webnovel

Chapter 20

"ANO'NG sabi sa iyo ni Claudine?" tanong ni Gabryel habang naglalakad sila sa gilid ng lake at akay nito si Burglar. Napansin marahil nito ang pananahimik niya. Na kahit ano ang sinasabi nito, parang hindi siya nakikinig. Nasa malayo ang iniisip niya.

Sinipa-sipa niya ang itim na buhangin sa kanyang paanan. "Wala naman masyado. Sabi niya, nami-miss niya si Maiden. Na binili mo si Maiden para sa kanya."

"Iyon lang ba ang sinabi niya sa iyo?"

"Ano pa ba ang dapat niyang sabihin sa akin?"

"Ako ba, hindi mo tatanungin?"

"Brye, I don't want to intrude into your private life. I respect your privacy. If you won't tell me, then I won't ask anything. Unless it affects me directly."

"I think it will concern you since Claudine knows you are my new girlfriend. Katulad na lang ng inasal niya kanina. She acted as if she could take everything back from where we left off. Naiinsulto ako para sa iyo."

"Brye, kung totoong girlfriend mo ako, maiinsulto ako. Siguro, magseselos din ako dahil sa atensiyon at pagmamahal na ibinigay mo sa kanya. But I am not. Hindi mo naman kasi ako totoong girlfriend."

Wala siyang karapatang makaramdam ng kahit ano. Kahit espesyal ang nararamdaman niya para kay Gabryel, alam niya kung saan siya lulugar. At kung anuman ang ipinakikita nitong paglalambing sa kanya, pansamantala lang iyon.

"Well, that's your case. Pero hindi ko pa rin alam kung ano ang puwedeng gawin ni Claudine sa iyo. She might harm you."

"Gabryel, puwede na nating sabihin sa kanya na `di mo naman ako totoong girlfriend. Para hindi na siya magselos sa akin." Mukhang nahihirapan si Gabryel na balansehin ang nararamdaman nito dahil sa kanya.

"No. I can't do that. Paano pa kita poprotektahan sa mga luku-lukong lalaki rito sa club oras na malaman nilang `di kita totoong girlfriend?"

"Bakit ako pa ang iniisip mo? How about Claudine?"

"Everything was clear when she left me. And even if she wants to come back to me, I don't really care about her."

"Is that how you really feel? Do you still love her?"

Pinisil nito ang pisngi niya. "Silly. Matagal na iyon. I am over her."

"Paano kung mahal ka na talaga niya? Babalikan mo ba siya?" Kung "oo" ang sagot nito, siya na mismo ang gagawa ng paraan para makabalik ito kay Claudine. Hindi siya magiging sagabal sa kaligayahan nito.

"Is this for the romance novel you are writing? You think this is a nice piece for a romance novel ng mga basted?"

Napapadyak siya. "Be serious! This is for you."

Kinabig nito ang ulo niya at inihilig sa dibdib nito. "Claudine is not your problem, Sindy. At ayokong magiging problema natin siya, okay? Basta gawin mo lang kung ano ang ipinunta mo rito. Create your masterpiece."

She hoped he was really okay. Ayaw na kasi niyang masaktan pa ito.

Hug na lang kita, Brye.

Share us your thoughts on this chapter.

Sofia_PHRcreators' thoughts
Bab berikutnya