webnovel

Chapter 20

TAPOS nang iayos ni Yoanna sa mesa ang ipina-deliver na pagkain nang lumabas si Kester mula sa kuwarto nito. He was wearing a toweling robe at tinutuyo ang buhok. "Wow! Nag-abala ka pa na ipaghanda ako ng pagkain," anito nang makita ang ayos ng mesa. "Thank you, ha?"

Napanganga siya habang pinagmamasdan ang matipuno nitong dibdib na nakikita sa nakabuka nitong roba. Wow! Mas masarap pa siyang papakin kaysa sa pagkain, isip-isip niya. She could imagine him under the shower without anything on. Bigla tuloy nanuyo ang lalamunan niya.

Naipilig niya ang ulo. Hindi iyon ang oras para magpantasya siya. "Hindi ako nag-abala. Ipina-deliver ko lang ang in-order mo kanina sa Lakeside Café. Of course, naka-charge iyan sa account mo."

"But I still find it sweet."

"Tama na ang pambobola mo. Kumain ka na ng chicken soup."

"Wala akong natatandaan na um-order ako ng chicken soup."

"Pinakilaman ko ang stock mo. Humigop ka na para mainitan ka. tapos uminom ka ng gamot," sunud-sunod na utos niya.

"Doktor ako. Alam ko kung ano ang dapat kong gawin."

Matalim niya itong sinulyapan. "Doktor ka nga pero hindi ko maintindihan kung bakit nagpakabasa ka sa ulan."

"Ulan lang iyon. Saka wala naman sa iyo kung magkasakit ako," matamlay nitong sabi habang humihigop ng chicken soup.

"Di pa pala pagmamalasakit ang ginagawa ko ngayon para sa iyo. Kung wala akong pakialam sa iyo, hindi na sana ako nakipag-date sa iyo. Hindi rin kita aasikasuhin. Saka… saka…"

"Saka malapit ka nang ma-in love sa akin?"

Her eyes widened. She didn't know if he was only teasing her. O baka naman na nito ang totoong nararamdaman niya. "Hoy, Kester! Wala akong sinasabing ganyan. Inaalagaan lang kita ngayon dahil di mo maalagaan ang sarili mo. Doktor ka dito at lahat kami inaalagaan mo. Someone ought to take care of you."

"Iyon lang ang dahilan mo para alagaan ako? Dahil doktor ako dito sa riding club? Ganyan ka rin ba sa ibang doktor dito?"

Diniinan ng daliri niya ang noo nito. "Sa iyo lang dahil ikaw lang naman ang nag-iisang doktor na kilala ko na matigas ang ulo!"

Nasapo nito ang ulo. "Ah! M-Masakit ang ulo ko!"

Nag-alala siya at hinaplos ang ulo nito. "Naku! Sorry! Masakit ba?" Nasalat niya na medyo mainit ang noo nito. "May sinat ka na. Nilalamig ka rin ba?"

"Sinat lang iyan. Kaya ko na iyan."

"Huwag ka nang magtapang-tapangan. Si Alexander the Great nga, namatay sa malaria. Baka mamaya lumala pa ang sinat mo kapag di mo ininuman ng gamot." Siya pa mismo ang nagbukas ng foil pack ng gamot at inilapit sa bibig nito. "Iyan na. Sige na. Uminom ka na bago pa kung anong mangyari sa iyo."

Tumawa lang ito at isinubo ang gamot. "HIndi naman malaria ang sakit ko."

"Matulog ka na pagkatapos."

Maang itong tumingin sa kanya. "W-Wait! Paano ang date natin?"

"Tapos na kasi magpapahinga ka pa." Kasalanan din naman nito. Kundi ito nagpakabasa sa ulan, hindi naman iyon mangyayari. "Huwag ka na lang pumasok bukas. I want you to take a rest. Saka ka na lang tawagan kapag may emergency."

"Napag-isipan mo na ang lahat ng ito?"

"At least nag-iisip ako. Go to bed right away and take a rest. Good night."

Tumingkayad siya para halikan ito sa pisngi subalit pinigilan siya nito sa balikat at itinulak siya palayo. "Good night," pormal nitong sabi.

Bumakas ang sakit sa mga mata niya. She didn't expect the rejection. O masyado ba siyang umasa na may hihigit pa sa paglalambing na ipinapakita nito sa kanya? Maybe he only took her out on a date because he was grateful to her for helping out his brother. Nothing more.

Ibinaba niya ang mga mata. "S-Sige."

Talagang pinagbigyan lang siya sa kahilingan niya. Isang date. And that was enough. Di na rin siya kailangan pang umasa.

Palabas na siya ng pinto ng tawagin nito ang pangalan niya. "Yoanna…"

Lumingon siya dito. "Bakit?"

He didn't say a word. He only moved towards her and touched a few strands of her hair from her shoulder. He was staring at her in such a hypnotic way. Ni hindi na niya maialis ang tingin dito. Then he kissed the strand with his lips, his eyes never leaving hers.

Hindi niya alam kung anong gagawing paghinga. The strong beat of her heart was too painful and sweet at the same time. He only kissed a few strands of her hair but it was like he was kissing her flesh, her lips, her very soul.

"K-Kester, what are you doing?" she asked in a trembling voice.

"I am not doing anything," he whispered.

"You are doing something." And he was evoking weird emotions on her. It was so intimate like the kiss they shared before.

He let go of her hair. "Thanks for the wonderful night."

Pagdating sa kuwarto niya ay di siya makatulog. Naiisip pa rin niya si Kester. Sa palagay niya ay ito rin ang magiging laman ng panaginip niya. Isinubsob niya ang mukha sa unan. Knock it off, Yoanna! It is just a date. It doesn't mean a thing to him. Forget it.

Baka nga mahimbing na itong natutulog dahil na rin sa epekto ng gamot. Ni hindi nito maiisip pa ang date nila. It would be just a meaningless night to him. Sasabog na ang utak niya sa kaiisip nang mag-ring ang cellphone niya. Nagtaka pa siya nang makitang si Kester ang caller.

"Hey, bakit gising ka pa? Di ba sabi ko matulog ka na?" sermon agad niya.

"I just want to check if you are home. Ikaw, bakit di ka pa natutulog?"

"Patulog na ako kung di ka pa tumawag." Tatawag-tawag pa ito pero di naman importante ang sasabihin nito. Pero kahit parang simpleng pagche-check lang ang ginawa nito, may mumunting kilig siyang nararamdaman. "Good night na."

"Yoanna, I wish that I could be like Alastair. If only I could replace him in your heart. Goodnight."

Lalo siyang naguluhan at di makatulog sa sinabi nito. Ayaw nito sa kanya, di ba? He even refused to kiss her or ask her out on a date again. Sa simpleng tawag na iyon ay nabuhay na naman ang pag-asa niya. At kapag nabigo ay masasaktan na naman siya. But could she stop herself from hoping?

Malapit na pong matapos ang kwento ni Doc Kester. Excited na ba kayo sa ending?

Sofia_PHRcreators' thoughts
Bab berikutnya