Ito ang unang beses na may ganitong sitwasyon na lumitaw sa dimensyon sa loob ng kaliwang mata ni Zhao Feng. Ang 9 foot 9 na liwanang ng ilaw ay hindi na mas lumawag pa. Sa halip, ito ay nagsanib at nabuo.
"Sii!"
Dumaing si Zhao Feng dahil sa sakit at mahigpit ang hawak niya sa kaniyang kaliwang mata nang nahulog siya sa sahig nang may tunog na 'plop.'
Ang kirot mula sa kaniyang kaliwang mata ay dumiretso sa kaniyang kaluluwa.
Makalipas lamang ang ilang oras, nababalutan na si Zhao Feng ng malamig na pawis.
Pagtapos lamang ng kalahating oras nagsimulang mawala ang sakit.
Sinanib ni Zhao Feng ang kaniyang kamalayan sa dimensyon sa loob ng kaniyang kaliwang mata at natagpuan niya ang isang bungkos ng purong asul na liwanag. Ang asul ay hindi na matamlay ngayon, at ito ay nakakatawag-pansin.
Ang asul na bungkol ng liwanag ay nagpatuloy sa pagpihit at tila ba ito ay may pinapalakas na bagay.
Binuksan ni Zhao Feng ang kaniyang kamay at nakakita ng dugo roon. Sa paglabas niya ng salamin, nakita niya na ang kalaliman ng kaniyang kaliwang mata ay naging berde.
"Huwag kang maging masiyadong kakaiba…" Dalangin ni Zhao Feng.
Ang pagbabago sa kaliwang mata niya ay hindi niya maaaring kontrolin, ang kaya lamang niyang gawin ay padaluyin ang kaniyang Silver Air True Force.
Ang True Force ay isang kapangyihan na labis na mas lakas kaysa sa Inner Strength, ang pinakamaliit na buga ng True Force ay madaling makakawasak sa Inner Strength ng kahit sinong cultivator ng Consolidated Realm.
Habang dahan-dahang pinapadaloy ni Zhao Feng ang kaniyang True Force, binigyang pansin din din niya ang Returning Breath Inner Strength na nasa kaniyang dantian.
Ang Returning Breath Inner Strength ay nakaabot na rin sa hangganan at kalahati nito ay kabilang sa Inner Strength samantalang ang isang kalahati ay sa True Force.
Ang Inner Strength ay mas ituturing na aura, kung saan ang True Force ay maaaring makita. Sa pagkakataong ito, ang Returning Breath Inner Strength sa dantian ni Zhao Feng ay nagsimula ng maging True Force.
Alam niya na pagtapos makaabot ng katawan ng isang tao sa Ascended Realm, ang attributes ng isang cultivator ay tataas at ang kanilang Inner Strength ay magbabago bilang isang True Force.
Upang mapabilis ang pagbabago nito, nagsanib si Zhao Feng nag kaunting Silver Air True Force sa kaniyang Inner Strength. Kung ang isang normal na Inner Strength ay matapat sa sitwasyon na ganito, ito ay masisira. Ngunit ang Returning Breath Inner Strength ay mabisang sumasanib sa kahit saang bagay at ang bilang ng True Force ay nakalagpas na sa bilang ng Inner Strength.
Sa loob ng dantian ni Zhao Feng, ang kaniyang Returning Breath Inner Strength ay mas napipino pa sa mas mataas na level at ito ay nagiging mas maayos pa sa bilang nito.
Sa pagkonsumo ng ilang buong araw, ang Inner Strength na mayroon siya ay nabawasan ng kalahati sa bilang ngunit ang Inner Strength ngayon ay naging True Force na.
Ibig sabihin nito na mayroong dalawang klase ng True Force sa katawan ni Zhao Feng.
Ang isa ay nagmula sa kaniyang body strengthening technique - Silver Air True Force, at ang iba ay nanggaling mula sa kaniyang Returning Breath Technique - Returning Breath True Force.
