Walang nagawa ang tatlong seahorse, hindi nila nakumbinsi si Arnie na ipag paliban muna ang pag tungo sa mundo ng mga bathala.
Ilang saglit pa at lumapit ang mga siyokay kay Arnie, dala ang mga bagong lutong pagkain na inihanda nila para kay Arnie. Labis silang natutuwa dahil na appreciate ni Arnie ang mga pagkaing kanilang niluluto.
Masaya namang tinanggap ni Arnie ang lalagyan ng mga bagong lutong pagkain. Nakangiti niyang binalingan ang tatlong seahorse at si Neptuno.
Arnie: Nakahanda na ako... tayo na.... umalis na tayo.....
Nakangiti namang sumang ayon si Neptuno.
Neptuno: Sige... umalis na tayo, nasasabik na rin akong makitang muli ang aking mga kapatid. Lalo na ang aking kuya, si Zeus.
Matapos sumang ayon ni Neptuno ay ikinumpas ni Arnie ang kanyang kamay na walang hawak upang mag bukas ng portal na kanilang gagamitin patungo sa Olympus.
Nanlaki naman ang mata ng tatlong seahorse ng makita ang bumukas na portal habang unti unti silang hinigop ng malakas na pwersa papasok sa portal. Nakangiti namang humakbang papasok sa portal si Neptuno, hindi pansin ang takot sa mukha ng tatlong seahorse.
Wala sa hinagap ng nakangiting si Neptuno na animo delubyo ang kanyang dadanasin sa portal na magdadala sa kanila sa Olympus.
Lumipas ang halos ( isang de kada sa kanilang pakiramdam) dalawang oras na pagla lakbay.
Lahat ng kinain ni Neptuno ng araw na iyon ay naisuka na niya. kulang na lamang ay isuka niya pati ang kanyang mga lamang loob sa hirap at pagka hilo na kanyang dinanas. Lubos niya ng naunawaan ang takot na bumalatay sa mukha ng tatlo.
Ang tatlong seahorse ay nag balik na sa kanilang anyong tikbalang. Nag pa ikot ikot at nagpa bale balentong ang tatlo sa napakalakas at nakaka takot na pwersa sa void ng portal.
Ang kanilang mga mukha ay tumabingi na rin at nawala sa porma at dating hugis. Malapit na ring maubos ang mga balahibo sa kanilang katawan sanhi ng mala blade na hangin na tumatama sa kanilang balat.