webnovel

Me, being a maid?!

Chapter 21: Me, being a maid?! 

Harvey's Point of View 

Lamig. Unang naramdam ko noong magising ako.

Huminga ako ng malalim at napahawak sa noo ko na may cold compress na nakapatong. 

Nakabalot din ang katawan ko sa makapal na comforter.

Umupo ako mula sa pagkakahiga at kinuha ang medyo mabasa basang towel sa aking noo. 

Hindi na ganoon kabigat ang pakiramdam ko kaya puwede na siguro akong makauwi ngayon. 

Iginala ng mga mata ko ang paligid. Hindi nga ako nagkakamali.  Nasa kwarto na nga ako ng Smith Hotel. 

Bumuntong-hininga ako at napatingin sa side table nang makita kong may nag-iwan ng note. Malamang kay Haley ito.

Kinuha ko 'yon at binuksan sa pagkakatupi.

Ang haba naman nito. 

HALEY

"Kung binabasa mo ito ngayon then good. Umalis na kaagad ako dahil baka mamaya ay rape-in mo pa ako. Mahirap na, lalaki ka pa naman tapos baka mamaya pinagnanasahan mo na pala ako hindi ko alam," 

Huh? Ano'ng pinag sasasabi ng babaeng 'to? Assuming din nito,  eh 'no? 

Muli kong binasa ang letter n'ya. 

"...Alam mo na siguro kung ano 'yong feeling na maging assuming ang ibang tao, hindi ba? Nakakainis?"

Seriously, is she reading my mind? Right now? 

"Kumuha pala ako ng pera d'yan sa wallet mo, ah? Wala akong pamasahe pang taxi, eh, bayaran ko na lang pagka-uwi mo ng mansion, pero kung okay lang din sa'yo, libre mo na 'yon dahil mayaman ka naman. Kita ko namang marami kang pera diyan sa wallet mo and don't worry, 150 lang kinuha ko sa'yo, at buti na lang talaga alam ng mga staff niyo dito kung saan ka nakatira, makakauwi na rin ako."

Is it just me o sadyang lumalabas na talaga ang pagkamadaldal niya? Napansin ko 'yon noong kasabay ko siya kahapon, eh... As in kahapon ko lang napansin.

Matagal na ba siyang madaldal o kahapon at ngayon lang?

Ibinaba ko ang tingin ko noong mapansin kong iba ang suot ko. 'Tapos halos mapasinghap nang makita kong nakasuot ako ng pajama and White T-Shirt. Don't tell me s'ya ang nagpalit ng damit ko? 

Kinuha ko ang kumot at itinalukbong ang katawan ko,  "F*ck, nakita kaya n'ya katawan ko??" tanong sa sarili at muling binasa ang letter n'ya. Hindi pa ako tapos magbasa.

"Baka isipin mong binihisan kita, ah? Ako na nakiki-usap sa'yo, huwag. Nakakasuka kang bihisan, pinabihisan kita diyan sa staff n'yong babae.

Okay, masakit na sa kamay, alis na 'ko. Bye!" 

Pinabihis niya ako sa mga babae...?

Sisigaw na sana ako kaso may nagtext. Panira rin, eh.

Tiningnan ko 'yong side table ko kung saan nakapatong ang phone ko na ngayon ay nagcha-charge. Wala akong dalang charger kaya nakigamit lang siguro si Haley. 

Binuksan ko na nga ang notification at bumungad ang pangalan ni Haley. 

From: Haley

I just wanted to say that I'm just joking. Sa lalaki kita pinabihis at hindi sa babae.

No comment. Nagkataon lang siguro 'yong text n'ya sa mga reactions ko sa sulat n'ya. 

Bumukas ang pinto at pumasok ang dalawa kong kaibigan para lapitan at daganan ako. P*ta! Ang bigat! 

"P're! Akala ko patay ka na!" pang-aasar ni Reed na siyang unang nakadagan sa akin. 

