webnovel

Lucky Five

CHAPTER 5

LUCKY'S POV

Sa Bahay.

"Kamusta ang first day mo sa Carlisle, anak?" bungad ni Nanay habang maingat na inilalagay ang pagkain sa mesa.

"Ayos naman 'nay, ayon nauna yung swimming lesson ko kesa sa ibang subject." malamyang sagot ko.

"Swimming, umayos ka Lucky diba volleyball ang PE mo?" nagtatakang tanong ni Nanay at kunot noong napalingon si Tita Jack sa side ko.

"Ano bang swimming ang pinagsa sasabi mong bata ka?" singit ng Tita Jack ko na mukang Tito. Butch si Tita Jack, bunsong kapatid siya ni Nanay. Siya ang nag alaga sa amin ni Kuya Jiggs mula pagkabata. Hindi mo aakalaing babae siya dahil mukha talaga siyang lalaki dahil nag ti-take siya ng Testosterone pills.

"Yun nga 'Nay, nag dive ako sa harap nilang lahat pagkatapos ng flag ceremony." malungkot na kwento ko.

"NAG D-DIVE!?!" nagtatakang tanong nila Nanay at Tita Jack.

'Paulit ulet naman ako.'

"Opo nag dive. Nagplakda nga ako sa harap ng mga students habang nasa glag ceremony sila. Lintek na semento yan!"

"Nasa harap tayo ng hapag kainan Lucky.." Paalala ni Nanay.

"Hahaha! E di sikat sikat kana ngayon bunso?!" natatawang sabat ni Tita Jack. Napairap lang ako ngunit trinaydor ako ng tawa. Hanggang ngayon di parin ako maka get over sa kamalasan ko.

"At di pa yun ang highlight Tita Jack, tinamaan pa ako ng bola ng soccer sa ulo habang naglalakad ako sa field." Salysay ko sa masaklap na unang araw ko sa academy.

"HAHAHAHAHAHAHA" Malakas ng tawa ni Tita Jack at napapangiti lang si Nanay.

'Yan ang pamilya ko, minalas kana tatawanan ka pa. Mabuhay ang mga Gonzaga!!'

"Bakit ngayon mo lang sinabi na may ganyang nangyare sayo sa campus?" seryosong tanong ni nanay.

"Nangyari na 'Nay eh may magagawa pa ba ako?" napayuko ako sa plato ko.

"Ikaw talagang bata ka puro ka kalokohan." Umiiling na komento ni Nanay.

"E 'di sinapak mo yung nakatama sayo?" pinipilit ni Tita Jack na huwag matawa ng makita ang reaksiyon ko. Kilala ni Tita Jack ang ugali ko.

"Jack, ano ka ba naman." Sita ni Nanay sa amin.

"Ate tinatanong ko lang parang hindi mo naman kilala ang ugali ni bunso." At sabay tawa ng malakas kaya hinampas siya ni Nanay sa braso ng mahawa ito sa tawa niya.

"Muntik na. Pasalamat siya tinatapos ko yung mga requirements ko kanina. Naku!!"

"Lucky, yung pinang usapan natin palagi mo iyong tatandaan anak." Paalala niya at parang ninanakaw ang boses ni Tita Jack dahil bigla itong naglaho.

"Opo, low profile, study hard and stay out trouble blah blah blah.." nauumay na bigkas ko ng bawat salita.

"Ipinapaalala ko lang sayo anak kung bakit ka nasa Carlisle Academy. Ayoko ng maulit ang nangyari sayo noon nagkakaintindihan ba tayo?" buntong hininga lang ang tanging naisagot ko.

"Oh siya kumaen na lang tayo baka saan pa umabot ang usapang yan ninyo." sabay upo ni Tita Jack sa gitna namen ni Nanay. Kapag ganun ang tono ng boses ni Nanay hindi na ako sumasagot. Wala na akong magawa kundi manahimik. Wala akong lakas ng loob na magkomento dahil ako ang mismo ang issue. Nakinig na lang ako sa usapan nila habang kumakaen at pagkatapos nagpaalam na akong umakyat sa kwarto.

