Sa pagkakita na parehas sina Meng Yun at Li Hong na ayaw umalis.
"Paano kung sabay kayong umatake sa akin? Para mas kaunti ang abala." Pasimpleng sinabi ni Zhao Feng.
"Huwag kang masiyadong mayabang!"
"Bata, alam mo ba kung gaano kataas ang kalangitan?"
Nagalit sina Li Hong at Meng Yun nang marinig nila ito.
Ang mga salita ni Zhao Feng ay ikinagulat ng mga manonood. Nakakita na sila ng mga mayayabang na tao, ngunit hindi ganito kayabang.
Isang hampaslupang cultivator na nasa 4th Sky ay humamon sa dalawang disciples na nasa 5th Sky.
Siyempre.
Kahit gaano pa kakapal ang mga pagmumukha nila, hindi pupwedeng sabay na umatake sina Meng Yun at si Li Hong, kahit na gustuhin pa ito ni Zhao Feng.
Naisip nila na walang pagkakataong manalo si Zhao Feng, kaya't nasabi niya ito.
"Aye, nagiging mabait lang ako."
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com