webnovel

Mabilis na Tatlumpung Panalo

Editor: LiberReverieGroup

"Batiin natin ang bagong humahamon sa isang daang panalo...Zhao Feng!"

Isang masayang boses ang narinig sa arena.

Dahil sa pagkatalo ni Ye Moyu, medyo nagdilim ang atmospera, ngunit ang lahat ay nabigla dahil sa boses na ito.

"Mayroon agad na gustong humamon?"

Maraming mga eksperto ang magulat. Ang hindi patas na pagkatalo ni Ye Moyu ay hindi pa rin sapat upang mapatigil ang taong ito?

Isa pa, ang bagong humahamon ay nagsimula agad matapos matalo si Ye Moyu. Ibig sabihin ay ang lakas nito ay maaaring kapantay ni Ye Moyu.

"Zhao Feng? Hindi ko pa siya naririnig.

"Anong klaseng tao kaya ito?"

Muling nabuhay ang atmospera sa arena at kita na umaasa ang mga nanonood.

Isang pigura mula sa Small Origin Core Realm ang dahan-dahang naglakad sa entablado.

Ang taong ito ay kalmadong kabataan na halos nasa dalawampung taon. Mula sa Zhao Family hanggang sa ngayon, lumaki siya bilang makapangyarihang kabataan.

Bab Terkunci

Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com

Bab berikutnya