Chapter 1349: Ang Hiling Ni Huo Mian (10)
"Magandang balita kasi… kung aalis sila kailangan nilang magbayad ng doble. Malaking pera ang makukuha ng kumpanya…"
Hindi sumagot si Qin Chu.
Kinakabahan si Yang; natatakot siyang magagalit si president.
Pero hindi nagalit si Qin Chu; hindi niya kailan man ilalabas ang kanyang galit sa kanyang mga empleyado nang dahil lang sa isang hindi inaasahang krisis.
"Pakisabihan ang mga executive ng GK Film and Television na may pagpupulong sa loob ng limang minuto."
"Sige po, Sir."
Paglipas ng limang minuto, nakaupo si Qin Chu sa gitna ng conference able, tahimik na tinitingnan ang 12 executive ng GK Film ang Television.
"May magandang ideya ba kayo?" Tumingin paikot si Qin Chu at mabagal na nagtanong.
"President Qin… Sa tingin ko kailangan maglabas ng pahayag ang Pr para samantalahin ang opinyon ng mga tao…"
"Anong klaseng pahayag?" Tanong ni Qin Chu.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com