KINATOK ni Sindy ang pinto ng kuwarto ni Gabryel. "Brye, baka ma-late ka na sa presentation mo. Dapat nandoon ka na ngayon."
According to him, it was a big project with a cable channel tycoon. Tatlong sister companies ng cable channel ang gagawan nito ng Web site design. Kaya maging siya ay excited. It was a big project.
Lumabas si Gabryel ng kuwarto nang hindi pa naka-necktie. "Huwag ka namang magmadali. It's still an hour before the presentation. Mas excited ka pa yata kaysa sa akin, eh!"
"Ayoko lang naman na pumalpak ka. Nakakahiya," nakahalukipkip na sabi niya. "`Tapos malalaman pa ng buong club ang kapalpakan mo. What a shame! Makakaladkad pa ang pangalan ko dahil alam nilang girlfriend mo ako."
"Kahit kailan talaga, wala kang tiwala sa talent ko. Ngiti ko pa nga lang, mapapahanga na sila," anito habang nanginginig ang kamay nang ayusin ang sariling necktie. Hindi man aminin nito ay natetensiyon na ito.
"O, bakit?" tanong niya nang huminga ito nang malalim.
"Sindy, ikaw na ang mag-ayos ng necktie ko," lambing nito.
Sinubukan niyang ayusin ang necktie nito. Pero ang simpleng gawain ay naging komplikado sa kanya. His body was near hers. Natetensiyon siya. At parang napaka-intimate ng act na pag-aayos ng necktie nito. They were like a married couple. Sa huli ay sumuko rin siya. "Hindi ako marunong, eh!"
"Marunong ka. `Di ba, may necktie ang uniform mo noong college?" tanong nito. "Kapareho lang iyon ng necktie ko."
"Hindi. Magkaiba iyon," giit niya. "Saka kaya kong ayusan ng necktie ang sarili ko pero hindi ang iba. Bakit hindi na lang kaya ikaw ang mag-ayos ng necktie mo? Araw-araw mo namang ginagawa iyan, ah!"
"Aba! Dapat lang na mag-practice ka. Siyempre, gagawin mo rin iyan kapag kasal na tayo. Lalo na kapag ganito kaimportanteng presentation."
"Oo na. Oo na," aniyang pilit na inayos ang necktie nito.
Naging habit na nito na kahit anong ipagawa sa kanya, palaging ina-associate sa balang-araw na pagpapakasal nila. Nasanay na rin siya at hindi ito kinokontra. Basta hindi na lang niya pinapangarap at pinaaasa ang sarili na mangyayari iyon. Pero katulad ng mga pagkakataong iyon, pinapabayaan niya ang sarili na kiligin kahit kaunti.
"Okay na ba?" tanong nito habang pasakay sa kotse.
"Hindi pa. Aayusin ko uli," pahabol niya.
Mayamaya ay napasigaw ito. "Ahh! Nasasakal ako!"
Tumawa siya. "Ay, akala ko gusto mong magpasakal," kantiyaw niya. "Sabi mo `di ba, ganito ang gagawin kapag gusto mong magpasakal?"
"Kasal! Hindi sakal!" pasigaw na pagtatama nito.
Nagtatawanan at nag-iinisan silang dalawa nang tumigil ang kotse ni Claudine sa likuran ng kotse ni Gabryel. "Hi! Susunduin ko lang si Gabryel."
Si Claudine ang nag-recommend sa boss nito sa web design company ni Gabryel. Kung paraan nito iyon para mapalapit uli sa binata, wala siyang pakialam. Hindi naman kasi iyon nakakaapekto sa samahan nila ni Gabryel.
"Hindi mo na lang sana ako sinundo. Papunta na ako roon."
"I just want to make sure he gets there in time for the presentation," Claudine defended with a sweet smile. "Are you ready?"
"Almost," sabi ni Gabryel.
"O, hindi pa ayos ang necktie mo." Without preamble, Claudine pulled Gabryel near her. "Let me fix it."
Tahimik lang siya habang pinagmamasdan ang dalawa. Claudine was able to fix Gabryel's necktie so quickly. And Gabryel didn't look bothered. Parang sanay na nga ito na ginagawa ni Claudine ang pag-aayos ng necktie nito.
Ngumiti si Claudine nang matapos. "There. It's perfect."
Necktie lang ni Gabryel, `di ko pa maayos. Paano pa ako magpapakasal sa kanya? Mukhang mas okay kung si Claudine ang pakakasalan niya.
"Umalis ka na. Baka ma-late pa kayo," pagtataboy niya.
Bumaling sa kanya si Gabryel. "Ayusin mo pa uli ang necktie ko. Hindi ko masyadong gusto. Parang nasasakal ako. `Di ako makahinga."
"Ha? Mukhang okay naman, ah!"
Kinindatan siya nito. "Okay na iyong ayos mo kanina."
Nakita niya ang pagkainis sa mukha ni Claudine nang tanggalin niya ang perpektong pagkakatali ng necktie ni Gabryel. She did her best to do it properly. Hindi man kasingganda ng pagkakaayos ni Claudine pero presentable naman.
"Puwede na iyan. Ayoko nang mag-ayos uli," sabi niya.
"Nasaan muna ang good-luck kiss ko?" tanong ni Gabryel.
"Kailangan pa ba n'on?"
Pumalatak ito. "Nagtatanong pa, eh! Hihingin ko ba kung `di ko kailangan?"
Tumingkayad siya para humalik sa pisngi nito. Subalit hinapit nito ang baywang niya at maalab na hinalikan ang mga labi niya. It was an ardent kiss, so ardent that she forgot the world around her. His lips were coaxing her to respond to the kiss. She was inexperienced in the kissing department but she instinctively looped her hands around his neck and opened her lips.
She never thought she could respond that way to a simple kiss. And it was an exhilarating experience. Nakalimutan na niya ang tama at mali. Basta hahalikan siya ni Gabryel ay wala siyang pakialam sa mundo.
"I'll just wait for you at the presentation venue," sabi ni Claudine nang hindi makatiis at pinaharurot palayo ang sasakyan nito.
Saka lang siya natauhan. Nasa labas sila ng driveway at may ibang tao silang kasama. And Gabryel kissed her in broad daylight.
"Oh, God!" naiusal niya at natutop ang mga labi.
"Mukhang gaganahan na ako sa presentation mamaya," sabi ni Gabryel at ngiting-ngiting sumakay sa kotse nito. "I got sunshine on a cloudy day," kanta pa nito. "Huwag mong masyadong mami-miss ang kaguwapuhan ko, ha?"
Nakatulala siya sa harap ng fountain nang makaalis si Gabryel. Bakit siya hinalikan nito? Dahil ba naroon si Claudine at gusto nitong pagselosin? He kissed her expertly but she didn't feel used. It was as if he really loved kissing her.
Pinalo niya ang antique gong at lumikha iyon ng malakas na tunog sa buong kabahayan. She needed it to bring her back to her senses. Wake up, Sindy. Hindi ka gustong halikan ni Gabryel. Napilitan lang siya.
When he came back, she would set the record straight. Kailangan na siyang matauhan bago siya mangarap na naman nang gising.
Don't forget to comment, vote, and rate this chapter.
And visit us at My Precious Treasures and www.shopee.ph/sofiaphr to get copies my books and Stallion merchandise.