Alam ko namang hindi yun magiging madali pero kahit papano pinipilit ko. Kung nahirapan ako batid ko namang mas nahihirapan ang pamilya ko. Ayoko na mag isip napagod ako maghapon sa school. Ito ang pinaka ayaw ko kapag nag iisa ako. Parang may sariling playlist ang utak ko kung alin sa masasakit na alaala ko last year ang i-slide show niya para mapanuod ko sa isip ko.

****FLASHBACK*****

8 Months Ago...

Sa Phone kausap ko si Kuya Jiggs.

"Hello, Nasaan ka ba? Anong silbi niyang cellphone mo at di mo man lang magawang replyan kami ni Nanay." iritableng bungad ni Kuya Jiggs pagsagot ko.

"Hi Kuya, empty batt kasi yung phone ko ngayon lang ako nakapag na charge. Tatawagan kita mamaya promise." Alam kong magagalit sila kapag malaman nila kung nasaan ako. Hindi ko naman sinasadyang magsinungaling sa kanila pero sa ngayon wala akong ibang option.

After 2 days pinuntahan na ako ni Kuya.

"Huwag mong ubusin ang pasensiya ko Lucky. Kung sila Nanay maloloko mo ibahin mo ako." salubong ang kilay at nagpipigil ng galit.

"Kuya please hindi ko naman hinihinging pagtakpan mo ko kay Nanay pero bigyan mo pa ako ng isang araw tapos uuwe na ako."

"Yan din ang sinabi mo two days ago Lucky." Tiim bagang na sagot niya. Alam kong nagpipigil lang siya ng galit. Siya ang parating napuputukan ng galit ni Nanay sa tuwing nagtatalo kami, kasalanan ko man o hindi.

"Pero kuya--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nakita kong galit na galit ang itsura niya.

"Sasama ka sakin ngayon sa ayaw at gusto mo. Kung kailangang kaladkarin kita pauwe gagawin ko para matigil ka lang diyan sa mga kalokohan mo."

"Kuya please--" hindi ko na tinapos yung gusto kong sabihin. Dahil sa reflection ng kotse ni kuya nakita ko yung dahilan para magbago ang mood niya.

Sigh. "15 minutes lang Kuya." bagsak ang balikat at tinalikuran ko na siya.

***END OF FLASHBACK***

Sa School.

"Hello? Andi asan ka na akala ko ba maaga tayo papasok?!"

"Hello??? Sino 'to?" pa inosenteng sagot ni Andi. Bigla akong nnapasipat sa phone ko kung tama ba yung number na na dial ko. Tama naman.

"Hoy bayot wag kang tokshit, kapag ikaw na late gagawin kong holen yang mga mata mo!" Ang sarap niyang sikuhin sa batok sa kaartehan niya.

"Charot lang! Nasa biyahe naku naipit lang kame sa traffic ng driver ko."

"TSEH! Mas mukha ka pa ngang tsuper kesa sa diyan drayber mo!"

"IKAW NA MAGANDA LUCKY! IKAW NA!" Malakas na sigaw niya sa kabilang linya.

"Alam na ng buong universe yun Andres! Huli ka na sa balita." Ganting sigaw ko sa kanya saka ko tinapos ko ang call. Maaga pa naman dalawin ko muna si Muning. Ginalugad ko ang stock room kung saan ko siya iniwan kahapon kaso wala siya. Gusto kong magwala sa takot. Malalagot sa akin ang kumidnap sa pusa ko!

"Muning! Muning!" tawag ko parking lot habang naglalakad. Asan naman kaya nagsusuot yung pusang yun?

"Muneeeeeeennnnnggggg! Muneeeeeeennggggg!" Muka na kong engot dito. Inisa isa ko na lahat ng puno na malapit sa lugar, isa isa ko ring sinilip ang ilalim ng mga naka park na sasakyan pero wala din siya dun.

Naisipan ko ulit bumalik sa parking area malapit sa stock room at dun nakita ko si Muning sa gitna ng parking lot na abalang kumakaen sa gitna. Kumabog ang dibdib ko sa kaba ng matanaw ko ang paparating na itim na Mercedes Benz na SUV sa direksiyon ni Muning.

OH NOOOOOOOOO!!!!

