Sa iglap na iyon, nakikita ng lahat ng nasa loob ng ilang daang milya ang nagliliyab na ilaw.
Para bang araw na nakatirik ang pangatlong mata ng Three Eyed Saint.
Boom!
Nilamon si Zhao Feng ng liwanag.
"Isang napakalakas na eye-bloodline technique!"
"Iyan ang Three Eyed Divine Light na sinasabing kayang sumira ng kahit anong skill."
Humagpis ang nakapanlulumong lakas nito sa loob ng isang milyang paikot. Kahit pa ang may mga eye-bloodline, tulad nila Tuoba Qi at ng ghost-eyed man, ay nakaramdam ng pagnginig sa kanilang mga mata.
Bam! Peng!
Para bang napaatras si Zhao Feng sa lakas ng tama sa kaniya ng atake.
Naramdaman ni Zhao Feng na bumigat ang kaniyang dibdib at katawan, na para bang humaharap siya ng isang ancient dragon.
Weng~~
Nagsimulang mawala ang alon sa paligid ni Zhao Feng.
"Inaatake yata ng Three Eyed Divine Light ang pisikal at mental na dimensyon ko."
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com