webnovel

The Melody of Life

Blood XXII: The Melody of Life 

Savannah's Point of View 

Vermione crossed her arms as I finished giving explanation in the situation regarding to Zoe's condition. Right now we're planning to go back by tomorrow at Prison of Atlante to find this vampire who summoned the spirits not long time ago.

 It's not good if we're just goin' to leave things like that, I wonder what will happen if that'll be the case.

I let out a sigh. "That's it for today." Pagtatapos ko sa meeting ngunit itinaas ni Vermione ang kanan niyang kamay. May question siya. 

 "Hindi ba't nasabi mo ngang hinahanap ng mga tao sa Platoon 11 'yung babaeng estudyante? Hindi kaya si Zoe 'yun?" Hinala niya. 

 Nag lean ako sa back seat ng couch. "Possible but at the same time, hindi. Saka may kailangan pa 'kong usisahin kay Zoe kaya hindi ko sinabi sa mga tao sa Platoon 11." Pagtayo ko. Nakababa ang tingin ko nang ibalik ko ulti ang tingin kay Vermione. "By the way. Ba't hindi ka na lang muna rito mag stay?" Tanong ko. Anong oras na rin kasi. Saka para hindi lang ako 'yong magbabantay kay Zoe. 

 Nagulat naman ang dalawa sa sinabi ko. "Hey, don't decide for yourself!" si Zedrick. Walang gana ko naman siyang tiningnan habang nakataas ang dalawa kong kilay. 

 Ipinatong ni Zedrick ang dalawa niyang mga kamay sa kanyang kandungan at tumungo. Walang nagawa kundi ang manahimik. 

 "Okay lang naman, pero--" Pinutol ko 'yung sasabihin ni Vermione at kinuha ang kanyang kaliwang kamay para hilahin siya. "Later." Paalam ko kay Zedrick. Pumasok na kaming dalawa sa kwarto kung sa'n mahimbing na natutulog ngayon si Zoe. 

Sandali kong binigyan ng tingin ang manikang yakap yakap niya. 

Where did her memories go? How did it happen?

"You're worrying too much." Ngiting sambit ni Vermione kaya napatingin ako sa kanya mula sa aking peripheral eye view. Naglakad ako para maihanda na ang sapin na hihigaan ko. 

 

 "I'm not." Sagot ko naman 'tapos naglagay ng punda sa unan ko. "By the way, I'm sorrry for dragging you here. Wala bang maghahanap sa 'yo?" Tanong ko sa kanya na nakatayo lang din doon sa bandang pintuan. 

 Umiling siya. "Wala naman. Don't worry." Ngiti lang niyang sabi pero napatingin ako sa kamay niyang bigla niyang inilagay sa kanyang likuran. "Pero hindi ka ba nanghihinayang?" Tanong niya kaya ibinalik ko ang tingin sa mukha niya. Kumunot din ang aking tingin. "Maso-solo mo na kaya siya." Tinutukoy ba niya si Zedrick?

Bumuntong-hininga ako at naglakad papunta sa bag ko. "You've got the wrong idea, I don't have any feelings towards him. He's just a vampire who helps me out." Paliwanag ko at inilapag ang bag sa wooden chair. "Also, I didn't invite you because I like it. Ayoko lang mapagalitan ni Dad kapag may hindi magandang nangyari sa isa sa estudyante ng K.C.A." I paused at nilingon siya. "Kahit na sabihin pa nating kaya mo ang sarili mo." Dagdag ko at inabot na sa kanya ang damit. 

"Here." Abot ko sa extrang damit ko. Kasya naman 'yan sa kanya dahil mukha namang same size kami. Ibinaba niya ang tingin doon at dahan-dahang kinuha. Sandaling tinitigan ang hawak niya nang matawa ito. Mainhin talaga siyang tumawa, napaka feminine talaga nung dating but at the same time...

...She's a strong-willed woman.

"I won't wonder why he likes you." May kinukuha pa ako sa bag ko nang lingunin ko siya.

"Stop it, sino nanaman ba' yang tinutukoy mo?" I asked. Nginitian lang niya ako't hinubad na ang kanyang damit para magbihis. Hinayaan ko na lang siya at kumuha ng earphone. Hindi kasi ako makakatulog kapag walang pinapakinggan.

Kapag kasi matutulog na ako, saka lang ako aatakihin ng demonyo ko-- Overthinking. Sobrang ingay ng mundo ko tuwing ipipikit ko na ang aking mga mata, hindi ako madaling makatulog kaya dinadaan ko na lang sa pakikinig.

 Kinuha ko pa ang foam na nakatago sa cabinet ni Zedrick para sa hihigaan ni Vermione. Buti pala tatlo 'yung foam niya, ano? 

 

 Naningkit ang mata ko. May pinapatulog yata siyang babae rito, eh.

Inayos ko na nga 'yung hihigaan. Bale sa gitna si Vermione habang sa kaliwang bahagi naman ako ng kwarto malapit sa pinto.

