webnovel

Paghahanap ng Pera

Editor: LiberReverieGroup

CHAPTER 47: Paghahanap ng Pera

Pagkatapos mag-alinlangan nang ilang segundo, tumango si Huo Mian; alam niyang hindi niya ito kayang itago sa Director.

"Opo, kilala namin ang isa't isa dati pa," sabi niya, sinusubukang iwasan kung ano ang importante at mas nagfocus sa trivial.

"Mas mapapadali nito ang mga bagay. Kung magkaibigan kayo, minumungkahi ko na tanungin mo si Dr. Qin kung pwede siya ang mag-opera sa kapatid mo. Siguradong alam mo na doctor siya galing Harvard. Kasama ng assistance ng ating lead surgeon dito sa ospital, mas mataas ang chance of success ng surgery ng kapatid mo."

"Em, pag-iisipan ko pa. Salamat sa paalala."

Pagkatapos nila mag-usap, tumalikod si Huo Mian at umalis sa director's office… Sobrang complicated ng mood niya ngayon.

Dapat ba siyang manghingi ng tulong kay Qin Chu? Mas uunahin pa niya mamatay. Siguro maghahanap muna siya ng pera dahil hindi birong halagang 300,000 yuan.

- Sa loob ng patient's room -

Gising na ang nanay niya noong pumasok si Huo Mian, at mukha pa rin itong bad mood.

"Ma, may gusto ako pag-usapan kasama ka," malumanay na simula ni Huo Mian.

Iniwas ni Yang Meirong ang namumutla nitong mukha at hindi sumagot.

"Kakapunta ko lang sa hospital's director office at nagtanong tungkol sa sitwasyon ni Zhixin. Ini-suggest din ng director ang isa pang surgery, ngunit sobrang mahal nito. Nagkakahalaga ito ng 300,000 yuan."

"Ililigtas natin si Zhixin kahit pa ibenta natin ang bahay at ang ating mga ari-arian. Anong kinahalaga ng pera?" pirming sabi ni Yang Meong habang nakatingin kay Huo Mian.

Tumango si Huo Mian, "Parehas tayo ng iniisip. Gagawin ko ang lahat maligtas lang si Zhixin. Ma, alagaan mo ang sarili mo at hayaan mo na ang lahat sa akin. Hahanap muna ako nang mapagkukunan ng pera."

"Ibenta mo ang bahay, pwede naman tayo umupa," mahinang sabi ni Yang Meirong habang nakayuko.

"Hindi sapat ang oras para mabenta ang bahay, dahil ang second surgery ay dapat maisagawa sa loob ng ilang araw. Hayaan mo ko gumawa ng paraan. Alagaan mo ang sarili mo at magpagaling."

Pagkatapos magsalita, umali si Huo Mian sa kwarto ng mama niya…

Huminga siya nang malalim at sinubukang pakalamahin ang sarili. Inilabas niya ang kanyang phone at tumingin sa kanyang contacts, naghahanap ng taong pwedeng makatulong sa kanya.

Pagkatapos, bigla niyang naalala ang isang tao – Ning Zhiyuan.

Hindi dahil wala na siyang ibang mapag-uutangan ng pera. Sadyang, noong bumili sila ng apartment, galing sa savings ni Huo Mian ang 60,000 yuan na pinangbayad sa down payment.

Hindi kalakihan ang sweldo niya, at ang 60,000 ay naipon niya galing sa isang part time job habang nagtatrabaho siya ng full-time sa ospital. Hindi ito madali.

Gusto niya itanong kay Ning Zhiyuan kung pwede pa ba niya ibigay ang pera niya.

Ilang saglit lang, nagpunta siya sa bagong biling apartment ni Ning Zhiyuan.

Hindi siya masyadong nakakapunta dito. Plano nila lumipat dito pagkatapos nila ikasal kaso naghiwalay sila kaya unsettled ito.

Ito ay nasa 33-floor apartment building sa may Third Ring Road, wala masyadong traffic at madali mag-ikot dito.

Nakatira si Ning Zhiyuan sa ninth floor. Sumakay si Huo Mian sa elevator at pumunta sa Unit 902.

Kakatok na sana siya pero nakita niya na hindi masyadong nakasarado ang pinto…

Mabagal niyang binuksan ang pinto. Pagkapasok niya, nakita niya ang isang pares ng heels sa may daanan, kulay purple ito at napaka-sexy.

Pagkatapos, nakarinig siya ng naglalandiang boses sa loob ng bedroom…

"Ugh, hindi ka pa naliligo! Bilisan mo, nakakadiri ka!"

"Huwag kang magmadali. Maliligo na ako kapag natapos na tayo dito," sabi ni Ning Zhiyuan.

Na-realize ni Huo Mian na wrong timing ang dating niya at siguro, hindi na niya dapat tanungin ito.

Tatalikod na sana siya at aalis nang natapilok siya sa isang pares ng sapatos sa may shoe rack at nag-ingay.

"Sino yan?" mabilis na lumabas si Ning Zhiyuan sa kwarto para tingnan ang nangyayari.

Pagkakita kay Huo Mian, nagulat siya at awkward, "Ikaw… bakit ka nandito?"

Nakita ni Huo Mian si Ning Zhiyuan nang walang pantaas, ang suot lang nito ay boxers. Bigla siyang nag-iwas ng tingin, "May problema ang pamilya ko ngayon at kailangan namin ng pera. Kaya naman, pumunta ako para itanong kung pwede mo ibalik yung perang binayad ko pangdown payment."

Bab berikutnya