webnovel

Yoko Doll

Blood XXI: Yoko Doll 

Savannah's Point of View 

Nanggagalaiti ang bagang kong nakatingin kay Zedrick na ngayon ay nakaluhod sa asin. Kumuha pa talaga ako sa kusina niya nito para lang ikalat ang mga 'yan sa sahig.

"W-wala tayo sa panahon ng mga lolo't lola natin kaya bakit ginagawa mo 'to sa ak--"

Hinampas ko sa sahig ang stick na nakuha ko sa likod ng pinto n'ya. "Silence!" I said in an authority tone kaya napatikum ang bibig niya.

Tinapik tapik ko sa palad ko ang stick kasabay ang paglabas ni Zoe mula sa kusina subo-subo ang popsicle na binili pa ni Zedrick sa convenience store.

 Ibinaling ko ang tingin sa kanya. "Ayaw mo ba talagang paliguan kita?" Tanong ko kay Zoe na inilingan n'ya bilang sagot. Hindi naman na s'ya bata pero kasi ayaw talaga n'yang maligo kahit hindi na kaaya-aya 'yung amoy niya. Saka, 

 Ibinaba ko ang tingin sa yakap yakap niyang manika na nasa kaliwang kamay. Talaga bang dala-dala niyan? Hindi ko 'yan napansin. 

Humalukipkip akong pumaharap kay Zoe. "Pero papayag ka kung si Zedrick ang magpapaligo sa 'yo?" Tanong ko na may blankong tingin. Masigla naman itong tumango tango dahilan para mapa-bored look ako. "Really?" walang gana kong tanong saka nilingon si Zedrick, binigyan ko siya ng matalim na tingin. "Why is she so fond of you? What did you do?" Iritableng panghihinala ko. 

Hinawakan niya ang chin niya't nginisihan ako. "Jealous-- Aww, masakit." Tukoy niya sa mga tuhod niyang sumasakit na sa kakaluhod sa asin.

Narinig namin ang pagbukas ng pinto kaya pare-pareho naming nilingon iyon. "Zedrick? Nasa'n ka?" Boses ni Vermione.

"Vermione?" Takang tawag ni Zedrick habang nangingitim naman ang aura ko.

Pumikit ako't huminga ng malalim upang magpigil na bulyawan si Zedrick. "Ilang babae pa ang gusto mong papuntahin sa condo mo?" Walang gana ko pa ring tanong nang imulat ko ang aking mga mata. Nataranta naman siya bigla. 

Iwinagayway n'ya ang mga kamay niya sa harapan ng kanyang dibdib. "B-Believe me! Hindi ko alam na pupunta s'ya rito! Ni hindi ko nga rin alam na alam niya kung sa'n ako nakatira, eh!" Palusot niya. 

Nakarating na si Vermione dala-dala ang iilan sa folder. "Ah, don't worry. I asked the head about his address. Biglaan lang din akong pumunta rito." Sagot niya kaya nakahinga ng maluwag si Zedrick pero napasinghap nung tingnan ko siya. 

 Lumapit naman ako sa kanya. "Pero bakit napadalaw ka yata?" Tanong ko saka ibinaba ang tingin sa mga hawak niyang folder. "Handouts?" 

Inilapag n'ya 'yong mga folder sa glass table ni Zedrick at tumango. "Yes. Para kay Zedrick, pinapaabot ni Mr. Okabe." Tugon niya at tiningnan ang mga tao rito. "Ano nga pala ang mayro'n?" Tanong niya nang mapansing nagkakagulo kami rito lalo na noong tingnan niya si Zedrick na nakaluhod sa may asin. "Is this how you express your love, Savannah?" Tanong niya noong ibaling niya ang tingin sa 'kin na may matamis na ngiti sa kanyang labi.

Namula ang mukha ko sa sinabi niya. "N-No!" 

 Tumawa siya. "But your face says it all." Huh? Kung anu-ano sinasabi. 

Ibinaling na niya ang tinign kay Zoe. "And who might you be?" 

 Tumungo si Zoe. "Z-Zoe." Nahihiyang pagpapakilala nito dahilan para lumapit si Vermione sa kanya at nilingon kami. 

"Kamag-anak mo?" Tanong niya sa akin na inilingan ko. 

 "N-no..." Nauutal kong sagot. Paano ko ba ipapaliwanag kung sino ito? 