Pareho na kaming nakahiga at nakapatay na ang ilaw dahil matutulog na nga rin kami para maaga kami bukas. Isinuksok ko na ang earphone ko sa tainga ko't namili ng papakinggan pagkatapos ay tumitig sa kisame. Nakinig ako ng Heart Warming BGM, medyo nakaka-relax kasi siya sa utak.

Kaso ilang minuto na yata akong nakatitig sa kawalan ay hindi pa rin ako makatulog. Umupo ako mula sa pagkakahiga saka napatingin kina Vermione. Tinapatan ko siya ng ilaw, tulog na siya.

 Naglabas ako ng hangin sa ilong saka tiningnan si Zoe kasabay ang pagtayo. Lumabas na muna ako sandali para pumunta sa Balcony ni Zedrick. Tahimik kong binuksan ang sliding door nito't lumabas.

Laking gulat na maliwanag ang bituin ngayong gabi. "W-wow..." Mangha kong sabi at umabante pa, hindi pa rin natatanggal ang tingin ko sa kalangitan. Nagkikislapan ang mga bituwin, tila parang ayaw nilang magpatalo kahit napapaligiran sila ng kadiliman.

As long as they're together, stars must shine their own light. Following their own path, not worrying about the darkness for they are sparkling bright.

"Never stop looking up." Sabi sa sarili. I wonder what makes the universe exist.

Flash Back 

 "Sav!" Lumingon ako sa taong tumawag sa pangalan ko kasabay ang pagyakap nito sa akin. 

 "Hey." Nahihiya kong reaksiyon dahil nakatingin na ang mga tao sa 'min. Umagang umaga kasi, ang ingay ingay ng bunganga ng babaeng ito. Saka nakakapagpapukaw ng atensiyon 'yong aura na mayro'n siya araw-araw. 

 Gusto siya karamihan ng mga estudyante. Kumbaga palagi rin siyang tinitingalaan. Maliban sa mayro'n siyang bright personality, kasundo niya talaga halos lahat ng mga estudyante. 

Lumayo siya sa 'kin na may ngiti sa labi. "I miss you! Labas naman tayo mamaya, 'lagi ka na lang busy sa training mo, eh." Nagtatampo nitong sabi sa akin kaya tumawa ako ng pilit. 

 

 "It can't be helped, advance training din 'to para kung sakaling--" she cut me off.

Mabigat siyang bumuntong-hininga. "I get it. Advance training for future war?" Tanong niya at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. "You don't need to work hard. Ako naman ang po-protekta sa 'yo, eh." 

 

 Sumimangot ako at marahan na tinulak palayo ang mukha niya. "Ayokong dumedepende sa 'yo."

 Lumungkot ang mukha niya. "Yeah, But…. Are you even happy? Doing it every time?" Napaawang ako sa naging tanong niya-- Sa kaibigan ko na si Melody. Hindi kaagad ako nakasagot dahil biglang nawala 'yung salita na hinahanap ko.

Happy...?

Inakbayan niya ako't isinuot sa akin ang headset niya, maliban sa Melody ang pangalan niya ay mahilig talaga siyang makinig sa kahit na anong tugtugin. Palagi siyang may suot-suot na headset kahit na saan siya magpunta. "I'm sorry for asking. Pero ito, pakinggan mo na lang ito." At pinatugtog na n'ya 'yung paborito niya na nagpaawang sa akin.

"Ah." 

 She suddenly wore a bright smirk because of my reaction. "Ganda 'no?" Tanong niya kaya ngiti ko itong nilingunan. 

 "Yeah!" pagsang-ayon ko. 

"Tara, wala naman tayong klase ngayong first period. Hindi pa ako kumakain kaya kain muna tayo." Anyaya niya kaya worried naman akong napatingin sa kanya. Tinawag ang pangalan niya dahilan para ilipat ang tingin sa akin at mapatigil sa kanyang paglalakad, gumuhit ng malapad na ngiti sa labi niya. "C'mon, are you still worried about that?" 

My best friend-- Melody is a normal class type of vampire. Walang nakakaalam tungkol sa totoo nilang katauhan maliban sa head ng K.C.A., vampire hunters sa U.B. including me. 

 Melody is a stubborn girl who doesn't want to go back on her words. 

 Hindi siya umiinum ng dugo ng tao kahit nakikita na ang painful symptoms sa kanya. 

 "I will be a human! I'll promise that!" She said those words with a smile on her face. Being serious about her oath, not knowing that it will just make her suffer.

***

KASAMA NIYA ako nung araw na 'yon. Nakaluhod siya sa lupa't hawak hawak ang dibdib, naka-activate din ang vampire instinct niya at pinipigilan na masaktan ako. But I still insist to near her...

"STAY AWAY FROM ME!" 