"Hindi p'wede! 'Yong utang mo kailangan mong bayaran bago ka mamatay!" ani Jasper na nakadagan sa likod ni Reed. Lalo tuloy'ng bumigat. Tinulak ko silang pareho sa pagkakadagan nila sa akin.

Kumamot ako sa ulo dahil sa inis, "Damn it! How did you get here?" iritable kong tanong. 

"P're? Ayun, oh? Pinto?" pamimilosopo ni Jasper habang pareho silang nakaturo ni Reed sa pintuan. 

Binigyan ko sila ng napaka talim na tingin kaya kakamut-kamot sila ngayon sa mga ulo nila. May pinakita sa akin si Reed. Ayun 'yong school I.D ko ngayong school year. 

"Hindi lang susi ang pwedeng ipa-duplicate" ngising sabi ni Jasper habang kinikindat kindatan ako.

Hayop. 

Si Rain at Kei naman ang pumasok sa loob dala-dala ang isang malaking kaldero. Aanhin nila 'yan?!

"Hi! May dala akong Kare-Kare! Luto 'to ni Rain! At tumulong ako huwag kayo!" pambubungad ni Kei nang makarating sa harapan namin. Bigla kong naamoy 'yong pabango niya. 

"Sabi kasi ni Ate Haley, may sakit ka at kailangan mo raw ng kasama, baka raw kasi umiiyak ka na dahil walang nag-aaruga sa'yo, totoo ba 'yon? Umiiyak ka pala kuya Harvey?" matalino si Rain but I never thought she would believe that b*tch.

Napatingin ako sa labas ng malaking bintana ko at napayukom. Kaya niya ba ako iniwan para asarin ako sa mga 'to?

"Kuya? Gusto mo ng Kare-Kare?" alok ni Rain sa kapatid n'ya ng Kare-Kare. 

"Ayoko" mabilis namang sagot ni Reed

"Kei, h'wag yan! Akin 'yan!" pang-aagaw naman ni Jasper sa pagkain ko. Akala ko ba akin 'yan? Bakit inaalok nila sa iba? 

"Wahh kuya! Ayaw mo talaga?! Nag-effort akong magluto!" patuloy sa pag-alok ni Rain ng pagkain. 

"Hindi mo ako mapipilit" umiiling-iling na sabi ni Reed. 

"Akin na lang 'yang Kare-Kare, Kei" pangungulit pa ni Jasper na tinuturo pa ang inilapag na kaldero. 

Kinuha naman iyon kaagad ni Kei 'tapos umiling-iling. 

"Hindi, pwede. Kay Harvey 'to." ani Kei kaya bigla naman akong sinimangutan ni Jasper pagkalingon niya sa 'kin. Binigyan ko lang siya ng pokerface. 

Nagsisimula na silang mag-ingay sa kwarto ko kaya nakakaramdam na ako ng pananakit ng ulo. 

Huminga ako ng malalim at kalmado silang tiningnan.  "Pwede bang umalis kayo?" mainahon kong tanong pero wala ni isa sa kanila ang nakinig kaya napuno na ako,  "Lintek! Ang iingay niyo! Umalis na nga kayo!" 

Para naman silang mga batang sumunod at umalis nga sila. Iniwan lang ni Kei 'yong Kare-Kare sa dining room bago sila tuluyang umalis sa kwartong ito. 

Malakas akong napabuntong-hininga at inilipat ang tingin sa kabilang table kung saan dito nakapatong ang mamahaling flower vase. Kaso nakakapagtakang wala 'yon doon. 

Umalis ako sa kama at pumunta sa kusinahan kung saan nakapwesto ang barurahan.

May pakiramdam kasi akong may makikita ako roon. 

Sinilip ko ang trash bin at tinanggal ang paperbag na nakaharang. 

I took a deep breath before I crumpled the paperbag and harshly threw it back to where it was earlier. "You're dead, woman!!!"

