webnovel

...What is Love?

Chapter 22: ...What is Love?

Rain's Point of View 

"Rain, Rain. Ipakilala mo naman ako sa kuya mo." patuloy sa pangungulit ng isa sa kaklase ko habang niyuyugyog ako. Nandito kami sa loob ng TeaKo dahil wala naman kaming klase, gusto ko na sanang umuwi kaso rumarami lang 'yong iniisip ko kung mananatili lang ako sa kwarto. "Wala pa naman siyang girlfriend, 'di ba?" dugtong niya.

Inalis ko sa bunganga ko ang kutsara't ibinaling ang tingin sa kung saan na may mapang-asar na ngiti. Kumakain din kasi talaga ako ng cake nila rito, sinubukan ko 'yong bago nilang flavor na Pandan Cream Cake with Cheese Toppings. 

"Even if I am going to set you to a meeting with my brother, iba na ang nagugustuhan no'n." I shrugged kaya pare-pareho silang mga nagsi-react. 

Inilapit din ng dalawang ito ang mga mukha nila habang marka sa kanilang mukha ang kuryosidad. 

"Sino?!" sabay nilang tanong sa akin. Tumalsik pa nga 'yong laway sa pisnge ko kaya pa-simple ko namang pinunasan. Great. 

"Alam mo namang matagal ko ng crush si kuya Reed, 'di ba?!" namumulang sambit ng isa ko pang kaklase kaya pinitik ko ang buhok ko't nag sipped ng iniinum na milktea. 

Sumalong-baba at tiningnan ang mga dumadaang sasakyan. Na sa harapan lang kasi kami ng glass wall at na sa gitna ako ng dalawa kong kaklase, dito kaagad ako dumiretsyo matapos kong makipagkita roon sa isa ko pang kakilala. "Oo, crush mo nga si kuya, may dalawang mata pero walang pagtingin 'yon sa 'yo." 

Humalakhak naman ang isa kong kaklase kaya sinimangutan pa siya no'ng isa, "Ang savage mo talagang kausap." patuloy nito sa pagtawa 'tapos tinuro ang sarili, "Ako na lang ang ipakilala mo sa kanya." 

Umiling-iling ako, "Not a chance." aniya sabay tawa. Nag ring na ang phone ko kaya tumayo naman na ako para sagutin iyon. Lumayo rin ako sa dalawa kong kaklase 'tapos lumabas ng TeaKo. 

Luminga-linga ako at ngumiti, "Oh, napatawag ka yata?" tanong ko sa kausap ko ngayon sa phone.  

"How is it going?" paraan ng pangangamusta ng taong iyon kaya sumandal ako sa pader at tumingala para tingnan ang bawat paggalaw ng ulap. Kung tuloy-tuloy lang ang kapayapaan sa mundong ito, malamang ay madali na lang ang buhay. Kampate na lang siguro ako sa ngayon. 

Naglabas ako ng hangin sa ilong, "It's actually pretty fun, but at the same time. Scary." 

You want to be happy but because you know something bad will happen, you always set it aside. 

"Better to check it out for yourself, before it's too late. Vivien." banggit ko sa pangalan niya. 

Narinig ko ang pag-ismid niya, "Mauuna na ako." paalam niya bago pinutol ang tawag. Nakatitig lang ako sa screen nang ibaba ko na ang hawak ko. 

'Tapos nagulat noong may humipan sa tainga ko dahilan para mapaurong ako't kinalibutan. 

"Sino 'yon? Boyfriend mo?" 

"Ikaw, ah? Hindi mo sinabi na mayro'n ka ng jowa!" 

"Buti pa sa mga issue issue n'yo, may jowa ako." umiiling-iling na sabi ko at bumalik na nga sa upuan namin. Nagku-kwentuhan na nga lang kami at kung anu-ano na ang binibigay na topic na pati 'yong circle of friends ni kuya, nasama. 

"Wala ka bang crush sa Trinity4? Si Jasper, hindi mo ba crush?" 

"Hindi na sila Trinity4. Remember? si Haley Miles Rouge, nandoon na. Kaya Trinity5 na sila."  

"Ay, oo nga pala-- Pero balik tayo, 'di mo ba crush si Jas--" inunahan ko na siya. 

