Umuklo si Quincy sa harap nito at ginagap ang kamay nito. Marami siyang nakahandang rason sa paghaharap nila ng lolo niya. Kailangan niya itong makumbinsi na huwag nang ipakasal sa kanya si Yuan Zheng.
Pakiramdam kasi niya ay nauubusan na siya ng option. Her time was running out. Baka bukas-makalawa ay sinusukatan na siya ng wedding gown para sa kasal nila ni Yuan. Hindi na siya makakawala pa.
"Lolo, I want to ask for your permission. I want to talk to Yuan personally. Sasabihin ko sa kanya na magba-back out ako sa kasal namin habang maaga pa para walang sinuman sa amin ang mapahiya."
Namutla ito at biglang sinapo ang dibdib. "Hindi mo magagawa iyan, Celine!"
Naalarma siya nang makitang nahihirapan itong huminga. "Lolo!" Hinaplos niya ang dibdib nito. "Lolo! Nurse! Nurse!" tawag niya sa private nurse nito.
Lumabas ang nurse at inasikaso ang lolo niya. Sapo niya ang noo habang mangiyak-ngiyak na pinagmamasdan ang lolo niya. Siya pa yata ang papatay rito.
Na-stabilize naman ang kondisyon nito pagkatapos gamitin ng nurse ang inhaler. Dinala sa kuwarto ang lolo niya para makapagpahinga.
"Hayaan mo muna siyang magpahinga. Huwag mo na siyang masyadong pag-alalahin," sabi ng Filipina na nurse. "Sensitive na ang kalagayan niya. Kaya sa ngayon, sumunod ka muna sa kahit anong gusto niya."
"Thank you," sabi niya bago pumasok sa kuwarto. Kalmado na ang lolo niya subalit bakas pa rin ang dilemma na pinagdaanan nito kanina. "How are you feeling?"
"Much better. Gusto mo bang mamatay na ako?"
Umiiyak na pinagsalikop niya ang mga kamay sa isang kamay nito. "Hindi po, Lolo. You know how much I love you."
Hinaplos nito ang buhok niya. "Kung mahal mo ako, susundin mo ako. Pakakasalan mo si Yuan, hindi ba?"
"Paano kung hindi kami maging masaya, Lolo?"
"You know your marriage will be a sign of our family's friendship. Marami kaming pinagdaanan ng lolo ni Yuan. Our bond is tight. At gusto naming maipagpatuloy iyon hanggang sa inyo. We can't break that bond."
Hindi rin lingid sa kaalaman niya na malaki ang naitulong ng mga Zheng sa negosyo ng pamilya nila. Malawak kasi ang impluwensiya ng mga ito.
"I recognize that bond. I know you treat Lolo Molino like a brother. But marriage is a different thing. It is forever. At wala kaming bond ni Yuan na katulad ng sa inyo ni Lolo Molino. We don't even see each other. I don't know much about him and he doesn't know much about me. He doesn't even know the real me."
Hindi niya ma-imagine na makakasama ang isang lalaki na emotionally detached sa kanya at walang alam sa kung ano ang gusto niya. Malayung-malayo si Yuan Zheng sa pangarap niyang pakasalan.
"Dadating din kayo roon. Magkakakilala rin kayong mabuti. And you will definitely like Yuan. Hindi siya katulad ng ibang lalaki na kapag nakatalikod ang babaeng pakakasalan, kung sinu-sinong babae ang kasama, although I am well-aware that many girls run after him. He is quite a catch."
"Lolo, maybe he sounds so perfect. But I want to marry someone whom I am in love with. Paano kung hindi ako ma-in love kay Yuan?"
"Mai-in love ka rin kay Yuan. Kung may makikita lang sana akong hindi maganda kay Yuan, ako mismo ang puputol sa kasunduan ng pamilya natin sa mga Zheng. But Yuan is perfect. Kung mawawala man ako sa mundo, alam ko na iiwan kita sa mabubuting kamay. Yuan will take care of you. Will you give him a chance?"
Ngumiti siya nang maasim. "Yes, Lolo. I will give it a try."
Parang gusto niyang pumalahaw ng iyak nang yakapin niya ang kanyang abuelo. Pakiramdam kasi niya ay dahan-dahan na siyang tinatabunan nang buhay. Marrying Yuan was like being buried alive. A death sentence. Ayoko pang mamatay.