webnovel

Pagbalik sa bayan.

Ezekiel's POV

Ngayon na yung huling araw na pagbabakasyon ko dito kina lola at bukas na bukas rin uuwi na ako. Excited na akong umuwi 'di lang dahil sa namiss ko yung lugar, oo aaminin ko na namimiss ko rin sina mama at papa pero 'di tulad ng pagkamiss ko sa lugar at kay Gussion.

Ano na kayang balita kay Gussion; Masaya kaya siya ngayon? Ano kaya magiging reaksyon ko at reaksyon niya pag-nagkita ulit kami? Wala akong alam, basta ang gusto ko lang makipag-laro ulit sa kanya.

"Good night apo~, tulog na, maaga pa kayo aalis bukas." sabi pa ni lola habang nakangiti sakin.

"Opo lola. Good night din po~" sagot ko pa sabay pikit ng dalawa nang aking mga mata sa sobrang excited bukas. Kung yung iba 'di makatulog sa sobrang excited ako hindi haha.

*******

"Ezekiel, apo, gising na."

"Ooohh."

"Gising apo, pinagluto kita ng agahan, bangon kana diyan" sabi pa sakin ni lola.

Nang bumangon na ako mula sa higaan ko ay nag-almusal na kaming apat. Ng matapos na kaming mag-almusal ay nag-impake na kami ng mga gamit namin habang si lola naman ay nag-hahanda ng babaunin namin. Nag-luto siya nang Bacoon, Buger, Bicol Exress at Cookies. Ang bango, parang gusto ko nang kainin lahat ehhh kaso bawal haha kaya isang cookies at burger lang ang nakain ko haha.

"Mag-iingat kayo Ezekiel. Ingatan niyo si Ezekiel haa,ikaw Jhun, Mina, ingatan niyo tong apo ko ahhh~" paalala pa ni lola sabay yakap sakin.

"Wag kang mag-alala ma, kaming bahala ni Mina diyan sa pamangkin namin haha." sabay tingin kay tita at hawak sa ulo ko..

"Ma, alis na po kami, mag-iingat kayo lagi dito ahhh." balik paalala pa ni tita sabay yakap at halik sa noo ni lola.

"Oh sige na, alis na kayo habang maaga pa, mamaya traffic na 'yan."

"Sige na po ma, aalis na po kami." sabay lakad papunta sa kanto para sumakay.

Nasa bus na kami papunta ng cavite. Habang nasa bus kami ay kinain ko yung isang Burger at nakatulog na.

***

Naalipungatan ako nang ginising ako ni tito dahil nandon na kami sa may kanto nang village namin at bumaba na. Hapon na kaya wala na akong masyadong lakas at inaantok pa. Nang makauwi na kami sa bahay ay bigla nalang akong niyakap ni mama at kinumusta kami, wala si papa kase nasa trabaho siya.

Nilagay nina tito yung dalang pagkain sa lamesa at binuksan. Nagising yung diwa ko kaya kumain muna ako. Habang kumakain ay nagku-kwentuhan silang tatlo at ako naman ay naglalaro nang video games sa kwarto ko habang kumakain. Tatlong Burger, isang platong Bacoon, isang platitong Bicol Express at limang Cookies. Ang sarap ng kain ko, habang kumakain ako ginaganahan at nagigising yung diwa ko.

Hanggang sa nag-7PM na at nakatulog na nga ako nang bukas yung T.V sa kwarto ko.

*******

Ang aga ko nagising ngayon, 7:39AM palang kahit na walang pasok, pero merong naman enrollan sa school namin, sinamahan ako ni mama kase 'di pa ako marunong.

Habang naglalakad kami ay bigla kong naalala si Gussion ng dumaan kami sa Playground. Nilibot-libot ko yung mga mata ko sa Playground pero 'di ko nakita si Gussion. Mga ibang bata yung naglalaro dun, yung mga nang-asar sakin. Tiningnan nila akong tatlo nang masama at nagpatuloy na ulit sa paglalaro habang kami ay patuloy na naglalakad papunta sa school. At nang nakagapag-enroll na kami ay agad na ang nag-request kay mama na umuwi at umuwi na kami agad-agad. Nang makauwi na kami ay nagpahinga na ako at kumain para makakuha nang lakas kase maglalaro kami mamaya ni Gussion, sana nga nandun siya.

Nang matapos na akong kumain ay natulog muna ako para maglaro mamaya.

Ng mag-alarm ang alarm clock sa kwarto ko ay agad-agad akong bumangon ng nakangiti at pumunta agad sa baba at kumain. Dinamihan ko na yung kain ko at nag-hilamos na ako at nag-tooth brush. Tinanong ako ni mama kung saan daw ako pupunta at sumagot ako nang magalang na pupunta ako sa Playground at pinaalalahan niya ako na mag-ingat at nginitian ko siya.

Pumunta na ako sa Playground at saktong nandoon siya kaya nilapitan ko siya agad-agad.

"Gussion!" sigaw ko sa pangalan niya habang tumatakbo palapit sa kanya at tumingin agad siya sakin. "Gussion, nakabalik na ako. Tara laro." sabi at pamungkahi ko pa sa kanya habang nakayuko at nakahawak sa dalawang tuhod ko't nginingitian siya.

Mga ilang segundo siyang nakatingin sakin ng seryoso at hindi sinagot ang tanong ko.

"Sino ka? Ba't mo ako kilala?" tanong niya sakin habang nakatingin ng seryoso sakin.

"Huh?" Anong nangyari sa kanya? Nagbibiro ba siya? "Anong pinagsasabi mo? Si Ezekiel to, kalaro mo nung nakaraan, yung umalis." paalala ko pa sa kanya.

Nang sinabi ko yun sa kanya ay biglang may lumapit sa kanya.

"Gussion, kanina pa kita hinahanap ahh." seryosong pagkasabi pa nang kuya niya at napaatras ako.

"Kuya." sagot pa ni Gussion. Bigla siyang tumayo at lumapit sa kuya niya.

"Bata, anong pangalan mo?" tanong sakin ng kuya niya at sinabi ko ang pangalan ko. Bigla akong nginitian ng kuya niya at sinenyasan ako nitong lumapit. Tinapik nito ang ulo noo ko at medyo nahilo ako. Nadatnan kong umalis na sila at umuwi. Habang maglalakad sila ay naririnig ko yung pinag-uusapan nila.

"Kuya, anong ginawa mo?"

"Wala lang yun, tara na uwi na tayo."

Yun yung huli kong narinig sa pag-uusap nila at nawalan na ako nang malay.