webnovel

Chapter Five

Pagdating ko sa school, dumeretso muna ako sa cafeteria.Alam ko na ganitong oras ay nasa cafeteria si Celine kasama ang bestfriend nyang si Carla. Sasabihin ko sa kanya na hindi ako pupunta ng ball at hindi na nya kailangan pang ibigay sakin yung suit. At hindi nga ako nagkamali. Kasama nga nya si Carla habang kumakain at naguusap sila. Pareho silang nakatalikod kaya hindi nila ako napansin.

"by the way Celine, remember Johann? he was at the bar last night.Yung bar na palaging pinupuntahan ni Xander.!" umpisa ni Carla.Umupo muna ako sa likod nila pero hindi pa din nila ako napapansin.

"oh ano daw?"-- Celine

"nakita daw nya si Xander, ayon. Nagiinom. Well, alam naman natin na gawain na ni Xander yun eh. But he's with someone.!" medyo natigilan ako sa sinabi ni Carla. Tho everyone knows that I'm unfaithful with Celine, pero ang iniisip ko ay ang malaman nya ang tungkol kay Zia. Malaman na nya ang lahat wag lang ang tungkol kay Zia.

"he's with someone?? oh maybe it's Paul or Mike."- Celine

"no Celine, it's not one of them. Kasi ang sabi sakin babae daw ang kasama ni Xander. Ang akala nga daw nya ay ikaw. But he said that's impossible coz your not the type of girl who loves to drink at tumambay sa mga bar. And he said that yung babae daw,parang liberated kaya naprove nya na hindi ikaw yun.!" sabi ni Carla. Tama naman si Carla, iba si Celine. Hindi naman talaga mahilig mag-hang out si Celine sa mga ganon klase ng lugar at hindi din sya umiinom ng alak.

"Carla, alam ko naman na sa tuwing hindi umuuwi si Xander sa bahay nila,i know that he's having fun with someone. Sa mga babae. Hindi naman lihim sakin yun." sabi nya. pero ramdam sa mga salita nya ang pagiging seryoso nya.

"alam mo Celine, hindi ko alam kung pano mo natitiis si Xander. He was cheating on you since then pero wala kang ginagawa. And, iniiwan ka lang at pinagmumukhang tanga sa tuwing hinihintay mo sya pero yun pala kasama na sya ng iba !" inis na sabi ni Carla

"Carla, bago pa maging kami ganyan na sya. Minahal ko sya ng ganyan na sya. Everyone hates him but i don't want to feel the same way dahil mahal ko sya.At ang tungkol sa mga issues nya sa ibang babae, hanggat wala akong nakikita hindi ako maniniwala. Maniniwala pa din ako that one day magbabago sya. So let's not talk about it please? pagusapan na lang natin yun ball!" at biglang sumigla ang boses nya. Alam nya lahat ng ginagawa ko pero hindi nya pinapansin. Ganon ba nya talaga ako kamahal!? Tumayo na ako at hindi na ako nagpakita pa. Pumunta na ako sa klase ko. Habang nasa klase,naiisip ko ang mga narinig ko. Pati na din ang parehong sinabi sakin ni mom and dad.

'you're lucky to have Celine'

After ng klase,hindi ko alam kung bakit mabilis akong bumaba at pumunta sa cafeteria. Hanggang ss nakita ko si celine na nakaupo at kausap nya si Leo. Nang lumapit ako sa kanila ay nagpaalam na din ito sa kanya.

"anong pinagusapan nyo!?" tanong ko sa kanya at umupo ako sa harap nya.

"oh he was asking me to be his date at the masquerade ball. Yun lang naman. Pero sabi ko may date na ko,Yun ay kung aattend ka sa ball." Inaya syang maging date ni Leo? Kahit alam nyang may boyfriend si Celine!? G*go ba sya!?

"then what did he say!?"

"hmmm sabi nya basta pag wala akong date,itext ko lang or tawagan ko lang daw sya at susunduin nya ako.!" at ngumiti sya. Hindi na ako umimik pa.Naiinis ako. Hindi ko alam kung bakit,basta ang alam ko lang ngayon ay kailangan kong pumunta sa ball at maging date ni Celine. Hindi pwedeng maging date nya si Leo. Hindi ako papayag. At kahit ang makitang naguusap sila, ayoko na.Naiirita ako. Naiinis. Kaya pagkatapos ng klase namin ay sinundo ko na si Celine sa classroom nya.

"let's go!" sabi ko nang makita ko na sya. Hinila ko na sya pababa. Lahat ng tao nakatingin samin. Bakit? Dahil hawak ko ang kamay nya. Yes,magka holding hands kami ngayong dalawa habang naglalakad. Ang iba naririnig ko na nagbubulungan at sinasabing

'ok na kaya silang dalawa?'

'baka naman aawayin lang ni Xander si Celine!'

'anong nakain nyan at nakipag holding hands yan sa gf nya,'

mga nakakainis na bulungan. Pero wala akong magagawa dahil sa tatlong taon ng relasyon namin ni Celine. Hindi pa nila akong nakita na hawak ang kamay ng babaeng to. Nadaanan namin si Zia at alam kong masama ang tingin nya sakin pero wala akong pakialam.Nang marating namin ang parking lot kung san nakapark ang motor ko ay napahinto ako. Naalala kong hindi sumasakay ng motor si Celine.

"nasan ang kotse mo?" tanong ko sa kanya. Pero parang nagtaka sya bigla sa tanong ko.

"Hindi ka sumasakay sa motor,kotse mo na lang ang gagamitin natin.!" sabi at nginitian lang nya ako. Kinuha nya ang kamay nya na hawak ko pa pala. Lumapit sya sa motor ko at kinuha ang helmet ko at isinuot yun sa sarili nya.

"gusto kong maexperience, but let me be the one to use your helmet. For safety.!" sabi nya habang nakangiti. Ako naman ngayon ang nabigla nang hilahin nya ako palapit sa kanya.

"c'mon.!" she said at sumakay na nga ako sa motor at inalalayan syang makasakay. Sa balikat ko sya humawak. Bago ko paandarin ang motor ko ay kinuha ko ang kamay nya at inilagay yun sa bewang ko.

"kumapit kang mabuti Celine,!" and i saw her nodding with a smile. At pinaandar ko na nga. Dahil hindi ako sanay ng mabagal na patakbo ay medyo mabilis ang pagpapatakbo ko at ramdam kong natatakot si Celine kaya humihigpit ang hawak nya sa jacket ko. I stopped for a while at kinuha ko ulit ang kamay nya at iniyakap sakin.

"don't worry, it's ok. hindi ka naman mahuhulog. Yumakap ka lang.!" at pinaandar ko na ulit ang motor. Ramdam ko ang pagkakayakap nya sakin. Ganito pala ang pakiramdam na nakayakap sakin si Celine. Sa loob ng tatlong taon,bukod sa walang holding hands wala din yakap. Lahat ay wala. Ngayon ay alam ko na ang pakiramdam at aaminin kong nakaramdam ako ng saya. Contentment. Yes, i feel contented with her hugs. Iba ang pakiramdam na sya ang nakayakap kesa sa iba. Iba ang yakap nya sa yakap ng mga babaeng nakasama ko. Iba sya sa lahat. At kontento na ako sa kanya. Hindi ko alam,pero mahal ko na ba sya!? Mahal ko na din ba sya !?

Bab berikutnya