webnovel

Chapter Six

After of preparing myself for the ball, tinawagan ko si Celine.

"Celine, I'll be there at 20 minutes. Wait for me!" and i ended the call. Palabas na ako nang makita ko si mom. She was smiling. Nilapitan nya ako at niyakap.

"bagay sayo ang suit na yan hijo. But i think mas magiging okay if you have a wrist watch.!" sabi ni mom at don ko naalala ang gift sakin ni Celine. I smiled at mom at bumalik ako sa kwarto ko at kinuha ko ang regalo nya sakin at sinuot ko yun. Matutuwa kaya sya kapag nakita nya akong suot ang mga binigay nya sakin!? I can't wait to see her smile. Nagmadali na ako pagpunta sa bahay nila. I wonder how she looks wearing her gown. I know she's beautiful and I'm sure mas maganda sya ngayon.

8pm narating ko ang bahay nila Celine. Pumasok na ako sa loob ng malaking bahay nila at don sa sala nakatayo ang dad nya.

"Sir pababa na po si ma'am Celine.!" sabi ng personal maid ni Celine. Nilapitan ako ng daddy nya at tinap sa balikat.

"please Xander, watch and take care of Celine atleast for tonight." sabi ng dad nya at tumango lang ako bilang pagsangayon. Hindi ko magawang magsalita dahil hindi ko rin alam ang sasabihin ko. Pero isa lang ang alam ko, babantayan ko sya at hindi ko hahayaan na may lumapit sa kanya. Dahil sakin si Celine. Ilang sandali pa ay bumaba na si Celine suot ang black gown na may mix of silky red. Bagay na bagay talaga sa kanya at fitted para sa masquerade ball. She's also wearing a black pearl necklace and bracelet. Lumapit sya sakin habang nakangiti.

"hija,take care of yourself."

"dad,I'll be fine. Xander will take care of me. right Xander?" and i nodded. Yes, you'll be fine with me.

At nagpaalam na kami ni Celine sa dad nya. Sasakyan ni Celine ang pinagamit samin ng daddy nya. Hindi sinabi kung bakit but i know why. Dahil alam kong iniisip ng dad nya na baka iwanan ko si Celine sa ball. Atleast makakauwi magisa si Celine kung sasakyan ng dad nya ang gagamitin namin. Habang nasa byahe kami papunta sa event, tahimik lang kaming dalawa. Dahil medyo malayo ang bahay nila Celine sa event, 9pm na kami nakarating sa event. Mabuti at sakto lang din kami dahil magsisimula pa lang naman. Una akong bumaba saka ko binuksan ang pinto ng kotse at inalalayan sya palabas.

"thank you." sabi nya sakin. Inaya ko na sya papasok sa loob pero pinigilan nya ako kaya humarap ako sa kanya. Lumapit sya sakin at inayos ang tie ko.

"you look so handsome tonight. Bagay na bagay sayo ang suit at ang wrist watch. Akala ko hindi mo na isusuot pa yan."

"let's get inside!?"

"no,wait. This is a masquerade ball. So i think we need this!?" at pinakita nya sakin ang hawak nyang mask. Ang isa ay para sa kanya na may stick at ang isa ay para sakin. Nilapitan nya pa ako ng mas malapit at sya mismo ang naglagay sakin ng mask na yun. Sa paglapit nyang yun,naamoy ko ang mabango at siguradong mamahaling pabango na nilagay nya sa gown nya. At don ko napagmasdan ang mga labi nya na manipis, ang kanyang buong mukha na parang isang anghel. Napakaganda nya.

Pagpasok namin sa loob, lahat sila ay nakatingin samin ni Celine. Ang iba ay nakangiti,ang ibang babae naman ay masama ang tingin kay Celine including Zia. Yes,tho she's wearing mask,i can see and feel it. But now, this night is only for Celine and I.

"hi Celine!! You look so pretty with your gown!! As always!!" tuwang tuwa na sabi ni Carla na lumapit samin. Tiningnan nya ako at nginitian saka hinila si Celine. Sumunod lang ako sa kanilang dalawa hanggang sa marating namin ang isang table na nireserve na pala ni Carla. After how many minutes, the party starts. Carla offers Celine a juice dahil hindi nga umiinom si Celine. At ako,as usual.

"uupo na lang ba kayong dalawa?? hindi man lang ba kayo sasayaw!?" tanong ni Carla samin nang nakakailang music na.

"Xander, isayaw mo naman si Celine. Sayang ang ganda ni Celine kung iuupo mo lang sya dyan buong magdamag!" sabi nya sakin.

"no it's ok. i know Xander don't dance. I'm fine here.!" sabi ni Celine kay carla. Alam kong gusto nyang sumayaw at hinihintay lang nya akong ayain sya kaya tumayo na ako at kinuha ang kamay nya. Dinala ko sya sa gitna at isinayaw.

"Xander, you don't have to do this. Hindi naman kita pinipilit isayaw ako eh. I'm fine.!" she said.

