan ng paglalaban nila, nakarinig sila ng malakas na pagsabog na likha ng mga kidlat ni Janus.
Napukaw nito ang atensyon ni Baduk. Natanaw niya ang mga alagad sa baba. Hindi siya makapaniwala na nababawasan na ang bilang nito. Isang maling galaw ito para kay Azure, agad niyang sinamantala ang kawalan ng pokus ni Baduk.
Iniumang niya ang kanyang espada at sinaksak sa sikmura ang kalaban.
"Aaaaaaaaargh!" Napahiyaw sa sakit si Baduk nang maramdaman niya ang pagtarak ng espada ni Azure. Mas idiniin pa ito ni Azure. Napahawak si Baduk sa talim ng espada nito, dahan dahan niyang hinuhugot ang espada ng may ngisi sa labi na parang nanunuya.
Mabilis siyang lumipad palayo kay Azure.
Nadismaya naman si Azure. Hindi sapat ang ginawa niya para mapatay o mapuruhan man lang ito.
Inilabas ni Baduk ang itim niyang plauta. Pinatunog niya iyon. Naglabasang muli ang napakaraming goblin dahil sa musikang nilikha niya.
"Kuya, si Janus! Mukhang kailangan niya ng tulong mo!"
Napatingin si Azure sa baba. Nakita niya si Janus na napapalibutang muli ng mga goblin. Hinang hina na ito. Mukhang hindi na niya kayang lumaban. Naglaho na rin ang barrier na ginawa nito para protektahan ang sarili at ang nanay ni Lei. Tanda na humina na ang kontrol nito.
Hindi magawang sumaklolo nila Azval dahil hinaharang sila ni Baduk. Naikuyom niya ang kamao niya.
"Huwag! Huwag kayong lalapit! Layuan niyo sila! Layuan niyo sila!"
Naririnig nila ang mga palahaw at sigaw ng dalagang si Lei.
"Huwag...huwag...MAMAAAAAAAAAAAA!"
Umalingawngaw ang napakalakas na sigaw ni Lei na tila rinig sa buong sanlibutan. Sa hindi malamang dahilan, nagdulot ng malakas na pagyanig ang pagsigaw niyang iyon. Samantalang kakaibang sakit naman sa pandinig ni Baduk ang sigaw ni Lei. Napatakip ito sa mga tainga niya. Parang sasabog ang ulo niya dahil napupuno iyon ng malalakas na boses ng dalaga.
Naging pabor sa panig nila Azure ang nangyari.
"Kuya, tumabi ka!"
Lumikha ng hugis-espadang apoy si Azval. Napakatindi ng ningas nito. Nakakatupok. Sa isang hagupit ng espadang apoy niya, nahati sa gitna ang katawan ni Baduk. Pumailanlang ang nakakahindik na sigaw nito bago ito tuluyang magningas at maging abo. Kasabay ng paglalaho ni Baduk ay ang paglaho din ng mga goblin sa paligid.
*****
Lei's POV:
Wala akong magawa kundi manuod lang habang nakikipaglaban si Janus sa mga goblin. Kita ko ang sikap niya para maprotektahan lang niya sa mama.
Gusto kong lumabas. Gusto kong tumulong pero pinanghihinaan lamang ako ng loob lalo pa't alam ko namang wala din naman akong kakayahan para protektahan sila.
Napatingin ako sa mga nanginginig kong kamay. Ito ba? Ito ba ang may kapangyarihan? Nasaan ang kapangyarihan ko sa oras na kailangan ko ito?
Sana maging malakas din ako katulad nila. Hanggang kailan ba ako iiyak na lang ng iiyak habang nakikitang nasa panganib ang mga taong mahalaga sa akin.
Wala akong nagawa para iligtas si Franco.
Wala rin akong magawa ngayon para tulungan ang mama ko.
Nakakapagod maging mahina.
"BOOOOOOOOOOOM!"
Isang napakalakas na pagsabog ang pumukaw sa atensyon ko. Bumungad sa paningin ko ang makakapal na usok, at nang humupa ito, nakita ko si Janus na mukhang hinang hina na. Kahit pa nanghihina ito, patuloy pa rin siya sa pakikipaglaban.
"Shit! He's on his limit!" Natatarantang napasigaw si Fina. Hindi ko maiwasang mag-alala.