MUNEEEEEEEENNNNNNGGGGGG!!'

Mabilis akong tumakbo at humarang sa gitna ng daan para harangin ang kotse. Nanginig ang tuhod ko kaya napa-pikit at napa-luhod ako sa gitna habang nakataas ang dalawang mga kamay para harangin at maprotektahan ko si Muning. Ramdam ko ang magkakasunod pagtulo ng pawis sa noo ko. Pagdilat ko mga 2 inches na lang ata ang pagitan ng mukha ko sa bumper ng itim na kotse.

'WALANG HIMALA!!'

"HOLY COW!" kasunod ang malakas na pagsara ng pinto ng kotse. "Jesus! What are you doing?!?" natatarantang sigaw ng lalaking bumaba.

Dahan dahan ako napatingala at nakita kong nakatayo sa harap ko sa Wesley. Para siyang anghel na nagliliwanag sa harap ko. Parang kakapusin ako ng hininga sa sobrang kaba. Nakahinga lang ako ng maluwag ng maamoy ko ang kaakit akit na panlalaking pabango niya.

"I-Ikaw pala Wesley. Kamusta?" dala ng takot at kaba kung ano ano nalang ang nasabi.

'I'm DEAD! '

"ARE YOU INSANE? MAGPAPAKAMATAY KA BA?" sigaw ng isang lalaking sumulpot sa likod ni Wesley.

Hindi pa ako makasagot dahil kumakabog pa ang dibdib ko sabayan pa ng nakakatakot na sigaw ng kasama niya. Napayakap tuloy ako bigla sa harap niya habang nakaluhod. Jusme, buti nalang si Wesley ang sakay ng itim na sasakyan kung ibang tao siguro yun tinuluyan na kaming sagasaan ni Muning ko.

"Are you ok? Nasaktan kaba?" natatarantang tanong ni Wesley habang kinakapa ang ilang bahagi ng mukha at katawan ko.

"Lucky, get up ang akward ng position natin." Mahinang bulong ni Wesley na parang natatawa. Dun ko lang napagtanto ang akward pala ng posisyon naming dalawa. Dahan dahan akong nag angat ng tingin and i swear gusto kong maglaho sa harap niya.

'Isubsub mo ba naman ang ulo mo sa pusod niya kundi ka engot!'

"Wait, lang ang sakit ng tuhod ko 'e." Nakatingalang sagot ko sa kanya. Tinawanan niya lang ako kaya lalo akong nahiya at muli akong napasubsub sa tiyan niya. Lubus lubusin ko na tutal napahiya na ako. Pero infairness ang bango bango niya talaga.

**Evil smile..

"Jesus, what are you guys doing?" iritabling tanong ng kasama niyang lalake. Bumitaw ako sa pagkaka akap at nag angat ako ng tingin para makita ko kung sino ang kasama ni Wesley na hobby ata ang manigaw ng tao. Nagulat ako pero hindi ako nagpahalata.

Luh, siyang yung ultimate crush ni Andres diba? Siya yung nakita namin dito sa parking lot na nakikipag away sa gelpren niyang payatola. Tss! Bagay na bagay sila parehong mga bungangero at bungangera.

"Kaya mo na bang tumayo?" tumango lang ako habang inaalalayan ako ni Wesley na tumayo.

"Si Muning!" Pagtayo hinawi ko agad ang kamay ni Wesley at hinanap ko yung pusa ko.

"Meowww--Meowwww" biglang sulpot ni Muning sa binti ko at ikinaskas ang malambot na katawan sa legs ko.

"MUNEEEEEENNNG BUHAY KA! PRAISE THE LORD!" sa tuwa binuhat ko siya pataas bago siya niyakap ng mahigpit.

"Tss!" napapa iling at napakamot nalang sa batok ang kasama ni Wesley. Nagpantig ang tenga ko ng marinig ko ang sarkastiko at pamilyar na singhal na yun.

