webnovel

Lucky Four

CHAPTER 4

WESLEY'S POV

Monday. Maaga akong pumasok dahil may usapan kame ng soccer team ng academy na sasali ako sa morning practice nila. I was on locker room when the flag ceremony ended. Sa mga narinig ko sa mga schoolmates ko there was a student who made a commotion and made up their morning laughing because of the good show. Na curious ako ng kaunti pero hindi na ako nagtanong pa. I'm not interested.

So, i went to the field and join our school soccer team. 'I'm excited!'

After an hour of soccer practice nag paalam ako sa team captain na may lakad ako. Pinayagan ako pero may isang kundisiyon. I was required to kick the ball from the center of the field going to the goal post.

'Chicken yan!'

So, i concentrate and i hit the ball harder than i expected and it went up in the air. Unexpectedly it went on different direction and BOOM! I hit a girl directly on her head. Nakita ko kung paano siya nagpa gewang gewang na parang lasing. Hahaha! I swear it was funny for a couple of seconds pero bigla akong na guilty.

'My bad!'

"HAHAHAHAHAHA" malakas na tawanan ng ibang team members.

"BWAHAHAHAHAHAHA, 1 DOWN!" Pilyong sigaw ni Alex yung pinaka malaking katawan sa soccer team.

"Oh-ow.. Now your dead Wes." Hindi makapaniwalang sabi ni Allan yung Team Captain namin at bahagyang natatawa sa nakita.

"Allan siya yung bagong students yung nag dive sa flag ceremony kanina." Sigaw ni Karlo yung negrong player at sabay tawa ng malakas.

"Malas naman niyang transferee na yan hindi bumagay sa name niyang LUCKY! Dapat name niya UNLUCKY!" Sabay sabay silang nagtawan sa field. Napakamot lang ako sa ulo.

'Dammit anong sasabihin ko lagot ako neto.'

'Alam ko na! I have brilliant idea. Ipapatikim ko sayo ang famous WESLEY ONGPAUCO CHARM! Big smile and konting pa cute lang, taob yan!'

**EVIL SMILE**

Mabilis akong tumakbo papalapit dun sa student. Paglapit ko mga ilang dipa sa kanya narinig ko siyang nagsasalita mag isa.

"Mercury, Venus, Earth, Mars... Ha ha ha!" sabay tawa niya.

'Lagot napalakas ata yung tama ng bola sa kanya.'

"Hey, Miss are you okay?" Nag aalalang tanong ko. Lumingon lingon muna siya sa paligid na parang lasing bago humarap saken na namumungay ang mata.

"Huh, Oo naman! Tinamaan lang naman ako ng bola ng soccer sa ulo sinong hindi magiging okay!?" sarkastikong sagot niya habang nakaturo sa sarili niya.

"Sorry! I thought your not okay miss. Narinig kasi kitang nire-recite yung solar system kanina eh, assignment niyo?" Sabay kamot sa ulo ko dahil kinakabahan ako baka nagka amnesia na siya. "Pwedeng paabot na din nung bola?"

'Badtrip ba't yun ang sinabi ko. Patay kang bata ka!'

Dahan-dahan niyang dinampot yung bola. Please please huwag mong bubutasin yung bola. Mahinang panalangin ko.

"Yan sa susunod sa goal mo patamain yung bola, huwag sa ulo ng students jusmiyo!" sigaw niya kasabay na hinagis pataas yung bola. Mabilis naman akong napatalon para saluhin yung bola. Hindi ko ugaling magpakitang gilas kahit kanino (except with my grandparents) but i find it weird sa ikinikilos ko.

"Sure! I'm Wesley by the way." habang naka ngiti at pinalilipat lipat ko magkabilang kamay ko yung bola.

'Oops, Don't forget to Flash your famous WESLEY KILLER SMILE'

"Sure! I'm Wesley by the way."

"Who care's? Do i?!" Ganting sigaw niya sabay walk out at iniwan ako mag isa.

Napakamot ako ng ulo habag naglakakad pabalik ng field. Ang sungit sungit naman nun hindi ko naman sinasadya 'e. Paano pa kaya ako mag so-sorry sa kanya, parang konting konti nalang bubuga na siya ng apoy kanina. Weird, as far as I remember ito ang unang pagkakataong may tumangging makipagkilala sa akin. I felt kinda sad. Nasanay akong lahat ng nakakasalamuha ko natutuwa sa personality ko at majority sa kanila nagkakagusto saken. This one is weird but infairness she's so cute. He he he!

