webnovel

Eye-Bloodline Power Transfer

Editor: LiberReverieGroup

Umikot sa himpapawid ang kagilagilalas na asul na nagyeyelong ilaw sa mainit na liwanag.

Sa kalagitnaan ng unang hininga, mas nakakalamang ang Scorching Golden Crow ng Three Eyed Saint.

Isang nagyeyelong pwersa ang biglang lumabas at nagbigay ng kaunti pang lakas sa Ice Soul Shooting Line ni Zhao Feng.

Namuo ang linya ng nagyeyelong asul, habang bumagal naman ang Three Eyed Divine Light.

"Mas pabor sa sobrang lamig at pagka-agnas ang Ice Soul Shooting Line, pero hindi ito ganoon kaayos. Ang Ice Soul Freeze naman ay nakapokus sa pag-atake, kundi sa pagyeyelo."

Lumitaw sa isip ni Zhao Feng ang Ball of Ice Soul na naglalaman ng maraming sikreto tungkol sa misteryosong elemento ng yelo.

Hindi pa binigyan ng atensyon ni Zhao Feng ang importanteng aspeto ng pagyelo dati, pero matapos niyang makilala ang Three Eyed Saint at makaengkwentro ang Three Eyed Divine Light nito, ay tsaka niya lamang nagamit ang abilidad niya ng pagyeyelo.

Nagtalo ang dalawang eye-bloodlines, pero mahirap pa rin malaman ang panalo.

Isa doon ay nakakapanlalasag, at ang isa naman ay nagpapayelo. Itong mga ito ang espesyalidad ng mga eye-bloodline.

Ang Three Eyed Divine Light ay nakabase sa apoy, samantalang, ang Eye of Ice Soul naman ay naka-base sa yelo. Magkatapat ang dalawang elemento.

"Naharangan ang Three Eyed Divine Light ng Three Eyed Saint!"

"Pero wala pa ring lamang ang Zhao Feng na 'yan."

Napapigil sa paghinga ang mga manonood.

Ang labanang ito ay nakapagitan sa dalawang pinakamalakas na eye-bloodlines sa kontinente.

"Naharangan ng batang iyon ang Three Eyed Divine Light? Paanong nakapag-panganak ang isang taga Azure Flower Continent ng isang mala-halimaw na eye-bloodline?"

Umikot ang ekspresyon ng Three Eyed Saint sa galit at sa bigat ng kalooban.

Hindi kasing lalim o perpekto ni Zhao Feng ang Eye of Ice Soul 'di tulad ng Three Eyed Saint sa Three Eyed Divine Light.

Matapos ang lahat, mahaba ang kasaysayan ng Golden Sun Family, samantalang, si Zhao Feng lamang ang nag-iisip ng lahat.

Kaya lamang, talaga nga namang mas malakas ang eye-bloodline ni Zhao Feng kaysa sa Three Eyed Saint. Dahil lamang sa Eye of Ice Soul ay kaya lang nakapagtuos si Zhao Feng sa Three Eyed Divine Lighty

Sa isang malayong bundok.

"Nakakatakot na eye- bloodline. Hindi ito mapapantayan ni Shen'er.."

Umilaw sa hanga at inggit ang mga mata ng Head of the Golden Sun family.

"Ang mata ng Zhao Feng na ito ay sobrang kakaiba. Sobrang dami ng soul energy nito at kaya pa nitong magbago ng kapangyarihan."

Sabi ng matandang nakasumbrero.

Naging taimtim rin ang ekspresyon ng dalawa matapos lumipas ang oras.

Sa himpapawid, nangingibabaw ang nakakapasong Divine Light ng Three Eyed Saint dahil dalawa sa tatlong espasyo ang sakop nito, at kasabay pa nito ay ang pagiging lamang. Kaya lamang ay matapos ang ilang hinga ay umikli na ang nakakapasong Divine Light dahil ito ay natutulak paatras.

Sa kabilang banda naman , ang Ice Soul Line ni Zhao Feng ay tumutulak pa-abante, at malapit na nitong masakop ang kalahati ng espasyo.

Nang tigkalahati na ang sakop ng dalawa, tuluyan nang nawalan ng lamang ang Three Eyed Saint dahil nadurog ito ng momentum, habang paderetso ito kay Jinyang Shengtian.

"Imposible!"

Nagkuyom ang ngipin ng Three Eyed Saint at sabay na pinaikot ang pangatlo niyang mata, kaya lamang ay kahit ano pa ang gawin niya ay tuluyan siyang natutulak ng momentum.

Lumapit ng bahagya si Zhao Feng.

Five tenths… six tenths… seven tenths….Lumaki nang lumaki ang lamang ni Zhao Feng.