Si Kenneth James Ang. Ang hambog na lalaking naka number 9 na blue basketball jersey. Ang ultimate crush ni Andres Bolivar Jr. Ano bang kahanga hanga sa payatot na 'to? Nag uumapaw ay sumasabog ang kayabangan sa buong pagkatao niya. Walang puso, atay, balunbalunan at kaluluwa. Paano mo hahangaan ang isang taong walang alam kundi magpapogi at wala man lang malakasakit sa kung anong may buhay sa paligid nila. Hinding hindi ko talaga makakalimutan ang unang engkwentro namin ng kulong 'to.

Nagtitigan kami ng masama. Kasing sama ng pag uugali niya. Kung hindi lang ako nahihiya kay Wesley kanina ko pa siya sinapak. Namumuro na 'tong payatot na 'to e, wala naman akong ginagawang masama pero palagi nalang galit kung makatingin.

Wait! Sino nga pala sakanila ang driver kanina si Wesley ba o si Kenneth? Nagpalitan ang tingin ko sa kanila. Parehong gwapo parehas ding may tagas ang mga ulo. Pero sobrang thankful parin ako kahit papaano dahil hindi napahamak si Muning ko.

"Magpapakamatay ka ba dahil sa pusang kalye na yan?" duro niya sa hawak kong pusa. "Nababaliw ka na ba? o baliw ka talaga?" Galit na sigaw ni Kenneth habang nakaturo sa amin ni Muning.

"Oo handa akong magpapakamatay dahil sa pusang 'to!" taas noong sagot ko at dahan dahan kong ibinaba si Muneng sa paanan ko. "Bakit may angal ka?" nagtitimping sagot ko. Kung may nagalusan talaga sa amin ni Muning kanina itataktak ko ang lahat ng bone marrow niya sa tumbler na nasa bag ko.

"Tss! So feeling mo kahanga hanga ang ginawa mong pagpapakabayani?" nakapamewang na tugon niya. "Don't tell me handa kang magpapakamatay para sa isang stray cat?" Hindi ko alam kung bakit ang init init ng ulo ng lalaking 'to sa akin. Hindi ko na inintindi ang iba pang sinasabi niya.

Ang sarap sarap sungalngalin ng maruming bibig niya.

Hindi ito ang unang pagkakataong may ganito akong eksena dahil sa isang pusa sa parking lot. Handa akong makipagpatayan sa mga taong may galit sa mga pusang kalye. Kung mayaman nga lang ako aampunin ko talaga ang lahat ng pusang kalye sa Metro Manila. They deserved to be loved like everyone else.

Bata palang ako madalas na akong mapaaway sa school noon kapag may nakikita akong inaaping pusa. Ilang beses na rin akong nag uwe ng pusa sa bahay pero madalas tinatakasan ako kapag lumalaki na sila. Nakipagtanan na daw sa iba sabi ni Tita Jack. Muntik pa akong matawa ng maalala kong binansagan pa pala nila akong "Lucky ang tagapagtanggol ng mga ligaw na pusa." Dahil sa kakaibang de-dekasiyon ko sa kanila.

Ang lungkot siguro ng childhood ng batang 'to at wala man lang ka amor amor sa kanya si Muning. Ang cute cute kaya ng bagong fur baby ko. Maygad, don't tell me never pa siyang nagka pet?

"Hoy, UNGAS! Pagmamalasakit ang tawag dun." maangas na lapit ko sa harap niya. "At para sa ikasasaya mo." Tumingala ako dahil masiyado siyang matangkad para sa akin. "Oo handa akong mamamatay para sa isang pusang kalye. Ganun ako ka-intense handa akong isugal ang buhay ko para sa mga mahal ko." Bigla siyang natulala sa sinabi ko at nailang naman ako sa paraan ng pagtitig niya kaya agad akong nag iwas ng tingin.

"Lucky you're so cool!" masiglang cheer ni Wesley sa tabi ko at nag thumbs up pa.

"Thank you! Thank you!" parang akong kandidato at pa kaway kaway pa ako sa mga imaginary audience ko.

"Sabagay ang laki nga ng pagkakahawig ng ugali niyo." Seryosong wika niya. Hindi ko alam kung nagsasabi siya ng totoo pero hindi ako madadaya ng mga ngiti niya.

"Talaga? Napansin mo din?" nagtatakang napalapit ako sa kanya.

