webnovel

Pagkahulog

Editor: LiberReverieGroup

Ang Elder na nakapulang roba ay nagrepresenta sa mga opisyales at pinahinto na ang hamon ng isang daang panalo sa araw na ito.

Maraming nanonood ang hindi ito nagustuhan, at ang ilang lugar ay nagkagulo. Halatang gusto lamang paghandaan ng mga opisyales kung paano nila haharapin si Zhao Feng.

Karapat-rapat talaga siyang maging Captain.

Bumuntong-hininga si Li Yunya sa kanyang puso.

Sa sulok ng arena:

"Isang atake lamang sa bawat isang laban at nanalo siya ng 30 labanan. Kung hindi lamang ito pinahinto ng mga opisyales, hindi malabong umabot ito sa 50 o 60."

Nagulat si Ye Moyu. Kahit siya ay walang kakayahan upang ang mga opisyales ay pahintuin ang hamon.

"Mag hintay tayo hanggang bukas."

Kumislap ang pigura ni Zhao Feng at lumutaw ito sa tabi ni Li Yunya.

Marami ang tumingin sa kanilang dalawa, at ramdam ni Zhao Feng ang tingin ng Eternally Sealed Palace Lord.

Ang Eternally Sealed Palace Lord ay ang taong naroon na may pinaka mataas na cultivation, at ang kanyang mata ay mayroong powerful intent.

Hindi iniwasan ni Zhao Feng ang yinginnito; direkta siyang tumingin sa mata ng Eternally Sealed Palace Lord.

Boom!

Sa pagtingin niya sa Eternally Sealed Palace Lord, nagulat ang kaluluwa ni Zhao Feng. Naramdaman niya na tila ang kanyang kaharap ay diyos.

Ang tingin ng Eternally Sealed Palace Lord ay naglalaman nang walang hanggang pwersa, tila ang kanyang isip ay maaaring sumira sa malalaking bato o baliktarin ang langit.

Sa kabila ng lahat, siya ay isang half-step Void God Realm. May parte siya sa kapangyarihan ng Void God Realm King. Ang kanyang kaluluwa at katawan ay nabubuhay na may kasamang harmonya sa langit at mundo.

Saad bi Zhao Feng sa kanyang puso.

"Ang kaluluwa ng batang ito ay malakas din.

Bahagyang saad ng Eternally Sealed Palace Lord.

Ang kanyang pagtantiya kay Zhao Feng ay mas eksakto kaysa sa mga nanonood, at hindi niya mapigilan na maging interesado sa laban na bukas.

Nang gabing iyon, bumalik si Zhao Feng sa hotel at pumasok sa seklusyon. Nakakuha siya nang bagong kaalaman sa kanyang katawan at state of existence matapos ang labanan ngayon at ginamit niya ang kanyang buong gabi upang sanayin ang kanyang sarili sa kanyang kapangyarihan.

Sa ikalawang araw, ang arena ay puno ng mga tao at kasabikan.

Kumpara kahapon, doble ang dami ng mga eksperto. Ang balita nanalo si Zhao Feng ng 30 labanan ay kumalat sa buong Void Ocean Spiritual Palace.

"Bukas na ang pustahan."

May mga espisipikong tao mula sa mga opisyales ang nagsimula ng pustahan.

Ang mga pusta kay Zhao Feng ay: 60 na panalo, 70 na panalo, 90 na panalo, at 100 na panalo.

Ang proporsyon na magwagi siya sa isang daang panalo ay isa sa tatlumpu. Ibig sabihin ay kapag nanalo si Zhao Feng sa hamon ng isang daang panalo, ang matatanggap ng pumusta ay tatlumpung beses sa kanyang pinusta.

Gayunpaman, wala pa sa nakaraang isang daang taon ang nakatapos sa hamon ng isang daang panalo, ginagawa ng mga opisyales ang lahat ng paraan upang mapigilan na may manalo. Kung gayon, hindi maraming tao ang sasali sa isang daang panalo.

Sa mga pumusta, karamihan ay pumusta sa 60 o 70 na panalo, ngunit kapag lumagpas dito si Zhao Feng at umabot sa 80 na panalo, ang mga pumusta sa 70 na panalo ay matatalo.

"Pinupusta ko ang isang milyong high-grade Primal Crystal Stones sa aking sarili."

Isang boses ang narinig nila mula sa gilid.

Isang milyong high-grade Primal Crystal Stones.

Maraming tao na pumupusta ang nagulat. Ang isang milyong high-grade Primal Crystal Stones ay hindi mababang halaga. Katumbas na nito ang bahagyang inferior Earth-Grade weapon.

