webnovel

As Sweet as a Gummy Bear

Katatapos lamang ng klase nina Angel at Bryan.

"May meeting daw kami sabi ni Coach Rico," ani Bryan sa girlfriend. "Mauna ka na sa canteen."

"Matagal ba iyon?"

"Saglit lang naman siguro," sagot ni Bryan. "Pero kung gutom ka na, mauna ka nang kumain."

Nagpunta na nga sa canteen si Angel, pero hindi pa siya nag-order ng pagkain. Hihintayin muna niya si Bryan. Orange juice na lang muna ang kanyang inorder habang hinihintay ang boyfriend niya. Binuksan din niya ang kanyang spaced grey iPad Air at itinuloy ang binabasang e-book sa kanyang Kindle app.

Biglang may umupo sa may harapan niya. Thinking it was Bryan, she turned off her iPad. Nagulat pa siya nang pag-angat niya ng tingin ay nalaman niyang ibang tao pala ang nasa harapan niya.

Joshua Ignacio smiled nervously. "Hi!"

Hindi siya nakasagot.

Isang puting paper bag ang inilapag nito sa mesa. Bahagya nitong tinulak iyon palapit sa kanya. "For you."

Kinuha niya ang paper bag at tinignan ang nasa loob nito. "Gummy bears?"

Tumango si Joshua. "Di ba favorite mo iyan? Noon ngang mga bata pa tayo, inaway mo ako kasi kinain ko yung gummy bear mo."

Napangiti si Angel. "Inaway kita noon kasi hindi ka nagpaalam. Hindi ka man nga nanghingi, basta ka na lang kumuha... Thanks for this. You're right, this is one of my favorites."

"Mabuti naman nagustuhan mo."

"Oo naman, but, what is this for?"

"Peace offering." Napangiwi si Joshua. "Iyong tungkol sa nangyari sa inyo ni Gina..."

"Oh..." Napatingin siya sa paper bag.

"I'm so sorry. Hindi ko naman alam na ganoon ang gagawin niya. I mean, Gina is the sweetest."

Napabuntong-hininga siya. "Joshua, I hate to burst your bubble, but Gina is not what you think she is... She is not sweet."

Napatingin si Joshua sa kanya.

"She's not that nice to me," Angel continued. "Hindi ko naman siya inaaway, but still, she hates me. At hindi lang naman ako ang nakakapansin na hindi ganoon kaganda ang ugali niya."

"Actually, si Garee nga lagi niya akong pinagsasabihan tungkol kay Gina."

"Woman's instinct, I guess," she said. "You should've listened to Garee."

"But, what can I do? I just... really fell for her." Biglang nalungkot si Joshua.

Naawa naman bigla si Angel sa kaharap. Ramdam kasi niyang totoo ang sinasabi nito. Nahawakan tuloy niya ang kamay nito.

"Alam kong alam mo ang pakiramdam ng nagkakagusto at nagmamahal. Si Bryan, I know that's how you feel for him."

"I understand you." Angel smiled at him. "But Josh, kung hindi na makakabuti sa iyo, then I guess, hindi na dapat pang ipilit. You also have to love yourself, you know."

Mataman siyang tinignan ni Joshua.

"Sometimes, it's not so bad to listen to your friends, to the people who really care for you. At sabi nga ni Daddy, if you're not happy, then it's not right."

Si Joshua naman ang humawak sa kamay ni Angel. "Thank you, ha?"

Nginitian niya ito. "Para ano pa't naging magkapitbahay tayo?"

"Promise, hindi na ako makiki-usyoso sa kilig moments ninyo ni Bryan."

Natawa si Angel sa sinabi nito, lalo na't seryoso pa kunwari si Joshua sa pagkaka-deliver ng statement na iyon.

Natawa na rin si Joshua. "Me and my curious self. Eh kasi naman, first time ko yatang makitang ganoon ka. Nakaka-enganyo tuloy panoorin."

Bigla siyang nahiya sa sinabi nito. Pakiramdam niya ay nag-blush siya dahil doon.

"But you two really look good together. And I know Bryan de Vera is a good person. Good for you, Neighbor."

Na-touch siya sa sinabi nito. Sa totoo lang, medyo close ang pamilya nila nina Joshua. Kasi nga magkapitbahay sila, tapos ay isa din sa mga partners ng MPCF ang mommy nito. Iyon nga lang, talagang hindi siya palakaibigan kaya hindi sila naging best buddies nito, o maging ng bunso nitong kapatid na si Jasmin. Si Alex naman, medyo umiiwas sa kanila dahil niligawan siya noon ni Joshua.

"Thanks, Josh..." Saka siya biglang may naalala. "Gusto mo ba ng gummy bear ko?"

Nagtawanan silang dalawa.

🧸🍬🍫

Kaagad namataan ni Bryan si Angel pagpasok niya sa cafeteria. Iyon nga lang, natigilan siya nang makitang may kasama ito. It was Joshua Ignacio, one of CPRU's certified heartthrobs; and also, the person responsible for what happened to Angel yesterday.

Hindi niya mapigilan ang pagkainis sa lalaki dahil doon. And there he is right now, talking to Angel. Ano naman kaya ang pakay nito? Kukumbinsihin ba nito si Angel na intindihin si Gina at patawarin ito sa ginawa nito sa kanya? Mas lalo siyang nainis nang maisip iyon.

Pero nabigla siya nang bigla na lang hawakan ni Angel ang kamay ni Joshua.

