Ang Void God intent ay pinagyelo ang Heaven Earth Yuan Qi sa malapit, at iilang mga Mystic True Sacred Clan Core Disciples ang nakaramdam na naninigas rin ang kanilang isip. Ni hindi nga nila maisip na lumaban pabalik.
Kahit sina Chen Yilin at Jiang Fan ay nangangamba.
Mahirap isipin na si Zhao Feng, na kaharap mismo ang Void God intent, ay kalmado pa.
"Tao, mukhang sinusuyo mo si kamatayan."
Ang pagyanig ay makikita sa soul-dimension habang isang Magnificent Power ang tila pumipiga sa espasyo na kinalalagyan ni Zhao Feng.
Bahagyang namumula ang mukha ni Zhao Feng, at ang kanyang katawan at buto ay napapahiyaw na. Ang kanyang mga tuhod ay baliko na rin at halos mapayuko na ito sa hari.
Subalit, pinigil ni Zhao Feng ang kanyang sarili.
Kung pag-uusapan lamang ang estado ng pag-iral, mas malapit siya sa isang tunay na hari, at ang kanyang katawan ay napatatag na ng Ancient Dream Realm aura, heart blood essence, at ng Purple Scaled Grass.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com