Naabot na ni Zhao Feng ang Ascended Realm sa parehas na katawan at Inner strength. Sa ganitong sitwasyon, ibig sabihin lang nito ay mayroon siyang dalawang beses ng bilang ng True Force kumpara sa iba na kakapasok lamang ng Ascended Realm.
"Mukhang kakailanganin ko ng bagong Force skill ngayon." Naisip ni Zhao Feng.
Suwerte na siya na ang Returning Breath Technique ay kayang makaabot sa Ascended Realm dahil isa lang itong half Mortal Skill, samantalang ang Silver Wall Technique ay mortal body strengthening technique na maaaring maensayo sa 11th level.
Tinantiya ni Zhao Feng na hindi siya maaaring makaabot sa 11th level sa mas maagang panahon. Ang 9 Twist Golden Wall Technique ay hindi pa rin nakikita-kita.
....
Sa pangalawang umaga, nilabas ni Zhao Feng ang kaniyang salamin at siya ay nagulat sa kaniyang nakita.
Ang kaniyang kaliwang mata ay tuluyan ng naging asun tila ba isang demonyo.
Hindi lang iyon, ang kaniyang itim na buhok ay naging kulay asul na rin.
"Ito… Hindi naman siguro ako magiging halimaw diba?" Nanlamig si Zhao Feng sa kaniyang naisip.
Kaya niyang tanggapin na ang kaniyang buhok ay naging asul dahil sa mundo ng mga tao, may mga iba't iba silang mga kulay dahil maaari nila itong kulayan.
Ngunit ang inaalala niya ay ang kaniyang asul na mata.
Pinanalangin ni Zhao Feng na ito ay bumalik sa orihinal nitong kulay, ngunit kahit ano pa ang kaniyang gawin, hindi ito bumabalik.
Kaya naman, naglabas si Zhao Feng ng isang itim na laso at nilagay ito sa kaniyang kaliwang mata.
"Ayan mas maayos…"
Nakita ni Zhao Feng ang kaniyang rekpleksyon sa salamin at tila ba nagmukha siyang mapanganib sa isang mata ngunit ang bungkos ng kaniyang asul na buhok ay nagmukhang astig.
Kung hindi niya tatanggalin ang itim na laso, ang kaniyang pagmumukha ay maaaring maging katanggap-tanggap.
Peng! Peng… !
Naramdaman ni Zhao Feng na ang kalaliman ng kaniyang kaliwang mata ay lumukso at ang asul na bolang liwanag sa loob ng dimensyon ay tila ba nagpapalakas ng isang bagay.
Sinabi ng pakiramdam ni Zhao Feng na ang kaniyang kaliwang mata ay magdaraan pa rin sa mga pagbabago at walang nakakaalam kung mapapatay ba siya sa Clan dahil sa pagiging isang halimaw o hindi.
"Hindi! Hindi ako maaaring manatili dito at maghintay sa kamatayan ko. Mas mabuti kung makakita ako ng isang mapayapa at tahimik na lugar na tutuluyan."
Napagdesisyunan ni Zhao Feng na umalis sa kaniyang bakuran.
Mabilis siyang naglakad at hindi nag-abalang kausapin ang kahit sino.
"Grabeng kasindak-sindak na aura! Nakarating na ba si Zhao Feng sa Ascended Realm?"
"Ang kaniyang buhok ay naging asul at mayroon siyang takip sa mata! Kailangan niya bang maging ganito kapanganib!?"
Ang mga kalapit na outer disciples ay nararamdaman ang aura na nagmumula sa kaniya. Sa katotohanan, sa sandaling nakatungtong si Zhao Feng sa Ascended Realm, ang mga kalapit na substitute inner disciples ay naramdaman na ito.
"Ang makarating sa Ascended Realm gamit lamang ang kaniyang katawan… Nagawa niya ito!!"
Nagpunta rin si Hou Yuan at ang kaniyang puso ay nanginig nang makita niya si Zhao Feng.
