Thursday night nang muling maimbitahan si Angel sa bahay ng mga de Vera. Seven o'clock ang usapan nila, pero quarter to seven na ay hindi pa nakabihis si Angel.
"Ano ka ba naman, Ate?" ani Alex. "Fifteen minutes na lang hindi ka pa bihis. Mag-aayos ka pa, eh."
Nasa may walk-in closet ni Angel ang dalawa. Nakaupo sa may harapan ng vanity si Alex, habang pinapanood ang kapatid na natataranta sa pagpili ng isusuot para sa dinner nila with the de Veras. Daig pa niya ito na bihis na at handang-handa na sa kanyang pink dress.
"Eh siyempre, gusto kong ma-impress yung mommy't daddy ni Bryan," ani Angel sa kanya.
"Andun na ako, pero fifteen minutes na nga lang. Ate, baka ma-late tayo," ani Alex.
"Eh hindi ko kasi alam kung ano ang isusuot ko." Napaupo na lamang si Angel sa silyang naroon. "Dapat talaga dumaan tayo ng mall kahapon para bumili ng bagong dress."
Bumuntong-hininga si Alex. Mukhang kailangan na niyang tulungan ang ate niya. "Ayoko sanang makialam sa'yo Ate, kasi gusto ko ikaw ang dumiskarte sa mga future in-laws mo."
Lumapit si Alex sa mga naka-hanger na dress ni Angel at saka namili ng isusuot ng kapatid. "Kaya lang baka maloka ka na. O, heto na lang ang isuot mo."
Isang puting chiffon dress ang napili ni Alex. Sleeveless ito at V-neck na A-line ang silhouette. Knee length naman ang balloon nitong skirt.
"Iyan?" Tinignan ni Angel ang pinili niyang damit. "Eh napakasimple naman niyan, eh! Mas maganda pa iyang suot mo."
"Ate, simplicity is beauty. Tapos ternuhan mo nito." Kinuha niya mula sa shoe rack nito ang isang pares ng silver glaze glittering strappy stiletto sandals.
"So you think okay na ito?"
"Trust me, Ate. Kailan ba ako nagkamali when it comes to choosing what to wear?"
"O sige na. Ito na isusuot ko." Tumayo na ito at pumunta sa may bathroom para magpalit.
"Hay naku! Mabuti naman at natapos na rin."
Tumingin sa oval-shaped life sized mirror si Alex at ang sarili naman ang sinuri. Simpleng pink dress lang ang suot nito. Vintage ang style ng short sleeved lace dress niya na hanggang tuhod ang haba. Flat collared ito at A-line din ang tabas. Cute ang pink and white floral design ng lace nito. Tinernuhan niya ito ng biege nude heeled stiletto court shoes. Naka-ponytail naman ang mahaba at straight niyang buhok at naglagay din siya ng konting make up.
Talagang nagpaganda siya sa gabing iyon. Hindi lang naman kasi ang pamilya ni Bryan ang maaari nilang makaharap ngayon. Malamang na nandoon din si Richard. Alam niyang spoiled silang dalawa pagdating kina Bryan at Angel. Baka nga pati ang mga Quinto ay naroon din.
Kaya naman tiniyak niyang maganda din siya sa gabing iyon. May posibilidad kasi na makilala na rin niya ang mga future in-laws niya. Hindi nga ba, kapag nagkatuluyan sila ni Richard ay in-laws na rin niya ang mga de Vera? Hindi niya mapigilang kiligin sa isiping iyon.
"Alex, can you come here please!"
𝘏𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘬𝘶! Ang ate talaga niya. Iniwan na muna niya ang salamin at nagtungo na siya sa may banyo upang tignan ang kanyang nakatatandang kapatid.
🌸🌻🌺
Pagbaba ni Bryan sa hagdan ay kaagad siyang sinalubong ng mommy niya.
"O, mabuti naman at tapos ka nang magbihis," ani Helen sabay lapit sa kanya. "Ang gwapo talaga ng anak ko. Ayusin lang natin ng konti itong kwelyo mo."
"Mom!" Wala na siyang nagawa pa nang hawakan nito ang kwelyo ng kanyang dark blue polo shirt.
"Sandali lang. Inaayos lang ng konti para lalo kang pogi," ang sabi pa ni Helen.
Nang ang buhok na niya ang hinawakan nito ay umalma na siya. "Mom! Ang tagal kong inayos iyan, eh."
"Eh pinapagwapo lang naman kita lalo."
"Hayaan mo na iyang anak mo, Honey," ang sabi naman ni Raul. "Mana iyan sa akin kaya gwapo na iyan kahit anong suot at ayos ng buhok."
"Anong sa'yo? Sa akin siya nagmana, ano!" tanggi naman ni Helen.
"Tignan mo naman, tindig pa lang, Raul de Vera na."
"Yung charm niya sa akin nakuha! Tsaka yung appeal niya."
"Eh di ba parang pareho lang iyon?"
