webnovel

Lightning Fast

Editor: LiberReverieGroup

Sa Central Hall ng Sky Moon Mountain.

Pinalilibutan si Zhao Feng ng ilang layer. Una ay ang tatlong Palace Lords, sumunod ang walong True Spirit Realms at ang animnapu't apat na elitista.

Sampung Core Elders ang nanonood sa gilid ng bundok.

Ang Broken Moon Clan ay tila nakabalot sa lambat, atang pigura ni Zhao Feng ay tila ang-iisa.

"Zhao Feng, ginulat mo ako sa iyong dalawang True Lord Rank ghost corpses. Kaya pala matapang kang bumalik dito at labanan ang Iron Dragon Alliance.

Nakabawi na rin mula sa pagkagulat si Palace Lord You Long

Kasabay nito, mabilis na nagpalitang ng tingin ang tatlong Palace Lord.

Ang mukhang madali ay mahirap pala.

Ang pagsasama ng dalawang dark-silver ghost corpses at ni Zhao Feng ay maikukumpara sa tatlong True Lord Ranks.

Ibig-sabihin nito ay hindi masyadong lamang ang Iron Dragon Alliance. Kung nakapokus si Zhao Feng sa pagtakas, ang tsansa na mapatay siya ay hindi mataas.

Kadalasan, ilang mga True Lorsd Ranks ay kailangan nang magandang pagakkataon upang mapatay ang isang True Lord Rank.

Nangangahulugan ito na ang tsansa na mapatay ang tatlong True Lord Ranks ay mahirap.

"Zhao Feng, naiintindihan kita. Malakas ka at ginamit mo pa akong pain. Kung gusto mo talaga akong patayin, matagal na akong patay."

Kumislap ang mata ni Clan Master Haiyun hbang nakatayo siya sa gitna ng array.

Ngumiti si Zhao Feng ngunit hindi nagsalita.

Hindi mahirap sa kanya na patayin ang Clan Master Haiyun. Ang Iron Dragon Alliance ang totoong malaking kalaban.

Katawa-tawa ito. Ang Clan Master Haiyun na kilala sa pagiging mahusay sa kalkulasyon ay ginamit ni Zhao Feng at Iron Dragon Alliance bilang pain.

Nakakahiya ito para sa kanya.

Sa labanan ng dalawang panig, si Clan Master Haiyun ay isang maliit na langgam lamang na kayang matalo sa isang kamay.

Sinadya ito ni Zhao Feng upang maramdaman ni Clan Master Haiyun ang pakiramdam ng pagiging "langgam" at kung paano ang paglaruan.

"Hehehe… Zhao Feng, ang iyong unang Master na si Lord Guanjun at First Elder ay parehas kong natalo."

Lubhang kakaiba ang boses ni Clan Master Haiyun.

Bahagyang nanliit ang mata ni Zhao Feng. Anong ginagawa ni Clan Master Haiyun?

Gayunpaman, totoo ang sinabi ni Clan Master Haiyun.

Ginamit ni Clan Master Haiyun ang kanyang talino imbis na lakas upang umabot sa kanyang kasalukuyang posisyon.

Noon, tinapakan ni Master Haiyun ang mga disipulo ni Lord Guanjun upang umangat at maging Elder.

Matapos iyon, ginamit niya ang pagkakataon na maging kabilang ng Iron Dragon Alliance upang patayin ang orihinal na Clan Master at makuha ang kanyang kasalukuyang posisyon.

Simula nang maging Clan Master ai Master Haiyun, araw-araw na lumalaki ng Broken Moon Clan at ngayon ay isa na sa limang nangunguna sa limang Thirteen Clans.

Maging ang taong kasing lakas ni Forst Elder ay natalo ni Master Haiyun.

Ang mga paraan ni Clan Master Haiyun ay nilalagpasan ang karamihan.

"Tama iyon. Natalo ang dalawa kong master sa iyo, ngunit lahat ay magbabago sa akin."

Hindi na nakipagtalo pa si Zhao Feng.

Ang pagkatalo ay pagkatalo at ang panalo ay panalo.

Kahit anong paraan pa ang gamitin niya, si Mster Haiyun ang nagtagumpay sa loob ng isang dosenang taon. Maging si Zhao Feng ay nahirapan sa kanyang unang pagdating sa Broken Moon Clan dahil sa impluwensiya ni Master Haiyun.

"Ilabas niyo na siya!"

Nanlamig ang kamay ni Clan Master Haiyun habang kinakaway niya ang kanyang kamay.

