webnovel

Palace Lord You Long

Editor: LiberReverieGroup

Sa Central Hall, isang beses lamang pinag-iisipan ang buhay at kamatayan.

Mabilis mangyari ang lahat - sobrang bilis na hindi na magawang makapag reaksyon ng buong Broken Moon Clan.

Matapos ang ilang segundo, namatay na si Palace Lord Bi Ji.

Nawalan ng battle power si True Lord Tiexiao ay bumagsak sa lupa, hindi siya makapaniwala.

Tanging ilang mga tao lamang sa walong True Spirit Realms at si Lin Tong ang nakakita ng buong proseso.

Lahat ay nakanganga. Malaki ang kanilang gult na tila nawalan ng kaluluwa ang mga eksperto.

Naramdaman ng Iron Dragon Clan na nanlamig ang kanilang puso.

Sa isang kisapmata, isa sa tatlong Palace Lord ang namatay, habang natalo naman ang isa.

Katakot-takot ang pagkamatay ni Palace Lord Bi Ji. Wala man lamang siyang pagkakataon na lumaban.

Mas katakot-takot ang pagkatalo ni True Lord Tiexiao. Dalawang taon ang nakalilipas, natalo ni 15 ang Thirteen Clans at napilit ang nga Elders na pumirma ng kontrata sa kanya.

Masasabing nakatatak na sa puso ng Thirteen Clans ang kanyang lakas.

Gayunpaman, sa harap ng mabilis na lightning attacks ni Zhao Feng, walang nagawa si 15.

"Natalo ako… paano iyon nangyari?"

Hindu makapaniwala si 15 sa nangyayari. Pakiramdam niya pa nga ay nanaginip lamang siya.

Paano natalo nang ganoon kadali ang katulad niya?

Hindi lamang siya. Ang ibang nandoon, gaya ni Clan Master Haiiyun, Regulations Elder, at Lin Tong ay nararamdaman na tila nananaginip sila.

"Hindi ito totoo!"

Kumunot ang mukha ni Clan Master Haiyun kasabay nang pag baon niya ng kanyang kuko sa balat, pinipilit ang sarili na bumalik sa "realidad."

Sa taas ng burol.

"Totoo… ba ito?"

Hindi makapaniwala si First Elder. Gamit ang nanginginig na mga daliri, tinungo niya ang disipulo ngunit hindi siya naglakas-loob na hawakan ito, natatakot na mawala lahat ito.

Mainit ang ngiti ni Zho Fwng habang nakatayo sa tabi ng First Elder at kino-kontrol ang sitwasyon.

"Ang labanan sa pagitan ng mga True Lord Ranks ay sisira sa buong Broken Moon Clan. Ito ang pinaka simpleng solusyon."

Tumango si Zhao Feng habang ang kanyang kamay ay nasa kanyang likod.

Hindi na siya sumali at umatras na noong nabuo ang Illusion City Maze.

Gmit ang kanyang God's Spiritual Eyes, mabilis na natapos ni Zhao Feng ang dalawang Palace Lord.

Sa sandaling ito, ang dalawang dark-silver ghost corpses ay tumungo sa huling Palace Lord - You Long. Makikita na ang tagumpay.

Nanlamig ang buto ni Palace Lord You Long. Ang kamatayan at pinsala ng dalawang Palace Lords ang nagpatigil sa kanya.

Hindi niya naisip na ang lason ng dalawang dark-silver ghost corpses ay nakamamatay na maging ang True Lord Tank ay hindi ito kinaya.

Ito ang dahilan kung bakit ganoon na lamang kadali na napatay si Palace Lord Bi Ji.

Ky True Lord Tiexiao naman, ang kanyang early-stage True Lord Rank mental energy ay hindi sapat upang matalo ang eye bloodline ni Zhao Feng.

Ang mental energy level ni Zhao Feng ay mas malakas pa sa normal na late-stage True Lord Ranks at ang kanyang kaluluwa ay natalo na ang peak True Lord Ranks.

"Sumuko ka na agad at dalhin si True Lord Tiexiao."

Huminga nang malalim si Palace Lord You Long kasabay nang paggalaw ng itim na kaliskis sa kanyang katawan.

Ding Ding Peng~~~~~

Ang mga atake mula sa dalawang dark-silver ghost corpses ay tumungo kay Palace Lord You Long. Gayunpaman, hindi pa rin nila nagawang sirain ang depensa nito.

Ang kuko ng dalawang bangkay ay pinalakas ni Zhao Feng at ito ay lubhang matulis.

Isa pa, matapos umalis sa Purple Saint Ruins, ang dalawang dark-silver ghost corpses ay lumakas pa lalo sa pananatili sa Ten Thousand Ghost Pearl.

"Palace Lord, parating na kami."

Ilang mga Core Elders ang nagmamadaling lumapit. Ang kanilang tunguhin ay kuhanin si True Lord Tuexiao habang pino-protektahan si Palace Lord You Long.

