webnovel

Chapter 1

"LOLO, I don't want to marry Yuan Zheng," walang gatol na sabi ni Quincy sa kanyang abuelo na si Loreto Tan.

Sinulyapan siya nito na parang nawawala na siya sa sarili. "Crizelda Celine, you came all the way to Huntington Beach just to tell me that?" anitong parang gustong matawa sa sinabi niya. "Give me another kind of joke."

She wanted to slump but she had to maintain her poise. Hindi nga naman iyon bagay sa suot niyang ruffled skirt at blouse na may ka-partner na bolero. Tiyak na pagagalitan siya ng lolo niya. "I am not joking. I won't travel from Florida to California just to give you a lame joke. I am serious! I don't want to marry him."

Sumandal ito sa rocking chair at iniuga-uga iyon. Iyon ang paboritong lugar nito sa bahay na iyon. The beach house was his grandfather's retirement haven. "I don't see anything wrong with Yuan. He is handsome, virile and hardworking. He has a great acumen for business. A very serious man. Wala ka nang mahahanap na lalaking katulad niya."

"He is stiff. Ni hindi siya marunong ngumiti," reklamo niya.

Yuan or Yue Anthony Zheng was a young Filipino-Chinese businessman. Malapit ang pamilya nila sa isa't isa. Dangan nga lang ay sa States ito lumaki. Matalik na magkaibigan ang mga lolo nila. Noong mga bata pa ang mga ito, kasama ng lolo niya ang lolo ni Yuan na tumakas sa China.

Eighteen na siya nang makilala niya si Yuan sa mismong debut niya. He was twenty-three then. Kadarating lang nito sa Pilipinas para pangalagaan ang Zheng business empire na sinimulan pa ng lolo nito. Noon niya nalaman ang kasunduan ng mga lolo nila. Na pagdating niya sa edad na beinte-tres ay ipapakasal siya rito.

"Hindi ka nagrereklamo sa ngiti ni Yuan noon," sabi ng lolo niya. "Saka ganoon naman talaga si Yuan. `Di sanay ngumiti. But that doesn't mean he won't be a good husband to you."

"That's what I thought before," usal niya at inikot ang mga mata. "But, Lolo, I've changed. And I don't think Yuan would suit me as my husband."

Nagkibit-balikat ito. "I think you two are perfect."

She used to be young and naïve. Wala pa siyang sariling identity at sunud-sunuran lang sa nakatatanda sa kanya. Namatay ang mga magulang niya noong bata pa lang siya kaya ang Lolo Loreto na niya ang nag-alaga sa kanya. Kaya anumang hilingin nito sa kanya, kailangan niyang sundin.

Mukha siyang nerd nang makilala siya ni Yuan. Pulos mahahabang damit ang suot niya dahil conservative ang pamilyang pinanggalingan niya. Nakasalamin pa siya dahil malabo ang mga mata niya. Ganoon pa rin ang hitsura niya ngayon dahil iyon ang gustong makita ng lolo niya at ni Yuan. Isang babae na mukhang nabubuhay noong unang panahon. Isang babaeng daig pa ang robot na sunud-sunuran.

Pero nang mag-aral siya sa States, nalaman niya kung ano ang gusto niyang gawin sa buhay. Kung ano ang gusto niyang ayos sa sarili, isuot, maging trabaho at klase ng lalaki na gusto niyang pakasalan. Pero hindi niya masunod ang lahat ng iyon. Nakaplano na ang buhay niya mula nang itakda ang kasal nila ni Yuan. Kung dati ay lolo lang niya ang kumokontrol sa buhay niya, ngayon ay may Yuan pang nakasali. Mas malupit pa yata.

"I don't like him," giit niya.

"But Yuan likes you, hija. Sa dinami-rami ng babae na may gusto sa kanya, ikaw pa rin ang pinili niyang pakasalan."

Only because his family said so. Sa palagay niya ay wala rin namang choice si Yuan. Hindi nga lang halata. Tanggap na kasi nito na magpapakasal sila.

"I don't think he likes me, Lolo. Look, he doesn't have time for me. Ilang beses na siyang nagpunta rito sa States pero hindi man lang niya ako dinalaw. Noong graduation ko, ni hindi siya nakapunta. Mas pinili pa niyang pumunta sa business conference sa Shanghai kaysa sa akin."

"Women! Puro sarili lang ninyo ang iniisip ninyo. Yuan is a working man, hija. Saan ba nanggagaling ang mga regalo na ibinibigay niya sa iyo tuwing may okasyon? You may not see him physically but he never forgets about you. Hindi ba, lagi ka rin niyang tinatawagan? He always checks on you. Laging itinatanong kung ano ang gusto mo. Kapag kasal na kayo, magkakasama rin kayo. Huwag kang mainip."

As if I am too eager to marry that nonstop working machine. Siya ang kahuli-hulihang lalaki na gusto kong pakasalan. "Ganoon din ba siya kapag kasal na kami?"

"Huwag mong masyadong paghanapan si Yuan. Hindi lang isang kompanya ang pinatatakbo niya. He is running an empire. Dapat nga, matuwa ka dahil isang responsableng lalaki ang pakakasalan mo."

Bab berikutnya