webnovel

Paghingi ng Tulong

Editor: LiberReverieGroup

CHAPTER 48: Paghingi ng Tulong

"Pera? Wala na lahat. Ginamit namin iyon sa pagbili ng apartment na ito. Kung gusto mo, mag-antay ka hanggang sa maka-ipon ako. Pag naka-ipon na ako, babayaran kita."

"Sige," pagkatapos magsalita, tumalikod si Huo Mian para umalis.

"Huo Mian, anong nangyari?"

"Nabangga ng sasakyan si Zhixin," malat ang boses ni Huo Mian.

"Hindi ka dapat pumunta sakin sa mga ganitong ka-grabeng sitwasyon. Dapat ang mayaman mong ex-boyfriend ang hinahanap mo," biglang sabi ni Ning Zhiyuan.

Hindi sumagot si Huo Mian pero bakas pa din sa mukha nito ang pagkalungkot. Tumalikod ito at umalis.

Pagkatapos magsalita, nagsisi si Ning Zhiyuan sa kanyang ginawa. Bakit niya kailangan asarin ito?

"Zhiyuan, kaninong boses yan? Bakit hindi ka pa bumabalik?" isang babaeng boses ang maririnig galing sa bedroom.

Meron pa naman talagang pera si Ning Zhiyuan sa kanyang card. May natitira pa siyang hundred thousand yuan sa account niya na dapat gagamitin niya sa kasal.

Kung ibibigay niya ba itong pera kay Huo Mian, sobrang matutuwa ba ito at makikipagbalikan na sa kanya?

Ngunit, naisip niya rin na posibleng kahit kunin ni Huo Mian ang pera niya, tatanggi pa rin ito makipagbalikan sa kanya. Kaya hindi worth it ito gawin.

Paglabas niya sa apartment ni Ning Zhiyuan, nakatanggap ng tawag si Huo Mian galing kay Zhu Lingling.

"Girl, kakababa ko lang ng eroplano at nakita ko message mo. Anong nangyari, bakit kailangan mo nang ganitong kalaking pera?" maririnig mo ang pag-aalala sa boses ni Zhu Lingling.

"Nabangga ng sasakyan si Zhixin. Nasa ospital siya ngayon, at kailangan niya ng 300,000 yuan para sa surgery."

Sobrang naiiyak na ang boses ni Huo Mian.

"Ano? Naaksidente si Zhixin? Wag ka mag-panic, nasaan ka? Pupuntahan kita ngayon."

"Nasa Rainbow Business Building ako malapit sa Third Ring Road."

"Okay, kikitain kita kaagad diyan."

Sumakay sa taxi si Zhu Lingling at nakarating doon pagkatapos ng kalahating oras. Sila ni Huo Mian ay umupo sa loob ng KFC.

"Lingling, nawawalan na ako ng options."

"Anong sabi ng mga pulis, ano na ang nangyari sa may sala?"

"Nag-iimbestiga pa sila. Base sa kanila, apat o limang students ang nasaktan. Hindi lang ang kapatid ko at mas lalo tuloy nahihirapan ang mga pulis dahil dito. Ang pag-aabang sa compensation ay isang mahabang proseso, at hindi na makakapaghintay ang surgery ni Zhixin. Kailan maisagawa na ito kaagad."

"Naiintindihan ko. Ganito nalang, may naipon akong 80,000 yuan at pwede mo na ito makuha ngayon. Magtatanong ako sa mga magulang, kamag-anak, kaibigan ko para makahiram ng pera. Sa tingin ko makakakuha ako ng 130,000 yuan. Kailangan natin pag-isipan ang natitira pa."

"Salamat ng madami, Lingling," mahigpit na hinawakan ni Huo Mian ang kamay ni Zhu Lingling habang namumula ang mga mata nito.

"Ano ka ba, kaya nga tayo best friends e. Hindi mo kailangan magpasalamat sakin. Kung hindi kita tutulungan ngayon, kailan pa? Hindi mahalaga ang pera, mas mahalaga na safe at healthy si Zhixin."

Tumango si Huo Mian…

"Mian, bakit hindi tayo magtanong sa media? Pag na-public ito, baka makakuha tayo ng sapat na pera galing sa donations."

Nag-alinlangan si Huo Mian bago sumagot, "Inisip ko na rin yan. Pero, kapag sinabi natin ito sa media at kumalat ang nangyari, sobrang daming pressure nito kay Zhixin pagka-galing niya at pagbalik sa school. Ayokong tingnan siya ng mga tao nang puno ng awa. Naiintindihan mo ba? Lalaki rin siya at may pride. Last resort ko na ang media."

"Sige, tama yan. Hindi ako masyadong nag-isip. Okay lang, huwag ka mag-alala. Makaka-isip din tayo."

Pagkatapos nila ni Zhu Lingling maghiwalay, bumalik si Huo Mian sa kanyang apartment at naghilamos ng kanyang mukha.

Biglang may lumabas na notification galing sa WeChat…

"Goddess Huo, andyan ka pa?" galing ang message sa kanyang high school classmate, si Wei Dong.

"Yeah, what's up?"

"Narinig ko kay Zhu Lingling na nabangga ng sasakyan ang kapatid mo at kailangan mo ng pera para sa surgery. Tama ba?"

"Oo."

"May pera ako, pwede ko ipahiram sayo."

"Talaga? Salamat," excited na sagot ni Huo Mian.

"Magkita tao at pag-usapan natin."

"Sige," kaya gawin ni Huo Mian ang lahat para kay Zhixin.

Pagkasapit ng 6:30 PM, nakipagkita si Huo MIan kay Wei Dong sa isang malapit na Thai restaurant.

Dala niya ang kanyang black Mercedes-Benz GLK and nakasuot ito ng Armani. Sa kamay nito, makikita ang isang LV purse habang sa wrist nito ay isang Longines diamond watch. Mukha siyang spoiled rich kid.

Samantalang si Huo Mian ay nakasuot lang ng puting t-shirt at jeans. Simple ito pero elegante.

"Sana hindi kita masyadong pinaghintay," nakangiting tanong ni Wei Dong.

Bab berikutnya