Ang linya ng malinaw na liwanag ay tila isang liwanag ng Diyos na biglaang tumirik tagos sa kalangitan!
Subalit, ang mga miyembro ng Broken Moon Clan ay hindi nakita o naramdaman ang liwanag. Ang mga tao lang na nasa True Spirit Realm o mas mataas pa ang nakaramdam ng pagyanig ng hangin ngunit parang isa lamang itong ilusyon.
Mayroon lamang limitadong bilang ng mga tao na nasa Azure Continent ang nakaramdam ng pagbabago sa alapaap.
Western Continent.
Isang malaking sinaunang palasyo.
Huang~
Ang isang sinaunang daang-yardang bato ang nagsimulang gumawa ng tunog sa kailaliman ng bulwagan. Ang bato ay parang nagmula sa sinaunang panahon dahil kahit sino na nasa True Spirit Realm ay hindi man lamang kayang gasgasan ito. Ngunit sa pagkakataong ito, nabibiyak ito.
"Hindi maganda! Ang Heavenly Primal Stone ay nawawarak!"
"Bakit ito mawawarak ng walang dahilan? Maaari kayang mayroong hindi masamang bagay na darating?"
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com