Chapter 1350: Walang Pwedeng Umaway Sa Kanya (1)
Napakaraming text na halos pare-pareho ang sinasabi: 'Magandang araw,Mrs. Qin. Isa akong reporter mula sa ganito ganyang pahayagan, pwede ko ho ba kayong makapanayam sa telepono tungkol sa krisis na kinakaharap ng korporasyon ng inyong asawa? Ano ang masasabi niyo sa nangyayari at paano ito haharapin ng GK?'
'Anong nangyayaro?' Bulong ni Huo Mian sa kanyang sarili, bahagyang naguguluhan sa nangyayari.
Nalaman niya lang ito nang buksan niya ang group chat niya kasama ang kanyang mga kaibigan dahil pinadala sa kanya ni Zhu Lingling ang screenshot ng balita.
Nag-aalala rin si Jiang Xiaowei.
"Mian…Siguradong mayroong pinaplano si Huo Siqian… Malaking problema ang ginawa niya para kay Qin Chu, ipakita niyong hindi kayo magpapatalo sa kanya," sabi ni Jiang Xiaowei.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com