'Ano ba Wesley ano ba yang iniisip mo, naka sakit kana nga ng tao puro kapa kapilyuhan!' Saway ko sa sarili ko.

"Ano Ongpauco nadaan ba sa KILLER SMILE mo?" Natatawang tanong nila paglapit ko.

"Malabo pa sa blurred napikon ata 'e." malungkot na sagot ko.

"Yaan mo sa tingin ko madali mo namang mapapa amo ang transferee na yun bro.."

"H-How?" kunot noong tanong ko at hinagis ko sa kanya ang bola.

"Ang balita ko bakla daw yun. Usap usapan yun kanina matapos ang flag ceremony." Pabulong na sabi niya at kinindatan ako.

"B-Ba-Bakla yun?" nauutal at hindi makapaniwalang tanong ko. Loko yun ah naisahan ako. Pero infairness hindi halata.

"Oo, but beware bro anak yun ng Guidance Councilor naten si Ma'am Gonzaga. Yun si Lucky Gonzaga." Seryosong sagot niya kaya pinagpawisan ako ng malamig.

"I'm dead." bulong ko sarili ko. Paano kong magsumbong yun sa mommy niya? Lagot ako sa parents ko kapag pinatawag sila sa guidance office.

"Sige bro balitaan mo kami ah." sabay tapik sa balikat ko at sumunod sa mga kasama namen.

'Jesus! Anong gagawin ko. Kailangan makagawa ako ng way para makapag sorry ulet. Ayoko ma Guidance!' Isip isip isip Wesley.

*TIIIIINNNGG!*

Alam ko na susundan ko siya! What a great idea! Susundan ko siya. Saan ba pupunta yun. Hmmm. At habang naglalakad ako nakita ko siyang lumabas galing ng Admin Building. Umupo sa pabilog na upuan paikot sa ilalaim ng malaking puno. Nag observe muna ako sandali kung ano gagawin niya habang nagiisip din ako ng pwede kong sabihin.

Hanggang ngayon hindi parin talaga ako makapaniwalang hindi siya babae. Dahil kung tititigan mo siya sa kahit anong anggulo ang babaeng babae siya. And man, I can't take my eyes off on those bold fierce eyes. Lalo na nung nagsusungit siya kanina ang cute cute niya. Something about his looks and personality that really got my attention. Nahihiwagaan ako sa pagkatao niya..

"Bank accounts? Hellloooo, Bakit?? Why?? Bakit ulet?? Why ulet?? Mag aaral lang ako hindi pa ako magta-trabaho lord!" parang nababaliw na sambit niya. Gusto kong tumawa sa nanakatuwang reaction niya. Ang weird wierd talaga niya.

"Para sa school debit card yan---" ako na ang sumagot sa katanungan niya. Mabilis siyang nagpalingon lingon sa paligid hanggang magtama ang mga mata namin. Makilala niya kaya ako?

"Sch-School debit card? Para saan naman yun?" kunot noong sagot niya.

'Luh, nagka amnesia na kaya siya at hindi niya ako nakilala?'

Hindi muna ako nagpahalata at sinagot ko muna ang tanong niya.

"Dito kasi sa school ang mode of payment ng students sa canteen or other services is via debit card na release ng school which is connected sa bank accounts mo." Dere-derechong sagot ko. Kailangan kong magpabibo para may pogi points na ako sa kanya.

"Ahh ganern?" Nakangiwing sagot niya. E di kayo na mayaman." Pabulong na sambit niya pero dinig ko yun.

'Ang cute cute niya mag make face!'

'Hoy Wesley tumigil ka di kayo talo niyan!'

"Diba ikaw yung nadapang student sa flag ceremony kaninang umaga?" Nakangiting tanong ko. Gusto ko lang i-test ko may naaalala pa siya bukod dun. Kinabahan kasi ako baka napalkas angnagingtama ng bola sa ulo niya.

"Eh ano naman? Eh yun ang trip ko bakit ba?" masungit na sagot niya saken. Kakaiba talaga siya sa lahat ng nakilala ko. Siya lang ang namumukod tanging student na nagsungit sa akin.