"OO! PAREHO KAYO NG ALAGA MONG ASAL KALYE!!" napapikit ako sa pagbulyaw niya. Muntik na akong mag Super Saiyan. Lalo pa akong nanggigil ng bigla nalang itong nag walk out at nag martsa pabalik sa kotse nila. Hahabulin ko sana siya ngunit mabilis akong hinarang ni Wesley. Halos magyakapan na kami kakaawat niya saken.

'Kengena bipolar! Kahit isang kurot lang ng nipper sa utong niya solb na ako!'

"Calm down! Huwag mo ng patulan. Mabait yang pinsan ko, i swear!" Natatawang awat niya. Ano daw magpinsan sila,' di nga? Sandali akong natigilan kaya nagkaroon siya ng pagkakataong hilahin ako papunta sa tabi ng daan habang ipina-park ni Kenneth yung kotse nila. "Believe me Lucky, my cousin is a very nice guy." Pagtatanggol niya pa sa pinsan niyang ipinaglihi ata sa sama ng loob.

"Whew! Yan nice guy?" sarkastikong sagot ko habang nakaduro sa pinsan niyang kaba-baba lang ng kotse. "ISASANLA KO PUSTISO NG LOLA KUNG YANG PINSAN MO MAY TINATAGONG BAIT!" Sinadya kong lakasan ang pagsigaw para madinig niya pang iinsulto ko.

"Ang aga-aga ang ingay ingay mo." Salubong padin ang kilay niya paglapit samin.

"SEE WHAT I MEAN?!" nagpumiglas ako pero mahigpit ang pagkakaakap ni Wesley sa bewang ko. "IPUPUSTA KO RIN YUNG IBABANG PUSTISO NG LOLA KO. OH PARTIDA NA UP AND DOWN NAYUN PUCHA!!" umandar na naman ang pagiging palingkera ko sa gigil.

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Malakas na tawa ni Wesley at dahan dahan akong binitawan sa pagkaka akap. 'Hala, anyareh sa kanya?'

o_O' Kenneth at Ako.

Nang mapansin niyang siya lang ang tumatawa agad siyang nanahimik at tila nahiya.

"AHERRM!" malakas na tikhim niya. "Bro, this is Lucky Gonzaga my new found friend." Seryosong pakilala niya sa akin at pinaglapit kaming dalawa.

"Tss!" singhal ko ng bigla niya akong irapan ng magtama ang mga mata namin. Kung di lang ako nahihiya kay Wesley sisikuhin ko talaga sa gums ang damuhong 'to sa gigil ko. Feeling niya naman excited akong makipagkilala sa kanya. Di na uy!

"GOOOOOOOOOOD MORNINNNNNNGGGGGG!!" Malakas na sigaw ni Andi. Napalingon kaming tatlo kay Andi na ngiting ngiti at halatang bagong paligo. "Ang sarap naman ng breakfast ng seshie ko, ITLOG NA MAALAT AT JUMBO HOTDOG!" Habang pinapasadahan ang kabuuan ni Kenneth at Wesley.

'Isa pa tong may saltek.'

"Hi Andi!' masayang bati ni Wesley habang kumakaway kay Andi.

"Hi KENNETH!" sagot ni Andi pero kay Kenneth siya bumati.

(-_-)...zZZ Si Wesley.

(?_?)!? Si Kenneth.

o(*><*)o Si Ako.

"Nag breakfast ka na ba Lucky?" nakangiting bulong ni Wesley. Nailang ako bigla sa kakaibang ikinikilos niya.

"B-Bakit?" patay malisyang tanong ko.

"Kung hindi pa, tara kaen tayo sa canteen treat ko." Nakakahawa ang mga ngiti niya lalo na kung tititigan ka niya. Ang sarap maglaslas sa harap niya.

'Jusmiyo, kagwapong bata!'

"Salamat. Sa susunod nalang siguro." Nahihiyang tanggi ko.

"Wesley tara na huwag mo ng pilitin yung ayaw." Walang emosiyong parinig ng pinsan niyang bipolar.

"Mas gugustuhin ko pang makasabay si Muning kesa makasabay yang pinsan mong nasa menapausal stage na." Sagot ko pero kay Wesley ako nakaharap.