 

 Tumigil ako sa biglaan niyang pagsigaw, nag-iba rin ang tono ng kanyang boses. "Melody..." Malumanay kong tawag. "Please, let me help you..." Humakbang ako upang lapitan siya, hahawakan sana ang balikat niya nang bigla niya akong ihiga sa lupa.

Umiiyak ito, hindi nagsasalita pero nagmamakaawa sa 'kin na itigil ko ito. Lumunok ako para pigilan ang mapaluha at hinawakan na lamang ang pisngi niya kasabay ang pag ngiti. Para sabihin na okay lang pero hindi niya ginawa.

Kinagat lang niya ang sarili niyang braso para maiwasan na makagat ako. Nanlalaking mata na nakatingin sa kanya nang mabilis siyang lumayo sa akin at umalis. "Melo--" Tumayo ako, hahabulin sana siya pero ginamitan niya ako ng abilidad niya. Ang defense barrier. Nabangga ko iyon at sa lakas ng impact lalo na't noo ko ang unang tumama. Malakas akong bumagsak sa sahig. Nakaramdam din ako ng kaunting hilo. 

 Gusto kong hawakan ang kamay niya para sabihin na nandito lang ako pero nakalayo na siya, unti-unting nawawala sa panining ko... "Come back, please..." 

...Makalipas ang dalawang araw, nalaman ko na lang na mayro'n na pala siyang nabiktima na estudyante-- wala siyang ininum na dugo pero mayro'n siyang pinatay. Iyon din ang araw na nalaman kong... Hindi na siya 'yung Melody na nakilala ko.

 Iba na ang itsura niya, ang hahaba na ng mga pangil niya. Nagsisilabasan ang mga ugat sa sintido niya't pulang pula ang mga mata. Tumutulo rin ang mga laway nito sa sobrang uhaw. 

Maririnig sa buong lugar ang napakalakas na ungol at hagulgol ng importanteng tao sa 'kin. Makikita rin dito ang sobrang paghihirap niya gayun din ang sakit na nadarama.

"Get lost, Savannah." Seryosong sabi ni Dad habang kumakawala ako sa mga hawak ng dalawang vampire hunters. Hinihila nila si Melody para ipasok sa Port Blair para isagawa ang isang eksperimento.

 

 45% lang ang possibility na mabubuhay si Melody kapag ilalagay siya diyan kaya hindi ako makakapayag sa gusto ni Dad. "Stop it, Dad! You're killing her!" Umalingawngaw ang sigaw ko sa lugar dahil sa sobrang lakas nito. Napapatili na rin ako sa bawat pagsigaw ko. 

 

 Huwag! Huwag n'yong ilayo sa 'kin si Melody! 

 Ayoko siyang mawala. Ayokong mawala 'yong taong nakakapagbigay sa akin ng rason para mabuhay sa impyernong mundong 'to! Hindi! Hindi! Hindi! 

"She's already dead, Savannah." Sambit pa ni dad na nagpaiyak sa akin.

Pumikit ako ng mariin at umiling-iling. "No! Let her go!" Hindi ako pinakinggan ni Dad at pumikit muna sandali. Pagkatapos ay sumenyas siya sa mga vampire hunters na nakapabilog kay Melody na pumapalag sa pagkakahawak ng mga tauhan ni Dad sa kanya. 

 Naglabas ng injection ang isa sa vampire hunter at mabilis na itinusok sa likuran ni Melody dahilan para unti-unti itong kumalma't mapaluhod. 

"Melody!" Malakas kong tawag sa kanya. Binuhat na nila ang kaibigan ko at nagsisimula ng umalis.

 They're taking her away from me...

I thought to myself.

 Sa huling pagkakataon ay lumingon sa akin si Melody habang nawawala ang nakakatakot niyang itsura. Tila para bang bumagal ang mundo ko nang bigyan niya ako ng ngiti,

...kasabay ang salitang, "Paalam."

Mas sumakit ang lalamunan ko samantalang bumagsak pa lalo ang luha sa mata ko. 

 "MELODY!!!" 

End of Flash Back 

Malakas na umihip ang malamig na hangin habang patuloy pa rin ako sa pagtitig sa kalangitan. Kinuha ko 'yung bracelet na may disenyong transparent diamond na nasa bulsa ko't tinitigan ito. Itinapat ko 'to sa maliwanag na buwan kaya makikita ang pagkislap nito. 

 Matapos mawala ang dating Melody, ito na lang ang naiwan sa kanya. Inabot 'to ni Dad sa akin bilang alaala sa pinagsamahan namin nung na sa normal na state ang katawan niya. 

 Kaya gano'n na lang ang pag-aalala ko nung nalaman kong nawala pala ito. Mabuti na lang at nakita ni Zedrick. 

 

 Ngiti akong naglabas ng hangin sa ilong. Inalis ko ang earphone na nakasuksok sa tainga ko't napangiti ng mapait. "Saying your good-bye's with a whisper, huh?" Tiningnan ko ang melody na pinapatugtog ko ngayon.

"Wherever you are, I'm always here to remember you." 

Bab berikutnya