Shua!

Tatlong pigura ang biglang lumitaw mula sa malayong burol.

Sa kanyang kaliwa ay ang hindi katandaang lalaki na may suot na gintong roba at sa kanan ay ang maputing kabataaan.

Ang dalawang ito ay hawak ang matandang lalaki na may puting mahabang buhok.

"First Elder!"

Sigawan ang nangibabaw sa Broken Moon Clan.

Ang lahat ay nakatuon sa may puting mahabang buhok na matanda.

Ang matandang ito ay ang First Elder ng Broken Moon Clan.

Ang hindi katandaang lalaki na may suot na gintong roba at ang kabataang maputi ay sina Elder Jiang at Sun Yuanhao.

"Zhao Feng, pinatalsik mo ako noon sa Floating Creat Trial na naging dahilan upang mawalan ako ng pagkakataon. Ngayon, ipaparamdam ko sayo kung paano matakot."

Isang pamatay na tingin ang lumitaw sa puting mukha ni Sun Yuanho.

Mayroon siyang Changeable Body at isa siyang henyo na disipulo ni Elder Jiang.

Gayunpaman, napatalsik siya ni Zhao Feng sa Floating Crest Trial sa unang yugto pa lamang.

Kahit na siya ay talentado, napag-iwanan pa rin siya nila Zhao Geng, Bei Moi at mga kasamahan nito.

"Hehehe… Zhao Feng, alam kong ikaw ang klase ng tao na tumatanaw ng utang na loob, gaya ng mga dati mong mga Masters."

Puno ng kayabangan ang mukha ni Clan Master Haiyun.

Mahusay!

Nagliwanag ang mata ng tatlong Palace Lord.

Kung tatakutin nila ang Master ni Zhao Feng, kahit hindi nila mabaligtad talaga ang sitwasyon, maapektuhan pa rin ito.

"Zhao Feng, hindi ko kailangan ng buhay mo. Kailangan mo lamang hiwain ang isang braso o sirain ang isang True Lord Rank ghost corpse upang mailigtas ang iyong Master."

May poot sa mukha ni Clan Master Haiyun.

Hindi niya hiningi kay Zhao Feng na magpakamatay ito kapalit ng buhay ng First Elder, dahil hindi naman ito makatotohanan at hindi naman tanga si Zhao Feng. Kapag namatay siya, mamatay din ang First Elder.

Kung gayon, hiningi lamang ni Clan Master Haiyun na hiwain ang isang braso o sirain ang True Lord Rank ghost corpse.

Kahit na ito ay hindi nangangahulugan na mamamatay si Zhao Feng, malaki ang maibabawas sa kanyang battle power.

"Matalino!"

Hindi mapigilan ng tatlong Palace Lord na masayang tignan si Clan Master Haiyun.

Gayunpaman, magtatagumpay kaya ang pananakot ni Clan Master Haiyun?

Ang tsansa na magtagumpay siya ay bahagyang mataas sapagkat hindi niya hiniling ang buhay ni Zhao Feng.

Sa punting ito ay tahimik ang Broken Moon Clan habang hinihintay nila ang tugon ng lalaking may asul na buhok.

"Hehe, nakalilibang ito."

Hindi na nagulat si Zhao Feng, bahagya pa siyang natawa.

Tumalon ang puso ni Clan Master Haiyun. Lubha ba na walang emosyon si Zhao Feng na wala siyang pakialam sa kamatayan ni First Elder?

"Sa kasamaang palad, bahagyang mabagal ka. Ng sagot ko ay nakapag desisyon na ako sa sandaling tumapak ako sa Broken Moon Clan.

Mas umigting pa ang pang-aasar sa mukh ni Zhao Feng.

Nakapag desisyon na siya?

Nagulat ang mga puso nila Clan Master Haiyun, tatlong Palace Lord at mga tao sa Broken Moon Clan.

"Hindi ito maganda! Pigilan niyo ang kanyang eye bloodline!"

"Pumunta ang iba kay First Elder!"

Tila may naalala ang tatlong Palace Lord at nataranta sila.

Plop Plop!

Sa burol, parehong sumuka ng dugo sina Elder Jiang at Sun Yuanho at bumagsak sa lupa.

Ang tanging ginawa lamang ni Zhao Feng ay tignan sila gamit ang kaliwang mata nito.

Sou Sou Sou~~~

Matapos matanggap ang mga utos, pumunta ang sampung Core Elders kay First Elder.

Hanggang hawak nila ang First Elder ay mapahihirapan pa rin nila si Zhao Feng kahit kaunti.