Sa himpapawid, bahagyang nag-aalangan si Lin Tong, hindi niya alam kung tutulungan niya ba si Zhao Feng o ang Iron Dragon Alliance.

Bahagyang nagyanig ang kanyang puso noong tinignan niya si Zhao Feng.

Mayroong ngiti si Zhao Feng sa kanyang mukha. Kahit wala siyang gawin, pinapanood niya pa rin ng lahat.

Hindi niya nakalimutan si Lin Tong.

"Scarlet Demon Moon Eye!"

Pinag-igting ni Lin Tong ang kanyang ngipin kasabay ng pagpapadaloy niya sa kanyang eye bloodline upang pigilan ang ilang Core Elders.

Kahit na lubhang makapangyarihan ang Iron Dragon Alliance at Scarlet Moon Demonic Religion, si Zhao Feng ang nasa harap niya at maari siyang patayin sa isang iglap.

Miao miao!

Isang silver-grey na pusa ang lumitaw sa Central Hall.

Shu~~~

Isang maliksing silver-stripped n dugo ang bumalot sa katawan ng pagod na si True Lord Tiexiao.

"Bakit hindi ako pinapatay ni Zhao Feng?"

Kahit na nahuli na si True Lord Tiexiao, hindi siya nataranta.

Sa usapin ng lakas, malapit ang kanya sa Palace Lord Bi Ji.

Kung si Zhao Feng, ang munting magnanakaw na kuting, ang dalawang dark-silver ghost corpses o si Lin Tong ay gusto siyang patayin, wala siyang magagawa. Gayunpaman, halatang walang balak si Zhao Feng na pain siya.

Sa sandaling ito, ang kontrol ay na kay Zhao Feng.

Si Palace Lord You Long ay hinahabol ng atake ng dalawang dark-silver ghost corpses, at ang eye bloodline ni Zhao Feng ay naglalagay ng presyur sa kanya.

Hinuli ng munting magnanakaw na kuting si True Lord Tiexiao habang si Lin Tong naman ang nakaatas na pumatay sa mga Core Elders.

Ang pwersa mula sa tatlong Palace Lord at sampung Core Elders at gumuho.

Ang buong Broken Moon Clan ay nakita ang pagbabagong ito at tila mga manok na hindi makapagsalita.

"Ano…? Tatlo sa apat na pinakamalakas na tao sa Iron Dragon Alliance ay hindi siya matalo?"

Gulat ang pumuno sa mata ni Clan Master Haiyun.

Ang marahas na pagbabaligtd ng sitwasyon y hindi niya lubusang maisip.

"Katulad ng inaasahan, lahat ng ito ay patibong lamang ni Zhao Feng. Ang kanyang totoong hangarin ay patayin ang upper echelons ng Iron Dragon Alliance."

Nalampasan ni Bei Moi ang matinding alon ng yibok sa kanyang puso habang inaanalisa ang sitwasyon.

Mula simula, parehong mga pandagdag na karakter lamang siya at si Clan Master Haiyun.

Lahat ay nawalan na ng kahulugan ngayon.

Mayroong isang Core Elder na sinubukang iligtas si True Lord Tiexiao sa Central Hall.

Pheww!

Isang transparent na ilaw ang lumitaw sa isa sa top-three-ranking na Core Elders na bumagsak sa lupa na mayrooon pang hiwa sa lalamunan.

Miao miao!

Ang munting magnanakaw na kuting ay bumalik sa balikat ni True Lord Tiexiao at tinago ang dark transparent dagger.

Sa isang "pah," ang munting magnanakaw na kuting ay hinilo sa sampal ang True Lord Tiexiao.

Sa sampung Core Elders, apat o lima sa kanila ang pinatay ni Lin Tong at ng munting magnanakaw na kuting.

Ang natitirang Core Elders ay sinubukang tumakas kasama si Palace Lord You Long.

"Masyadong malakas ang Palace Lord You Long. Mas malakas pa ito sa Blood Corpse Protector. Malapit na siya sa lebel ni Ye Yanyu."

Sinuri ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang lugar ng labanan.

Mukhang hindi kayang sirain ng dalawang dark-silver ghost corpses ang depensa ni Palace Lord You Long.

Umabot na sa late -stage True Lord Rank ang cultivation ni Palace Lord You Long at malaki ang itinaas ng kanyang bloodline, lakas at depensa.

Kung ito ay tapatang labanan, mahihirapan si Zhao Feng t ang dalawang dark-silver ghost corpses na talunin si Palace Lord You Long.

Napansin din ni Zhao Feng na nag-iimbak ng kaunting lakas si Palace Lord You Long para sa sandaling atakihin siya ng eye bloodline.

"Mukhang mahihirapan kang patayin ang Palace Lord You Long."

