Matapos magpaka bundat sa pagkain lumabas ng bulwagan si Arnie kasama si Neptuno upang hanapin ang tatlong seahorse (kabayong dagat )
Prinsipe Borjo: Arnie....... Nagising ka na pala???
Arnie: Oo obvious ba??? Kumain na nga ako eh, kumain na ba kayo? Ang sagot ni Arnie sa tanong ni Borjo.
Prinsipe Borjo: 😖 yun lang naman lagi ang laman ng isip niya... may bago pa ba??? ang mahinang bulong ni Borjo.
Ah.... eh ..... hindi pa kami kumain, pero busog pa naman kami. Sagot nito kay Arnie at muli nitong naalala na halos mapuno ng mabahong hangin ang kanilang tiyan dahil sa pag utot ni Arnie habang natutulog.
Kabatao: Arnie..... hindi pa ba tayo babalik sa mundo ng mga tikbalang? ang singit namang tanong ni Kabatao kay Arnie.
Tahimik namang nag hintay ng kanyang sagot ang tatlong seahorse, umaasang OO ang isasagot nito sa kanila.
Lumingon muna si Arnie kay Neptuno bago nito sinagot si Kabatao na animo nag hihintay pa ng pag sang-ayon mula rito.
Arnie: Hindi pa, sa katunayan ay pupunta na tayo sa Olympus kasama si Neptuno, Naghahanda na nga sila ng pagkaing babaunin natin.
Tatlong Seahorse: 😖😖😖 buong akala nila ay papayag si Arnie na umuwi na sila.....
Kabatao: 🤔⚡💡may naisip na ideya si Kabatao, ngunit nag aalangan siyang sabihin ito kay Arnie.
Arnie: Kabatao may nais ka bang sabihin? ang tanong ni Arnie dito ng mapansing kumi kibot kibot ang matilos nitong nguso na tila may gustong sabihin.
Kabatao: ah..... eh.... naisip ko lang.... pwede bang umuwi na muna tayo? saka na lang muna natin ituloy ang pag punta sa Olympus. Ang tanong nito na hindi malaman kung paano ngingiti dahil sa matilos nitong nguso.
Arnie: Hindi pwede... mahalaga ang bawat oras, isa pa nakaka hiya kung magpa balik balik tayo dito upang sunduin lang si Neptuno... Baka isipin niya pagkain ang dahilan kung bakit tayo bumalik...
Neptuno: 🙄
Prinsipe Borjo: 😨
Kabatao: 😨
Kabayuhan: 😨