"Wala." sabay subo ng cake, "He's handsome and funny but he's not my type. 

He is more like a bestfriend material." sagot ko 'tapos bumuntong-hininga, "Come on, guys. Ilang taon pa lang tayo, enjoy-in n'yo muna kaya pagiging single n'yo? Ta's iiyak-iyak kayo 'pag nasaktan kayo?" 

'Cause I have a feeling na ako ang magiging takbuhan ng mga ito once magkaroon na sila ng boyfriend. Ta's kapag binigyan mo ng advice, hindi ka rin susundin. 

Edi nasayang lang 'yong laway mo sa kakasalita, 'di ba? Kasi tanga kausap mo. 

Hindi pa ako totally'ng nai-inlove but I kind'a feel that if a person is trully inlove, you'll become stupid. Kasi mas nangingibabaw ang nararamdaman kaysa 'yong paraan ng pag-iisip. We're talking about FEELINGS here. It affects the mind.

That's why, most people ended up being hurt. Although you knew what is right, you're still going to choose what your heart is telling you.  

Tumayo na ako matapos kong maubos 'yong pagkain ko, "I have to go, baka hanapin ako ni kuya." wika ko 'tapos kumaway sa kanila. Hindi naman na nila ako pinigilan dahil alam nila ang oras ng curfew ko. 

Pagkalabas ko ng TeaKo ay mayroon nanamang tumawag, si kuya Reed. "Ito na nga, pauwi na ako--" naputol ang sasabihin ko dahil may biglang nagsalita. 

"Where are you touching, you pervert?!" rinig kong boses ni ate Haley sa kabilang linya at nakarinig ng malakas na tapik. Mukhang naka-sample nanaman si kuya ng pananakit, ah?

Pilit akong napangiti. Marami ka pang kailangang matutunan, kuya...

Jasper's Point of View

Minsan sa buhay hindi talaga p'wedeng wala kang kaaway. Hindi puwedeng walang may panira sa buhay mo. Hindi p'wedeng masaya ka all the time. 

Pansin niyo? Kung masyado kayong masaya sa bahay, kabaliktaran naman ang nangyayari sa eskwelahan.

Ngunit kung masaya ka naman sa school mo, malungkot naman sa bahay. Kaya karamihan sa mga estudyante sa panahon ngayon, gustong gustong pumasok hindi dahil sa may baon sila kundi dahil sa ayaw nilang isipin 'yong mga problema na mayroon sila bahay. 

Maraming pasaway na kabataan dahil sa hindi nila mailabas iyon sa tahanan nila. May iba namang guro na hindi 'yon naiintindihan at mas lalo lang nilang pinapalala ang sakit na nararamdaman ng ilan sa mga estudyante imbes na intindihin na lang sila. 

Lahat kasi ng tao, may sari-sariling kwento at buhay.

Hindi niyo nage-gets ang point ko 'no? Ganyan ang BUHAY.

Hindi mo maiintindihan kung hindi iintindihin. Saka okay lang 'yan, sanay naman akong 'di nauunawaan. 

Wala kayong mauunawaan sa isang katulad kong sobrang gwapo, kasi masyado akong gwapo.

Nandito ako sa tindahan para bumili ng yelo, naubusan kasi bigla sa bahay. Eh, busy si yaya kaya ako na ang kumusang bumili. Wala naman ako masyadong ginagawa sa bahay. 

"Pabili naman po ng yelo na kasing tigas ng puso ng aking minamahal" kaso sinabi ko lang talaga 'yan sa utak ko.

"Pabili po ng yelo" sabi ko sa nakatalikod na babae na hindi gano'n kahabaan ang buhok. Maitim din ang mga balat n'ya. 

Humarap siya sa akin at napanganga. Kahit na ang itim itim ng pagmumukha n'ya, nakikita ko pa rin ang kaunting pagpula ng mukha n'ya. 

Mabilis s'yang lumapit sa 'kin na may ngiti sa kanyang labi. "Pasensya ka na, kuya... Pero... Natunaw na kasi 'yong yelo dahil sa sobrang... 

Hot mo, eh" Pa-simple akong tumalikod at nagpogi sign.

#PogiProblems

Na sa kalagitnaan ako ng pagpapantasya nang marinig ko ang yapak ng mga ng kung sino.