Sa kalagayan ni Zhao Feng ngayon madali lamang niyang maitataboy ang mga cultivatiors na nasa 1st Sky ng Ascended Realm gamit lamang ang kaniyang katawan.
Teng! Teng… !
Ang anyo ni Zhao Feng ay lumundag sa hangin at naglaho patungo sa isang kuwebang walang sinuman ang nakatira.
Matapos ang ilang sandali, natagpuan niya ang isang kuweba at upang pigilan ang mga taong sumusunod sa kaniya, tinanggal niya ang laso at pinagmasdan ang lugar gamit ang kaniyang kaliwang mata upang makita kung mayroong naroroon.
Hu~
Huminga si Zhao Feng at humiga siya sa sahig habang naghihintay sa pagbabago ng kaniyang kaliwang mata.
Makalipas ang kalahating oras.
Peng! Peng! Peng… !
Ang pagtibok mula sa kaniyang kaliwang mata ay mas lalong bumilis nang bumilis.
Ang bola ng asul na liwanag sa loob ng dimensyon ng kaniyang kaliwang mata ay biglang naging ipo-ipo at nagsimulang umikit mula loob palabas.
"Ahhhhhh…"
Dugo ang umagos sa kaliwang mata ni Zhao Feng habang sumisigaw siya sa sakit at namilipit sa sahig.
Suwerte siya na walang naroroon o kung hindi ang buong Clan ay maririnig siya.
Naramdaman ni Zhao Feng na tila ba ang kaniyang kaliwang mata ay isang walang hangganang butas na sumisipsip sa kaniyang dugo. Kung ang prosesong ito ay magtatagal ng 30 paghinga, siya ay mamamatay ngunit dahil suwerte siya, ang proseso ay nagtagal lamang ng 10 paghinga.
Sa wakas.
Ang pagbabago sa kaniyang kaliwang mata ay nanatili at sa malalim na itim na dimensyon, isang asul na liwanag ang lumitaw at nagsimulang umikot ng marahan.
Habang lumalapit ang isang tao sa middle, mas lumalakas ang pakiramdam ng pagiging isang ancient.
Sunod, isang linya ng halos hindi makitang matamlay na berdeng likido ang umagos palabas ng kaniyang kaliwang mata at sumanib sa katawan, laman-loob at mga bisig at binti ni Zhao Feng.
"Ito… Dugo ba ito!?"
Naramdaman ni Zhao Feng na ang dugo niya ay nagsisimulang kumulo na para bang siya ay may minamanang isang bagay.
Isa itong hindi maipaliwanag na pakiramdam, ngunit natitiyak ni Zhao Feng na ang pagbabagong nakuha niya mula rito ay mas malakas pa kaysa sa pagtungtong sa Ascended Realm.
Pagtapos tumagal ng ilang paghinga, ang kaniyang kaliwang mata ay biglang tumigil sa pagbibigay ng kahit ano.
Huminga si Zhao Feng at ang pagtibok at paglukso sa kaniyang kaliwang mata ay nagsimulang bumagal.
"Tapos na ba?"
Bumulong si Zhao Feng, ngunit sinasabi sa kaniya ng kaniyang pakiramdam na hindi lang ito basta-basta. Sinubukan niyang buksan ang kaniyang kaliwang mata ayon sa kaniyang nararamdaman ngunit napansin niya na ang kaniyang talukap ay naging mabigat at sa pagkonsumo niya sa lahat ng kaniyang enerhiya, ang kaliwang talukap ay tataas lamang ng kaunti.
Ito ay isang kakaibang pakiramdam tila ba hindi niya pagmamay-ari ang kaniyang mata.
Paano naging posible ito!?
Nagsimulang mairita si Zhao Feng, hindi niya nais maging isang taong may iisang mata at tuluyang mawala ang kaniyang misteryosong kaliwang mata.
Bukas!
Bukassssss!
