"Magka-iba ang 'Tama' sa 'Mabuti': Ang 'tama' ay ang pagpili at paggawa ng wasto batay sa isang partikular ng konteksto, kagaya ng lugar, panahon at sitwasyon at ang 'mabuti' naman ay anumang bagay na nakaka-ambag sa pagbuo ng sarili. Ang gabay upang malaman na ang isang bagay ay mabuti ay kapag ginagamit ang isip at puso para suriin at kilatisin ang isang bagay." isa ito sa mga sinabi ni Gussion kay Ezekiel kung bakit alam niya na alam ang pagsubok sa buong mundo.
Napansin ng batang lalaki na may papalapit sa kanya na ibang tao,at ang taong ito ay batang babae.
"Hi~" sabi ng batang babae sa batang lalaki na nakaupo sa duyan.
Hindi ito kumibo at nanatiling naka ub-ob at walang emosyon.
"Uhmm, a-anong pangalan mo?" mas mahinahon itong patanong ng batang babae.
Hindi parin kumibo ang batang lalaki.
Mukhang 'di talaga siya sasagot, "Uhmm, ako nga pala si Chelsea—"
" 'Di ko naman tinatanong kung ano ang pangalan mo." nagsalita ito ng wala manlang emosyon.
"Humph, grabe ka naman.. Gusto ko lang naman kaseng makipag-kaibigan eh." napayuko nalang si Chelsea dahil ang ineexpect niya ay magiging mag-kaibigan sila, habang papaalis si Chelsea ay tinanong ito ng batang lalaki.
"Kaibigan?.. Ano ba ang 'kaibigan' para sayo?.." nakuha niya ang atensyon ko ng dahil lang sa gusto niyang makipag-kaibigan sakin.
" A-ang kaibigan ba?"
"Oo.."
"Ang kaibigan, para sakin siya 'yung tao na lagi mong kasama sa lahat ng libreng oras, nagbo-bonding kayo, nagku-kwentuhan, lagi kayong nagsa-saya sa t'wing magkasama kayong dalawa. Kahit na nag-aaway paminsan minsan, eh nagbabati pa rin, 'yun ang kaibigan para sakin.." napatingin ito sa batang lalaki na naka ub-ob parin.
Hindi nakapagsalita ang dalawang bata dahil sa pagiging awkward.
"..Ako nga pala si Gussion, Gussion Sonata" nakangiti ito nang lumingon kay Chelsea.
"...Haha ako nga pala si Chelsea Irishida.. Well, nice to met you Gussion,haha can we be.. Friends?"
Hindi ulit nakapagsalita ang dalawang bata ng dahil sa awkward and they feeling stranger kase 'di pa nila masyadong kilala ang isa't-isa.
"Haha oo naman, syempre." nginitian ni Gussion si Chelsea.
"... Uhmmm anong gagawin natin?.. Ngayon?" napatanong nalang si Chelsea bigla dahil 'di niya alam kung ano ang magiging topic nila ni Gussion.
"Haha, laro nalang tayo!"
"...Haha, sige!"
Naglaro na si Chelsea at Gussion sa palaruan. Nagpa-dulas sa slide, nag-batuhan ng bilog na buhangin at nagka-sayahan silang dalawa. Makalipas ang isang oras na paglalaro ay nag-kwentuhan naman ang dalawa sa taas ng puno.
"Hahahahahaha"
"Hahahahahaha"
Parehas silang hinihingal sa kakalaro at sa pag-akyat sa puno.
"...Gussion?.. May tanong ako?" napatigil sa pagtawa si Gussion dahil sa seryosong tanong at titig ni Chelsea.
"...Ano 'yun?.." napakunot ang kilay nito sa kanya
" Na-nas'an na pala 'yung parents mo?" nahihiya ito at lumingon ito palayo
"Yung.. Magulang ko?.." humina ang boses nito.
"...Oo." nagulat ito ng naging mahina ang boses ni Gussion.
Hindi sinagot ni Gussion ang tanong ni Chelsea at nakayuko lang ito.
".. So-sorry, may natanong 'ata akong 'di ko dapat tinanong" nadismaya ito dahil parang nasaktan niya si Gussion gamit lng ang salita.
" ..Haha, ba't ka nagso-sorry?" ngumiti ito ng biglaan.
"..Sorry kase.. Na.. Disappoint kita.."
"Hahaha, 'di naman ganon 'yun ehh, kung gusto mo sabihin ko sa'yo kung anong nangyayare sa pamilya namin ngayon?" nginitian nito si Chelsea.
"Huh?.. I-ikaw bahala.. Kung gusto mo."
"Ehem, hahahahahaha, masaya naman kami ng pamilya ko" nginitian nito si chelsea.
"..Hahahahaha, akala ko kase eh, nasaktan kita sa sinabe ko kanina haha." kumamot sa ulo
"Haha.. Anong oras na ba?"
"Uhmmm, 4:07pm na."
"Ha?! Sigurado naka-uwi na si kuya!" napasigaw nalang si Gussion dahil madalas ay sinusundo siya ng kuya niya ng 4:00pm sa playground matapos nito mag-school.
"Nasaan na ba 'yung batang 'yun? Araw-araw nandito lagi 'yun sa duyan" hinahanap siya ng kuya niya, "Siguro nasa bahay na 'yun, 'di bale na nga lang." umalis nalang ito sa playground. Habang naglalakad ay nakita siya ni Gussion at tinawag niya ito.
"KuuYyYaaAaAAaaa."
"Gussion?" tumigil ito sa paglalakad ng makita si Gussion.
"Chelsea, ilang taon ka na?"
"... 10 years old."
"Haha, ok, sige bukas nalang ulit. Bye." tumalon pababa mula sa puno.
"Ikaw, Gussion? Ilang taon ka na?"
"Haha, magka-edad lang tayoo." tumatakbo palapit sa kuya niya.
"Kuya! Haha." hinihingal ito at huminto sa harapan ng kuya niya.
"Ang saya ng kapatid ko ahhh? Anong meron ngayon?" nginitian nito si Gussion.
"... May kaibigan na ako kuya!"
Nagulat ang kuya nito at tumingin kay Chelsea. "Siya ba ang kaibigan mo?" tinanong nito si Gussion habang nakatingin kay Chelsea.
Tumingin ito sa kuya niya at nakita nito na seryoso itong nakatingin kay Chelsea. Lumingon si Gussion kay Chelsea mula sa malayo at sinabi nito na, "Opo kuya, kaibigan ko siya at isa siyang babae." ngumiti ito ng lumingon ulit sa kuya niya.
Tiningnan ulit siya ng kuya niya at nginitian niya ito't naglakad na sila pauwi.
Kumaway si Gussion kay Chelsea habang naglalakad sila pauwi. At kinawayan rin sila ni Chelsea.
"Sana parehas kaming masaya ang pamilya." yumuko ito at nainggit kay Gussion.
"Gussion, handa ka na ba mag-training?"
"Haha, oo naman kuya ako pa, lagi kayang ready itong kapatid mo." pumorma ito habang naglalakad.
"Haha, kung ganon." tumakbo ito pauwi sa kanilang bahay, "Paunahan nalang makauwi sa bahay. HAHAHAHAHHA."
Napahinto sa paglalakad si Gussion at sinabe nito na, "Ang daya mo talaga!!!!" at tumakbo narin ito pauwi.
"Haha ang cute nilang magkuya." napangiti si Chelsea habang tinitingnan si Gussion at ang kuya nito na nagtatakbuhan, "HaAaaA?!! Pa'no naman ako makakababa dito sa puno?"