"The feeling is mutual." Mapang asar na sagot niya bago kami talikuran.

"Kenneth wait!" mabilis na humabol si Wesley sa pinsan at bigla naman akong hinila ni Andres sa tabi ng gutter.

"Yung pinag usapan natin baka nakakalimutan mo?" Pasimple akong kinukurot ni Andres sa likod habang mahinang bumubulong. "Yung pangarap ko remember?" paalala niya sa napag usapan namin nung isang araw tungkol sa pagtanggi ko sa mga imbitasiyon ni Wesley. Hindi na ako nakasagot dahil nakita kong papalapit na si Wesley sa amin.

"Lucky let's go, my cousin will be joining us today!" na excite na balita niya habang nakahawak sa magkabilang balikat ko. Oh, ano ngayon kung sasabay ang pinsan niya? As if naman siya ang magbabayad ng kakainin ko. Nakangiwing sagot ko sa sarili. "Don't worry pinagsabihan ko na siyang huwag ka ng aasarin." Bahagya siyang yumuko at ngumiti para magpantay ang mukha namin. Daig ko pa ang tinurukan ng tranquilizer habang nakatanga sa harap niya. Masiyado siyang gwapo lord, kulang po yung baon kong kanin.

"Guys, tara na si Kenneth iniwan na tayo oh!" kalabit ni Andres sa aming dalawa at tamang taman naman kakatalikod lang ni Kenneth at nagpatiunang naglakad.

"Lets go!" hinila ako ni Wesley sa kamay.

"Teka lang." Pigil ko sa kaya. Nilabas ko ang pagkaeng dala ko para kay Muning at pinaken siya sa gilid ng puno. "Yan mag breakfast kana Muning, babalikan kita mamaya." habang hinihimas ko ang ulo niya. "Dadaan ulet ako mamaya antayin mo ko dito. I will miss you Muning!" Yumuko ako at hinalikan ko siya ng mariin sa ulo.

Pagharap ko.

Nakangiti si Wesley. Nakanganga si Andi. Salubong parin ang kilay ni Kenneth. Inirapan niya ako bago siya naunang maglakad. Sarap dukutin ng mata niya at ihalo sa pagkaen ni Muning.

Wala akong nagawa kundi sumama. 'Ganda ng umaga ko buwis buhay tapos may dagdag pang bagong kaaway.'

Sinundan namin yung pinsan ni Wesley na saksakan ng hambog at walang ka amor amor sa ibang bagay living or non living things. Gwapo naman sana kaso saksakan lang ng sungit, kalalaking tao daig pa ang babaeng may dalawang buwang non stop ang regla. Sa bagay kaka break lang nila ng ex gelpren niyang abnoy. No wonder kahit nga ang kilay niya hindi magkasundo ako pa kayang bagong kakakilala niya lang.

Paano kaya nila natatagalan ang isa't isa? Maganda nga puro ganda lang, gwapo nga hambog naman. Bagay sila pareho silang walang Good Manners and Right Conduct. Malayong malayo sa ugali nitong pinsan niya na nasobrahan ata sa pagbi-breatfeed ng Nanay niya at maypagka isip bata pa hanggang ngayon. Si Andi naman mukhang enjoy na enjoy din sa pakikipag usap kay Wesley habang naglalakad kami papuntang canteen. Ako, deadma. Pagod parin ako sa buwis buhay kong stunt mailigtas ko lang si Muneng kanina.

Napapansin kong lahat ng madaan naming students pinagbubulungan kami. May ibang natutuwa sa nakikita nila at may ibang ang asim asim ng mga mukha.

"SIYA YUNG BAGONG TRANSFER NA STUDENT. ANG GANDA NIYA NO?"

"AHH YUNG NADAPA NUNG FLAG CEREMONY. BAKIT SILA KASAMA NILA WESLEY AT KENNETH?"

"NAKO GIRL KAPAG ITO MAKARATING KAY AMBER MAYAYARI YAN SILA."

"YAAN NIYO NA MAMAYA MAGKAKA KILALA TALAGA SILA."

"AS IF PAPAYAG SI AMBER, SINO BA NAKALAPIT SA DALAWANG YAN? LAHAT NG SUMUBOK NA KICK OUT NA."