"Hmmm, Nothing. Its funny though. Ha ha ha!" abot tengang tawa ko habang dinadampot ko yung bag ko. "By the ako din pala yung nakatama ng bola sayo kanina sa oval. Mukhang okay kana ah?" Naka ngiti parin ako pero tinatambol ang dibdib ko sa sobrang kaba. What if maalala niya? Patay ako sigurado.

"Ahh ikaw ba? Salamat. Madapa ka sana." Mahinang bulong niya sabay tingin sa folder na hawak niya. Yun lang yun? Hindi niya ako aawayin tulad kanina? Kainis naman 'to hindi ganito ang inaasahan kong magiging engkwentro namin. Pakiramdam ko tuloy wala akong kwentang kausap dahil di man lang niya ako tinapunan ng tingin pagkatapos.

"Lucky Gonzaga right?"pangungulit ko pa. "I guess, today is not your LUCKY day." Sinadya ko talagang diinan yung word na LUCKY habang nakangiti. Gusto kong magalet siya, sigawan niya ako ulet o kahit ano makabawi man lang siya sa kasalanan ko kanina. But sadly parang wala siyang pakelam saken.

"Lucky or not lumayas ka sa harap ko!" Malakas na sigaw niya. Yun nag recharge lang ata siya at dun ako parang nabuhayan ng loob. Ewan ko pero tuwang tuwa akong nakikita siyang naiinis. Weird ko din eh.

"Whoa! Whoa!" awat ko habang nakataas ang dalawang kamay ko para ipakitang kunwaring takot ako sa kanya. "Nakakatuwa ka lang kasing tingnan kanina habang nagsasalita ka mag isa. Ha ha ha." hirit ko ulet sa kanya.

"Malamang alanga namang kausapin ko yung mga puno at mga halaman dito kung para saan itong mga requirements!"

'BWAHAHAHAHAHA Laughtrip to tsong!' Imbes mainis natawa pa ako sa pagiging pilisopo niya. Nakaka aliw siyang panuorin kapag naiinis siya. Ilang sandali lang nagsimula siyang seryoso kaya natigil ako sa pagtawa sa isip ko.

"Actually, may kausap kasi akong hindi nakikita kanina. Siya si Elsa." Pa inosenteng kwento niya. Totoo ba ang sinasabi niya o pinagti-tripan niya lang ako para makaganti?

And then it hit me. Unti unti ko ng nararamdaman ang paglamig ng buong paligid. Kinilabutan ako mulo hanggang paa. Nanigas ako sa kinatatayuan ko at kahit anong pilit kong igalaw ang mga paa ko hindi ko magawa.

"Nakatira siya diyan sa puno. Gusto mo ipakilala kita." Nakangusong kwento niya kaya natigilan ako.

Fuck! Ayoko sa ghost. Takot ako sa ghosts!

"Ahh i-gue- guess i'll see you around?!" nauutal na paalam ko. Grabe! May kaibigan talaga ata 'tong multo to eh!

Buti nalang wala pang masiyadong students sa campus dahil aakalain nila nababaliw na ako. Lakad takbo ako habang naghahanap ng mapagtataguan. I decided to call my cousin Kenneth. Si Kenneth na pinsan slash bestfriend ko. Long press ng speed dial #9. Yun kasi favorite number niya.

**RIIIIIIINNNNNNGGGGGG 6X***

"Answer the phone, dammit!" Pinatay ko at redial ulet. Sa wakas sumagot din.

"Hey." Walang kagana ganang sagot niya.

"B-Bro asan ka?" Kinakabahang tanong ko.

"Bakit mangungulet ka na naman?" masungit na sagot niya.

"Kelan naman ako nangulet?"

"Tss, around 15 years i guess?" at bahagya siyang natawa.

"I need you bro. I'm scared. May ghost dito sa campus." Kinakabang paliwanag ko.

"W-WHAT?" Naiiritang tanong niya sa kabilang linya.

"What? What your foot! Meet me now at the parking area ASAP!" Sabay press ng end button. Bahala na kung magalit siya. Im in trouble and i badly need his help. Walang lingunang tinahak ko ang direksiyon ng parking area.

