Ang laban sa pagitan nina Bei Moi at Zhao Yufei ay isang napakagandang pagpapakitang gilas at pinataas nito ang sigla ng kapaligiran. Ang Three Clan Party ay dapat nasa huling mga yugto na nito at kadalasan sa oras na ito ay maglalaban-laban na ang mga Head disciples.
Subalit, marahang tumayo si Ao Yuetian at sinabing: "Mas masaya ang Three Clan Party ng henerasyon ngayon. Kung walang tatanggi, dito na nagtatapos ang paglalaban."
Ano!?
Ang mga miyembero ng tatlong Clans ay lahat natulala.
Bakit tinatatapos na ni Ao Yuetian ang paglalaban?
Kung siya ang namamahala, hindi ba siya lalabas upang lumaban?
Mayroong mga bahagyang pangit na ekspresyon ang mga Head disciples ng Broken Moon Clan at ng Lin Moon Clan.
"Gaano ba katindi ang pagkamuhi mo Ao Yuetian at ayaw mo kaming kalabanin?" Nagsalubong ang mga kilay ni Yang Gan.
"Ao Yuetian... Ano naman kung isa ka sa mga Four Stars? Hindi mo maaaring ipahiya ang Lin Moon Clan."
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com