Sa underground cellar ng Mermaid Divine Palace, ang grupo ng Mystic True Sacred Clan ay napuno ng tuwa. Pinigil lamang nila ang kanilang ligalig habang nakatingin sa balon at sa alkohol na nakatago sa mga kristal na aparador.
"Nandito ba ang maalamat na Immortal Springs Wine at Illusion God Wine?"
Tinanong ni Zhao Feng ang Mermaid Princess.
Ang Mermaid Divine Palace ay isang ipinagbabawal na lugar sa Mermaid Kingdom, kung kaya hindi pinapapasok rito ang mga normal na sirena. Tanging ang mga Mermaid Princess lamang ng bawat panahon, na talentado sa Dao of the Soul at may inheritance ng Mermaid Divine Palace, ang siyang makakapasok.
"Oo."
Kampanteng sagot ng Mermaid Princess.
Nang marinig ito, nayanig angpuso ng lahat.
Kung iisipin sa nakaraan, ang henyong nakakuha ng Immortal Springs Wine at ng Illusion God Wine ay nakaabot sa Void God Realm sa loob lamang ng ilang taon.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com