Ginamit ni Zhao Feng ang lahat ng kaniyang enerhiya at ang tanging nagawa lamang ng talukap ay kumibot ng kaunti.
Sa wakas, tuluyan niya nang pinadaloy ang Silver Wall Technique at ginamit ang lahat ng natitirang enerhiya sa kaniyang katawan.
Weng!
Isang matamlay na berdeng linya ng dugo ang lumitaw sa kaniyang pulang dugo at naramdaman ni Zhao Feng ang pagtaas ng kaniyang attirbutes.
Ang kaniyang Silver Air True Force at Returning Breath True Force ay parehas ding tumaas.
Nagpakawala siya ng isang dominanteng aura na para bang nakalagpas na siya sa mga hangganan ng pagiging isang tao.
Sa pagkakataong ito, naghinala si Zhao Feng kung siya ba ay tao pa ba o hindi na.
"Bukas… Inuutusan kita upang bumukas!"
Sumigaw si Zhao Feng at sa ilalim ng pagtaas ng kaniyang kapangyarihan mula sa matamlay na berdeng dugo, ang kaniyng mata ay bumukas sa 1 paghinga.
Nang tuluyan nang magbukas ang asul na mata, naramdaman ni Zhao Feng ang pagyanig ng kalangitan.
"Ano ang nangyari?"
Hindi alam ni Zhao Feng kung siya ba ang nanginginig o ang kalangitan ang yumanig, ngunit nagpatuloy pa rin siya sa pagbubukas ng kaniyang mata. Natakot siya na kung hindi niya ito tuluyang mabubuksan sa ngayong pagkakataon, wala ng magiging isa pang pagkakataon.
Bawat pagbukas ng kaniyang mata, naramdaman niya ang lalo pang pagyanig ng kalangitan.
Tila ba ang pagyanig ay nagmumula sa kalawakan, ngunit nang makita ni Zhao Feng ang mga disciples sa Clan sa kalayuan, parang hindi man lamang nila ito napansin.
Siya lang ba ito?
Hindi alam ni Zhao Feng na habang binubuksan niya ang kaniyang mata, lahat ng cultivators ng Broken Moon Clan na naroon sa True Spirit Realm o sa mas mataas pa ay naramdaman ang pagyanig ng kanilang mga puso.
Sa loob ng berdeng gusali.
"Wah!"
Isang guwapo, nakaputing kapa na lalaki ang biglang nagdura ng maraming dugo at nagising mula sa kaniyang taimtim na meditasyon.
"Anong gulo ang nangyayari?"
Ang mukha ni Hai Yun Master ay kulay puti sa pamumutla at ang kaniyang puso ay hindi mapigilan ang pagyanig. Ito ay isang pakiramdam mula sa kailaliman ng kaniyang kaluluwa at dugo.
Sa iisang oras.
Bawat cultivator na nasa True Spirit Realm at mas mataas sa Azure Continent ay naramdaman ang pagyanig ng kanilang kaluluwa at dugo.
Kapag mas mataas ang cultivation, mas malakas ang pakiramdam at ang mga taong nasa taimtim na meditasyon ay lahat nagdura ng maraming dugo.
Sa biglaang pagkakataon lamang tumigil ang pagyanig at ito ang pagkakataon na tuluyan nang napabukas ni Zhao Feng ang kaniyang kaliwang mata.
Huang~~~~~
Naramdaman ni Zhao Feng ang pagnginig ng kaniyang ulo at isang malinaw na liwanag ang tumirik sa mga kalaliman ng kaniyang asul na mata.
Ang linya ng malinaw na liwanag ay parang tumirik lagpas sa mga kabundukan at tagos sa Broken Moon Clan at naglaho patungo sa puting mga ulap sa itaas.
Hindi mailarawan ni Zhao Feng ang malinaw na liwanag, ito ay tila ba may kapangyarihan upang makita tagos sa kahit saan at sa lahat ng bagay sa mundo.