Si Kei na magkasalubong ang kilay, nakatali ang buhok niya ngayon. "Huwag ka ngang malandi ate, pabili rin ako ng yelo" pag-abot ng bayad niya kay ate. Nakasuksok naman ang isang kamay sa bulsa ng shorts niya. 

Humarap ako sa kanya, "Oh? Nag change persona ka nanaman, Gutom? O..." tiningnan niya ako ng masama

Tinaasan niya ako ng kilay, "Hindi ba obvious?"

Gusto ko s'yang tanungin kung may regla s'ya kaso baka masapok pa n'ya ako. Pero baka nga nireregla siya.  Huwag ko na ang tanungin.

"Hoy, katulong, bilhan mo ako ng makakain ko" parehong napataas ang kilay naming dalawa ni Kei at itinuon ang tingin sa familiar na boses na iyon.

Si Haley at Harvey na naglalakad papunta sa kung saan. Umagang umaga, nag-aaway nanaman sila. 

"Bakit ko naman gagawin 'yon?!"

"Kasi nga katulong ka"

"Ayoko! Huwag mo akong utusan bumili ng makakain mo dahil may pagkain sa loob! Peste ka!"

"Wala diyan 'yong gusto ko!"

2 days na ang pagiging katulong ni Haley pero hindi pa rin siya napapa-amo ni Harvey.

Eh, paano naman mapapa-amo kung wala namang pasensya 'yong amo? 

"Bilhan mo ako ng White Chocolate" inabot ni Harvey 'yong pera kay Haley na nagpahinto sa kanya at halos umalingawngaw ang boses nang sumigaw s'ya dahil sa inis. Sabog na 'yong dragon naming kaibigan. Umuusok na 'yong ilong at tainga, oh? 

"I'll kill you! Manigas ka!" At itinapon lang ni Haley sa mukha ni Harvey 'yong pera. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mamangha. Nakakatawa pa. Para silang couple na nag-aaway.

"Hindi ba...? Ayaw kumain ni Harvey ng kahit na anong White Chocolate? Bakit siya nagpapabili niyon kay Haley? " takang sabi ni Kei.

Nagkibit balikat naman ako. "Malamang, nang-aasar lang siya." sagot ko naman. 

"Ito na po ang ice niyo" kinuha ni Kei ang ice niya gayun din ang akin. "Boyfriend n'yo po?" tanong ng babae kay Kei na sasagutin ko sana pero naunahan n'ya ako. 

"Friend" mabilis na sagot ni Kei.

Nag-pout ako at tiningnan ang tindera, "Pero malapit ng maging kami" hinampas ako sa braso ni Kei kaya binawi ko rin 'yong sinabi ko. Nauna nang naglakad si Kei na sinundan ko naman.

Mahirap talaga kapag kaibigan lang talaga ang turing ng taong gusto mo. Hindi ka pa nga nanliligaw, friendzone ka na kaagad. "Huy" nanlaki ang mata ko at napatingin ka Kei. Nagsasalita pala s'ya. 

"Sabi ko samahan mo muna ako sa kung saan." lumawak ang ngiti ko. Siyempre, palalagpasin ko ba 'to? Pumayag kaagad ako, hindi na ako nag-alinlangang sumagot. 

Hindi na ako nagtanong kung saan punta, kung saan niya gustong pumunta, doon din ako. 

Naglakad na siya pero bago mawala sa paningin namin sina Haley na patuloy pa rin sa pag-aaway ay tiningnan na muna n'ya si Harvey. Lumungkot ang mata niya pero iniiwas din niya ito pagkatapos. 

"Let's go"

Haley's Point of View 

Kasalukuyan akong nasa Supermarket at naghahanap ng makakakain ng impaktong 'yon.

Hindi ko talaga alam sa sarili ko kung bakit sumusunod ako sa walang hiyang 'yon.  Ang tanging alam ko lang, nagiging uto-uto ako! 

"Hindi ka susunod? O pagbabayarin kita sa pagbasag mo ng mamahaling vase ko?"