𝘞𝘩𝘢𝘵 𝘵𝘩𝘦 𝘩𝘦𝘭𝘭 𝘪𝘴 𝘩𝘢𝘱𝘱𝘦𝘯𝘪𝘯𝘨?

Whatever it is, he's not liking it. Lalo na ang sympathetic look on Angel's face. At lalo na, noong hinawakan na rin ni Joshua ang kamay nito.

Parang nagkaroon ng sariling buhay ang mga paa niya. Lumakad ang mga ito palapit sa dalawa. Nagtatawanan ang mga ito nang makalapit siya sa mga ito.

Si Angel ang unang nakakita sa kanya. "Bry!"

Bakit parang masaya pa itong makita siya? Ni walang bahid na may ginagawa silang hindi niya gusto.

Si Joshua ang mukhang affected sa nangyari. "Bry! Uh... Andyan ka na pala." Napatayo ito at parang kinakabahan. "Ahm, I just talked to Angel. Aalis na rin ako."

Tumango na lamang siya.

Si Joshua naman ay nagpaalam na kay Angel. "Sige, Angel. I'll see you around na lang."

"Sige," nakangiti namang wika ni Angel.

Nginitian siya ni Joshua bago ito tuluyang umalis. Naupo siya tabi ni Angel.

"Kumusta ang meeting?" Nakangiting tanong ni Angel sa kanya.

"Okay lang." Bakit parang walang nangyari? Balewala lang ba dito iyong nakita niyang magkahawak ang mga kamay nila ni Joshua? Nagbitiw lang ang mga ito nang dumating siya at makita siya ni Joshua.

"Gutom ka na ba?"

Hindi na siya nakatiis pang hindi ito sitahin. "Why is Joshua Ignacio talking to you?"

Saglit na natigilan si Angel. Siguro ay nagulat ito sa bigla niyang pagtatanong. "Ahm, he gave me gummy bears." Ipinakita nito ang laman ng paper bag na nasa mesa. "You want some?"

"Para saan daw?"

"Peace offering. Iyong nangyari kahapon."

Medyo naliwanagan naman siya ng kaunti. But still, bakit mag-e-effort si Joshua Ignacio na gawin iyon? "Kailangan ba niyang gawin iyon?"

Nagkibit-balikat si Angel. "We're neighbors. Kahit papaano close ang families namin, lalo na't isa sa mga partners nina Daddy yung mommy niya. Hindi nga lang ako naging close sa kanila, lalo na't friends nila sina Garee Gonzalez at Nick Jacinto. Pinsan sila ni Richard, di ba?"

Tumango siya. May punto nga naman ito.

"Noong mga bata pa kami, naging bisita namin sila sa bahay namin. I think bagong lipat pa lang sila noon sa Moonville. Meron akong gummy bear noon. Eh itong si Joshua, feeling close agad. Kumuha siya nung gummy bear ko ng hindi nagpapaalam. Eh siyempre, nagalit ako. Inaway ko siya." Natawa ito sa ala-ala. "Napaka-dense."

"Bata ka, eh," aniya. He loves listening to her stories. He loves watching her talk. Ngayon pa lang kasi ito talagang nag-o-open up sa kanya. He's loving every second of it.

"Oo nga." Dumukot si Angel ng gummy bear sa loob ng paper bag. "Masubukan nga itong regalo ni Joshua Ignacio." Binuksan niya ang pakete at saka kumuha ng isang piraso at tinikman iyon. "Hmn! Tikman mo."

Sinubuan siya nito, at parang lahat ng selos na nadama niya kanina ay naglahong lahat.

"Sarap, ano?" tanong nito sa kanya.

He nodded. How can he not love this simple and childish, yet elegant girl in front of him? So innocent, so unassuming, so real. Hindi na naman niya maiwasang mapatitig dito.

"Alam mo, niligawan pa nga no'n si Alex dati. Pero ayaw sa kanya si Alex. Pati tuloy iyong si Jasmin, iyong younger sister ni Joshua, nadamay sa pag-iwas niya. Close na close pa naman dati ang dalawang iyon."

"Eh ikaw, hindi ka ba niya niligawan?"

"Matapos ko siyang awayin dahil sa gummy bear, sa tingin mo liligawan pa ako non?" natatawang tanong ni Angel. "Isa pa, hindi ako type non. Ang gusto non, iyong mga tulad ni Gina. Sana nga lang makahanap na siya ng ibang liligawan. Kasi si Gina hindi naman siya ang gusto. Kawawa lang si Joshua. Mabait din naman iyon kahit na medyo maloko minsan."

Her kindness exudes from her without her knowing it. Napakatotoo ng mga emosyong pinapakita nito. Her eyes give her away. He just feels so lucky to have her as his girl.

"Parang gusto ko ng pimiento pasta with roaster brocolli."

Nagliwanag ang mga mata ni Angel sa narinig. "Masarap iyon!"

"Gusto mo noon?"

Tumango si Angel.

"Let's get some."

"Yey!" Excited na tumayo si Angel. "Libre mo ako?"

Inakbayan niya ito. "Oo ba."

"Uh! Ang bait naman ng boyfriend ko." Yumakap ito sa baywang niya.

He smiled as he held her more tightly. "Because I have the best girlfriend ever."

♥️♥️♥️

𝐿𝑜𝑣𝑒 𝑖𝑠... ℎ𝑎𝑝𝑝𝑦 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜 𝑠𝑒𝑒 𝑦𝑜𝑢 𝑆𝑀𝐼𝐿𝐸.

~ ғʀᴏᴍ HJ-ST♡︎RY.com

Bab berikutnya