Ang isang high-grade Primal Crystal Stone ay katumbas na ng sampung libong normal Primal Crystal Stones, hindi ang mga substandard.

Ang isang milying high-grade Primal Crystal Stone ay katumbas ng isang bilyong normal Primal Crystal Stone.

Siii!

Napatalon sa gulat ang mga opisyales. Noong tignan nila ito maigi, nakita nila na ang pumupusta ay si Zhao Feng.

Tumawa si Li Yunya at pumusta rin ng ilang dosenang libo ng high-grade Primal Crystal Stones kay Zhao Feng.

"Hmph."

Pang-aasar ang nakiat sa mukha ng Elder na nakapulang roba.

"Zhao Feng! Zhao Feng!"

Kasabay nang umaapoy na atmospera, naglakad ai Zhao Feng sa entablado.

Sa gilid ng arena, ang malamig na mata ni Ye Moyu ay nanood maigi.

"Ang ika tatlumpu't isang laban sa hamon ng isang daang panalo."

Pag-aanunsyo ng taga paghusga.

Ang kalaban para sa ika tatlumpu't isang laban ay mula sa huling yugto ng Small Origin Core Realm.

"Ang unang laban ngayong araw ay mula agad sa huling yugto ng Small Origin Core Realm."

"Zhao Feng, huwag mo ng isipin na manalo matapos akong makalaban, Jiang Zile."

Ngiti ang lumitaw sa mukha ng lalaking nakaputi.

Weng~~

Kinaway ng lalaking nakaputi ang kanyang kamay,at ang isang lumang green metal book ang lumitaw sa hangin na gumawa ng kulay bahagharing liwanag.

Shua!

Isang brush ang lumitaw sa kanyang kabilang kamay.

"Ito ay Scholar Heaven Entertainment."

"Ito ay isang Scholar Heaven Entertainment Jiang Zile! Ang taong ito ay isa sa tatlong pinaka henyo sa Eternally Sealed Islands Zone dalawampung taon na ang nakalilipas, at mula siya sa two-star Heaven's Entwrtainment Castle…"

Maraming tao ang napasigaw noong makilala siya.

"Kawili-wili."

Naging interesado si Zhao Feng.

May ilang mga pwersa at grupo sa Fan Universe, Ngunit karamihan ay nawala sa pagdaan ng panahon at kasaysayan.

Ang brush at libro sa kamay ni Jiang Zile ay parehong low-ranked Earth-Grade weapon.

"Wasakin!"

Ang pigura ni Zhao Feng ay lumitaws harap ni Jiang Zile. Isang purple aura ang lumitaw kasabay nang pagsuntok niya na tila isang giant desolate beast.

"Sobrang bilis! Ang aurang ito…!"

Nakaramdam ng presyur si Jiang Zila sa kanyang True Yuan dahil sa katakot-takot na aura.

"Nine Word Metal Book!"

Hindi nataranta si Jiang Zile kasabay nang pagbukas ng old green meatl book sa kanyang kamay at ang luma at misteryosong mga salita ay lumitaw sa hangin, na bumuo ng berdeng ilaw sa kanyang harapan.

Boom!

Ang suntok ni ZhaoFwng ay naging dahilan upang magkaroon ng lamat ang berdeng liwanag, ngunit ang mga misteryosong salita ay agad na naging maayos.

"Drawing Prison!"

Umatras ng ilang hakbang si Jiang Zile bago niya gamitin ang kanyang brush upang gumuhit ng ilang linya sa hangin.

Hmm?

Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Zhao Feng. Nalaman niya na ang mga linyang ito ay bumuo ng kulungan na kumulong sa kanya.

"Karapat-rapat nga siyang maging Scholar Heaven Entertainment."

Maraming mga ekspertobang hindi mapigilan na puriin siya.

Kasabay nang patuloy na pagkulong ng berde at gintong kulungan kay Zhao Feng:

"Kawili-wili ngunit dito na ito magtatapos."

Nagdilim ang ekspresyon ni Zhao Feng kasabay nang pagtaas niya sa kanyang kamay, at ang matatalim na arko ng lilang hangin at kidlat ang bumuo ng claw.

Purple Destruction Wind Lightning Claw!

Ang claw ay ilang yarda ang haba, ngunit tila totoo ito,naging dahilan ito upang ang mga kidlat ay sumabog.

Crack!

Ang Claw of Destruction ay humiwa sa hangin at nagdala ng aura of Deatruction na naging dahilan upang manginig ang mga kaluluwa.

"Hindi ito maganda…!"

Napasigaw si Jing Zile kasabay ng pagkawasak ng kulungan na tila isang papel.