Augh! Ang ganda niyang sakalin! Ingudngod sa lupa, sipain papuntang Mars! I-salvage sa tigre at crocodile! Ipa-sipa sa kabayo! Ipa-rape sa bakla! Hayop! Hanggang ngayon ginagamit niya pa rin 'yong blackmail. Grrr...

Kung walang awa lang talaga ako. Ipinalapa ko na siya sa Dragon1. Kung mayroon nga lang.

Maghintay ka lang Harvey Smith, sa isang katulad mo, alam kong bibigay ka rin.

Natawa na lang ako sa iniisip ko pero mabilis ding napasimagot.

Humph, tingnan natin kung hanggang saan ka... 

Papunta ako sa Chocolate Area nang makasalubong ko si Reed. Nakasuot lang siya ng simpleng V-neck and pants. Medyo magulo rin ang buhok n'ya na akala mo'y isang pugad ng ibon. "What are you doing here?" tanong niya noong makahinto sa tapat ko. Tatae. 

Pamimilosopo ng utak ko. 

I really hate when people see me at the supermarket and they are like:

"Hey, what's up! What are you doing here?"

and I was like:

"Oh? You know? Hunting Monkeys?"

Just why don't they use their common sense?

Tatanong tanungin pa. Eh, ano pa ba'ng ginagawa sa loob ng supermarket?! I mean dito mismo sa loob ng grocery store? Alangan namang ihian, 'di ba? Edi s'yempre bumibili! Mas lalo tuloy uminit 'yong ulo ko.

Pero ayoko namang makipag-away sa lalaking 'to since pagod na ako sa kakalinis sa kwarto ni Harvey na malinis naman talaga. Sadyang nananadya lang siya na pahirapan ako.

"Bumibili" tipid na sagot ko at hinanap na ang gustong ipabili ng Harvey na 'yon. Iniwan ko na siya kung nasaan siya. 

Sumabay naman siya sa paglalakad ko, "Pagkatapos ba n'yan, uuwi ka na?" tanong nito habang nakasilip sa mukha ko. You're close, dammit! 

Pa-simple akong umurong palayo sa kanya, "Yeah" tipid kong sagot sabay kuha ng White Chocolate at harap sa kanya, "Why?" medyo umatras s'ya ng ma-realize n'yang malapit kami sa isa't isa. 

"S-sabay na tayo, kung gusto mo lang naman" hiya ka pa. Gusto mo naman akong makasabay. 

Kaso ayoko ng sagabal kaya uuwi akong mag-isa.

"Hindi kita gusto kasabay" sumimangot siya sa sinagot ko. 

"That is what I hate about you. You're not cute at all!" Inis na sabi niya sa akin pero nag gesture lang ako na parang pinapa-alis siya. Tinatamad talaga akong makipag-away sa kanya. 

"Yeah... Yeah... Whatever, I hate you, too" tinatamad kong sabi habang naka-bored look lang tapos pumunta na sa cashier para after nito. Makaka pagpahinga na ako.

Tumingin ako sa gilid ko kung saan madalas makita ang iba't ibang klaseng candies, chocolates or toothbrush and matches. 

May Frutos. Kukunin ko ba?

Kinuha ni Reed 'yon pagkatapos isinama sa White Chocolate, "Ako magbabayad" sabi n'ya at kinuha ang wallet sa bulsa para kumuha ng pera. Ibinaling ko ang tingin sa mga taong dumadaan sa labas ng counter. 

"Nandiyan ka pala?" pagmamaang-maangan ko. Nang-aasar lang ako. 

"Bulag ka ba?"

Inirapan ko lang siya pero inis niyang inabot sa akin 'yong pera.

He's still nice even though I was so bad at him, "Tss" But he's the one who wants to buy that for me, anyway.

Blessings din 'to kaya tanggapin ko na. Binigay ko sa babae ang bayad ko, at habang ini-scan 'yong dalawang binili ko, ramdam ko ang pagtitig no'ng babae sa akin kaya ako naman itong taka na tiningnan siya, "Bakit po?" tanong ko nang itaas ko ang tingin ko ngunit ngiti lamang itong umiling. 