Tumikhim ako. "Ipapaliwanag ko kung ano ang nangyayari, sa ngayon..." pumikit ako at huminga ng malalim, feel ko 'yong sobrang pagod. "Tulungan mo 'kong kumbinsihin siyang maligo." Turo ko kay Zoe na napatingin din sa akin. 

Nilingon naman iyon ni Vermione saka siya nginitian. "I see..." Pabulong nitong sabi at pumunta sa harapan ni Zoe. "Wanna go and take a bath with me?" Inangat ni Zoe ang tingin niya't dahan-dahang tumango. 

Tila para namang may tumusok na kung ano sa dibdib ko dahil sa naging sagot niya. Sa kanya pumayag, pero sa akin hindi?

Nginisihan ako ni Zedrick. "Tanggapin mo na, hindi ka talaga magaling makipag interact sa tao." Napakagat labi ako at sandali siyang binigyan ng tingin bago pairap na umalis sa harapan niya. 

 "I'll go take a bath." 

Zedrick's Point of View

Tahimik lang na umalis si Savannah pagkatapos ko siyang asarin nang kaunti. Medyo natahimik ako no'ng bigyan niya ako ng gano'ng tingin, eh. Para bang may nasabi akong hindi maganda. 'Di bale, kausapin ko na lang mamaya, patapusin ko lang itong parusa kong 'to kahit ang sakit sakit na. 

Nagbuga ako ng hininga. "Her traits suppose to be a dog-like." Labas sa ilong kong sabi. 

 Natawa si Vermione. "Ah, is it because of her name?" Pati ako ay natawa rin. Alam din pala niya iyon? 

Sabi kasi ni Mr. Okabe sa 'kin na galing talaga ang pangalan niya sa pusa dahil mukha raw siyang maamo no'ng sanggol pa siya 'tapos animo'y isang pusa. Savannah Cat is very loyal, and will develop a strong bond with people. Savannah's are thought to have "dog-like" personalities. 

Pero mukhang kabaliktaran ang napunta sa kanya. "Hindi ka ba aalis d'yan?" Tukoy ni Vermione sa pagkakaluhod ko sa asin. 

Taas-noo akong pumikit. "Para naman 'to kay Savannah, so, I won't" 

Siyempre, loyal ako. Gusto kong pagkatiwalaan ako ni Savannah sa lahat ng bagay kaya gagawin ko 'to. 

 "Hindi ka ba nasasaktan sa ginagawa mo?" Curious na tanong ni Vermione habang nakaupo lang ngayon si Zoe sa isang tabi. Maliligo raw muna kasi si Savannah, eh. 

 "Nasasaktaktan ako siyempre, pero kung para kay Savannah. I will do it." 

Pilit siyang napangiti. "Hindi ko alam kung matutuwa ako o maaawa sa 'yo, pero masyado ka na yatang nabubulag sa sinasabi mong love?"

 Tiningnan ko si Vermione. "Hindi baleng mabulag, ang importante naipapakita ko kung paano ko pinapahalagahan si Savannah kahit wala siyang ideya sa ginagawa ko. Para bago ako mamatay, wala akong pagsisisihan." 

Napaawang siya sa sinabi ko kaya itinagilid ko ang ulo ko, nagtataka siyang tiningnan. "May nasabi ba 'kong mali?" Walang ideya kong tanong na ngiti niyang inilingan. 

"W-wala naman." 

Nagku-kwentuhan lang kaming dalawa ni Vermione habang kain lang nang kain si Zoe noong magpasyang siyang kumuha ng tubig sa refrigerator. "Nandoon lang naman iyon banda sa kaliwa, 'di ba?" Turo ni Vermione kung nasa'n iyong kusina ko. 

"Oo, pumunta ka lang sa pang unang pinto, makikita mo na 'yung kusina." pagtukoy ko sa direksyon kaya tumayo na siya't maglalakad na noong matapilok siya. "Oy!" Mabilis akong tumayo pero dahil hindi ko nakita ang wire na nasa paanan ko ay pati ako, napatid nito. "Sh*t."

Bumagsak siya sa carpet habang tinakpan ko kaagad ang labi niya para hindi siya mahalikan, kung hindi ko pa 'yon ginawa. Malamang, nahalikan ko na nga talaga siya. Nanlaki ang mata niya't namula ang buong mukha. 