After 10 minutes nakita ko siya sa usual parking area namin. As usual salubong na naman yung kilay niya habang nakasandal sa kotse niya. Ugali na talaga niya yang pagiging masungit kahit nung mga bata pa kami. Kapag kami naman ang magkasama makulit at maingay naman siya. Bigla ko tuloy naala si Lucky dahil sa pagkakahawig ng mga ugali nila.

'Stop it hindi to ang time para isipin siya.' Nainis agad ako sa sarili ko.

"Oh? Nasan yung ghost mo?" Sarkastikong tanong niya.

"I'm serious bro, tatawagan ba kita kung hindi ako seryoso."

"Puro ka kalokohan."

"Look nagtayuan ang lahat ng balahibo ko sa braso kanina. Goosebumps bro! I was actually freaking out a while ago."

"Grow up Wesley. Sinasayang mo lang oras ko eh. Alam mo bang muntik ng mabangga yung kotse ko ng isang student dito kanina kaya nagkainitan kame." Naiinis na sagot niya.

"Weh? Anong nangyare may damage ba?" sinilip silip ko ang magkabilang side ng kotse niya.

"Yun nakwelyuhan ko muntik ko ng masapak kaso nahuli kame ng isang Teacher kaya yun na confiscate ung ID namen pareho." Dismayadong sagot niya.

"And?"

"Galing ako ng Guidance office. Happy?" umikot ang mata niya.

"Sabi ko naman sayo lumipat na tayo ng parking space dahil minamalas ka sa parking space na 'to e." Pangaral ko sa kanya. Actually two years ago may ganito din kasi siyang naging insidente sa mismong parking space na 'to. But that time siya naman ang nakagasgas ng isang sports car sa tabi ng parking space niya dahil hindi ito nakapark ng maayos. Abot hanggang langit ang kaba niya noon dahil sa takot na baka ipatawag ang grandparents namin pero sa tulong ng sister niya na naayos naman ang kaunting gulo na hindi umaabot sa guidance at ipinapatawag ang grandparents namin.

"Bakit naman ako lilipat 'e ako ang nauna sa parking space na 'to?" pagsusungit niya. Kahit kailan ang hirap makipagtalo sa taong 'to. "At alam mo pa ang nakakainis?" hinampas niya ng may kalakasan ang bubong ng pinakamamahal niyang kotse. "Yung bugok na namang yun ang sangkot kung bakit ipinatawag ako sa guidance office kanina." Muntik na akong matawa sa sinabi niya. Mula pa noon mabilis na uminit ang ulo niya sa tuwing naaalala niya ang lalaking yun.

"Sus, akala ko naman idadahilan mo naman na sa parking lot mo makikita ang soulmate mo tulad ng kinuwento mo noong nakita mo ang ideal girl mo sa parking area malapit sa mall." Natatawang paalala ko sa kanya. Nangyari yun one summer at may nakita siyang girl na nakikipag sapakan sa dalawang lalake sa parking area dahil sa isang pusa. Kenneth was really amazed. Bilib siya sa mga babaeng kayang ipagtanggol ang mga sarili nila.

"Tss, puro ka kalokahan." Natatawang hinampas niya ako sa braso at saka biglang nagseryoso. "Ang totoo hindi yun mabura sa utak ko. Sa tuwing nakakakita ako ng pusa siya ang naaalala ko."

"Ang baduy mo kaya hindi ka nagkaka girlfriend e!" pang aasar ko at pinandilatan niya ako.

"Pakyu ka!" inambaan niya ako ng suntok at bahagyang napangiti. "Ano, nasaan na yung girlfriend mong multo?" ako naman ang nainis sa pang aasar niya.

"Siraulo! Nagsasabi ako ng totoo." Sinipa ko siya sa hita at tinawan lang ako ng pinsan ko. "Tara samahan mo ko dun!" Mabilis kong siyang hinila papuntang Admin Building. Kinuwento ko kay Kenneth yung scary incident, yung part lang ng may ghost. Hindi ko pa kinuwento yung tungkol kay Lucky dahil iisipin niya may ghost girlfriend talaga ako. Malamang aasarin lang niya ako. Pagdating namin itinuro ko kung saan akong puno nakatayo kanina nung maramdaman ko yung malamig na hangin.