'Tss. Mag tsimosa. Ano naman kung kasama namin sila, masama ba? Juice kuh, kung alam lang nilang sing baho ng hininga ang ugali ng Kenneth na yan baka mag alsa balutan sila ng academy.'

Kahit sino mawawalan ng appetite kung ang makakasabay mo kumaen parating salubong ang kilay at napakasungit. Si Wesley very approachable pa. Si Kenneth kasi parang maiilang kang makipag usap ang cold kasi ng personality. Nababalutan ng madilim na aura ang katauhan niya.

"Doon tayo sa table niyo or table namin?" Nakangiting tanong ni Wesley .

Tumingin lang ako kay Wesley. Ang totoo naiilang ako at nahihiya ako dahil sa nangyari kanina. Paano kung hindi silang magpinsan ang nasa sa sasakyang yun? Malamang pinaglalamayan na kami ni Muning ngayon sa bahay. Thank You Lord!

"Kahit saan basta malayo sa pinsan mo." tumingin ako sa likod pinsang niyang nauuna sa aming maglakad.

"Eh di dun na lang tayo sa table niyo kumain. Libre ko na para makabawi naman ako sayo. Si Kenneth ganyan lang yan pero sobrang mabait talaga niyan." Pagbibida niya sa pinsan.

"Siya mabait? E mukha pa nga atang mas mabait pa si Lavinia o Miss Minchin sa kanya eh." Ngiwing sagot ko sa kanya.

"Ha ha ha! Hindi kasing bait yan ni Cedie ang Munting Prinsipe." Biro niya pagkatapos tumawa.

"Prinsipe? Tss, Kamukha niya kamo si Jolikor yung Unggoy dun sa palabas na Remy." at tumawa ulit siya kaya natawa rin ako. Nginiwian lang ako ng nguso ni Andres sa mga panlalait ko sa ultimate crush niya.

"Ayos lang naman Wesley kahit hindi na kayo sumabay samin, may usapan naman talaga kaming kakain sa canteen ni Andi bago pumasok." Bigla siyang napanguso sa sinabi ko.

"Eh basta sabay sabay na tayo." Parang batang inarte niya. "Sayang naman yung magandang timing ko! Ha ha ha" tugon niya.

"Ganda nga. Muntik na nga akong mategibams sa parking lot kanina e." Pabirong sagot ko at sabay tawa niya.

'Halleluya!'

Marami pa siyang kinukwento pero hindi ko na masiyadong iniintindi. Naglalayag talaga ang isip ko sa malayo. Maraming bagay pa din ang gumugulo sa isip ko ngayon at nahihirapan akong mag focus.

Nakapasok na kami sa canteen ng di ko namamalayan at as usual sa kanila ulit nakatutok ang atensiyon ng mga students.

Nakatingin naman ang ilan sa amin ni Andi. Yung tinging nagtatanong kung bakit nila kami kasama. Kung bakit ang dalawang timawang bakla ng Four Mockingjay kasama ang mga iniidoli nila. Kung nakamamatay lang yung mga tinging yun bumulagta na kaming dalawa ni Andres sa malamig na tiles kanina pa.

Huminto kami sa usual spot namin ni Andi. Hindi ako nagpahalata pero nabigla din ako dahil sumunod sa amin si Kenneth.

"Bro, join na tayo dito sa table nila Andi ahh." paalam ni Wesley kay Kenneth.

'Please Lord sana tumanggi siya para maka kain ako ng matiwasay at maka dighay ako ng walang humpay.'

Inalis niya ang suot na shades at inikot ng mata niya ang pwesto naming tago pero tabi ng bintana. Gusto kong pasakan ng basahang bilog ang bibig ni Andres sa paimpit niyang pagtili. Kilig na kilig parang nagyon lang nakakita ng lalake sa tanang buhay niya. Sigh.

Sumulyap siya ng walang ka kwenta kwenta sa direksiyon ko. Nilabanan ko ang masamang titig niya at nauna siyang nagbawi ng tingin at tumango sa pinsan.

'Huwag ako Ungas, may paglalagyan ka talaga!'

To be continued....

Bab berikutnya