Sa pagkarinig sa sinabi ni Zhao Feng, naintindihan na agad ng mga manonood kung bakit hinamon ni Zhao Yufei si Zhao Feng.
Mahirap isipin kung gaano kalakas si Zhao Feng noon upang makapag-iwan ng isang malalim na impressyon sa puso ni Zhao Yufei. Siguro ay hindi maiinditindihan ng iba ang landas ni Zhao Feng, ngunit na nasaksihan ni Zhao Yufei ang mga milagro ni Zhao Feng.
Nakita niya kung paano siya malampasan ni Zhao Feng at kahit anong gawin niya, hindi siya makahabol sakaniya.
Sa iisang henerasyon, kung kailan nagsagupaan ang mga henyo, ay nagawa ang mga alamat. Ngunit kung ang isang henyo ay masiyadong malakas, nakakapanlumo ito para sa iba.
Sa Sun Feather City at sa Guanjun Palace, si Zhao Feng ay parang ganito. Isang halimaw na nakalampas sa sunod-sunod na mga henyo ng henerasyon ngayon.
Sila Zhao Linlong, Zhao Yufei, Feng Hanyue, Nan Gongfan, Yang Qingshan at kahit si Bei Moi pa... bawat isa sa kanila ay isang prodigy noon.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com