**BLAAAAHHHGGG***

Sabay pa kaming napalingon ni Kenneth sa pinanggalingan ng malakas na tunog. Kasalukuyang isinasara ng isang lalake ang malaking pinto ng puting refrigerated truck. Nang masigurong nakasara na ang pinto umatras ito para bumwelo saka tuluyang lumayo. At dun ko lang nabasa ang nakasulat sa malalaking letra.

ICE ICE BABY FROZEN & CHILL DELIVERY!

'WAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH' Gusto kong lumubog sa kahihiyan.

Pinandilatan lang ako ni Kenneth. Sa talim ng tinging ipinupukol niya parang gusto na niya akong sapakin.

"B-Bro." Walang sabi sabing nag walk out siya at wala akong nagawa kundi ang sumunod habang nagkakamot ng ulo.

"KARMA IS A BITCH!"

Maghapon akong wala sa sarili. Hindi rin ako iniimik ni Kenneth sa loob ng klase. Alam ko namang na badtrip siya sakin sa nangyare kanina. Nauna naman akong umuwe dahil may basketball practice pa siya. Wala akong kagana ganang kumilos hanggang sa bahay. Kaya tinext ko siya na dumaan muna sa bahay bago siya umuwe sa kanila.

Kasalukuyan akong nasa terrace ng kwarto ko habang inaantay siya. Tulala ako habang patagong umiinum ng beer mag isa. Madalas naming trip ni Kenneth ang uminum ng beer habang nanunuod ng movie, nag lalaro ng online games or kapag gusto naming mag relax.

"Oh bakit hindi maipinta yang mukha mo?" bungad ni Kenneth pagkaupo sa tabi ko.

"Nothing." Mahinang tugon ko.

"You're face says a lot bro. Don't tell me tungkol pa rin to sa imaginary ghost mo, masasapak na talaga kita." Sinamaan niya ako ng tingin bago tunggain ang isang bote ng beer.

"No its not. I'm sorry about that by the way."

"Then what?" pabagsak niyang ibinaba ang bote sa mesa. Kainis naman 'to palagi nalang mainit ang ulo.

"I don't know." Naiinis na sagot ko.

"Kung wala kang sasabihin uuwe na lang ako." Saka siya tumayo pero pinigilan ko siya.

"Meron. Meron." Hinawakan ko siya sa kamay at hinila paupo. Kahit kailan napaka iksi talag ang pasensiya ng taong 'to.

"Ano na naman bang kalokohan ang ginawa mo Ongpauco?" Sa sinabi niya lalo pa akong na guilty. Wala pa man akong sinasabi alam niyang may pinagdadaanan ako. Yan ang nagustuhan ko sa kanya kahit noong mga bata pa kami palaging siyang nandiyan kapag kailangan ko.

"Iniisip ko kasi kung paano ako mag so-sorry dun sa isang student na tinamaan ko ng bola sa ulo kaninang umaga sa field." Pag amin ko at parang mananapak ang itsura niya.

"YOU WHAT? ARE YOU CRAZY?!?"

"I'm serious Kenneth." Ramdam ko ang biglang paghaba ng nguso ko habang napapayuko. "Bago pa yung ghost incident kanina.." huminto ako sa pagsasalita ng mapansin kong nagsalubong ang kilay niya. "Well, before that happened.. may natamaan akong student sa field kanina."

"Now you're dead." Iiling iling na sagot niya.

"Bro! Kaya nga kita pinapunta dito para tulungan ako, hindi para lalo akong takutin."

"Tss, You're John Wesley Ongpauco. Bakit nag expired na ba ang charm mo? Diba dun sila madalas ma fall?" at sarksatikong ngumiti.

"Hindi effective eh. Nagpa cute na ako, halos mapunit na nga ang lips ko kakangiti sa kanya pero parang hindi naman siya interesado." Malungkot na kwento ko at umikot sa kawalan ang mata niya.

"Impossible yun. Wala namang student sa campus na hindi interesado sayo o kahit sakin."

Hindi naman sa pagmamayabang pero totoo yun, lahat ata ng babaeng student sa campus may gusto samin ng pinsan ko. Pero kakaiba tong isang 'to parang wala siyang pakialam. Yung tipong normal na sa kanya ang makihalubilo sa kagaya ko.

"Well, it happened.." kibit balikat na sagot ko na lalo niyang ipinagtaka.