"Wala po. Ang cute mo po kasi" medyo naramdaman ko ang pagtaas ng mga dugo sa mukha ko. Kumurap-kurap din ako bago umiwas ng tingin. Hinintay ko lang na bayaran ni Reed ang binili niya tapos lumabas na kami. Sumabay na siya sa akin kahit ayoko siyang kasabay

Binuksan ko ang frutos ko at kumuha at sinubo 'yon. Pero s'yempre,  tinanggal ko 'yong wrapper.  Alangan namang pati ayun, kainin ko, 'di ba? "Pahingi ako" at kukuha sana siya ng ilayo ko 'yon.

"Bili ka" turo ko sa loob ng grocery. 

"Ako nga bumili niyan" nakasimangot niyang tugon kaya sinamaan ko muli siya ng tingin bago ibuka ang bibig ko.

"Oh, kunin mo" tukoy ko sa frutos na nasa loob ng bunganga ko saka ito sinarado at nginuya, "Tss" tumingin na lang ako sa daan. 

Namuo ang kaunting katahimikan between us pero hindi ko masasabing awkward. Mayamaya lang nang basagin ko na lamang ito pagkalabas namin ng supermarket, "Hoy, sinundan mo talaga ako rito, ano?" tanong ko. 

"What are you talking about?" pagmamaang-maangan niya pero kinurot ko lang siya sa tagiliran, "Aray! Aray! Oo na, sinundan kita rito but not because I like you or anything!" pagde-depensa niya kasabay ng pagbitaw ko sa kanya. 

"I know that, but you're creepy." 

Hinimas-himas niya ang tagiliran nito bago ilayo ang tingin, "Call me creep, but each of the men around you keeps on looking at you on a perverted way.

Sinusundan lang kita para kapag may nangyaring hindi maganda na huwag naman sana, nand'yan lang ako para protektahan ka" unting nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. 

Talaga? 

Humalukipkip ako, at kurap na ibinaling ang tingin sa kung saan. Nakaramdam ako bigla ng hiya. 

Tumawid kaming dalawa ni Reed nang madaanan namin ang pedestrian lane. 

"You actually don't need to do that, in the first place. I can take care of mysel--"  

Hindi niya ako pinatapos dahil bigla siyang sumagot.

"Babae ka Haley,

Gusto ko kayong bantayan. You, Kei and Rain, dahil kaibigan ko kayo at kapatid ko si Rain" Epekto ba 'yan ng pagiging panganay?

Pero bakit parang hindi lang ito ang dahilan n'ya? Bakit may iba pa? 

Hindi na lamang ako sumagot. "S'ya nga pala, ano ba'ng kadalasan mong ginagawa sa mansion?" napatingin ako sa kanya. Sa kanilang apat, siya lang ang tumawag sa mansion ng 'mansion'

'Yong tatlo kasi, "Bahay" ang tawag. Eh, ang laki laki ng mansion para maging bahay.

Tumingala ako at nag-isip,  "Hmm... Kadalasan nanonood ng anime, o kaya magbasa ng light novel or manga" sagot ko naman. Wala namang masama kung i-share ko 'yong ibang interest ko, 'di ba?

"Otaku ka?" tanong niya.

Napakamot ako sa pisnge gamit ang index finger, "Hindi naman, nanonood lang ako ng anime at nagbabasa ng manga pero hindi ako gamer o kaya cosplayer" saka hindi lang ako basta otaku. Wattpadian and Webnovelian din ako at nanonood ako ng Korean and Chinese Drama. Pero hindi ako mahilig sa KPop or JPop. 

"Ayos! Magkakasundo tayo d'yan" at nagtuloy-tuloy na s'ya sa pagkwekwento n'ya ng mga napanood n'ya at gano'n din ako. 

Mas napadaldal lang nang ako na 'yong nagsalita. Nagulat nga ako kasi walang tigil 'yon. 

Tumigil ako sa kakadakdak at tumikhim, "Mauna na ako" at nauna na nga akong naglakad. Iniwan ko si Reed na nakasunod lang ng tingin. 

Mayamaya pa'y huminto rin at nilingon siya na hindi pa rin gumagalaw sa pwesto niya, "See you." paalam ko kasabay ang paglagay ng dalawa kong kamay sa likuran ko't naglakad na nga.

Malakas ang pintig ng puso ko kaya napahawak ako. 

I think natanong ko na 'to sa sarili ko but, 

...What is Love? 

Bab berikutnya