Haley's Point of View

Sa banyo katabi ng classroom na nililinisan ko.

Kumuha ako ng timba habang nagha-humming nang maramdaman ko ang kakaibang chill sa katawan ko. Tumaas 'yong balahibo ko 'tapos bigla rin akong binahing. 

Creepy, I felt like a chill run down my spine... What was that?  Like someone's cussing or watching me?

I sighed and shook my head, "I'm just imagining things..." nagkibit-balikat na lamang ako at itinuloy na lang ang ginagawa ko. 

Reed's Piont of View 

Sinundan ko ng tingin si Rain na ngayon ay papalapit na sa amin.  May naiwanan lang daw s'ya sa loob kaya medyo natagalan daw s'ya sa pagbalik. 

Ibinaling ko ang tingin sa iba pa naming kasama, "Now what?" Panimulang tanong ko. 

"Beats me" tinatamad na sagot ni Jasper. 

Itinaas ni Kei ang mga kamay niya na tila para bang nagre-recite. "Punta tayo Candy Shop!" suhestiyon niya. 

Kinalabit ako ni Rain na tiningnan ko naman mula peripheral eye view,  "Kuya, today is your cleaning duty, isn't? I think ate Haley already went there to do the punishment." biglang tumahimik ang paligid nang malaman namin 'yon mula kay Rain. Hindi ko alam kung saan n'ya narinig 'yong tungkol sa parusa pero kailangan na naming makapunta roon. 

"Hala, nagsisimula nanaman si Haley." sambit ni Kei at tumakbo. Parang kinalimutan niyang may asthma siya.

Sinundan naman ni Jasper si Kei. "Hala! Male-late na tayo sa call time!" sigaw niya. 

Kaagad kaming sumakay sa kotse ko. Ayun lang talaga ang gamit namin papunta dito. Isinuot ko na ang seatbelt ko at kunot-noong tiningnan si Rain noong hindi siya gumagalaw sa pwesto niya. "Pumasok ka na sa loob, ibababa muna kita sa mansion bago kami dumiretsyo sa old building ng E.U." banggit ko pero inilingan niya. 

Nginitian niya ako, "I'm fine, kuya. My classmates actually texted me. Punta kami ng mall, gagala." 

nagawa pa talaga niyang maggala, ano? 'Di bale, minsan lang naman talagang lumayas itong kapatid ko kaya pagbibigyan ko na muna. Taong bahay kasi talaga s'ya. 

Tumango ako, "Okay, basta umuwi ka ng maaga, ah? Pakisabihan na rin sina yaya na medyo male-late kami ng uwi." 

Pumaharap na ako ng tingin kasabay ang pagpapaalam ng mga kaibigan ko sa kapatid ko saka pinaharurot ang sasakyan pagka-start ko no'ng makina. 

Dumiretsyo na 'agad kami sa old building ng Enchanted University 

***

NAKARATING NA kaming tatlo sa classroom na sinabi ni Principal, at nandito na nga si Haley at nagpupunas ng bintana.

Itong babaeng 'to, ang tigas tigas pa talaga ng ulo. Hindi naman niya matatapos kaagad 'yong paglilinis dito kung siya lang ang gagawa, eh...

Nilingon niya kami nang marinig n'ya ang mga yapak namin na papasok sa classroom, "Hmm?" Tapos humarap sa amin, "Bakit pa kayo pumunta rito?" mainahon pero halata sa kanya ang pagkairita. 

"Kasama kami sa parusa kaya kami nandito" sagot ko at kumuha ng walis tambo sa sulok para magsimulang maglinis. 

Bumuntong-hininga siya, "I can do it alone..."

Tiningnan namin 'yong malawak na classrom na sobrang dumi tapos sabay-sabay na ibinalik ang tingin kay Haley, "No, you don't"

Haley's Point of View 

In the end. Naglinis kami ng sama-sama. Ang absent lang ay si Harvey. May sakit, eh. Alangan namang pumunta pa s'ya rito? Isturbo lang siya. Pero hindi ko naman ina-akalang makakapunta rin siya.