Kasabay nito, ang tatlong Palace Lord ay sumigaw at tumungo kay Zhao Feng upang mapigilan ito.

"Eye of Illusion - Illusion City Maze!"

Nagsimulang umikot ang kaliwang mata ni Zhao Feng at bumuo ng misteryosong ipo-ipo na nakaagaw ng pansin ng lahat.

Shua!

Napagalaw ang kamalayan ng lahat. Nawala ang Central Hall at napalitan ng antigong siyudad.

Sa sandaling ito, ang lahat sa Central Hall ay tila mga walang ulong manok na naghahanap ng daan palabas.

Illusion Maze City. Ayon sa Eye Illusion, maari itong bumuo ng malawak na mental energy technique na makakabuo ng Illusion City Maze.

Ginamit ni Zhao Feng ang skill na ito sa Purple Saint Ruins.

Noong panahong iyon, mayroon siyang Wind Spirit Soul Essence t bumuo siya ng "sample" ng Illusion City Maze.

Ngayon, kaya nang kopyahin at gayahin ni Zhao Feng ang illusion technique at hindi n kailangan na mag-isip upang mabuo ito.

Ang bilang ng enerhiyang kailangan upang magawa ang Illusion City Maze ay bumaba sa kalahati at madali na lamang magamit kahit walang tulong ng Wood Spirit Soul Essence.

"Anong nangyayari?"

"Bakit pabalik-balik ang lakad ng mga tao sa Central Hall?"

Ang mga miyembro ng Broken Moon Clan sa gilid ay hindi ito maintindihan.

Ang Illusion City Maze ay binalot ang buong Central Hall. Tanging ang tatlong Palace Lords lamang ang naghihirap, habang ang iba ay mayroong nahihilong ekspresyon.

Sa ilang sandali.

Shua!

Ang unang nakawala ay si Palace Lord You Long. Matapos ang lahat, ang kanyang cultivation ang pinaka mataas at umabot na siya sa huling yugto ng True Lord Rank.

Ang ikalawa ay si Palace Lord Bi Ji. Kahit na hindi malakas ang kanyang battle power, mahusay siya sa mental energy skills.

Huli si True Lord Tiexiao.

"Saan nagpunta si Zhao Feng?"

Nagulat ng tatlong Palace Lord.

Naglaho si Zhao Feng.

"Haha, nandito ako."

Nakatayo ang lalaking may asul na buhok sa tabi ng First Elder.

Nagtinginan ang dalawa at ngumiti.

Katawa-tawa!

Nag-aalab ang puso ng tatlong Palace Lord.

Ginamit lamang niya ang Illusion City Maze upang tumakbo.

"Hmmm? Hindi gumagalaw ang dalawang True Lord Rank ghost corpses."

Kumislap ang mata ni Palace Lord Bi Ji.

Ang dalawang True Lord Rank ghost corpses ay malapit sa kanya at ang kanyang lakas ay malaki ang itataas kung kokontrolin niya ang dalawang True Lord Rank ghost corpses.

"Papatayin muna kita."

Ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay naging Eye of Ice na tila gumawa ng kailaliman.

Lamig ang bumalot sa katawan ni Palace Lord Bi Ji.

Hindi ito maganda!

Nanigas ang isipan ni Palace Lord Bi Ji at bumagal ang kanyang kilos.

Bam Bam Shh!

Ang dalawang dark-silver True Lord Rank ghost corpses ay hiniwa ang balat ni Palace Lord Bi Ji.

Ang katakot-takot na kapangyarihan na maaring pumatay sa mga nasa Origin Core Realm sa pamamagitan ng paglalabas ng dugo ay dinala si Palace Lord Bi Ji sa lugar kung saan ay hindi na siya makakabalik.

Plop!

Bago pa man makapagsalita ang dalawang Palace Lord, si Palace Lord Bi Ji ay nagkapira-piraso na sa gitna ng kanyang dugo.

Patay na siya.

Sou Sou!

Kasunod nito, ang dalawang True Lord Rank ghost corpses ay tumungo kay Palace Lord You Long.

Nakikipaglaban si Zhao Feng sa ilang tao sa harapan at nais niyang matoos na agad ang labanang ito.

Eye of Illusion!

Nagsimulang dumaloy ang eye bloodline ni Zhao Feng.

"Plop!"

Sa kabilang banda, nagsimulang pagpawisan nang malamig si Palace Lord Tiexiao kasabay ng kanyang pagbagsak sa lupa.

Bab berikutnya