Hindi lumapit si Zhao Feng sa kanya sapagkat wala siyang kalamangan pagdating sa close combat, lalo na at hi di pa siya umaabot sa True Lord Rank.

Sa kabilang banda, ang dalawang dark-silver ghost corpses ay may malakas na katawan at walang kapantay pagdating sa depensa.

Gayunpaman, may dalawa pang rason.

Una ay mayroong panloob na problema sa Broken Moon Clan ay hindi pa naaayos. Ikalawa ay ang paglalaban ng mga True Lord Rank ay ang ikasisira ng Broken Moon Clan.

"Wind Lightning Fire Eye!"

Biglang naging asul ang mata ni Zhao Feng.

Whoosh!

Isang half-transparent na apoy kasama ng hangin at kidlat ang lumitaw sa katawan ng Palace Lord You Long ay sumabog sa pisikal at mental na dimensyon.

Nagulat si Palace Lord You Long kasabay ng kanyang pag-ungol dahil sa pagsunog sa kanyang kaluluwa ng apoy, hangin at kidlat.

"Dark Demon Dragon Scale Body!"

Sumigaw si Palace Lord You Long at ang kanyang boses ay tila mula sa impyerno.

Sa sandaling iyon, isang itim na kaliskis ang sumanib sa kanyang makaliskis na armas na naging dahilan upang dumaloy ang kanyang aura gaya ng parating na demonic dragon.

Boom!

Iwinagayway ni Palace Lord You Long ang kanyang kamay at pinalipad ang dalawang dark-silver ghost corpses. Mahirap isipin kung gaano na siya kalakas ngayon.

Nanliit ang mata ni Zhao Feng. Simula noong pinadaloy ni Palace Lord You Long ang kanyang bloodline, lahat ng aspeto sa kanya maliban sa opensa ay maikukumpara kay Ye Yanyu.

Higit pa roon, kumislap ang dark-purple lightning sa itim na sungay ni Palace Lord You Long, na mayroong malakas na pampigil sa lightning element. Wind Lightning Fire Eye. Mayroon pa utong kakayahan na higupin ito.

"Makapangyarihang bloodline. Karapat-dapat nga si You Long na maging pinuno sa Apat na Palace Lords."

Naging taimtim ang ekspresyon ni Zhao Feng. Kahit magsanib pwersa pa ang Blood Corpse Protector, Bi Ji at Tiexiao, hindi sila ganoon kalaking kalaban para kay Palace Lord You Long.

Ang pinakamalakas na atake ni Zhao Feng, ang Wind Lightning Fire Eye ay walang epekto kay Palace Lord You Long.

"Matapos ang lahat, hindi pa ako umaabot sa True Lord Rank at may kaunting kaalaman pa lamang sa Wind Lightning Stone Tablet. Ang Wind Lightning Fire sa aking katawan ay may potensyal na palakasin ako."

Ito ang pinaka mahirap niyang nakalaban matapos bumalik mula sa Cloud area.

Siyempre, may pagkakataon pa rin si Zhao Feng na patayin si Palace Lord You Long kung magpapatuloy ang nangyayari. Dahil ang lakas ni Palace Lord You Long ay nagmula sa kanyang bloodline, hindi ito magtatagal.

Higit pa rito, mayroong dalawang dark-silver ghost corpses si Zhao Feng nq hindi napapagod at kayang magtagal.

Gayunpaman, mayroon pa ring problema sa Broken Moon Clan, na nangangahulugan na kailangan magpatuloy ni Zhao Feng kahit na ano pa ang mangyari.

"Gamit ang aking bloodline power mayroo kong 80-dalawang dark-silver ghost corpses% na makatakas. May pagkakataon din akong saktan si Zhao Feng.

Malamig ang mata ni Iron Dragon Alliance.

Halatang alam niya na sa harapang labanan, maaaring hindi siya maharang ni Zhao Feng.

Sa sandaling ito, nakipag palitan siya nang tingin kay Palace Lord You Long.

Isang mapang-asar na ngiti ang lumitaw sa mukha ni Zhao Feng.

Eye of Ice Soul.

Ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay naging kulay asul na nagdala nang makanginig buto na lamig sa kaluluwa ng Palace Lord You Long.

Ang pag-iisip at pagkilos ng Palace Lord You Long ay biglang bumagal.

Shu Shu Bam Bam Bam~~~

Mas naging mabangis ang atakeng dalawang dark-silver ghost corpses.

Gayunpaman, ang Palace Lord You Long na mayroong makapangyarihang bloodline. Kung ito ay ibang True Lord Rank , mahihirapan silang pigilan ito.

"Ang put*ang eye bloodline na ito ay kayang magpapalit-palit ng ilang beses sa labanan."

Ang pag-iisip ni Palace Lord You Long na mapatay si Zhao Feng ay naglaho.

Sa sandaling ito, naging asul ang mata ni azure, isang sinag na asul na liwanag ang bumuo ng "blade" sa kanyang mata.

Bab berikutnya