 Argh, hindi ako makapaniwala na magiging ganito ang posisyon naming dalawa. Pa'no niya ginawa? Bago siya mapahiga, humarap siya sa 'kin para abutin sana ako't hablutin. Umaasang hindi siya babagsak. 

 Mangha lang na nakatingin si Zoe sa 'min habang takip takip ang bibig, at kung minamalas nga naman dahil naabutan pa kami ni Savannah sa ganitong posisyon. Great. 

"Fun..." Her eyes tell me that she despises me! "Get your filthy hands away from her, you son of a b*tch." Ngayon ko lang narinig sa kanya 'yung language na 'yan kaya malamang. Galit talaga siya. 

Tumayo ako. "I'm a son of God!" Kaunti na lang talaga at malapit na akong ma-amaze sa sarili ko dahil nagagawa ko pa s'yang biruin. I'm dead. 

Tumayo na rin si Vermione na ngayon ay may suot suot na pilit na ngiti, "I-it's not his fault, natapilok kasi ako, eh."

 Inilipat ni Savannah ang tingin niya kay Vermione kasabay ang paghalukipkip, mayro'n siyang tuwalya sa ulo niya. "Oh? So, you're saying na sinadya rin niyang magpatapilok to hit you?" 

Natawa si Vermione, "That's not it, Savannah."

 

 Wala na lamang nagawa si Savannah kundi ang mapabuntong-hininga, "Whatever. Pakipaliguan na lang si Zoe." Bossy na utos niya 'tapos tumalikod.

Tumango lang si Vermione bago ayain si Zoe na pumunta sa banyo, kaya ngayon ay kaming dalawa na lang ang nandito ni Savannah. Walang nag-iimikan ni isa sa amin kaya nakaramdam na ako ng awkwardness. 

Kaya ang ginawa ko, gumawa ako ng p'wedeng maitanong, "A-ah, anong oras pala tayo aalis bukas?" Sa halip na sumagot siya ay pairap lang niya akong tinalikuran para pumunta sa kwarto na pagtutulugan nila ni Zoe mamaya. Naituro ko naman na kasi sa kanila kung saan sila matutulog mamaya, eh. 

"Huwag mong kakalimutang mag good night sa 'kin--" 

 

 "Silence!" Malakas na sigaw niya mula sa kwarto kaya napatikum na 'ko.

Vermione's Point of View 

Tahimik lang na nakaupo si Zoe sa maliit na upuan habang pinapaliguan ko siya, hindi naman siya malikot at hindi rin masyadong nagsasalita kaya namumuo ng katahimikan sa banyo at patak lamang ng tubig na nagmumula pa sa gripo ang maririnig. 

"Sa'n ka galing?" Tanong ko sa kanya habang shina-shampoo-han ang ulo niya. 

 "Hindi ko alam." Tanging sagot niya at tiningnan ang manika na nandoon lang sa tabi. Dinala din niya rin 'yon dito, tila parang 'di niya kayang mahiwalay dito kahit panandalian lang. "Basta ang alam ko, iniligtas ako ni Yoko." 

Kunot-noo akong napatigil. "Yoko?" Ulit ko sa nabanggit. Tinuro naman niya 'yong manika na dala-dala niya kaya bigla akong kinilabutan. Natawa ng pilit saka ipinagpatuloy 'yong pagkukuskos ko sa ulo niya, "I-I see..." nasabi ko na lamang at napaseryoso na sinulyapan ang manika. 

Savannah's Point of View 

Matapos mabihisan si Zoe ay pinahiga na namin siya sa kama tabi-tabi ang manika niya. Hindi ko pa rin talaga gusto 'yung idea niya na matutulog ako kaharap 'tong manikang 'to. Sa sala na lang kaya ako matulog mamaya?

"Savannah." Ngiting tawag ni Vermione nang buksan ang pinto. Sumesenyas siya na pumunta na ako sa sala. 

 Lumingon ako sa kanya at sinabing susunod na lamang. Kinumutan ko kasi 'tong babaeng Zoe na 'to. I still don't trust her.

 

 Tumayo ako ng maayos at tumitig sandali kay Zoe bago lumabas para pumunta sa sala kung saan naghihintay sila Zedrick. Umupo ako sa single couch. "Simulan na natin." 

Bab berikutnya