"Halimaw ang Zhao Feng na ito. Napipigil niya ang Three Eyed Saint base sa lakas ng eye-bloodline."

Nagtinginan si Tuoba Qi at ang ghost-eyed man sa gulat.

Kahit hindi pa natatapos ang laban ay lumalabas na si Zhao Feng ang mas lamang at mukhang siya rin ang magtatagumpay.

Nang mawala na ang nagyeyelong asul na guhit ni Zhao Feng ay tatlo na sa apat ang naabutan nito. Dahil dito ay nagsimula nang mapagod ang Three Eyed Saint.

Hindi dapat minamaliit ang lakas ng Three Eyed Divine Light, kaya lamang ay para gamitin ang ganitong kalakas na skill ay nangangailangan rin ng madaming enerhiya.

"Paano ito nangyari…? Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon niya?"

Nalulon sa kawalang-paniwala ang Three Eyed Saint.

Kalmado pa rin si Zhao Feng sa kabilang banda ng bukana. Kailangang malaman na ang lakas ng kaluluwa niya ay maikukumpara sa lakas ng isang Sovereign. Paano maikukumpara ang lakas ng kaluluwa ng Three Eyed Saint sa kaniya?

Siguradong matatalo ang Three Eyed Saint kung hahaba pa ang labanang ito.

"Napagtanto mo na ba ang panalo, Three Eyed Saint?"

Pagtutuya ni Zhao Feng habang naglagay pa siya ng presyon.

Matapos marinig ito, biglang napuno ng galit at pumangit ang mukha ng Three Eyed Saint.

Malakas ang loob ng Three Eyed Saint bago pa magsimula ang labanan. Kaya lamang ay nakatadhanang matalo ng eye-bloodline ni Zhao Feng ang kaniya.

Kasalungat naman nito na kahit pa malakas ang loob ni Zhao Feng, ay hindi niya pa rin minamaliit ang kaniyang kalaban.

"Jinyang Shengtian, kahit ano pa ang magiging resulta ng laban ngayon, nandito pa rin ako ng may mapagkumbahang puso upang matuto at labanan ang nangungunang eye-bloodline sa kontinente."

Umiling si Zhao Feng nang sabihin ito.

Mapagkumbaba? Matuto?

Ang mga manonood ay may mga kakaibang ekspresyon.

Kahit pa hindi mayabang ang dating ni Zhao Feng sa Tea Party, hindi rin naman iyon mapagkumbaba.

"Mapagkumbabang pagkatuto? Ito nga ba…!?"

Kumutob ang dibdib ng ghost-eyed man na para bang may naalala siya.

Sa tuktok ng malayong bundok.

"Anong laro ang ginagawa ni Zhao Feng?"

Kumunot ang kilay ng Head of the Golden Sun family.

"Wala na sa kung ano man ang nilalaro niya. Kung itutuloy niya ito, siguradong matatalo si Sheng'er."

Gumulong ang mata ng matandang may sumbrero.

"Hmph! Paanong matatalo si Sheng'er kung nandito ako?"

Malamig na ngisi ng Head of the Golden Sun family.

Shua!

Biglang bumukas ang pangatlong mata nito sa noo. Bilang ama ng Three Eyed Saint, parehas lamang ang eye-bloodline nila, kaya lamang ay hindi puro ang sa Golden Sun Family Head. Kaya lamang ay kung naka-base sa purong lakas, mas lamang ang sa Head of the Golden Sun family.

Weng~~

May tumulong dugo galing sa pangatlong mata ng Head of the Golden Sun family nang pinagtampal nito ang kaniyang mga kamay. Kasama nito ay isang nagngangalit na aura na lumipas sa himpapawid.

"Magaling, dahil tatay ka niya ay kaya mong magpasa ng lakas ng eye-bloodline sa kaniya gamit ang Golden Sun Family secret technique."

Tango ng matandang naka-sumbrero nang walang gulat.

Sa sunod na iglap, umilaw ng ginto ang pangatlong mata ng Three Eyed Saint nang may isang alon ng eye-bloodline power ang lumabas sa kaniya.

"Anong nangyayari?"

"Anong klaseng secret technique ang ginagamit ng Three Eyed Saint? Paanong bigla siyang may maraming eye-bloodline power na naman?"

Gulat ni Tuoba Qi, ghost-eyed man, at ng iba pa.

Sa isang hinga lamang ay dumoble na ang lakas ng eye-bloodline ng Three Eyed Saint.

Weng~ Boom!

Ang ice-blue line ni Zhao Feng, na kasalukuyang nakaturo nang direkta sa Three Eyed Saint, ay biglang natulak ng lakas ng ilaw.