"Baka naman lesbian yun?" nagtatakang tananong niya at bigla akong napaubo.

"H-Hindi siya lesbian." Mariing tanggi ko. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya ang totoo. Pero kung sasabihin ko naman kung gaano kaganda si Lucky par as aisang lalake baka masamain naman niya ang kwento ko.

'Maganda tapos hindi babae, ano yun?'

"Ang lawak lawak naman kasi ng soccer field bakit pa kasi dun mo pa pinatama sa ulo niya yung bola?" natatawang sagot niya.

"Hindi ko nga sinasadya yun okay. It just happend na nandun siya sa direksiyon ng bola." Pilit na paliwanag ko.

"Ganun din yun, palibahasa bano ka tumira. Buti na lang hindi ka naglalaro ng basketball malamang hindi ka shooter kagaya ko." Pang aasar niya kaya binato ko siya ng chips ngunit nakailag siya.

"Ulol, palibhasa puro lang kayo pa cute sa court." Singhal ko.

"Hoy, bawiin mo yun hindi mo lang alam kung gaano kahirap ang training namin." Depensa niya sa pinaka paboritong sport niya.

"Mahirap ba magpa cute, 'e bakit ako nadadalian?" pang aasar ko.

"Ahh kaya pala hindi tumalab ang charm mo dun sa student na tinamaan mo sa ulo." Sarkastikong komento niya kaya tiklop ako.

"Ewan ko sayo. Kailangan kong makausap bukas yung taong yun. Hindi matatahimik ang kaluluwa ko hangga't hindi kami nagkakaayos."

"If i know gusto mo lang diskartehan yung taong yun." Iiling iling na sagot niya bago uminum.

"W-Whaat, No!" mabilis na kontra ko.

"Hmm—I guess she's pretty kaya hindi ka mapakali ngayon." Tinaasan niya ako ng kilay.

"Maganda nga kaso sobrang masungit naman." Nakangiwing sagot ko.

"Di inamin mo ring trip mo siya?" tumuwid siya ng opo. "Kawawa naman ang pinsan ko."

"Shut up! Bukas sasabay ako sayo pumasok hahanapin ko siya sa campus." Buo na ang desisyon ko. Kailangan ko siyang makausap at pipilitin ko siyang mapatawad ako. Ayoko ng may nakakasaamaan ng loob lalo na sa mga babae. Wait hindi nga pala siya babae. At napakamot ako ng ulo.

'Do i look like you're driver Wesley?" naiinis na sagot niya.

"Please, coding ang kotse ko bukas."

"And so? Lahat ba ng kotse mo coding?" pamimilosopo niya. Sa bagay may isang kotse pa pala ako pero gusto ko ng may kasama ako kung sakaling makikita ko siya bukas ng umaga.

"Bro, Please? Sayo na ako sasabay alam ko namang maaga ang practice mo tomorrow right?" alam ko namang konting pangungulit lang bibigay din siya kapag ako ang nakiusap. Hindi niya ako natatanggihan kahit noong mga bata pa kami. My cousin spoiled me that way.

"Ayoko! Tigilan mo nga ako kanina kapa sa school ah!" napipikang sagot niya.

"Please Kenneth, i really need your help. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ako makapag sorry sa kanya." Malungkot na tugon ko. Ginalingan ko pa lalo ang pag arte ng makita kong nagrelax ang facial expressions niya.

"You owe me bigtime, Ongapuco." umikot ang mata nito saka padabog na tumayo. Ugali niya yan pero palagi niya naman akong pinagbibigyan sa mga gusto ko.

"Yes, thank you bro. Ha ha ha." Hinampas hampas ko siya sa braso. I knew it!

"Layuan mo ko baka mahawa ako sa kamalasan mo!"

"Ang sungit sungit mo kaya wala kang girlfriend eh." Ngiwing sagot ko para makabawi sa kasungitan niya.

"Okay, magpapatawag ako ng taxi bukas ng maaga." Walang emosiyong sagot niya at inirapan ako bago mag walk out.

"Hoy, Kenneth! Biro lang yun hoy, bumalik ka dito iinum pa tayo." mabilis akong tumayo at hinabol siya papalabas ng kwarto.

Kainis! Kalalaking tao ang hilig mag walk out.

Bab berikutnya