"Harbe! Magaling ka na?" Tanong ni Jasper habang pinipiga piga ang mop. Nakahawak naman si Kei sa hawakan no'ng mop bilang suporta. 

Hindi siya pinansin ni Harvey at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad papunta sa akin.

Eh?

Huminto siya sa harapan ko tapos biglang pinitik ang noo ko kaya napahawak ako do'n, "Aray! What's wrong with you?!" Inis na bulyaw ko sa kanya nang tumingala ako. Hawak ko pa rin 'yong noo ko, "Bakit ka nami-mitik, huh? Epal ka talaga!"

Nilapitan ako ni Kei at hinawakan ang pisnge ko. Pinaharap n'ya ako sa kanya kasabay ang pagtanggal niya ng kamay ko sa aking noo. "Ang bad mo Harvey, pulang pula 'yong noo niya, oh?" Pagpapakita niya kay Harvey sa noo ko. 

Tinirikan lang ako ng mata ni Harvey dahilan para kumulo ang dugo ko't sikmuraan siya. Hindi rin naman siya nakailag kaya napaluhod siya't hawak ang tiyan. Napasipol naman ang dalawang mokong. 

"Bakit mo ako sinikmuraang babae ka?!" galit na tanong niya sa akin habang nakatuwad. 

"Eh, bakit mo pinitik 'yung noo kong bwiset ka! Wala nga akong ginagawa sa 'yo, eh!" ganti ko naman.

"Sa akin wala! Pero sa vase ko mayro'n!" sigaw niya pagkatingala niya. Namawis ako bigla. Ah, right... I almost forgot about that. 

Dahan-dahan akong umiwas ng tingin, "Vase? What are you talking about?" ginawa ko talaga ang lahat para hindi niya mahalata ang kaba ko. 

"Huwag ka ng mag maang-maangan! Alam kong ikaw ang nagbasag ng vase dahil naiwanan mo pa 'tong I.D mo!" Pinakita niya 'yong school I.D ko kaya ako naman itong nanlalaki ang mata na hinarap ulit ang tingin sa kanya-- sa school I.D ko. 

Ganito kasi 'yong nangyari. 

Flash Back:

Naglalagay ako ng cold compress sa noo ni Harvey nang mapatingin at lapitan ko ang vase na nasa tabi. Pati vase mahal.

I thought to myself. Alam kong mahal kasi tingin pa lang, mahal na. Tapos may price tag pa.

Humarap ako kay Harvey para i-check pa siya nang mapasinghap ako sa biglaang pag-ungol niya na kasabay nang pag-siko ko nang hindi sinasadya sa vase. 

Alam kong hindi ko na 'yon masasalo kaya kaagad akong pumunta sa tabi ni Harvey at tinakpan ang tainga niya para hindi niya masyadong marinig ang pagkakabasag ng vase. Para rin hindi n'ya marinig. 

Nang bumagsak na lahat lahat ay dahan-dahan ko ng inalis ang kamay ko sa tainga niya habang nakadikit ang mga labi ko. Hindi ako nagdalawang-isip at nagsimula na akong maglinis. Inilagay ko sa basurahan ang mga nabasag. Nilagyan ko 'yon ng paperbag para hindi kaagad makita.

Napahilamos ako sa inis, "Kailangan ko na talagang umuwi" pumunta ako sa baba, para tanungin kung saan ang address ni Harvey. Nagbabakasakaling alam nila. 

At ayun nga, laking tuwa ko naman dahil alam nga nila. (Haha!) Pero hindi lang 'yon basta't isang ordinaryong employee, siya yata ang head at nagru-rule rito-- in short, general manager siya. 

Siya lang ang nakakaalam sa pwedeng information ng Smith. 