Hmm?

Nagulat si Zhao Feng.

Shua!

May isang ihip ng hangin at kidlat ang dumampi kay Zhao Feng nang papalapit na sa kaniya ang Divine Light.

Wings of Wind and Lightning!

Isang pares ng pakpak ang lumitaw sa likuran ni Zhao Feng na kumutob kasabay ang Heaven Earth Yuan Qi.

Sa oras na iyon, naramdaman ni Zhao Feng na kasing bigat siya ng isang plumahe, at para bang nasa gitna ng buhawi at kidlat.

Sa nakalipas na taon, umabot nanaman ang pang-unawa ni Zhao Feng sa bagong lebel.

"Zhao Feng, kahit gaano ka pa kabilis ay hindi mo kakayaning iwasan ang aking Divine Light."

Sumigaw ang Thee Eyed Saint nang mapalitan ng tuwa at kagalakan ang kaniyang galit.

Nakakuha siya ng tulong mula sa kaniyang ama sa kritikal na oras, at para bang may malaking pinanggagalingan ang lakas na kaniyang natatanggap.

"Three Eyed Divine Light!"

Kasama ang suporta ng lakas ng eye-bloodline ng ama niya, ang Three Eyed Saint ay muling naglabas ng nakagugulat na guhit ng ilaw na mas doble ang lakas kumpara dati.

Agad na natusok ng liwanag ang anyo ni Zhao Feng.

Lohikal na hindi niya maiiwasan ang atake kung siya ay napuntirya na, pero sa oras na iyon ay ngumiti si Zhao Feng. Biglang pumagaspas ang Wings of Wind and Lightning sa kaniyang likod na gumawa ng 'di mabilang na arko ng kidlat na tumulak sa ibang Yuan Qi na malapit.

Shua!

Nakatakas ang anyo ni Zhao Feng sa espasyong nilalamon ng eye-bloodline power at sabay na nawala.

Oiu~~~

Hindi tumama ang atake ng Three Eyed Saint.

"Paano niya nagawa iyon?"

Muling bumalik ang hindi makapaniwalang impresyon sa mukha ng Three Eyed Saint.

Mula sa kanganakan hanggang ngayon, ay ito pa lang ang unang beses niyang makakita ng isang henyo na madaling nakaiwas sa Three Eyed Divine Light.

Sa malayong bundok.

"Anong klaseng secret technique iyon? Para bang mayroong maliit na bahagi ng laws of space ang nilalaman nito na nagbigay sa kaniya ng tiyansang makaiwas sa lock on ng bloodline."

Parehas na nagulat ang Head of the Golden Sun Family at ang matandang naka-sumbrero.

Shua!

Gamit ang Wings of Wind and Lightning, sobrang laki ang itinaas ng bilis at liksi ni Zhao Feng, at mabilis siyang nawala sa paningin ng Three Eyed Saint.

Biglang nakaramdam ng paglamig sa likod ang Three Eyed Saint nang may isang hindi makitang patalim ang humiwa sa kaniyang balat.

"Azure Eye Sharp Slice!"

Naging asul ang kaliwang mata ni Zhao Feng habang pumapagaspas ang kaniyang pakpak na nagpa-mukha sa kaniyang bilang isang matandang diyos ng gera.

Shuuu~~~~~

Isang may kalahating linaw na patalim na gawa sa hangin ang humiwa patungo sa Three Eyed Saint, at ang lahat ng peak geniuses ay nakaramdam ba para bang pamilyar ang atakeng ito.

Sobrang parehas ito ng Heavenly Piercing Eye.

"Anong nangyayari? 'Yan ang secret technique ng Tuoba family, ang Heavenly Piercing Eye!"

Napatayo sa gulat si Tuoba Qi.

Kaya lamang ay bago pa naintindihan ng lahat, natapos na ni Zhao Feng ang paggamit sa Azure Eye Sharp Slice, naging mas mabilis pa ito kaysa Heavenly Piercing Eye dahil inihalo ito sa laws of speed na galing sa Wind Lightning Emperor.

Shua!

Tumalsik ang dugo ng Three Eyed Saint nang may lumabas na kalahating pulgada ng lalim ng sugat sa kaniyang likod na nagpa-ungol sa kaniya sa sakit.

Kahit pa nakapagpalabas siya ng isang protective shield ay hindi pa rin ito ganoon kabilis.

Kahit pa may abilidad ang Three Eyed Saint para paghiwahiwalayin ang atake, ang lakas at bilis ng Azure Eye Sharp Slice ay higit pa sa ginagamit ni Tuoba Qi, at galing pa ito sa blindspot ng Three Eyed Saint.

Bab berikutnya