"Of course not!" ani Helen. Saka ito biglang napaisip. "Oo nga, pareho lang iyon!"
Natawa si Bryan sa kulitan ng parents niya.
"Basta, sa akin siya nagmana," pagpipilit ni Helen.
"Yung galing niya sa pagkanta, no doubt sa akin niya nakuha iyon," ang sabi naman ni Raul.
"Ang sabi po ni Tito Benjie, mixed daw ang namana ko sa inyong dalawa," natatawa namang wika ni Bryan.
Napatingin si Raul sa anak. "Ano? Iyan talagang Benjie na iyan! Kahit kailan hindi pa rin talaga marunong gumawa ng proper judgment."
Nasa ganoon silang biruan nang marinig nila ang pagdating nina Angel at Alex.
"Oooh! Andiyan na sila!" Halos takbuhin ni Helen ang pintuan.
Napatingin na lamang si Bryan sa ina. Pagkatapos ay bigla niyang naramdaman ang pag-akbay sa kanya ng ama.
"Anak, mas excited pa ang mommy mo na makita si Angel kaysa sa'yo."
"Mukha nga po."
And after a few seconds, Angel emerged from the front door. Bryan can't help but smile when she saw her. She looks like an angel in that simple white dress she's wearing. She's just so perfect.
"Angel, you met my husband, your Tito Raul."
"Good evening po." Nagmano si Angel kay Raul.
"Good evening, Hija," bati ni Raul dito. Pagkatapos ay si Alex naman ang binati nito.
"O Bryan, yung girlfriend mo! Asikasuhin mo naman!" ang sabi ni Helen sa kanya.
"Para kasing ayaw n'yo na siyang ibigay sa akin," biro ni Bryan. He then went to Angel and held her closely. "I thought you're not coming." Halos ma-late na kasi ito sa pagdating. Medyo kinabahan na nga siya na baka hindi ito sumipot.
Napangiwi si Angel. "Cold feet."
"And a lot of wardrobe changes," singit naman ni Alex.
Isang masamang tingin ang binigay ni Angel kay Alex. Napabungisngis si Bryan. Naiintindihan naman niya ang girlfriend, dahil ganoon din siya nung pumunta siya sa bahay ng mga ito. Naka-ilang palit din siya noon ng damit bago nagdesisyong iyon ang suotin niya.
Dahil sa tingin ni Angel ay iniba bigla ni Alex ang usapan. "Meron nga po palang pinapabigay si Daddy." She handed the box she's carrying to Raul. "Para daw po sa inyo."
Chocolate tiramisu ang laman ng kahon. Paboritong dessert iyon ng daddy niya. Napangiti si Bryan dahil doon. Mukhang suyuan stage ang dalawang ex-friends.
"Hmn... Good for Benjie to remember," ang sabi na lamang ni Raul. "Thank you."
"Okay then, kumain na tayo!" yaya ni Helen sa lahat.
Nauna na ang mag-asawa sa pagpunta sa may kusina.
"Bry, darating ba si Richard?" tanong ni Alex sa kanya.
"Meron silang dinaluhang event, eh. Kasama yung parents niya."
Nalungkot bigla si Alex sa narinig. Naiintindihan naman iyon ni Bryan. Minsan nga lang naman ito magkaroon ng moment at ang pinsan niya, tapos hindi pa pwede ngayon si Richard.
"Sorry, ha? Ngayon na lang kasi ang free time ng parents ko bago sila mag-tour." Natuloy na rin kasi iyong pinapangarap na vacation tour ng mag-asawang de Vera. "One month din silang wala, o baka ma-extend pa depende sa kanila. Sa Europe kasi sila pupunta, so malamang matatagalan sila dahil sa dami ng gusto nilang puntahan."
"At least makakapag-relax sila," ani Angel.
"Oo," aniya sa girlfriend. "Matagal nang hinihiling iyon ni Mommy kay Daddy eh. Buti ngayon nangyari na. But they want to meet you muna bago sila umalis."
"Okay lang, Bry," ani Alex. "Hayaan mo na."
"Halina kayo sa dining room," yaya niya sa dalawa.
Nagpunta na nga silang tatlo sa may dining room ng kanilang malaking mansiyon.
♥️♥️♥️
𝙲𝚑𝚘𝚘𝚜𝚎 𝚝𝚑𝚎 𝚐𝚞𝚢 𝚠𝚑𝚘 𝚝𝚊𝚔𝚎𝚜 𝚢𝚘𝚞 𝚝𝚘 𝚑𝚒𝚜 𝚑𝚘𝚞𝚜𝚎 𝚝𝚘 𝚖𝚎𝚎𝚝 𝚑𝚒𝚜 𝚙𝚊𝚛𝚎𝚗𝚝𝚜, 𝚗𝚘𝚝 𝚑𝚒𝚜 𝚋𝚎𝚍𝚛𝚘𝚘𝚖. ~ Aɴᴏɴʏᴍᴏᴜs