NAKAPANGALUMBABA si Yoanna habang pinagmamasdan ang malakas na buhos ng ulan sa labas. Pasado alas sais na at madilim ang langit. Di siya makaalis sa opisina dahil may biglaang meeting na ipinatawag ang boss nilang si Reid Alleje.
Sunud-sunod ang event na gaganapin sa mga darating na buwan sa riding club. Nariyan ang anniversary ng riding club kung saan magkakaroon ng open tournament. Dagsa na naman ang guests nila. Subalit wala doon ang atensiyon niya kundi sa date nila ni Kester. Nag-aalala siya kung tuloy iyon o hindi.
"Miss Aguirre, is there a problem?" tanong ni Reid.
Lumingon siya at natuklasang lahat ay nakatitig na sa kanya. Umayos siya ng upo at umiling. "Wala po, Sir. Malakas kasi ang ulan sa labas."
"At inaalala mo kung matutuloy ang date ninyo ni Doctor Mondragon."
Nanlaki ang mata niya. "How did you know…" Nabitin ang pagtatanong niya nang maisip na nadulas ang dila niya. "I mean… well…"
Umangat ang gilid ng labi ni Reid. "It is my business to know."
Umulan tuloy ng tuksuhan lalo na nang mag-blush siya. "Aha! Kaya pala todo paganda kanina si Ma'am," kantiyaw ni Maricon. "May date pala."
Nanlaki ang mata niya. "Stop teasing me! Nakakahiya kay Sir Reid."
"Go now, Miss Aguirre!" utos ni Reid. "Puntahan mo na si Doctor Mondragon. Mahirap na pinaghihintay ang ka-date."
"Pero Sir…"
"That is an order!" matigas na wika ni Reid.
Paglabas ng conference room ay tinawagan agad niya si Kester sa cellphone. "Hello! I am sorry. Katatapos lang ng meeting ko. Nasa Lakeside Café ka pa ba?" Baka ayaw nito nang pinaghihintay at iniwan siya. Dati ay wala naman siyang pakialam kapag may nagyayaya ng date. But with Kester, parang di siya makakapayag na di matuloy ang date nila.
"Nandito lang ako sa café. Hinihintay ka."
Kumunot ang noo niya nang marinig ang panginginig sa boses nito. Parang masyado pa ngang malakas ang ulan sa kinalalagyan nito. "I am coming."
Nagpababa siya sa service sa Lakeside Café. Nagpalinga-linga siya pagpasok subalit di niya nakita si Kester. "Good evening, Ma'am," bati ng waitress sa kanya.
"Is Doctor Mondragon still here?"
"Yes, Ma'am. Nasa porch po," anito at itinuro ang pwesto niya. "Sabi ko nga po sumilong muna siya pero doon lang daw po siya sa labas maghihintay."
Nanlaki nang makitang basang-basa na ito sa ulan at mukhang lamig na lamig. Nilapitan niya ito bitbit ang payong niya. Di agad ito kumilos kahit nang lumapit siya dahil bahagya itong nakayuko. Inangat lang nito ang tingin nang maramdaman na nakasilong na ito.
Ngumiti ito kahit na nanginginig na ang labi. "Hi! You're here!"
"Yes, I am here! And how about you? What are you doing here? Sobrang lakas ng ulan. Look at you. Nanginginig ka na sa sobrang lamig."
"Sabi ko hihintayin kita dito."
"Do you really have to wait for me here? Pwede naman sa loob. Look at your self. Basang-basa ka na. Kung magkasakit ka sa kahihintay sa akin? Konsensiya ko pa iyon," litanya niya.
He looked at her guiltily. "Sorry. Umulan kasi."
"Hindi mo kasalanan na umulan. Pero kung alam ko lang na magpapakabasa ka sa date natin, sana di ko na lang itinuloy."
Bigla itong tumayo. "Ha? Di na natin itutuloy?"
"Huwag na lang. Mabuti pa umuwi ka na lang." Bumalik siya sa loob ng café at kinausap ang isa sa crew. "Miss, ipapa-deliver ko na lang sa lodging house ni Doctor Mondragon ang order niya. Thank you. Kester, okay lang ba na…" Nang lumingon siya ay di niya kasunod si Kester. Naiwan ito sa porch. Di maipinta ang mukha niya nang balikan ito. "Ano pang ginagawa mo dito? Gusto mo talaga akong galitin, no? Di ba sabi ko umuwi ka na?" Inilahad niya ang kamay. "Ibigay mo sa akin ang susi ng kotse mo. Ihahatid kita sa lodging house mo."
"Bakit mo pa ako ihahatid?" inosente nitong tanong.
Namaywang siya. "Gusto mo bang matuloy ang date natin o hindi?"
Lumiwanag ang mukha nito. "Gusto ko, siyempre."
He was trembling when they get inside the car. Di na niya binuksan pa ang aircon dahil tiyak na lalamigin ito lalo. "Look what you've done. Daig mo pa ang basang-sisiw. Pagdating mo sa bahay mo, mag-hot shower ka agad."
"Ngayon ko lang na-realize na sobrang bossy ka pala."
"At hindi ko naman alam na may itinatago ka palang katigasan ng ulo at katangahan. Naturingan kang doktor, di mo inaalagaan ang sarili mo."
Bumuntong-hininga ito nang itigil niya ang kotse sa harap ng lodging house nito na solo nitong inookupa. "Daig mo pang magsermon si Mama."
"May angal ka?"
"Wala," tanggi nito. "Sabi ko nga, magsa-shower na ako."
Nakasunod siya dito nang pumasok sa bahay. "Nasaan ang medicine cabinet mo?" tanong niya. Itinuro nito ang direksiyon ng kusina. "Go take a shower. Ako na ang bahala dito."
"Hindi ka ba naiinip na hintayin ako?"
"Huwag mo na akong intindihin. Malaki na ako. Ako na ang bahala sa sarili ko. Maligo ka na!" mariin niyang utos dito. And she must distract herself. Para di na niya ma-imagine pa ito habang nasa ilalim ng shower. It was their first date and those thoughts were not allowed.