"Salamat!" umakyat kaagad ako sa taas upang kunin ang gamit ko't manghiram ng pera kay Harvey. 

Binuklat ko 'yong wallet niyang na sa pantalon niya at halos masilaw nang bumungad sa akin ang libo-libong pera. Whoo, dine-demonyo ako. 

Kumuha lang ako ng P150. Ayun lang talaga ang barya niya kaya pa-salamat na rin ako kasi kung wala, baka mapilitan akong kunin 'tong isang libo niya. Hinalikan ko ang dalawang papel na hawak ko, "Wampepte!" 

Pagkatapos ay kumuha naman ako ng papel at ballpen sa bag niya, katamad sa gamit ko dahil inayos ko na. 

Nagsimula na akong mag leave ng notes dahil uuwi na talaga ako.

Chinarge ko na rin 'yong cellphone niya para in-case na may emergency, matatawagan niya 'yong isa sa mga mokong.

"Maiiwan na kita diyan, Harvey Smith" umalis na ako dala-dala ang gamit ko. Hindi namalayang nahulog at naiwanan ko pala ang I.D ko sa kitchen n'ya. 

End of Flash Back:

Naka-iwas lang ako ng tingin dahil wala naman akong pwedeng sabihin sa lalaking nasa harapan ko Huli na ako, alangan namang pangatwiran pa ako?

Bumuntong-hininga siya. "Tst, papatawarin kita sa ginawa mo at hindi kita pagbabayarin" napatingin ako sa kanya at matutuwa na sana nang magbigay s'ya ng consequence. Ito na nga ba ang sinasabi ko, eh. 

Lumalabas ka-demonyohan, eh. 

"You'll be my maid in 1 week"

Namuo ang katahimikan. Naririnig na nga namin 'yong kumakantang ibon sa labas, eh.

Hanu daw...? Maid? Ako?

Nagsalubong ang kilay ko, "Are you insane?! There's no way I will EVER do that! Ano ka? Chics?" buwisit, ano? He'll take for granted just because nabasag ko vase niya? And what the hell is this? Ito ba ang madalas kong mabasa sa webnovel at wattpad?

Nagpamulsa siya, "Then you should pay for that vase by this week, but if you do, tingin mo? Sino mapu-purwisyo? 'Di ba parents mo?" trying to blackmail me? 

Pero totoo ang sinasabi niya. Sh*t, ano'ng gagawin ko? 

Eh, ayoko rin namang malaman nila mama 'yong nagawa ko dahil papagalitan talaga ako no'n. 

"Ganyan ba talaga ka-mahal 'yong vase na 'yon? Eh, parang fake naman ang price tag na nando'n!" 

Inayos n'ya ang buhok n'ya na medyo magulo pa habang nakikinig lang 'yong mga kasama namin sa amin. "Totoong fake ang price tag na 'yon, pero may resibo ako na pwede kong ipakita sa'yo" this is not my day...

Ayoko ng may umuutos-utos sa akin! 'Tapos imagine? Impakto pa 'yong pagsisilbihan ko? 

No! 

Humawak ako sa ulo ko dahil sa inis. 

Pero ayoko rin namang mauwi lang 'yong pera nila mama sa impaktong hinayupak na ito, 'di ba? 

Mas maganda ng paghirapan ko 'yong ginawa kong kapalpakan kaysa mandamay ng iba.  

Very good, Haley. Ipagpatuloy mo 'yan. 

Napasabunot na lang ako sa buhok ko't napatingala. 

Augh...  Sabi ko na nga ba, talagang gugulo ang buhay ko kapag kasama ko 'tong mga ito, eh.  

"Mag desisyon ka na, o baka gusto mong sabihin ko 'to kina tita Rachelle?" pananakot pa niya sa akin kaya ibinaba ko ang ulo ko't tiningnan ng masama si Harvey. Humanda ka sa akin.

Bab berikutnya