Isang ingay mula sa plauta ang narinig namin, kasunod nun ay pagsulputang muli ng napakaraming goblin. Napalibutan si Janus, bakas ang panghihina sa kanya dahil unti-unti nang nawawala ang barrier na nilikha niya. Wala nang pumuprotekta sa kanila ni mama.
Lumabas agad ng barrier namin si Sir Hidalgo upang saklolohan sina Janus ngunit mabilis na hinarang siya ng mga kumpol ng goblin.
Napatayo ako para kalampagin ang barrier.
"Sir, palabasin niyo na ko dito! Please!" Pagmamakaawa ko nang paulit-ulit pero parang hindi niya ko naririnig.
Napayakap na lamang sakin si Fina. Ramdam niya ang desperasyon ko.
"Sir palabasin niyo na kami! We can help!" pangungumbinsi na rin ni Fina. Maging si Elliot ay sinubukan na ding makiusap sa adviser namin.
"Diyan lang kayo! Hindi ko pwedeng ilagay ang buhay niyo sa panganib!" mariing pagtutol ni Sir Hidalgo.
Nahindik ako nang makita kong nagsisilapitan ang mga goblin sa walang kalaban laban na si Janus. May ibang nakalapit na din kay mama.
"Huwag! Huwag kayong lalapit! Layuan niyo sila! Layuan niyo sila!"
Blag!
Itinapon ko na ang sarili ko sa barrier para makawala lang ako dito ngunit para itong salamin na hindi ko magawang basagin.
"Lei, tama na. Masasaktan ka lang eh."
Napasabunot ako sa sarili ko. Paulit ulit na kinalampag ko ang barrier. Itinapon ko ulit ang katawan ko dun. Nararamdaman ko ang sakit sa buong katawan ko ngunit hindi ko tinigil ang ginagawa ko.
"Huwag. Layuan niyo sila."
Napaluhod na lamang ako ng dahil sa pagod. Iyak ako ng iyak. Hindi magkamayaw ang mga luha ko. Hindi rin magawang makaabante ni Sir Hidalgo sa kinaroroonan nila Januns. Mas nahindik pa ako nang sabay sabay na tumalon ang mga goblin, pasugod sa walang malay na katawan ni mama.
"Huwag...huwag...MAMAAAAAAAAAAAA!"
Buong lakas akong napasigaw. Pakiramdam ko mawawalan na ako ng boses at mapapatid na ang litid ko sa leeg. Nakaramdam ako ng pagyanig. Hindi ko na alam kung anong nangyayari.
Walang tigil sa pag-agos ang luha sa mata ko.
"Y-You did it," wala sa sariling sambit ni Fina.
"Nagawa mo Lei! Finally! May powers ka na!" Halos magtatalon sa tuwa naman si Elliot.
"That's my girl!" Napayakap na naman sa akin si Fina.
Napatingin ako sa kapaligiran. Gumuhit ang ngiti sa mga labi ko nang mapagtanto ko kung anong nagawa ko.
Napatigil ko sila. Hindi na gumagalaw mga goblin. May iba sa kanila ay nanatiling nakalutang pa sa ere. They freeze, I did it once again.
Mas nagpatuloy pa ang kasiyahan namin ng iglap lang ay narinig namin ang kahindik hindik na sigaw ng nilalang na may dalawang mukha sa itaas. Unti-unti itong nagliyab. Sa paglalaho nito, parang abong naglaho rin ang mga goblin.
*****
"It's okay. She's still breathing."
Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi ni Sir Hidalgo. Hindi ko na kailangang humiling pa dahil kusang lumapit si Azure sa tabi ni mama at binalot niya ito sa kanyang asul na apoy upang mapagaling ito.
"Salamat."
Tipid na ngumiti lang ito. Halatang napagod siya sa pakikipaglaban nila kanina.
Hinanap ng paningin ko si Janus. Nakaupo lang ito sa sahig, walang imik. Mukhang naka-recover na ito ng kaunti. Gusto ko sana siyang lapitan para pasalamatan pero nag-aalangan ako. Baka sungitan na naman niya ako.
Mahinang tinapik ako ni Fina sa balikat. "Sige na. Puntahan mo na."
Tumango ako at nagpasyang lapitan si Janus. Sa paghakbang ko, bigla na lamang sumirko sirko ang paningin ko.
"Leiiiiiiiiiiii!"
Narinig ko pa ang pagtawag nila sa pangalan ko bago ako tuluyang mawalan ng malay.