Bam!

Ang claw of Destruction ay nagpatalsik ng ilang yarda kay Jiang Zile.

Plop!

Noong bumagsak siya sa lupa, ang orihinal na puting damit niya ay naging kulay itim, at umusok ang kanyang katawan.

Ang ika tatlumpu'tisnag panalo. Ang unang laban ni Zhao Feng ay matagumpay, at ang mga nanonood ay humiyaw para kay Zhao Feng.

"Maging si Jiang Zile, na perpekto pagdating sa opensa at depensa at elite ng Small Origin Core Realm ay natalo."

Bahagyang nagbago ang ekspresyon ng Elder na nakapulang roba. Ang dahilan kung bakit niya inuna si Jiang Zile ay upang mahirapan si Zhao Feng, ngunit ang lakas ni Zhao Feng ay hinigitan ang kanilang inaasahan.

"Mas mabuti kung tapusin agad ang laban upang hindi masyadong magamit ang True Yuan."

Saad ni Zhao Feng. Ang kanyang hangarin ay matapos ang lahat ng isang daang laban sa isang atake lamang.

Maraming mga kalaban mula sa gitnang yugto at huling yugto ng Small Origin Core Realm ang sumunod kay Jiang Zile, ngunit wala sa kanila ang kasing lakas ni Jiang Zile.

Patuloy na tumataas ang opensa at bilis ni Zhao Feng, at madali lamang sa kanya na matalo ang mga normal na nasa huling yugto ng Small Origin Core Realm sa isang atake.

Boom!

Bam!

Sunod sunod ang natatalo ni Zhao Feng, at upang hindi masayang ang oras, minsan ay sabay-sabay na itong nilalabanan ni Zhao Feng.

35 na panalo… 40 na panalo… 45 na panalo...

Sa dalawang oras, 50 na ang labanan na naipanalo ni Zhao Feng, ibig sabihin ay nakakakalahati na siya sa hamon ng isang daang panalo.

Nagulat ang mga nanonood, at ang mas nakagugulat ay hindi pa ginagamit ni Zhao Feng ang karamihan sa kanyang True Yuan.

Karamihan sa kanyang atake ay nakabase sa kanyang bilis at pisikal na lakas. Kung gagamit siya ng True Yuan, mananalo siya sa isang atake.

Walang nakapantay sa bilis ni Zhao Feng.

"60 na panalo!"

Takot ang mga nanonood na pumikit dahil baka may makaligtaan silang laban; sobrang bilis ni Zhao Feng.

Matapos ang 60 na panalo, mas lumakas din ang mga kalaban ni Zhao Feng, at kalahati sa kanyang makakalaban ay mula sa huling yugto ng Small Origin Core Realm.

Ang maliit na bilang sa kanila ay maikukumpara sa Skeletal Division Leader at Li Yunya.

Iba't-ibang mga bloodline techniques at maraming mgaskillsang nagamit, ngunit ang katawan at source of power ni Zhao Feng ay nakakuha na ng aura sa Ancienf Dream Realm, kaya natalo nito ang maraming bloodlines.

Ang epekto ay kagaya kay Jiang Fan, na ang bloodline ay nasa Ten Thousand Ancient Races.

"Ang ika pitumpung laban."

Pag-aanunsyo ng taga paghusga.

"Zhao Feng, ako ang iyong kalaban."

Isang eleganteng lalaki ang lumitaw sa entablado.

Ye Moyu!

Ang mga nanonood ay muling nag diskusyon.

"Hmph, dahil natalo siya, mukhang ayaw makakita ni Ye Moyu na may manalo sa hamon ng isang daang panalo."

Tumawa ang Elder na nakapulang roba.

"Simulan na."

Agad na inatake ni Ye Moyu si Zhao Feng matapos magsalita ang tagapag husga.

Napanood niya ang ilang mga nakalipas na laban, kaya alam niya na kasing bilis ni Zhao Feng ang kidlat at nananalo sa isang iglap. Ayaw ni Ye Moyu na mangyari iyon sa kanya.

"Void Sky Darkness!"

Ang pigura ni Ye Moyu ay sumanib sa kadiliman.

Sa kadiliman, hindi gumagana ang pandama ni Zhao Feng, at mahirap sa kanya na makita si Ye Moyu.

Ang Void Sky Darkness ang bloodline domain ni Ye Moyu. Wala pa talagang nakakatalo sa technique na ito. Kung hindi lamang sunod-sunod ang laban ni Ye Moyu at hindi naubos ang bloodline power niya, hindi siya matatalo.

Bab berikutnya