"Carla's right. Hindi dapat nakaupo lang ang magandang babaeng katulad mo." at don habang nagsasayaw, nakatitig kami sa mata ng bawat isa. Napakaganda nya. Isang gandang hindi mo pagsasawaan. Bakit ngayon ko lang nakita yun. Sa tagal ng relasyon namin,ngayon ko lang narealize how beautiful she is.

"you're so beautiful. You are!" at don hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. I slowly kissed her lips and make her feel how much i wanted to kiss her. Obviously, I'm her first kiss. I know dahil hindi nya nagawang tumugon ng tama sa halik na ginawa ko. Nang alisin ko ang labi ko sa labi nya, napatungo sya at tila nahiya. Kaya hindi ko na inulit pa. Pero ilang sunod na kanta na isinayaw ko sya at halos hindi na kami umupo. Lahat ng tao ay tinitingnan na kami at alam kong napansin na yun ni Celine.

"let's go back to our table!" she said. Nauna syang naglakad at sinundan ko lang sya.

Isa-isa nang binigyan ng pagkain ng mga waiter ang bawat table. Nagpaalam muna akong magpupunta sa comfort room nung naglalagay na ng pagkain sa table namin.At dahil hindi ko naman alam kung nasan ang comfort room nagtanong ako sa isa sa mga waiter. Pero lintik na waiter yun. Mali pa ang direksyon na itinuro!! Bingi yata. Dahil sa phone booth nya ako itinuro!! Ano bang pagkakarinig nya!? Phone booth kesa comfort room!?? Lintik. Mabuti na lang at hindi naman na kalayuan ang comfort room dito. Inabot pa ako ng ilang minuto bago ko nahanap. Habang nasa loob ako, naalala kong bigla ang nangyari kanina. Hinalikan ko ba talaga si Celine?? Ano na ba talaga ang nararamdaman ko para sa kanya? Pero ang alam ko lang talaga, ayokong mapunta sya sa iba lalo na sa Leo na yun kaya ako nandito. Paglabas ko ng cr nakita ko si Zia na nakatayo sa labas at nang makita nya ako ay agad nya akong nilapitan at hinalikan ng mariin. Mariin at mapusok. Ano bang ginagawa nya dito!? Sinundan ba nya ako?? Itinulak ko sya palayo sakin saka ko pinunasan ang labi ko

"what the hell you're doing Zia !??? sinundan mo ba ako!!?"

"Xander i thought you're not coming? why you're here at talagang si Celine pa ang date mo!" She said. Ano bang pinagsasabi nya. Natural na si Celine ang date ko coz she's my girlfriend right??

"why I'm here and dating Celine!? well obviously she's my girlfriend that's why I'm her date."

"Xander ako ang nauna. Ako ang unang nagsabi sayo pero bakit sya ang sinamahan mo!? because she's your girlfriend!? Oh c'mon!! hindi ka naman seryoso sa kanya diba!?" at nagsindi sya ng sigarilyo.

"you don't love her and she's not even your type. Celine is so boring. Don't tell me that your falling in love with Celine now!?" sabi nya sabay tawa.

"Yes, she's boring. She's not my type at hindi ko sya mahal---"

"see!?" putol nya sakin saba hit sa yosi nya

"but you're not my type too. Compared to Celine, mas lalong hindi kita type. You're so obsessed and crazy woman. Zia please tigilan mo na ako."

"after jumping me into bed ito ang sasabihin mo sakin!? binigay ko sayo ang pagkababae ko!!"

"na binigay mo na din sa iba? Zia I'm not stupid. And pwede ba,wag mo ng igiit pa sakin ang nangyari satin!? Hindi ka naman virgin eh. Kaya wag kang umasta na parang ako ang nauna sayo! tigilan mo na ako!" at naglakad na nga ako pabalik sa ball. Nakakainis. Oo, hindi naman sya virgin ng may mangyari samin. Hindi naman ako inosente para hindi malaman na hindi na sya virgin. Pagbalik ko sa ball wala si Celine sa upuan nya. Kahit si Carla ay wala. Baka nagpunta lang ng comfort room.

"Carla, si Celine?" tanong ko kay Carla ng bumalik ito sa table galing sa dance floor.

"oh she's there."at itinuro nya yung dance floor. Anong ginagawa ni Celine don!? May kasayaw ba sya!?

"is she dancing with someone?"

"yap, she's with Leo right now. Actually 3rd song na nga nila yan eh." nang marinig ko yun naginit ang ulo ko. My hands form into fist.I don't know but suddenly nakaramdam ako ng galit at hindi ko alam kung ano pa. Agad akong nagpunta sa dance floor at nakita kong halos magkayakap na silang dalawa. Mas dumiin ang kamay ko at hindi ko na napigilan ng makita ko na hinalikan ni Leo si Celine sa pisngi. Nilapitan ko sila at hinila ko si Celine at binigyan ko ng isang malakas na suntok si Leo sa mukha dahilan para magkagulo at magtinginan samin ang lahat. Ang iba ay nagsigawan na kasama na si Celine at yung iba ay umawat. Hanggang sa nahinto na ang music at sigawan na lang ng tao ang maririnig.

Bab berikutnya